"TAMA na yan, Rys."
Pilit na sinasaway siya ni Lietro, kaibigan niya.
Nasa isang sikat na bar sila ngayon, kung saan naroroon ang mga mga kaibigan ni Paris.
Tinawagan niya ang mga ito kanina nang umalis siya sa mansyon. Kailangan niyang makahinga mula sa sagutan nila ng ina kanina, at ang bar kasama ang barkada ang naisip niyang paraan upang mapagaan ang loob.
Pero ngayon, masyadong marami na ang naimon niyang alak, kaya pinipigilan na siya ni Lietro na uminom pa. Baka mapano pa siya.
"Oo nga, Rys. Tama na yan!" Segunda ni Gesryl, isa rin sa mga kaibigan niya.
"Yeah, Ly and Ges is right, Rys. Tama na 'yan!" Pangagaya ni Carris sa sinabe ng dalawa niyang kaibigan.
'Wala bang sariling opinion ang dalawang 'to?' Anang isip ni Lietro.
"Tigilan niyo nga ako. Kailangan ko pang uminom!" Diretsong ininom ni Paris ang alak at nilaklak ito hanggang maubos ang laman. Kalahating laman pa ang natira kanina, kaya kalahating bote ang dire-diretso niyang ininom.
Akmang kukunin niya pa ang isa pang bote ng Martini na nasa harap niya nang agawin iyon ni Lietro.
"Rys, tama na sabe yan." Mahinahon ngunit matigas na sabe ni ni Lietro.
Inis na inagaw ni Paris ang bote ng alak, ngunit mabilis ding iniwas ito ni Lietro.
"Hoy, Litro! Ibalik mo ang alak ko bago ka makatikim ng sapak!"
"LIETRO." Pagtatama nito sa pangalan. Ibinigay nito ang bote kay Gesryl na kinuha naman nito. "Ilayo mo yan, Ges," Anito kay Gesryl at muling ibinalik ang atensyon sa lasing na kaibigan. "Alam mo, Rys. Alam naman namin na may problema ka, at paniguradong malalim yan. Kaya nga tinawagan mo kami, diba?"
Napanguso nalang si Paris saka tumigil na sa pag abot ng bote, bago naupo nalang sa stall ng maayos, at saka nito isinalamlak ang mukha sa table na nasa island counter ng bar na iyun. Hindi siya umimik, ngunit nakikinig siya sa kaibigan.
"Hinayaan ka na namin na uminom ng uminom kanina. Naubos mo na nga ang dalawang bote ng alak, eh! Nang mag isa!"
Si Paris lang kase ang mag-isang umiinom sa kanilang barkada, ang mga kaibigan nito ay nanunuod lang sa kanya.
Nagpatuloy si Lietro sa panenermon. "Pero yung dumagdag ka pa ng tatlo pa, hindi na yun tama. Isa lang ang katawan mo, at obviously isa lang din ang baga mo. Kaya kung uminom ka pa ng uminom, baka bukas paglamayan kana namin niyan!"
"Heep! Mas mabuti yata yun, Ly?" Singit ni Carris sabay tawa. "Para naman makapag kape ako ng libre." Sabay ngisi nito nang tumingin kay Paris.
"Mas mabuti nga yun." Tumawa rin si Gesryl. "Para makapag kape rin ako ng libre." Humagikgik pa ito.
"Gaya gaya buntot maya."
NAPAILING nalang si Lietro. Mga baliw talaga!
"Oh, iinom ka pa ba, ha? Paris Cauldron?" Nag-tsk si Lietro.
Hindi sumagot si Paris at nanatili lang na nakasobsob ang mukha sa mesa.
"Kung may problema ka, na paniguradong meron, sabihin mo lang samin at makikinig kami. Para namang bago kami sayo. Hindi 'yung iinom ka ng iinom hanggang sa hindi mo na kaya." Inabot nito ang mukha ni Paris at pilit na ipinaharap sa kanya, "Paris—" Hindi na naituloy ni Lietro ang sasabihin nang makitang nakapikit na ang kaibigan, tumutulo pa ang laway nito. "Tch. Walang hiya. Tulog na pala." Napailing iling nalang si Lietro. Sayang payo ko! Tumingin siya sa dalawa. "Huy, kayong dalawa. Tulungan niyo nga akong buhatin 'to. Dalhin natin sa kotse ko." Utos niya sa dalawang may sarili ring mundo.
