"Trixie..."
Nasa grocery ako dahil inutusan ako ni Luigi imbes na siya ang mag-grocery. Kailangan ko bumili ng maraming harina at pagkatapos nito, bibili pa ko ng maraming itlog sa suki ko. Dapat talaga nakabantay lang ako sa bakery namin pero tong mokong kapatid ko, pinaandar na naman katamaran niya. Napailing na lang ako.
Pinagpatuloy ko na lang paghahanap ng harina dahil hindi ko kabisado tong supermarket na napuntahan ko. Bahala na!
Habang busy ako sa paghahanap. Parang may narinig ako panay tawag sa pangalan ko. Lumingon ako.
Siya ba yon?
Nanlaki ang aking mata na napagtanto ko na siya nga yon. Siya yung lalaking nakilala ko sa birthday ni Ianne. Nandito siya.
Biglang nagflashback lahat nangyari sa amin kahit konti lang alaala non, naalala ko pa rin kung paano ako nagkaroon ng interest sa kanya. Siya yung tipong ideal guy na gusto ko. Same interest sa lahat ng bagay plus sobrang bait pa nito.
I just want to get to know him more.
"Why are you here?" kita kong may dala rin siya ng push cart.
"Inutusan ako ng kapatid ko." ang pogi niya talaga kapag nakangiti siya, "Sabay na tayo?"
Ha? Anong sabay kami?
"I mean... sabay na tayo. Tutal tapos na rin ako. Nakuha ko na mga kailangan na nasa listahan." Ahhh.. oo nga. Ano ba in-expect ko?
Malamang maggrocery. Common sense naman, Trix!
Habang naghahanap ako ng mantika, biglang sumagi sa isip ko ulit nangyari sa birthday party ni Ianne.
"Magkakilala kayo ni Ianne?" habang busy ako sa paghahanap at pakiramdam kong tumahimik siya kaya napalingon ako.
Ang seryoso ng mukha niya at ngumiti siya.
"Magka-magkaibigan lang k-kami." may pag-uutal? Magkaibigan ba o magka-ibigan?
Ano naman kung magkaibigan sila... Ano bang pake ko? Kumirot na naman puso ko sa pag-ooverthink ko.
"Matagal na kayo magkaibigan?" g-gusto ko lang malaman kaya natanong ko.
"Y-yes." Hays... mapapa-sana all na lang ako.
Sana all in good terms pa rin sa kanya. Pero sa amin? Wala nang pag-asa mabalik ang nakaraan.
"So... magkakilala rin kayo. Are you too friends din?"
"Hindi naman kami close." palusot ko.
"Ah. Paano mo siya nakilala?" nabigla ako sa tanong niya.
Paano ko nga ba siya nakilala...
First of all, naging kaklase ko siya. Pero hindi talaga kami masyadong close non. Iba kasi circle of friends ko and same as mine din. Pero one time napansin ko siya na mag-isa siya kaya nilapitan ko siya.
Ayoko lang kasi sa lahat na makakita na mag-isa naghihintay kaya nilapitan ko para hindi madama na naiinip siya. Para maramdaman niya hindi siya nag-iisa.
"Magkaklase kami. Pero di kami close." pagsisinungaling ko.
"Pakilala kita sa kanya." nabigla ako. Hindi! Hindi pwede!!
"No!" nagulat siya sa pagkasabi ko, "I mean no dahil hindi pa ako tapos sa mga gagawin ko sa bakery." Ayoko magtagpo landas naming dalawa.
Nagpatuloy lang ako sa paghahanap habang nasa likod lang siya. Medyo sobrang awkward nga, e.
"About Ianne's birthday party last year..." huminto ako sa paghahanap at tumingin sa kanya, "I am sorry iniwan kita mag-isa..." napakamot siya sa ulo sa sobrang hiya.
"Ano ba dahilan kung bakit nagmamadali ka?" gusto ko lang malinawan sa nangyari dati.
"May n-naiwan akong gagawin sa birthday niya kaya w-wala akong choice iwanan k-ka don."
"Okay...." ngumiti ako sa kanya, "Pero I am really glad that I met you that night."
Kita kong seryoso siya nakatingin at lumapit siya sa akin. Hinawi niya ang buhok ko, "Same. I am glad that I met you."
