Chereads / TRACE DIMAGIBA (Wild Men Series #1) / Chapter 7 - Chapter 6 (DREAMY)

Chapter 7 - Chapter 6 (DREAMY)

TRACE

I gave a look to Logan na nagawa pa makipaglandian sa nurse na nililinis ang dugo mula sa sugat sa kamay nito na natusok ng salaming basag kanina. Napailing na lang ako sa kalandian nito. Si Logan na yata ang lalaking kahit saan mapunta at kahit anong senaryo ay maiisip nito maghanap ng kalandian.

Nang makita ko na papalapit si Elliot sa amin na nakakunot ang noo ay natawa ako. Hindi ko alam sino ang tumawag dito. Badtrip na naman si A-TT Eut sa amin ni Logan. Mukhang kapag nakalapit ito ay mananapak na lang bigla. Malas naman ni Logan at siguradong ito na naman mapaglabasan ng inis mamaya ni Eut.

I addressed Elliot A-TT, pronounced as Ah-Ti-Ti just to annoy him usually, pikon kasi ito lagi. Sa pito kami ay itong si Elliot ang pinakapikunin. Lev could be tolerable dahil sociopath lang ang gago na iyon, saka feeling lolo na kaya lagi nakasimangot at lagi badtrip sa mundo, unawain ko na lang at kahit gano'n si Master Thunder Lev ay the best pa rin sa dami niya ginawa para sa organisasyon.

Pero itong si E-yot ay iba pagkamasungit nito, na dahil abogado ay kailangan good image kapag nandito sa labas at gusto pa yata tularan namin ni Logan. Maarte ito eh, medyo weird pero nakakatuwa naman. Kapag kailangan ko nga kabasagan ng mukha ay ito pinagtitripan ko at dahil pikon lagi ay patol naman.

I remember him the day after I was announced as the new head of Foedus Corp., napikon talaga siya sa akin. Nakakatawa. Parang gago eh! Arte akala mo naman hindi nasarapan sa serbisyo ng tatlong babae na kasama niya ng magdamag. Mabuti nga at tatlo lang, lima pa nga sana.

That morning after Lev's announcement was a total chaos, na lalong gumulo dahil kay Logan. Pero okay lang. Ganito naman kami lagi, magulo pero masaya at buhay pa naman kami lahat. Kagaya ngayon at mukhang masaya na naman ang eksena naming tatlo mamaya.

"Get out," taboy ni Eut sa nurse na saka ko lang napansin na sinimulan na pala ni Logan kapain ang b*obs. The nurse immediately fixed her uniform at lumabas na sa clinic. Nakapag-ninja moves na naman si Betlogan.

"Ano ba problema niyong dalawa at nandadamay kayo?!" tanong ni Elliot sa amin sa tono ng boses niya na parang nagpipigil sa galit at trying hard maging kalmado.

Logan gave a grin and I gave a chuckle. Kahit kailan talaga ay boring itong si Elliot. Kulang na ito sa orgy for sure kaya ganito na kasungit. Si Lev ay masungit din at kadalasan istrikto but Elliot is different, nasa pagitan ito ng kasungitan at propesyon. Hindi ba ito naboboring sa propesyon na pinili.

A lawyer. Elliot is a lawyer same as my father. I smirked bitterly with my thoughts. Bakit ko ba kailangan pa isipin ang tatay ko? Sigurado mamaya lang ay may tawag na naman ako matatanggap na nabalitaan na ang gulo na ginawa ko at nakaabot na sa Salvacion. Technically, gulo namin ni Logan. But for sure ay ako naman ang babanatan mamaya ng media dahil lagi naman talaga akong involve sa kaguluhan at masyado nila ako pinapasikat.

"Grow up, f*ckers!!!" pasigaw na sabi ni Eut sa amin ni Logan. Tuluyan na napikon na naman dahil hindi namin pinapansin pagreregla niya.

Gusto ko mainis kay Elliot dahil naiinis naman talaga ako kanina pa pero ayaw ko na lang. Naiinis ako as I need to think paano mahanap ang babae kanina. Si Keros ang sure na makakatulong sa akin pero hindi ko alam kung saan lupalop ang lalaking iyon. Last month pa nagpaalam na may importante gagawin. I didn't ask, baka kailangan maglimlim at baka mabagok ang mga itlog niya.

"I am not your babysitter, goddamn it!" dagdag sigaw ni Elliot na pulang-pula na sa galit.

I gave a sigh boringly. Nag-iisip pa ako paano ko mahahanap ang babaeng iyon ay sumisingit pa panenermon nitong ogag na ito. Siguro ay may kaiy*tan ito kanina at nadistorbo namin. Iy*t for Eut! Bigyan ko na lang ito ng babae para hindi na magalit pa.

"Did you call him?" I asked Logan calmly. Kung bakit naman kasi kailangan nandito pa itong Eut na ito eh boring nga ito. Wala kakwenta-kwenta kausap.

