Chereads / Paris Cauldron: The Origin / Chapter 2 - CHAPTER 1

Chapter 2 - CHAPTER 1

"MANANG Haning, nakahanda na ba ang mga gamit ko?"

Aalis si Paris patungong Palawan matapos mag-desisyon na ngayon ang araw na muli niyang tatangkaing pumunta roon. Sana naman ngayon ay matuloy na.

"Oo, Señorito." Sagot ni Manang Honey.

Napangiti si Paris at hindi mapigilan ang saya sa dibdib. "Good. Sige na, manang Haning, remove your disgusting face on my sight."

Tumawa lang si manang Honey sa alaga nito. Sanay na siya sa ugali nito. Hindi pa yata niya ito nakakausap nang walang kalokohang sinasabe. "Masusunod, Señorito." Ani manang Honey.

Aalis na sana siya nang tawagin siyang muli nito.

"Siya nga pala, Manang Haning,"

"Señorito?" humarap siyang muli dito.

Kinuha nito ang pitaka sa may bulsa nito, saka kumuha ng sampong libo inilagay sa palad niya.

Nanlaki ang mga mata ni Manang Honey. "Señorito. . ."

"Accept that or I'll fire you. That's a gift from me."

Natuwa naman si manang Honey sa sinabe nito. Sa tagal niyang nasa mansion ng mga Cauldron, ay paniguradong hindi na siya nito paaalisin dito, maliban kung siya mismo ang aalis.

Maaaring may kagaspangan ang ugali ni Señorito Paris, ngunit iniisip ni Manang Honey na self defense lang ito ng binata dahil palagi itong malungkot nang dahil palaging wala ang ina nito.

Wala na ang ama nito, pumanaw na anim na taon na ang nakalipas. At ang pagiging magaspang ang ugali lang ang paraan nito upang hindi siya matawag na mahina ng iba. At itago na rin ang lungkot sa kalooban.

"Salamat, Señorito." Nakangiting sabe ni Manang Honey saka ibinulsa ang pera. Tumango lang ito.

Tumalikod si manang Honey at aalis na sanang muli, ngunit tinawag ulit siya nito.

"By the way, Manang Haning..."

"Señorito?" Humarap siyang muli.

Tumikhim ito saka sumeryoso. "You look aswang today."

Matapos nitong manlait ay tumalikod na ito sa kanya saka pumihit paalis.

Pigil na matawa ni manang Honey habang tinutungo ang kusina. Kahit kailan talaga! Hindi magiging si Señorito Paris Cauldron iyun kapag hindi ito nanlait.

"Manang Honey! Saan si Señorito Paris?" Tanong ni Limar, hardenero sa mansiyon, nang nasa kusina na Manang Honey.

"Nasa kwarto niya, bakit?" Kinuha ni Manang Honey ang pistil na nakalagay sa mesa saka kumuha ng baso, saka siya nagbuhos ng inumin. Aktong iinom na siya ng magsalita ang hardenero.

"Pinapasabe ni Ellias na parating si Señorita Laura—"

Naibuga ni Manang Honey ang tubig na ininom nito kaya dumiretso ito sa mukha ni Limar. Napangiwi si Limar at pinunasan ang mukha.

"Hala pasensya na—" Sinubukan niya itong tulungan sa paglilinis ng mukha ngunit hinawi lang siya nito.

"Okay lang ako." Saka ito ngumiti ng pilit sa kanya.

"Pasensya na, ha, nagulat lang talaga ako. Hindi ko kase alam na ngayon ang dating ni Señorita."

"Hindi na dapat kayo magulat," Sabe nito habang pinupunasan ang mukhang nabasa. "Palagi namang ganun si Señorita, susulpot bigla."

"Hindi ko pa ring maiwasang magulat, eh." Sumamo niya, inaalala kung paano kadalang ang pag-uwi ni Señorita Laura sa mansyon. "Oh siya dumiretso ka na sa kwarto ni Señorito at sabihin mong parating na si Señorita Laura. Magluluto pa ako."

"Oh sige," Umalis na si Limar at dumiretso na sa ikalawang palapag ng bahay kung saan ang kwarto ni Señorito Paris.

Nang makaalis na si Limar, doon lang inilabas ni Manang Honey ang kaba sa dibdib. Bumuntong hininga siya upang makahinga ng maluwag.

