Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

What a Mess (gxg)

🇵🇭itsleava
--
chs / week
--
NOT RATINGS
8.3k
Views
Synopsis
Sometimes in love... there's a person we never thought we'd fall for.
VIEW MORE

Chapter 1 - Prologue

Hi, Ianne.

It's been a long time since I saw you. Hindi ko na alam ang itsura mo. Hindi ko na rin alam boses mo. Marami na kong hindi alam tungkol sayo.

Ito yung pinaka-ayaw ko sa lahat. Ayokong dumating sa punto na ganito na tayo. Hindi na tayo magkakilala. Back to zero as strangers. Dumating na ko sa punto na wala na kong lakas ng loob para kamustahin ka. Wala na kong karapatan manghimasok sa mundo mo. Masakit pero kailangan kong tanggapin ito.

Pasensya na rin. Ako ang nakasira ng lahat.

Kung... kung hindi ko lang sinabi lahat nararamdaman ko sayo, close pa rin ba tayo? Magkaibigan pa rin ba tayo?

Sa totoo lang, hindi rin. Hindi na rin tayo magiging close. Sa tuwing tinatago ko nararamdaman ko, lalo ko lang sinisira pagkakaibigan natin dahil napakaselfish ko pagdating sayo. Lalo lang ako magmamakaawa na hingin ng pansin nararamdaman ko sayo which is sobrang imposible yon para sayo dahil ibang tao nandyan sa puso mo.

Ang daming tanong sa isip ko nun noong tinanong kita kung pwede ba kitang ligawan. Sinabi mo na hindi ka ready dahil mahal mo pa siya. Pasensya na, napakatanga kong sabihin sayo na maghihintay ako pero hindi ko tinupad.

Napagod na ko, Ianne. Sobra... Sobrang pagod na ko kaya napasuko na ko. Siguro... nabigay ko na lahat-lahat ng pagmamahal sayo at effort para iparamdaman sayo na mahalaga ka sa akin. Hindi pa ako gano'n ka-mature that time pero totoo lahat ng intention ko para sayo.

Totoo nararamdaman ko. Gusto kita... dati.

Oo. Dinedeny ko 'tong nararamdaman ko dati dahil natatakot akong mawasak pagkakaibigan natin. Mas pinipili ko talaga friendship natin non. Pinipilit kong panindigan desisyon ko. Alam kong mahilig tayo magbigayan ng sulat sa isa't isa pero nando'n yung desisyon ko dati.

'Mas pinapahalagahan ko yung pagkakaibigan natin.'

It was my big mistake na sinabi ko yon sayo.

The more na sinasave ko yung friendship natin, mas winawasak lang ng feelings ko sayo dahil sa pagiging duwag ko.

Natatakot ako, Ianne. Natatakot ako magrisk.

Bakit pa ako magr-risk kung may taong nandyan sa puso mo? Kaya siguro 'yan desisyon ko.

Alam mo ba kung kailan ko nalaman na may feelings ako sayo?

Yun yung time na pinipilit kitang makasama pero mas pinipili mong umalis na. Alam kong.... alam kong siya ang rason kung bakit gusto mo kong iwan. Ilang saglit narealize ko na mali ginawa ko. Nagsorry ako agad hinayaan na kita iwan mo ako. Tinatanong ko sa sarili kung bakit ko nagawa yon.

Pero alam mo yung sagot na yon, gusto kita makasama kasi gusto kita. Masaya ako na kasama kita. Kompleto buhay ko kapag nandyan ka. Kaya minsan nagagalit ako dahil panay absent mo.

Pasensya na. Hindi ko alam na sobrang selfish ko na talaga sa lagay na yon.

Minsan kapag nakikita ko kayo magkasama ng boyfriend mo, iniisip kong sana ako na lang sa posisyon niya.

Ano kaya feeling na girlfriend mo ko? Ano kaya feeling na mahal mo ko?

Pasensya na uhaw ako sa pag-ibig.

Pero sana alam mong... mahal kita sa panahon na yon.

Pero wala, e. Nandito na tayo sa desisyon ko na iwan ka at sukuan ka.

Sumuko na ko kasi gusto ko nang pakawalan itong feelings ko para sayo. Kailangan kong hanapin naman pagmahahal ko sa sarili ko. Masyado ko na nabigay sayo. Pasensya na, hindi ko na natiis.

Napasuko ako bigla.

Gusto ko na rin mag-isa. Ikaw lang kasi naging mundo ko. Ikaw lang palagi kasama ko. Binalewala ko na rin mga naging kaibigan ko dahil sayo. Hindi mo naman pagkakamali yon. Ako yon. Mali ko yon. 'Yon ang pinaka pinagsisihan ko buong buhay ko.

Hindi ko sila pinahalagahan katulad pagpapahalaga ko sayo.

Kaya mas pinili ko na mahiwalay sayo lalo na sa papasukan natin nung nagcollege tayo.

Alam kong darating na tayo sa punto na magkakahiwalay tayo pero pinangako ko pa rin nandyan ako.

Tumutupad naman ako sa usapan, Ianne. Umiyak ka na mamimiss mo ko.

Pinangako ko sayo wala magbabago sa atin.

Pero bakit ganon?

Bakit parang unti-unti ka na naglalaho?

Hindi ko na alam...

Ianne, alam mo ba na may gustung-gusto akong itanong sayo na hindi ko masabi talaga sayo dati. Nagsisisi nga ako kung bakit wala akong lakas ng loob para sabihin ito sayo.

Sa tagal natin pagsasama dati, wala ka bang nararamdaman sa akin? Kahit konti lang? kahit maliit na porsiyento lang?

Hindi ko alam kung one-sided lang 'to o hindi... Natatakot ako sa sagot mo. Natatakot ako sa punto na hindi ko ma-meet expectation ko sa sasasabihin mo. Masasaktan na naman ako. Pasensya na, napakaduwag ko.

Sana alam mong natatakot ako dumating sa punto na paasahin mo ko sa wala.

Maghihintay ako pero hanggang kailan ako maghihintay?

Sanay na ako na ako yung pinaghihintay mo palagi... Nakakapagod pero tinatyaga ko lang kasi mahal kita.

Pero paano kung wala ka pa rin nararamdaman sa akin?

Ano gagawin mo?

Ano gagawin ko?

Hindi ko alam tama desisyon ko pero pinili ko 'to dahil gusto kong isalba sarili ko at para satin din.

Oo, sinira ko na pagkakaibigan natin. Pero sa ikakabuti naman natin 'to. Kahit papaano maranasan mo rin na wala na ako sa tabi mo.

Sorry. Sorry, Ianne.

Sorry kung nabitawan ko yung salitang 'hindi kita iiwan'.

Pero tumutupad talaga ako sa pangako.

Kapag kailangan talaga.. binibitawan ko.

Kagaya ng pagbitaw ko sayo.

Gusto ko na talagang maging masaya tayo sa sarili nating mundo na hindi na tayo magkasama.

Okay na ko don. Magiging okay din tayo. Hindi ngayon. Sa takdang panahon...

Gusto ko lang sabihin lahat sa kanya pero wala na akong lakas ng loob.

Gusto ko lang naman ng happy ending...

Gusto ko yung pakiramdam na mahal ako ng mahal ko...

Masyado bang mahirap matupad 'yon?