Chereads / Madly Inlove With Mr. Playboy / Chapter 32 - Chapter 32

Chapter 32 - Chapter 32

Yong higpit ng yakap niya ang kanyang mga halik at ang matamis na I love you hudyat na pala iyon na 'yon na ang huling beses na marinig at maramdaman ko mula sa kanya.

Dalawang linggo ang lumipas nag text sa akin si Maricel,kaklase ko noong high school tinanong kung kami pa ba ni Kenneth,I said yes kasi hindi naman kami naghiwalay noong gabing yon.

"Kayo pa?Pero bakit may kinakasama na siya?Kilala mo si April?Iyan ang kinakasama niya ngayon."

Hindi ako nakasagot sa huling mensahe ni Maricel.

April?Siya yong virgin niyang girlfriend na nagalaw niya.Natawa ako ng mapakla.Kaya pala hindi na siya nagparamdam sakin after may nangyari samin dahil may kinakasama na pala siya.

Ang sakit lang minaHal ko saya ng subra pero all this time virginity lang pala habol niya.Akala ko sapat na,akala ko minahal niya talaga ako pero hindi pala.Kaya ba inalok niya ako ng kasal noon dahil lang sa bagay na ito? Gusto niya akong pakasalan dahil lang sa s*x? At kapag laspag na ay iiwan rin ako?

At may inamin rin sa akin ang kaibigan niyang si Diether nang minsang nag kita kami sa bayan . Pinagpustahan lang pala nila ako noon,way back our high school days.Noong panahon na ramdam kung mahal niya ako,na mahalaga ako sa kanya ay dahil parte lang pala iyon ng laro nila.Nag pustahan sila na mapa sagot niya ba ako sa loob ng isang buwan,at kung bibigay ba ako sa bagay na hihilingin niya, at ito ay s*x. Na failed siya noon kaya itinuloy niya ang pustahan ngayon.Gayong nanalo siya, tapos na ang pustahan,isa lang ang ibig sabihin non burado na rin ako sa buhay niya.

Isipin ko palang na may kinakasama siya para na akong ma baliw. Paano pa kaya kung iwan niya ako.Para akong mawalan ng katinuan hindi ako mapakali. Kaya minabuti ko na lang huwag itong pagtuonan ng pansin hindi ko pa naman naikomperma sa kanya ang tungkol sa sinabi ni Maricel sa akin.

Sinubukan ko siyang tawagan pero hindi niya sinasagot ang tawag ko kahit sa text ay wala rin siyang reply kaya sinadya ko na siyang puntahan sa skwelahan niya.

Napangiti akong nilibot ang aking paningin sa loob ng campus nang maka pasok ako. Nag balik tanaw sa aking isipan noong panahon na nag -aaral pa ako.Nakakamiss rin pala.Ilang taon na ba akong hindi naka dalaw dito?

Wala ako masyadong kakilala dito kaya dumiritso na lang ako sa classroom nila Kenneth. Nakaka-ilang dahil pinagtitinginan ako ng mga estudyante ang iba ay nag bulungan pa siguro kilala nila ako, sabagay halos naman ng nakakilala kay Kenneth ay alam na ako ang girlfriend niya.

Muntik na akong ma tumba nang makita ko si Kenneth na nakatayo sa taas ng hagdan nakahawak sa railings at masayang nakikipag-usap kay... April.

"Astral!"

Nagtagis ng ngipin ko ng lingonin ko ang tumawag sa akin.

"Astral!"

"Anong ginagawa mo rito Astral?!" hestirecal na sabi ni Dale at patakbong lumapit sa akin.

Sa puntong iyon gulat na lumingon si Kenneth sa aming gawi.Alanganin akong ngumiti sa kanya at kumaway.

"Pwe-de ba ta-yong mag-usap kahit saglit lang?" ngumiti ako ng tipid kay April ng tumingin siya sa akin. " Hintayin kita doon sa punong manga sa likod ng tindahan ni Ante Mona.

Hindi ko na hinintay ang kanyang sagot at umalis na ako. Si Dale ay nandoon parin sa kanyang kinatayuan, naka sandal sa pader at hindi mapakali.

"Astral!"

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Astra-.. Aray! Aray! Astral masakit!"

Diniinan ko pa ang pagpingot ng tainga niya.

"Astral ka ng Astral." namula ang kanyang tainga ng bitiwan ko ito. "Hindi na tayo bati."

"Oy! Ate huwag naman. Wala akong kasalanan."

Namutla siya ng tinaliman ko siya ng tingin. Kapag ganito na ang tingin ko alam na niya na galit na ako.

"A-te. Pro-mise wa-la akong a-lam."

