Chereads / Madly Inlove With Mr. Playboy / Chapter 27 - Chapter 27

Chapter 27 - Chapter 27

Akala ko mababaw lang ang pagkagusto ko kay Kenneth na kapag magkaroon ako ng ibang boyfriend ay makalimutan ko na siya, na hindi ko na siya muling magustuhan pa pero bakit hanggang ngayon ay lunod na lunod ako. Ni hindi ko magawang kumapit sa iba upang makaahon.

Tatlong taon na ang lumipas.Tatlong taon na wala akong balita sa kanya. At tatlong taon ko na ring inaasam na sana isang araw ay bumalik siya at muling magtagpo ang landas naming dalawa. Dahil hanggang ngayon gusto ko parin siya, I mean mahal ko parin siya.

Noong naghiwalay kami ni Lian hindi na ako ulit pumasok sa isang relasyon kasi masaktan ko lang 'yong tao, paasahin sa wala kasi kahit anong gawin ko si Kenneth parin ang hinahanap ng puso ko.

"Tara, gala tayo," anyaya sa akin ni Kate.

"Saan?"

"Sa San Mateo, fiesta sa kanila ni Maricel punta tayo sa bahay nila."

Si Kate ang bagong kaibigan ko simula noong bumalik si Mea ng Cebu sa parents niya nakakalungkot kasi siya lang ang close friend ko tapos nag transfer pa pero ayos lang nakahanap naman ako ng bagong mga kaibigan.Actually lima kaming magkaibigan, tatlo kaming babae at dalawang lalaki pareho kaming taga barangay Dalisay at parehong nasa forth year high school. Si Maricel, classmate namin na kaibigan rin ni Kate.

Friday ngayon at half day lang kami dahil may meeting ang mga teachers, kaya nagkayayaan ang barkada na maki-fiesta,naka C.A.T t-shirt pa kami dahil ito ang uniform namin every friday mabuti at nakasakay kami ng jeep dahil ang init at malayo pa ang lalakarin namin kung sakali.At ngayon ko lang napagtanto na ito pala ang lugar ni Kenneth, wala naman siguro siya dito.

"Sa perya tayo."

"Wala akong pera," sagot ko kaagad kay Rose.

Imbis na sa perya ang punta namin nanood nalang kami ng basketball. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga, sa ka-panood ko ng basketball na alala ko si Kenneth.Ganun ko na ba siya ka miss na maalala ko siya sa pamamagitan ng mga bagay na related sa kanya? Oh my god i can't believe it.

"Ri, si Kenneth o!" tila na bingi ako sa sinabi ni Kate.

Hindi ko inaasahan na makita ko siya dito.Ito na ba ang sagot sa tatlong taon na pagdarasal ko? Lahat ng nakaraan namin ay muli kong na alala lahat nag flashback sa isipan ko pakiramdam ko huminto bigla ang pagtibok ng puso ko.I still love him. I really love him. But he never glanced at me even he saw me sitting with my friends. Kumirot ang dibdib ko, tumingala ako ng uminit ang sulok ng dalawang mata ko, ayokong umiyak hindi ako pwedeng umiyak.

"Ay deadma parang walang past a," naka-ingos na sabi ni Kate ng lampasan kami ni Kenneth.

"Past na nga diba? So, ibig sabihin back to strangers again ang sitwasyon, " sagot ko." Tara uwi na tayo, hapon na . "

" Baka naghihintay na si mama doon sa bahay kasama ang kanyang walis na pamalo, " si Rose.

" Ang bunganga ni mama na dinaig pa ang machine gun nako mabingi na naman ako nito, " si Kate.

Mabuti at hindi ganon si mama pero may kuya naman ako na daig pa ang imbistigador kung mag tanong.

Dumaan muna kami sa bahay nila Maricel para magpaalam sa kanya pinadalhan pa kami ng makakain para hindi raw kami ma gutom sa daan.

"Ang sarap talaga kaibiganin itong si Maricel ang galante," sabi ni Rose na kumakain ng lumpiang shanghai habang naglalakad kami.

"Wala bang panulak 'yan?" tanong ni Lloyd na kakarating lang kasama si Raphael.

"Bumili ka ng ice water para may panulak ka." si Kate.

"Tara tol, bili tayo ng ice water," anyaya niya kay Raphael at hinatak papuntang tindahan.

" Pwede ba akong sumabay? Kausapin ko lang kaibigan niyo. "

Na gulat kaming tatlo ng may magsalita sa likuran namin, pag lingon ko si Kenneth pala. Saan siya galing? Hindi ko naman siya nakita na sumunod sa amin.

" Sure. Why not. Diba? Tara ." hinila ni Kate si Rose patungo sa tindahan kung saan sila ni Lloyd at Raphael.

Sumabay siya sa akin at kapwa kaming tahimik habang naglalakad, nagpakiramdaman sa isa't isa. Nakahawak ako sa sling ng aking bag pinapakalma ang puso ko na subrang lakas ang kabog. Hindi ko malaman kung ano itong nararamdaman ko, akala ko back to strangers na kami pero heto siya kasama ko at sabay na naglalakad.

"I missed you bhe," natigil ako sa paglalakad sa kanyang sinabi . " Can I take u back? "

I hug him. " I missed you too. Sorry. I'm sorry." he hug me back and kiss my forehead.

Tumingala ako hinalikan ang kanyang mapupulang labi natigilan siya sa ginawa ko but he kissed be back and.

"I love you." he say.

I cry. I hugged him very tight. "I love you too." I replied.

Heto na naman ako, magpaloko,hayaang saktan at gamitin muli ng taong mahal ko hindi na ako natuto dahil ang mahalaga sa akin ngayon ay muli siyang bumalik sa akin at maging boyfriend ko.