Chereads / Paris Cauldron: The Origin / Chapter 4 - CHAPTER 3

Chapter 4 - CHAPTER 3

"Naipark mo na?"

"Oo. Tulog na sila?"

"Hindi ko pa alam. Noong umalis ako, gising pa si Gesryl." Napakamot ng ulo si Lietro.

Napailing si Carris. "So, paano? Maghihintay pa tayo dito hanggang makatulog din si Gesryl?"

"No need. Hindi naman maririnig ni Gesryl. Ang layo ng third floor sa sixteenth floor." Sinimulan nang maglakad ni Lietro pabalik sa elevator, sumunod naman si Carris.

Nasa harap sila ng condo, sa mismong entrance. Doon kase naghintay si Lietro kay Carris nang nagpark ito ng kotse.

"Ly," Tawag ni Carris sa kasama. Nang lumingon ito ay itinapon niya ang susi nito na nasalo naman nito. "Yung susi ni Paris, andito pa sakin. Hindi ko pala naibigay kanina kay Gesryl."

Napa-tsk si Lietro. "Anong utak meron ka?" Kinuha nito ang susi ni Paris na hawak ni Carris. Ngayon ay nasa harap na sila ng elavator. "Ako na magbabalik nito, mauna ka na sa room 34." Sa third floor iyun.

"Okay!" Anito.

Nang magbukas ang elevator ay sabay din silang pumasok. Pinindot ni Carris ang button patungong third floor, sunod ay ang sixteenth floor. Nang magbukas ang elevator sa third floor ay tinapik ni Carris ang balikat ni Lietro sunod ay nauna nang lumabas. Si Lietro nalang mag-isa nang umakyat ang elevator patungong sixteenth floor.

Nang bumukas ang elevator sa sixteenth floor, kaagad na dumiretso si Lietro sa unit ni Gesryl. Sarado ang double door ng unit kaya kailangan pa niyang pumindot ng passcode ng unit ni Gesryl para mabuksan iyun. Mabuti na lamang at alam niya ang passcode nito.

Tumingin siya sa bar na nasa gilid ng pinto, sunod ay itinype ang passcode.

462002

Nang bumukas na ang pinto ay dahan-dahan siyang pumasok. Akmang hahakbang siya ng ikatlong beses ng makitang nakatayo si Gesryl sa bintana ng unit, bukas ang glassdoor nito.

Kumunot ang noo niya.

'Ano'ng ginagawa niya?'

Dahil gising naman pala si Gesryl ay hindi na nag aksaya pa ng panahon si Lietro na magdahan dahan sa paglalakad. Tumungo siya patungong kaama kung saan nakahiga si Paris kaya narinig iyun ni Gesryl at gulat na humarap sa kanya.

"A-anong ginagawa mo dito sa unit ko, Ly?" Para bang nakakita ito ng multo nang makitang naroon sa unit niya ang kaibigan.

Kinunutan ni Lietro ng noo si Gesryl. "Ibabalik ko yung susi ni Paris?" Patanong na sabe niya.

Hindi pa siya sure kung sasabihin ba niya iyun. Pero sinabe niya pa rin. Iyon naman talaga ang totoong dahilan kung bakit siya nasa unit, diba?

Hindi naman kase nito tinanong kung bakit siya nasa condo pa. Ang tanong nito ay kung bakit nasa unit pa siya nito.

Isinara ni Gesryl ang glassdoor ng bintana. Sunod ay nilapitan nito si Lietro.

"Akin na." Naiinip na sabe nito sabay lahad ng kamay kay Lietro.

Nalilitong ibinigay ni Lietro ang susi ni Paris dito. Gusto niya sanang tanungin kung bakit ang weird ng kilos ni Gesryl. Hindi naman kase ito mainiping tao pero kung umasta ngayon parang may pinagtataguan, o may tinatago?

Pero wala na siyang oras para magtanong. Kailangan niya nang bumalik sa third floor dahil baka naagnas na si Carris kahihintay doon.

"Sige, alis nako, Ges."

Tumango lamang si Gesryl.

Naglakad na si Lietro palabas ng unit, at nang iksaktong nasa labas na siya ay kaagad na nginitian siya ng pilit ni Gesryl saka siya nito pinagsarhan ng pinto.

Nang sigurado nang sarado na ito, mabilis pa sa alas kwatro na tumungo siya sa elevator at agad na nakarating sa room 34. Nakabukas ang pinto kaya mabilis siyang nakapasok. Pagpasok palang niya sa common unit ay bumungad na sa kanya si Carris na nakaupo sa sahig, kaharap ang malaking libro na kulay brown.

***

"Ano nang nangyari?" Umupo si Lietro sa sahig, kaharap ni Carris.

"Hindi ko pa rin makuha, eh."

"Hindi ako familiar sa code." Ininspiksyon ni Lietro ang libro.

Sobrang kapal nito, at angdaming pages. Yun nga lang, hindi nila mabuksan ito. Kahit anong bukas sila, hindi nila magawa.

