NAIA, PHILIPPINES
"Where's my car?" tanong agad ni Trace kay Franco, ang executive assistant niya sa lahat ng legal business niya na ang main office ay nasa Makati.
He owned an 88-storey building in Makati, naroon ang pinaka-main office ng real estate company niya. He was an architect and he was known for his designs at kahit ano pang pangit na image ang nabubuo niya sa mga kalokohan sa Salvacion ay balewala sa mga ka-business deals niya. He even designed one of Dubai's commercial area. He was famous for his architectural building designs but infamous for his s*x drive and angry issues.
"Nasa parking ang kotse mo, Sir Trace." Franco gave him the car keys after informing him the location of his car.
"Go back to the office. I need to find Paige first." Tumalikod na siya para iwan ito. Nakahakbang na siya nang humabol ito sa kaniya.
"But, Sir Trace…" alanganin ang boses na sabi nito na umagapay sa bawat hakbang niya. "Ipaabot ko lang ang request ng board. Gusto ka nila makausap dahil marami ang pending na project. They need your signature."
"Gaano kadami ang pipirmahan ko?" tanong niya habang itinatali ang may kahabaan na buhok habang lumalakad.
"Kailangan niyo na three to five days straight sa office."
He smirked to himself. That load of papers he need to face. Mapapasabak naman siya sa corporate world ng tatlong araw. "No problem, susunduin ko lang si Paige. After that ay pupunta na ako sa office. Prepare all the documents that needed my signatures, and about business proposals ay siguraduhin mo nabasa mo nang maayos para okay tayo. Ayokong ginagago," aniya at tinalikuran na ito.
He stepped forward at malayo-layo pa siya sa pinakamalapit na exit papunta sa parking area na sinabi ni Franco. He was walking fast when a teenager holding her phone bumped into him. Hindi kasi tumitingin sa daan. Binabadtrip na naman siya.
"Sorry…" sabi nito.
He gave her a look at gusto niya pagsabihan ito na huwag gumamit ng phone kapag naglalakad. He was about to start his angry mode but he was stunned when he saw her eyes, cobalt blue that was almost purple. The teenager possessed an interesting face too. Her eyelashes were long and looked natural. She didn't have any makeup on her face but she has perfect pinkish white skin. And her lips, damn… kung ano-ano na ang nasa isip niya.
He just nod at her. Kinalma ang sarili sa kung ano ang nasa utak niya. Wala siya sa Agrianthropos. No matter how pretty her eyes were ay hindi siya pumapatol sa teenager. He was not into spring chicken. He was into mature women. Kung hindi kasing-edad ni Paige ang teenagaer ay baka mas bata pa sa kapatid niya. But her skin na dumikit lang sa kaniya ay naging dahilan para umalerto agad ang alaga niya. F*ck! Hindi pa siya nagkukulang sa babae para makaisip ng s*x sa simpleng pagkadikit ng balat nito sa kaniya.
Malayo na ang nahakbang niya nang hindi niya mapigilan ang sarili na lingunin ito. The teenage girl was with her parents as he could see. He smiled bitterly at tumalikod na muli. Ang nakita ay nagpaalala lang sa kaniya ng masayang kabataan nila ni Paige. Noong sila pa lang at wala pang Louisianna na nanira ng pamilya nila.
SHE WAS IN AWE. Malayo na ang lalaki na nakabanggaan niya. He was so handsome and his hazel brown eyes were penetrating her soul. She waited for a while at baka lumingon din ito sa kaniya. Hindi ito lumingon and she didn't know why she felt sad. She looked at her clothes, probably the man didn't find her pretty dahil sa simpleng ayos niya. Mukha lang siguro siyang bata sa tingin nito.
Lalakad na sana siya palayo rito nang lumapit ang Uncle Ronald at Aunt Carmela niya. Kararating lang nila ng Pilipinas. Nagpaalam kasi siya sa mga ito na bibili lang ng maiinom. She was thristy na mas lalo lang siyang naging thirsty sa tingin ng lalaking iyon kanina. Muli niyang nilingon ito pero malayo na ito at tila wala naman pakialam sa kaniya. She just smiled. She probably be pretty and young but her looks were not enough to be appealing for that handsome man.