I think I like him dahil nakaka-attract physical appearance niya.
Hindi ko na rin maialis ang tingin ko sa kanya dahil napaka-pogi niya. Lalo na yung mata niya, ang ganda. Nangungusap talaga.
Tiningnan ko ang kanyang labi na parang gusto kong halikan. Pansin ko rin sobrang lapit na namin sa isa't isa...
Bigla siyang lumayo. Natulala ako sa ginawa niya.
"I am really sorry." bakit siya nagsosorry?
Kita ko sa kanyang reaksyon na naiinis siya. Naiinis ba siya sa ginawa namin kanina? Ha? Ghad! I am so confused right now.
I mean... gusto ko siya pero...mahal ko pa rin si Ianne...
Hindi naman masama na maging kami diba? Makakatulong naman siya para maka-move-on ako. Hindi ba mas okay yon?
"Hindi.okay.yon!" iritang sabi ni Beatrice sa akin ngayon at binato ako ng unan.
"Aray ko!" grabe naman to mambanto ng unan masakit ha? Sapul pa sa mukha.
Dapat talaga hindi ko na lang sinabi ngayon sa kanya. Bakit pa kasi siya dumalaw sa bahay ko? Kainis.
Nadulas din ako sa pagkakwento ko tungkol sa nangyari kanina sa amin ni Zeck sa grocery. Kaya ito napala ko ngayon. Isang malupit na sermon na naman po.
"Hindi ka pa nakaka-move-on tapos may balak ka pang manggamit ng tao dahil mahal mo pa rin siya?"
"Eh ano naman. Atleast makakamove-on ako kay Ianne." binato na naman ako ng unan.
"Gagamitin mo talaga siya para makamove-on ka?" yung reaksyon niya... kita kong bwiset na bwiset na siya sa kagagahan ko.
Tumahimik na lang ako at ayoko magsalita kasi alam kong naiirita na siya.
"Hindi tama na manggamit ka ng tao para lang sa ikakabuti mo. Napaka-selfish mo. Umayos ka!" tapos nagwalk-out na siya.
It's my first time na magalit siya ng ganito.
Sorry, Beatrice. Sobrang desperada ko na, e.
Pasensya na ganito ako ka-tanga.
Ilang linggo na wala nang paramdam si Bea sa akin. Namimiss ko na siya kasama. Kahit tawag hindi ko magawa. Wala akong lakas na loob para magka-ayos kami pero natatakot akong mawala siya sa buhay ko.
Siya lang kasi nakakaunawa sa sarili ko. Buti nga napapatyagaan niya pa ako.
Wala ako ginawa kundi nakatambay lang ako sa bahay at buti na lang kasama ni Luigi ang jowa niya para magbantay sa bakery namin. Kaya may time ako magdrama dito.
Ilang araw na ako ginagawang routine ang pagligo, kain at tulog lang. Ang mas malala pa, wala masyadong ganap sa mga araw na lumipas. Nakakamiss talaga si Beatrice. Parang siya lang talaga bumubuhay ng araw ko kaso wala, e. Galit pa rin siya sa katangahan ko.
Naisipan ko nga na uminom ako ngayon pero ayoko dito sa bahay. Respeto na lang sa mga magulang ko nasa langit na. Baka magulat na lang ako kapag dito ako uminom, may mangbatok pa sa akin kahit ako lang dito mag-isa.
Nabalitaan ko kay Luigi na may bagong bar na nagbukas dito malapit sa amin nung isang araw kaya balak ko pumunta ngayon. Ngayon, nagbihis na ako pang-lakad at pagkatapos nagmake-up ako ng slight. After non, umalis na ako sa bahay.
First time ko lang maglalasing na mag-isa. Lagi na lang si Bea kasama ko kapag gusto ko gumala kaya ngayong araw, wala akong kasama kundi sarili ko lang. Sana safe pa rin ako sa pag-uwi. Tawagan ko na lang si Luigi kapag medyo may tama na ako para siya niya lang magsundo sa akin dito.
Pagkarating ko sa Hetole Resto Bar, pumasok ako mag-isa at naghanap ng bakanteng upuan. Habang naghahanap ako nang mauupuan, may mga susyal akong nakikita dito at naghahanap ng mga... alam niyo na. Yung iba naman... naghahalikan sila na parang walang silang pake sa mundo.