Tumingin ang dalawa sa kanya. Unang nagsalita si Carris, "Saan natin yan patutulugin? Panigurado ayaw niyan umuwi sa mansyon nila." Tinulungan niya na ring buhatin si Lietro.
Tumulong na rin si Gesryl, siya ang umalalay sa dalawa dahil kaya na ring ng mga itong buhatin si Paris. "Sa condo ko nalang."
"Sige sige, mas mabuti pa nga." Sang ayon ni Lietro.
"Huy, anong sa condo mo? Sa mansyon nalang namin. Baka pagsamantalahan mo pa mamaya si Paris niyan eh." Birong sabi ni Carris.
"Tanga. Kung sa mansyon niyo to patutulugin, baka si Isabella pa ang manamantala sa kawawang 'to." Ang tinutukoy nito ay ang kapatid ni Carris, na alam nilang may crush sa kaibigan nila.
"Kayong dalawa, tumigil nga kayo! Sumasakit ang ulo ko sa inyo." Sita ni Lietro.
"Saang ulo? Sa taas o sa baba?" Tanong ni Carris.
Binatukan siya ni Gesryl. Napahawak naman si Carris sa kanyang ul.
Nang makarating sa sasakyan ni Lietro, isinakay na nila sa backseat ang kaibigan sunod ay sumakay na rin si Gesryl sa shot gun seat, si Lietro ang nasa driver seat.
Si Carris lang ang nahiwalay ng sasakyan sa kanila, ito nalang daw kase ang mag-dadrive ng kotse ni Paris dahil baka manakaw pa ito. Magkikita nalang daw sila sa harap ng condo ni Gesryl.
Nang makarating na ang sasakyan sa harap ng malaking condo ay bumaba si Lietro at sumunod naman si Gesryl. Pinagtulungan nilang ibaba si Paris sa sasakyan.
Dumating na rin si Carris dala ang sasakyan ni Paris. Tumulong narin itong buhatin si Paris patungong elevator ng condo building, nadaanan pa nila ang stuffs sa ground floor ngunit nginitian lang sila nito.
Si Gesryl kase ang kanilang amo.
Sama sama silang sumakay sa elevator patungong sixteenth floor, kung saan ang floor ni Gesryl.
Nang bumukas na ang pinto ay nagpaiwan si Carris. "Mauna na kayo. Babalikan ko lang ang sasakyan ni Paris para ipark. Saka ipark ko na rin yung sayo, Ly. Susi mo?" Binato naman ni Lietro ang susi ng kotse nito kay Carris. "Sige, babes, see ya later!" Pabirong sabe nito saka pinindot ang ground floor button.
Nang magsarado na ang elevator ay dumiretso na rin ang dalawa sa kwarto ni Gesryl. Nang makapasok ay inilapag na nila si Paris sa kama. Inayos ni Gesryl ang paghiga nito.
"Sige, pwede ka nang umalis, Ly. Ako nang bahala sa mokong na'to." Anito kay Lietro habang tinatanggal ang damit ni Paris.
"Sige, sige, ingatan mo yan. Mahal buhay niyan!" Sabe nito saka nagpaalam sa kaibigan at lumabas ng condo.
Nang matapos bihisan at ayusin ang kaibigang lasing ay dumiretso na rin si Gesryl sa isa pang kama saka nahiga. Naisip niya bigla kung bakit kinuha ni Carris ang susi kay Lietro at sinabeng ipapark pa ang kotse ni Lietro, eh aalis din naman si Lietro sa condo pagkatapos?
'There's no need to park, though. They never park in my condo before. Weird.'
Nag-isip pa siya nang nag-isip ng mga bagay-bagay nang biglang may kumalabog sa glass door ng bintana niya.
Nakabuhay ang ilaw sa kwarto niya dahil hindi siya sanay na nakapatay ang ilaw, kaya't kitang kita niya ang bintana mula sa kinahihigaan niya.
At gayun na lang ang paglaki ng mata niya at pagbilis ng tibok ng puso niya nang makita niya kung sino ang nasa labas ng glass door na iyun.
"Perious?"