Fine, she was not into that kind of guy so why did she keep on looking at his back. Napailing siya. She prefers clean and good-looking guys. That man's looks exceeded her preference but the way his long hair tied above his head and showed his tattooed nape, it heeds warning to her that the man is not her type, that she should not think of his face.
"Let's go, Chloe…" malambing na tawag sa kaniya ni Aunt Carmela niya na may isang metro na ang distansya sa kaniya.
"Yes, aunt." She walked fast para mahabol na ang mga ito pero muli ay lumingon siya. Wala na ang lalaki. In her dreamy eyes while looking at the vast airport na maraming tao ay naisip niya na sana naman makita niya pang muli ito. How she hope so.
The planned vacation was supposed to be for her and Carly but her sister needs to go to New York kaya siya na lang ang natuloy sumama sa Aunt Carmela niya. She was smiling when she thought of Carly, how she wished that she would be like her too. Wala pa naka-graduate but the offers are already there. Her sister is amazing and she idolized her so much.
BAGUIO CITY
"Are you sure you wanna go home? You could stay here, Paige. Okay lang naman. Wala naman problem kahit dumating mga cousins ko from US. I want them to meet you too."
Paige smiled at Harriet, her best friend. Susunduin na rin naman siya sigurado ng kuya niya kaya hindi na niya kailangan pa abalahin ang kaibigan sa pagtambay sa bahay ng mga ito. Harriet's parents are in the US nang dumating siya sa bahay ng mga ito. Namasyal ang mommy ni Harriet sa kapatid na nasa California nakapangasawa.
"Carly and Chloe wanted to visit some islands here in our country, I hope you could invite us to Salvacion," nakangiti na sabi ni Harriet sa kaniya, "then let us go to Palawan at malapit na lang iyon sa inyo, 'di ba?"
She smiled back. "Yeah, of course. I will invite you there pero naglayas pa nga ako 'di ba?" natatawa niyang sabi at natawa na rin ito.
Hindi niya kasi talaga alam kung paano ito iimbitahin sa province nila. Okay lang naman invite niya mga ito kung wala ang kuya niya sa mansion nila. Ayaw niya maabutan ng mga bisita niya ang kuya niya not because hindi presentable ang kuya niya, Trace good looks made any woman crawl on his feet just to have his attention. Hindi ang itsura ng kuya niya ang problema niya kung hindi ang pakikipagtalo nito lagi sa papa nila at kay Louisianna na umaakto na stepmother nila.
Hindi naman niya masabi kay Harriet ang kalagayan ng family niya. Harriet is her best friend pero hindi puwede nito malaman ang pangit na relasyon ng papa at kuya niya. Ang kinukwento lang naman niya lagi rito ay ang tungkol kay Louisianna at ang sama ng loob niya sa papa niya kapag minsan ay inuuwi nito si Louisianna sa mansion nila.
Last year, on her debut ay si Louisianna pa ang umakto na akala mo ay mama niya. Ayaw niya kay Louisianna. Ayaw rin ni Trace. They are both against that woman lalo na at kamamatay lang ng mama nila at hindi pa nakaabot ng forty days nailibing nang i-announce ni Louisianna sa mga kaibigan nito sa isang party na ito na ang susunod na asawa ng gobernador. How she hate that woman. Hindi pa yata nakakarating sa langit ang mama niya ay nagpaplano na ito ng kasal.
Trace on her debut remain so calm na mabuti na lang nando'n mga tropa nito dahil kung wala ay baka naging kaguluhan ang debut niya. He knows her brother temperament kaya nang makita niya sina Logan, Lev, Elliot, Jake, Jeru, at Daxon ay hindi na siya kinabahan na baka masira ang debut niya. Kung ang pinsan lang niya na si Logan ang dumating ay siguradong kakabahan siya dahil sulsulero din iyon at lagi support pa sa gulo na ginagawa ni Trace.