"Kung wala kang alam bakit na uutal ka? Bakit parang natatakot ka sakin?"

Umiwas siya ng tingin at walang mahagilap na isagot sa akin.

" Bakit hindi ka makasagot? Dahil guilty ka? Huwag kang mag-alala hindi ako galit, nagtatampo lang ako sayo dahil pati ikaw na pinagkatiwalaan ko ay nag sinungaling sa akin. "

" Sorry ate. "

" Okay lang, " ngumiti ako sa kanya at ginulo ang kanyang buhok." Ma una na ako, mag-usap pa kami ng kuya mo. "

Alanganin siyang ngumiti sa akin pabalik, kita ko sa mukha niya ang pagsisi at pag-alala. Wala naman talaga siyang kasalanan na takot lang siguro siya kay Kenneth kaya hindi siya nag sabi sa akin. Dumiritso na ako punong manga kung saan kami mag-usap ni Kenneth . Umupo ako sa malaking ugat nito at sumandal sa kanyang puno, hinayaan kong tayangin ng hangin ang aking naka lugay na buhok .Hindi ako lumingon ng may taong tumayo sa tabi ko kung saan ako naka upo sa amoy palang nito na juicy cologne ay kilala ko na kung sino ang taong 'to.

"Don't leave me."

Naluluhang saad ko at nilingon siyang tahimik na nakatayo at malayo ang tingin.

"Sa oras na'to , pwede bang ako naman ang piliin mo?" for the last time I begged him. " Come back to me please. "

At lumuhod sa kanyang harapan katulad noon kung paano ako nagmaka-awa na huwag niya akong iiwan.

Nandito na naman ako sa sitwasyon na magmaka-awa at magpaka-desperada na huwag niya akong iwan kahit niluko, sinaktan at pinaiyak niya ako, wala e, mahal ko talaga siya at takot ako na iwan niya akong muli. Pero hindi mo mapipilit ang isang taong hindi ka naman talaga minahal kahit katiting man lang dahil sa puntong ito tuluyan na niya akong iniwan.

"I'm sorry Ri," tumingin siya sa akin at tinanggal ang kamay kong mahigpit na nakahawak sa mga palad niya." Pero si April ang pipiliin ko."

I cried out loud nang talikuran niya ako. Buo na ang kanyang desisyon na iwan ako at si April ang pinili niya.

Gusto ko siyang habulin. Gusto kong magmaka-awa ng paulit-ulit sa kanya baka sakaling ma pagod siya pakikinig at maawa sakin. Pero nanghihina na ako. Pagod na pagod na akong habulin siya. Pagod na akong magmaka-awa sa kanya. Pagod na ako. Pagod na puso ko. Pagod na akong masaktan at umiiyak.

Bakit palagi niya akong sinasaktan.Bakit lagi niyang pinipili na saktan ako imbis na suklian ang pagmamahal ko sa kanya.

Umiyak ako ng umiyak hanggang sa wala na akong luha na mailabas. Pagod na ako. Manhid na ang puso ko. Inaayos ko ang aking sarili at humugot ng isang malalim na hininga.

"Ito na siguro ang senyales na tumuloy ako papuntang Maynila."

________

Tatlong linggo na ako dito sa Maynila . Tatlong linggo na rin akong umiiyak tuwing gabi. Hindi ko parin ma tanggap ang nangyari. Akala ko noong araw na iyon na ubos ko nang iiyak ang mga luha ko pero hindi pala dahil hanggat na alala ko siya naiiyak ako, nasasaktan at nangungulila sa kanya.

I stalked him on social media at nakita ko kung gaano siya ka saya kasama si April ang babaeng mahal niya habang ako durog na durog at nasasaktan parin sa nangyari sa aming dalawa.

I texted him but no reply. Kaya tinawagan ko siya ng paulit-ulit para lang sagotin niya ang tawag ko.

"Bhe." pigil ang aking luha na sambit ko nang sagutin niya ang tawag ko.

"Ri. Ano na naman ba ang kailangan mo?" iritabling saad niya.

"Bhe. Buntis ako."

Sandaling tumahimik sa kabilang linya. Narinig kong nagpa -alam siya sa kasama nito na batid kong si April iyon.

"Kung buntis ka umuwi ka dito at panagutan ko ang bata," he said.

Wow. Ang bata lang ang panagutan niya. Ang sakit naman.Paano naman ako kung ganon?

"Kung ayaw mong umuwi dito ipalaglag mo nalang iyang pinagbubuntis mo at saka hindi naman ako nakakasiguro na ako ang ama niyan."

Dugtong nito na ikinagalit ko ng subra at pinatayan ako ng tawag.