Ayun! May nahanap na akong bakante sa may counter bar. Nag-order ako sa bartender na matapang na vodka at ngumit lang ito sa akin. Mga ilang minuto, binigay na sa akin ang order ko at ininom ko. Grabe ang tapang! Parang nang-init ang aking lalamunan dito. Nagising diwa ko sa tapang.
Habang tahimik lang ako umiinom sagilid, napatingin ako sa mga sumasayaw sa dance floor at naiirita na ako dahil ang dami kong nakikitang naghahalikan pati don. Napailing na lang ako. Buti pa sila pumunta dito para magsaya pero ako...
Gusto ko lang uminom dito dahil walang kwenta buhay ko.
Ramdam ko nga sa mga desisyon ko sa pag-ibig... walang ni isang desisyon nagawa kong tama. Natawa na lang ako dahil puro katangahan na lang nagagawa ko. Pati si Bea hindi na matiis kaya iniwan na ako mag-isa.
Deserve ko bang mag-isa sa buhay? Mukhang deserve ko.
"Hi! Miss!" ramdam kong dumodoble na ang aking paningin sa katabi ko.
Ramdam kong hinawakan niya bewang ko papalapit na sa... nevermind.
Wala na ko naramdaman. Nagulat ako na may naghiyawan kaya napatingin ako sa bandang likod kahit medyo nags-slow motion na ang paningin ko.
Nakita ko ang likod na nakadenim jacket na kasing height ko lang na akmang susuntukin niya yung kaaway niya pero may mga taong pumipigil sa kanya.
Bakit ba sila nag-aaway? Boxing ring ba tong bar na napuntahan ko?
Bahala kayo dyan basta ako iinom dito. Dinedma ko na lang at nawalan ng pake.
"Ma'm..." narinig ko yung bartender na ibibigay sa aking yung vodka. Hahawakan ko na sana yung martini glasses na nakafill ito ng vodka pero biglang lumayo ito sa paningin ko.
"Boss. Bigyan mo na lang ng tubig to." Sino ba tong epal na to?! Umiinom ako ng mag-isa.
Sinenyasan ko yung bartender na ibigay sa akin pero nakita kong pinigilan na naman ako ng epal na to. Sinamaan ko ng tingin nito. Napaka-epal nito! Umiinom ako, e!
"O-Oh!" nilapit ko ang mukha niya para tingnan ko sinong epal na to, "*hik* kamukha mo ma- *hik* mahal ko si....*hik*." tinitigan ko ng maiigi.
SI IANNE TO!!
"Tama na yan. Umuwi na tayo." sabi niya.
"Ayoko! *hik* hindi pa ako tapos uminom."
Aalalayan niya ako kaso tinulak ko siya. Ang kulet nito!
"Trixie... umayos ka o hahalikan talaga kita kapag hindi." nabigla ako sa sinabi niyang hahalikan niya ako.
"Edi halikan mo ko." asar ko sa kanya.
"Aray!" pinitik niya ang noo kaya nagising diwa ko pero sobrang nahihilo ako.
Nahimasmasan ako sa binigay niyang tubig sa akin at unting-unti luminaw ang aking mata habang inaalalayan ako nito. Napatingin ako sa tatoo niya sa leeg at naka-wavy layered lob ang hairstyle niya.
Isa lang tao na alam ko ganito ang itsura. Si Beatrice.
Bakit nandito siya? Ghad! Wala akong mukhang ihaharap sa kanya. Nahihiya ako sa pinanggagawa ko kanina.
Habang inalalayan niya ako at pinaupo niya ako, "Diyan ka lang, bibili ako ng noodle cup sa may 711.."
Iiwan na naman niya ako. Ayokong iwan niya ko ulit.
Hinila ko damit niya at nakita kong tumingin siya sa akin, "Dito ka lang, Bea." utos ko sa kanya.
"Nahimasmasan ka na?" bahid sa mukha niya pag-alala sa akin.
"Namiss kita." seryosong tingin ko sa kanya at kita kong nabigla siya sa sinabi.
Naalala ko yung sinabi niya kanina sa akin. "Umayos ka o hahalika-" pang-aasar ko sa kanya kaso hindi niya ako pinatapos sa sasabihin ko.