Hindi niya rin akalain na maisasama nito si Jeru. Jeru McBright. Her ultimate crush. Si Jeru rin ang pang-18 dance niya at naging trending siya sa lahat dahil doon. Pinag-usapan siya sa social media at marami positive at negative sinabi sa kaniya.
She doesn't care with any negativity, inggit lang sila dahil isang sikat na Hollywood actor and International model ang kasayaw niya. She had no escort that night. Trace didn't allow anyone to escort her at baka maisipan pa raw siya ligawan. Si Jeru lang talaga ang pinayagan nito sa lahat ng crush niya for the reason that Jeru won't like her for she was like a sister to the man.
Tunog ng busina ng kotse ang nagpabalik sa isip niya sa kasalukuyan. Nanlalaki ang mga mata sa excitement na baka si Trace na iyon. How she wished Trace would bring her in Agrianthropos, ayaw niya pa umuwi sa Salvacion.
MABUTI NA LANG at madali niya nahanap ang address ng bahay na nai-text sa kaniya ni Paige. He was now in front of the gate ng malaking bahay na may dalawang palapag. Kanina pa siya bumubusina pero walang nagbubukas ng gate para sa kaniya. The hell!
Iniatras niya ang kotse at babanggain na sana ang gate nang biglang bumukas iyon at lumabas si Paige.
"Kuya!"
Badtrip na inayos niya ang pwesto ng kotse sa gilid ng kalsada at ibinaba ang bintana. "Sakay na!"
"Ipapakilala pa kita sa best friend ko," sabi nito.
"Sakay!"
"Aren't you going to say thanks to her that she let me stay here for three days?" nakapameywang na sabi nito.
Hindi siya umimik. Tinitigan lang ito. Nagdadabog naman si Paige na pumasok sa bahay ng kaibigan nito at ilang saglit lang ay lumabas na ito na may suot na backpack kasama ang kaibigan nito na ngayon niya lang nakita.
Nakasandal siya sa gilid ng kotse at naninigarilyo. When he gave a look sa kaibigan ni Paige ay nakita niya na agad itong nag-blush sa tingin niya lang. Typical teenagers. Isang tingin lang ay agad na kikiligin.
"Thank you for making me stay here, Harriet. You're such a good friend and I wish I have a sibling like you who is very considerate."
Nagpaparinig sa kaniya na kausap ni Paige sa kaibigan. Considerate? Hindi pa ba consideration ginagawa niya sa kalokohan nito na pagmamaldita at pagtakas-takas. Kung gusto nito lumayas sa Salvacion ay dapat tumawag sa kaniya para isinama na lang niya sa isla.
"It's okay, Paige. Sayang at hindi mo makilala mga cousins ko… pero okay na rin since d'yan na kuya mo," pabulong na sabi ng kaibigan ni Paige sa kapatid niya. "Hindi mo sinabi ang pogi ng kuya mo," narinig niya pa na dagdag ni Harriet.
"Eewww… Don't ever like him, he's bad."
Napailing siya sa pag-iinarte na naman ni Paige, kung hindi niya lang ito kailanagan protektahan ay iiwan na talaga niya ito para magtanda. Ang sabi ng ama nila ay lumayas si Paige dahil hindi nakabili ng limited edition na bag na gusto nito. Iyon lang ang rason, napakaababaw na dahilan, pero dahil kahit ano mangyari ay hindi siya papanig sa ama ay si Paige ang kinampihan niya. Sinabihan niya pa ang ama na ubusin na lang nito ang pera kay Louisianna tutal wala naman importante para rito kung hindi ang babae nito.
He knows na unreasonable na talaga siya sa ama, but the fact na kasalanan nito ang maagang kamatayan ng mama nila ni Paige ay paulit-ulit niyang isusumbat dito. Years had passed but his memory when he was fifteen, when he caught his father and Louisianna in his parent's matrimonial bed made him cringe sa galit na naramdaman niya.