Paano kung nalaman nito na pupuntang Palawan si Señorito Paris at hindi niya iyun sinabe kay Señorita Laura?

Paniguradong magagalit si Señorita Laura nito.

Sinimulan na ni Manang Honey ang magluto ng pagkain saka iwinaksi ang iniisip kani-kanina lang. Bahala na mamaya.

***

"Señorito," Kumatok ng tatlong beses si Limar mula sa labas ng pintuan. "Señorito..." Ulit ni Limar ng hindi sumagot si Paris. "Señorito, pinapasabi ni Manang Honey na parating na si Señorita Laura."

Hindi na umaabot ng sampong segundo ng bumukas ang pinto at bumungad ang salubong na kilay na si Paris. "What did you say?"

Natameme si Limar. Karamihan dito sa mansyon ay takot sa prisensya ni Paris. Ngunit sa ibang dahilan siya takot dito. "Señorito, pinapasabe ni Manang Honey na darating na si Señorita Laura—"

Hindi pa natatapos nito ang sasabihin sa sarahan siya ni Paris ng pinto.

"GO AWAY!" Dinig niyang sabe nito sa loob ng kwarto.

Napipilan ang hardenero. Nang makabawi ay umiling iling siya saka umalis na. Total nasabe niya na ang dapat sabihin, aalis na siya sa harap ng pinto nito, baka mamura pa siya.

***

Nang wala nang marinig na ingay si Paris mula sa labas ng kanyang kwarto, napabuntong hininga siya saka nagpabagsak na nahiga sa malaki niyang kama.

'She's back.'

Sana lang hindi siya nito pigilang pumunta ng Palawan. Bakit kase ngayon pa ito umuwi kung saan siya pupunta d'on? Ang galing ng timing niya!

Bakit kase pinagbabawalan akong pumunta doon? Ano'ng meron doon na hindi ko alam?

Bakit sa ibang lugar o probinsiya ay pinapayagan siyang pumunta ng ina niya, ngunit sa Palawanay hindi?

Wala naman sigurong aswang doon? Dahil yung aswang nasa mansyon nila at nakakausap niya pa. Iyon ay si Manang Haning!

Mahina ang tawang pinakawalan ni Paris. Palagi niya kaseng tinatawag na aswang ang yaya niya, na kasambahay na rin nila. Mukha naman kase itong aswang, eh.

Dahil siguro sa pagod dahil naglaro sila ng Football ng mga barkada niya kanina ay hindi namalayan ni Paris na nakatulog na siya.

Nagising nalang siya nang may kumatok sa kanyang pintuan.

"Señorito, andiyan na si Señorita Laura! Pumunta na daw po kayo sa sala at maghahapunan na daw po!"

Napilitang bumangon si Paris at pinupunasan ang mga matang binuksan ang pintuan. Ang isa sa mga kasambahay nila ang tumambad sa harap niya. Napalunok pa ito nang nasa harap na nito si Paris.

"Sabihin mo susunod ako."

"P-pero, Señor—"

"Sasabihin mo o ihahampas kita sa pader ngayon?"

Natameme naman ang babaeng kasambahay na nasa dyese-otso palang ang edad. "S-sige po, Señorito."

"Sige na. Umalis kana sa harap ko. Ayukong masira lalo ang araw ko!"

Nanginginig na patakbong umalis ang kasambahay dahil sa takot. Dinig pa niya ang mga hikbi nito bago ito tuluyang makaalis.

'Ang arte.'

Bumalik sa loob ng kwarto saka kumukha ng tuwalya at tinungo at bathroom. Pakiramdam niya mabaho na siya.

Hindi pa kase siya nakakaligo matapos maglaro sa Warden Park kanina. Nang matapos maligo at magbihis ay dumiretso na siya sa sala. Naabutan niyang nakaupo doon ang ina niya at nakahanda na rin ang mga iba't ibang pagkain sa mesa.

Umupo na siya sa harap ng ina saka nagsimulang kumain. Nagsimula na ring kumain ito. Mahabang katahimikan ang naganap at tanging tunog lang ng kutsara at tinidor ang maririnig.

Ang mga kasambahay saka tagaluto ay nakatayo lang sa may gilid, hindi rin gumagawa ng ingay.

Nabasag lang ang katahimikan nang magsalita si ang mama niya.

"Is it true?" Tanong ng mama niya na hindi man lang tumingin kay Paris at nakatingin lang sa pagkain nito.