Napansin kong namula ang kanyang pisngi kaya natawa ako, "Nakakainis ka. Alam mo yon?" sabay palo pa rin sa braso ko.
"Hind-! Aray! Aray ko!"
I am glad we're okay now.
"Paano mo ko nakita don?" pagtataka kong sabi at napakamot siya sa ulo na nag-iisip.
"Ano.. uhmm... iinom din ako don. Oo. balak ko rin uminom. Tapos... tapos nakita kita." Iinom sa layo ng bahay niya iinom siya don? Weird nito.
Pansin kong humikab siya pero tinakpan niya ang kanyang bibig. Nabigla ako sa nakita ko na namumula ang kanyang kamay.
"Ano nangyari dyan?" hinawakan ko ang kanyang kamay pero pumiglas siya.
"Ano... uhm... napaso ako kagab- Aray! Wag mo hawakan!" daing niya nung hinawakan ko ito. Napaso? ha? Hindi naman ganyan napaso, e. Mukha ngang pasa to. Pinagloloko nitong babaeng to. Hmp!
Tiningnan ko siya ng maiigi. Alam kong nagsisinungaling to.
"Okay. May ginawa lang ako sa bar. Wala naman nangyari...ata..." kita kong umiwas siya ng tingin at hinawakan ko yung pasa sa kamay. Napa-aray ito at pinilit niyang iaalis kamay ko.
"Fine.." inis na sabi niya sa akin.
"May nakita lang ako na manyak kaya sinuntok ko." kita kong inis na inis siya sa reaksyon.
"Ah! Kaya pala may away kanina." pagtataka ko bigla siyang lumapit sa akin na may hinihintay siyang sabihin ko.
"Ba't ba ang la-"
"Wala kang narinig o nakita 'no?" ang.. lapit... niya sa a-akin..
Umiling ako, "Wala naman." sabi ko. Lumayo na siya sa akin at nakahinga ako ng maluwag, "Pero may humawak sa bewang ko kanina pero di naman nagtagal. Saka... May napansin din akong may nag-aaway pero nawalan ako ng pake. Busy ako sa kakainom, e." dagdag kong sabi sa kanya
"Ikaw ha! Wag kang iinom na wala kang kasama. I-text mo o i-call." nagsisimula na naman ang panenermon niya.
"Gali ka sa akin diba?" sabi ko sabay taas ng kilay sa kanya.
"Ah... basta. Wag kang iinom mag-isa." sabi niya at umiwas siya ng tingin.
"Kahit man lang tubig? Need ng partner?" pamimilosopo kong tanong sa kanya at nabatukan ako.
Kita kong naningkit ang mata niya sa akin, "Oo kahit tubig wag kang iinom. Ha?" iritang sabi niya.
"Eto naman hindi mabiro." asar ko sa kanya at sinusubukan kong yakapin ang kanyang braso.
Sana ganito na lang tayo palagi.
Napakaswerte ko kay Bea. Tuwing magkasama kami, ako palagi ang pinagsisilbihan niya. Natatawa na nga lang iba, akala nila magjowa kaming dalawa.Pero magkaibigan lang talaga kami.
"Paano ba tayo nagkakilala?" tanong ko sa kanya habang nakasandal ako sa balikat niya.
"Paano ba?" sabi niya at napakatagal pa talaga mag-isip.
"Limot mo na pala. Ganyan ka na ha?" pagtatampo ko sa kanya kaya umalis ako sa pagsandal. Narinig kong humagikhik siya at binalik niya ako sa pagsandal sa balikat niya.
"Naalala ko na." sabi niya, "Teka bakit ba kailangan ko magkwento?" pagtataka niya sa akin.
"Gusto ko, e. Sige na." pamimilit ko sa kanya at nagpacute ako sa kanya. Nag-roll eyes ito sa akin... Wow! Tinarayan ako.
"Sa pagkakaalala ko... nasa library ka non. Rinig ko talaga hikbi mo sa sobrang tahimik sa library. Kaya pinakiusapan kita na tumahimik ka kaso hindi mo mapigilan kaya niyaya kita magcutting para i-comfort kita." napangiti ako sa sinabi niya.