Tanging ang pangalan lang ng libro ang nakalagay na nasa itaas ng bahagi at ang jumbled letters sa ibabanf bahagi.

Sobrang na-curious silang dalawa sa librong ito. Sinusubukan ni Carris na i-decode ito kahapon, nang hindi niya makuha ay nagpatulong na siya.

Gusto sanang inisin ni Carris si Gesryl dahil ayaw ni Gesryl na nakiki-tulog sa building niya ang mga kaibigan niya. They didn't know the reason though, they just leave him alone and respect his decision. And then, he found this book below his bed.

At dahil nga si Lietro ang mas composed sa kanilang apat ay agad na sinabe ni Carris ang tungkol dito. Kahapon ay buong gabe si Carris na nandito, pinag-aaralan ang code.

Nagtataka pa rin hanggang ngayon si Carris kung bakit hindi gustong ipaalam ni Lietro kay Gesryl at Paris ang tungkol sa librong ito. Sinabe nito kanina sa kanya na huwag ipaalam sa dalawa ang tungkol dito.

Kaya naman hindi niya na napigilang magtanong.

"Hindi ba natin sasabihin sa kanila ang tungkol dito, Ly?"

"Huwag na muna." Ibinaba ni Lietro ang libro sunod ay pinag-aralan ang mga code na nakaukit sa harap nito. "Ipapaalam nalang natin sa kanila kapag alam na natin kung ano ito."

"Yeah," Sumimangot si Carris. "Eh kung dalhin kaya natin 'to sa mansyon namin, o kaya sa bahay niyo? Para naman hindi na natin kailangang balik-balikan ito dito."

"Hindi pwede. Baka may may-ari nito at balikan ito dito."

Tumango-tango si Carrisat hindi na nangulit pa. Pero ilang minuto lang ay nagsalita itong muli. "Pero ang weird ng title ng libro nato, ano?" Binasa niya ang titulo ng libro.

The Grimins' Secrets.

"Grimins? Gri? Mins? Grimins? Bago ko lang narinig 'to." Humawak sa baba si Carris at ipinatong niya pa sa kanang hita ang siko. Pinindot pindot pa niya ang bawat letra ng titulo ng libro na nakaukit sa kulay brown na bala. Ang bawat letra naman ay kulay gold.

"Sa palagay ko, kung ano man ang mga Grimin na iyan — paniguradong mahalaga ang librong ito sa kanila." Seryosong saad ni Lietro. Though, he knows something about them. That is why when Carris told him about this before Paris' tantrum, di na niya napigilang suriin ito.

Sinang-ayunan ni Carris ang sinabe ni Lietro.

"Siguro may mga magic spells sa loob ng librong 'to, no?" Kumikinang pa ang mga mata ni Carris nang sabihin niya iyun. Para siyang batang binigyan ng laruan.

Umismid si Lietro. "Ano ka, sanggol?"

"Oo. Baby mo."

"Umalis ka sa harap ko bago pa kita masakal."

"Biro lang, uy." Tumawa si Carris. "Hindi ka na mabiro. Pero palagay mo, ano kaya laman niyan?" sabay turo nito sa libro.

"Baka magic spells."

"Talaga?" Nagliwanag naman ang mukha niya.

"Joke lang, tuleg." Inikutan siya nito nf mata bago nagpatuloy sa pag-inspiksyon ng libro.

Natuon ang kanilang atensyon sa code.

S V I R O

E O I

R

"Seroviroi? Soririvors?" Pagbanggit ni Lietro. Sinusubukan niyang ipagsama-sama ang mga litra na pwedeng mabasa.

Nakiesyuso si Carris sa ginagawa ni Lietro. Nang malaman kung ano ang ginagawa nito ay gumaya siya.

Tumabi siya kay Lietro. Nakaharap narin sa kanya ang libro na kanina ay nakabaliktad.

"Sorivorei?" Bulong ni Carris.

"Rori voeis?"

"Roe Roi Vis?" Bulong ulit niya. "Hay, angsakit naman nito sa ulo." Napakamot siya ng ulo.

Nasa ganun ang kaganapan nang biglang may malakas tunog ang umalingawngaw sa ground floor. Nasa third floor sila kaya dinig nila ang pagbagsak ng isang bagay sa lupa.

**

"Ano yun?" Agad na humawak si Carris sa braso ni Lietro. Hinawi iyun ni Lietro.

"Hindi ko alam. Tignan natin."

"Huy, wag."

Kunot noong nilingon ni Lietro ang kasama.

'Duwag.'

Sunod ay mabilis na tumayo siya habang hawak ang malaking libro sa kanang kamay. Medyo may kalakihan ito kaya kailangan niya ng suporta ng kaliwang kamay upang mabuhat. Naglakad siya patungo sa kama at inilagay sa ilalim nun ang libro. Bago siya naglakad palabas ng room.

"Hoy, Ly. Hintayin mo 'ko!"

***

Comment kayo, dali! Hehe.