Tumigil sa pagsubo ng bacon si Paris saka ibinaba ang tinidor na hawak at kunot noong tumingin sa ina. "True, what?"

Tumingin na ito kay Paris. "Pupunta ka daw mamayang hapon sa Palawan, kasama ang barkada mo?" Walang buhay ngunit may diin na sabe ng ina niya.

Hindi na nagulat si Paris nang malamang alam na ng kanyang ina ang balak niya. Palagi naman.

"Yes," Walang atubiling sabe niya. "Isang araw lang naman kami doon—"

"Hindi pwede." Pigil na sabe nito sa iba pa niyang sasabihin.

"But, ma—"

"Ang sabe ko, hindi pwede!"

Inis na hinampas ni Paris ang mesa saka salubong ang kilay na tumingin sa ina. "Ganyan ba talaga kayo, Ma? Palagi niyo nalang ba akong kokontrolin? Ha?"

Hindi makapaniwalang napatingin si Laura sa anak na ngayon ay nakatayo na. Ito ang kauna-unahang nagtaas ng boses ang anak niya at sinagot siya. "Paris—"

"Ma, bakit? Bakit palagi niyo nalang akong kinokontrol?"

"Hindi kita kinokontrol, Paris,"

"Hindi kinokontrol? Eh, bawat galaw ko kailangan alam niyo, kailangan nirereport ni Manong Ellias sa inyo! Bawat lugar na pupuntahan ko dapat alam niyo rin!" Bulaslas ni Paris, hindi mapigilang tumaas ang boses dahil sa inis na kumukubli sa kalooban. "Buti nga hindi niyo ako pinapakialaman sa lovelife ko, dahil kung pati 'yon pinakialaman mo pa, e 'di lahat na ng bagay na ginagawa ko, kinontrol niyo na!"

"Paris, ginagawa ko lang 'yun para sa'yo!" Napatayo na rin si Laura at nagtaas ng boses.

Tumaas na ang tensyon sa pagitan ng mag-ina.

"Bullshit! Para sakin, o para sa inyo?" Iling-iling na tumingin si Paris sa labas. Saka siya muling tumingin sa ina. "Paano, Ma? Paanong para sa akin iyang pangongontrol mo, ha?"

"Paris," Naging mahinahon na ang boses ng kanyang ina. "Maniwala ka, ginagawa ko iyun para iyo. Iniisip ko lang ang kapakanan mo."

"Kapakanan ko? Iniisip niyo ang kapakanan ko?" Hindi makapaniwalang tumingin si Paris sa ina. Saka inis na sinipa ang paanan ng mesa at tumingin ulit sa labas habang nagtitiim ang bagang niya.

"Palagi kayong wala sa mansyon, palagi kayong wala sa Pilipinas, palagi kayong wala sa tabi ko!" Tumingin siyang muli sa kanyang ina at mapaklang tumawa. "Almost 6 years, ma! Wala kayo dito! Bumibisita lang kayo dalawang beses isang taon! Ni hindi ko nga alam kung patay na ba kayo o humihinga pa. Tapos bawat galaw ko kailangan alam niyo rin! Kung may hindi kayo magustuhan sa ginawa ko, sasabihan niyo si Manong Ellias na i-grounded ako! Tapos ngayon, sasabihin niyong iniisip niyo lang ang kapakanan ko?! BULLSHIT!"

Tumutulo na ang luha ni Paris dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman, ngunit mas nanaig ang inis sa kanyang kalooban. Sa huling pagkakataon ay sinipa niya ang paanan ng mesa saka dire-diretsong tumungo sa labas ng Mansion at sumakay sa kotse niya. Matapos maniubrahin ay pinaharurot niya iyon paalis.

***

NAIWAN si Laura na nakatunganga sa sala, nakatayo pa rin at nakatingin sa kawalan.

Hindi alam ni Laura na ganoon na pala kalaki ang galit ng kanyang anak sa kanya dahil sa ginagawa niya rito.

Ngunit wala rin siyang magawa. Kailangan niya iyong gawin sapagkat iyun lang ang alam niyang paraan upang hindi mapahamak ang anak niya.

'I'm sorry, Paris. Ngunit kung ang aking ginagawa ay hindi maganda sa paningin mo, wala akong pagsisisihan. Kung ang kapalit naman noon ay kaligtasan mo.'

***

Written by

Darkalus

2020, June 18