Siya lang nag-iisang nagcomfort sa akin after... after ko magconfess kay Ianne. Pero yung pagcocomfort niya, hindi siya yung advice na lagi niya ginagawa sa akin. Dinala niya ako sa iba't ibang lugar na kahit ilang oras nalimot ko na broken-hearted ako. Wala siyang pake kahit may klase pa kami. Naalala ko nga pumunta kami sa Quantum, kumain kami ng street foods at pumunta pa kami sa star city para magrides.
Nakakapagtaka lang... unang pagkikita namin yon pero bakit parang matagal na kami magkakilala? Diba sobrang weird noh?
Pero buong araw non, nakalimutan ko saglit yung sakit na naramdaman ko kay Ianne dahil nakilala ko si Bea.
Niyakap ko ang kanyang braso habang nakasandal pa rin ako sa kanya.
"Never mo ko tinanong kung bakit ako umiiyak. Bakit?" pagtataka ko sabay tingin ko sa kanya.
Tumingin rin siya sa akin... Napansin kong natulala siya sa akin.
"Beatrice..." tawag ko sa kanya at nagising diwa niya. Binaling niya ang pagtingin sa harap.
"Ano nga..." pangungulit ko sa kanya.
"Secret. Walang clue." kita kong ngumisi siya at kiniliti ko tuloy sa tagiliran niya, "Okay fine. I'll tell you. Tss. " sabi niya sabay pagpigil sa mga kamay ko. Tumango ako bilang pag-agree sa sinabi niya.
"Ano... ayoko lang makita kang umiiyak." nabigla ako sa sinabi at humarap ako sa kanya.
"Bakit?" seryoso kong tanong sa kanya.
"Kailangan mo ng isang tao na magpapatahan sayo. Kailangan mo ng sandalan at makikinig sa mga problema mo. In short, kailangan mo ng isang katulad ko." ngumiti siya sa akin.
Minsan... napapaisip ako. Kung deserve ba akong maging kaibigan ni Bea. Lagi na lang siya nandyan sa tabi ko para sagipin ako pero wala kahit isa nagawa ko para sa kanya.
All I can do is to watch her... taking care of me.
What if dumating ako sa punto na may nagawa akong ikakasira sa amin? Ano kaya mangyayari... I am so scared to lose her.
Aalagaan pa rin ba niya ako?
Napabuntong hininga na lang ako.
"Ang lalim naman non." nagulat ako sa sinabi ni Bea, "What's wrong?" pag-aalala niya.
"Wala masyado lang ako nag-overthink." ngumiti ako ng pilit.
"Tell me." sabi niya. Nagd-doubt ako kung sasabihin ko pero... ewan. Bahala na.
"What if ano..." kinakabahan ako sabihin sa kanya, "What if I did something na hindi mo gusto mangyari sa akin? Ano gagawin mo?" seryoso kong tanong sa kanya.
"All I can do is to stay by your side pero hindi kita susuportahan sa balak mong gawin." napangiti ako sa sagot niya.
Palagi ka na lang may sagot, Bea.
Naalala ko rin ngayon na never namin napag-usapan about sa possibility na if there is a possibility na mangyari rin sa amin ni Bea katulad nangyari sa amin ni Ianne. Everytime na napapaisip ako... binubura ko na sa isipan na hindi pwede mangyari kasi sobrang perfect ng friendship naming dalawa. Pero hindi mawawala sa isipan natin yung possibility, e.
I know we didn't talk about this... May maisasagot kaya siya?
"What if ma-fall ako sayo?" tiningnan ko siya ng seryoso at kita kong nabigla siya.
Kita ko sa mga mukha niya na nahihirapan siya mag-isip. Lumipas na ang ilang minuto.. wala pa rin ako makuhang sagot mula sa kanya. Hinihintay ko pa rin sagot niya...
Wala siyang maisip...
Nagulat ako na may tumunog na phone at may nagv-vibrate sa bulsa ko. Tumatawag si Luigi sa akin. Mukhang nag-aalala na kapatid ko.
"I think we need to go home.. Right?" pagkukumpirma niya.
"Yeah." tipid kong sabi at tahimik na kami pumunta sa kotse niya.
I think... It's better not to talk about that. Hindi naman siguro mangyayari yon diba?
Hindi...
Hindi mangyayari yon.
~•~
To be continued...