"Please message me kapag nasa Salvacion ka na at baka makapasyal kami roon nina Carly at Chloe," nakangiti na sabi ni Harriet kay Paige na ikinataas n alang ng kilay niya. Mukhang wala pa plano ang mga ito tumigil sa pag-uusap.
"Sakay na! Daming arte!" pasigaw na utos niya sa kapatid at nakita niya na nagulat ang mga ito sa ginawa niya.
"Bye, Harriet… Thank you again and will message you later." Kumakaway na sabi ni Paige bago nakasimangot na sumakay na lang ng kotse niya.
Saktong kakasakay lang ni Paige nang may dumating na isang kotse at nakita niya na ipinagbukas na ni Harriet ang bagong dating ng gate at mukhang nalimutan na sila. He went inside his car at nang sinimulan na niya paandarin ang sasakyan ay inirapan pa siya ni Paige. Tantrums. Sakit talaga ng kapatid niya ang pagta-tantrums.
MULA SA ILANG metrong distansya ng sinasakyan nila ay nakita ni Chloe ang isang lalaki na nakasandal sa kotse habang tila may hinihintay at naninigarilyo. May dalawang babae na nag-uusap sa may unahan lang ng kotse nito. Probably one of the man's girlfriend na sinusundo.
Malayo man ang lalaki ay alam niyang iyon ang nakabanggaan niya kanina sa airport mga four to five hours ago. She couldn't forget his ruggedly handsome look. Her eyes moved on his sports car, the man is rich dahil hindi basta-basta ang halaga ng sasakyan nito.
They were nearing them nang nakita niya na sumakay ang isang babae na nakasuot ng maikling shorts, jacket at sneakers. Her hair was in ponytail at nakikita niya na maganda ang babae, bata pa rin at tingin niya ay kaedaran lamang. That man na binalewala siya kanina samantalang kagaya lang rin pala niya ang girlfriend nito na bata pa.
Nakapasok na ang van na sinasakyan nila ng aunt at uncle niya ay nililingon niya pa rin ang kotse ng mga ito. Wala na ang mga iyon sa labas. Muli ay nakaramdam siya ng panghihinayang. Her wish was granted, nakita niya itong muli pero hindi naman siya nakita nito. How she wish to see him again at sana sa susunod makilala na niya ito.
Bumaba na siya sa van at agad naman siyang sinalubong ni Harriet na nakangiti. She smiled back.
"We saw you talking to your friends. Who are they?" hindi niya napigilan itanong. She was curious with the man.
Bigla siyang parang napahiya. Nawala sa isip niya na ngayon niya lang nakaharap muli si Harriet. Ang huling kita niya sa pinsan ay noong twelve years old pa lang sila, sa California, noong kasama itong nagbakasyon doon ng mga magulang. Sa social medias na lang kadalasan interaction nila nito.
"That's my best friend Paige," nakangiting sagot nito sa tanong niya. "Her brother just pick her up for they need to go back to their province. She stayed here for three days and three nights."
"Oh… okay," she sadly said. Siguro kung nauna sila nakarating ay nakilala niya sana iyong lalaki. "Cute siblings. What are their names?"
"My friend's name is Paige. Her brother, if I remember right…" wika nito na tila iniisip pa ang pangalan ng kapatid ng kaibigan nito. "Yeah, I remember. Paige said that her father's name is Patricio and that is her brother's name too. Patricio Dimagiba, Jr."
"Patricio… sounds Spanish but cute name," she said.
"He's more than cute, Chloe. They have Brazilian blood, I think. Paige told me."
"Yeah… that is why," nakangiti na rin niyang sabi at nagtawanan na silang dalawa.
'Patricio… I have a crush on a man that only his name that I know. His eyes. His hazel brown eyes. How I wanna see him again. How I wanna see him looking at me and making me feel he likes me too.'