"Of course not! Pakialam ko d'yan. Kung babae 'yan ay tatawagan ko pero si Eut man 'yan," natatawang sabi ni Logan at natawa na rin ako. May point ang pinsan ko. Sino ba gusto tawagan itong si Eut?

Elliot who was so obviously pissed off ay nilapitan si Logan at kinuwelyuhan. "Do you really think that I wanna see your f*cking face here?" galit na talaga nitong tanong kay Logan.

"At sino ba nagsabi sa'yo na gusto namin nandito ka?" badtrip ko na tanong kay Elliot. Tumayo na ako at pabalya siyang hinila palayo kay Logan.

Nag-iinit na ako at kanina ko pa iniisip kung saan ko mahahanap ulit si Ganda kanina. Nag-iinit na ako sa inis at sisingit pa itong si Eut na imbes na manahimik na lang at gawin ang trabaho ay dakdak pa ng dakdak. Tangina naman talaga! Kailangan ko mahanap iyong chix na 'yon at wala ako pakialam sa pagreregla nitong si Eut!

Badtrip na eksena kanina. Nang dumating kasi ang mga pesteng pulis ay inistorbo ang ginagawa namin ni Logan sa kotse ni Taba. Nang lingunin ko na si Ganda pagkatapos ko makipagsapakan sa mga pulis ay wala na ito roon.

"F*ck, Trace! Umayos kayo ni Logan! Nagsasawa na ako sa pang-iistorbo niyo sa akin," galit na palag ni Elliot sa akin at may paduro-duro pa.

"Hindi ka namin inistorbo, gago! Hindi ka tinawagan ni Logan at mas lalo na hindi ako ang tumawag sa'yo!"

"Lev was the one who called me! Tangina niyong dalawa!"

"Oh, that's sweet," natatawa kong sabi at agad naman tumawa rin si Logan. "Masyado naman kaming mahal ni Master Thunder. Sabihin mo na okay lang kami. We're good!"

"Alam mo ba kung ano problema mo?" tanong ni Elliot sa akin, this time ay alam ko na galit na galit na siya. Napangisi na lang ako. Bitin talaga ito. Sampung babae pahihilera ko sa harap nito para matahimik na.

"Problema ko?" buwelta na tanong ko naman sa kaniya. "Problema ko kakornihan mo! Ulol! Huwag mo sabihin na palibhasa inareglo mo na naman kaso ko ay pasasalamat na ako!"

"Pasalamat ka lang at pinoprotektahan ka pa ng grupo!" sigaw niya sa akin.

"Eut, tama na 'yan!" natatawang awat ni Logan.

Logan know me better than anyone. Ayaw na ayaw ko pinamumukha sa akin na kung wala ang Foedus ay wala na ako magagawa.

CHLOE

I sighed. That man, that freaking handsome man na kanina ay balewalang nakipagsuntukan sa mga pulis ay ginugulo ang isip ko.

He even shouted his name and his status. I don't know if he is okay or not. He seems insane. Guwapo nga pero mukhang may tama ang utak.

"F*ckers! You don't know me?! I am Patricio Ferreira Dimagiba, Jr. The awesome son of Governor Patricio Dimagiba, Sr. of Salvacion. Call my father so he'll be here. Itong kasama ko ay pinsan ko, Logan Dimagiba Castillejo. We are Dimagibas at wala kami kinatatakutan! Mga gago!"

That was what the man said. Gusto ko bigla kabahan. They are Dimagibas at kung sino man si Trace Dimagiba ay maaring kaugali rin nila. Maaring kaya mayayabang ay dahil mga kilala sa lipunan.

"He's still handsome, right?" kinikilig na sabi ni Harriet sa tabi ko.

"Who?" I asked even though alam ko na kung sino tinutukoy niya. Totoo naman. Ang guwapo pa rin naman talaga.

"Paige's brother. Didn't you recognized him? He was the one you had a crush on years ago," nakangiti na pagpapaalala sa akin ni Harriet.

I smiled shyly. Naalala pa pala ni Harriet ang bagay na iyon.

"Why it seems he didn't know you?" I curiously asked. Nakakapagtaka kasi na kapatid ni Patricio si Paige pero hindi nito kilala si Harriet na best friend ng kapatid nito.

"We hadn't met again after that time he picked up Paige in Baguio. When Paige and I graduated, he didn't attend. Sabi ni Paige ay hindi darating ang kuya niya kasi nandoon ang father at mistress ng father nila," kuwento nito na nang biglang maalala na nakapag-Tagalog ito ay nanlaki ang mga mata. "I'm sorry… I mean--"

"No need to translate, I understand…" I smiled sweetly after saying that. Gusto ko na rin na nagsasalita siya ng Tagalog para makasanayan ko.

"Nakakaintindi ka ng Filipino?" natatawa na tanong ni Harriet sa akin.

"Yes, but I am not fluent so I can't speak. I just understand some words and phrases."

"So naiintindihan mo na ang guwapo ng kuya ni Paige at iyong kasama?"

"What?" tanong ko, medyo naguluhan ako. Mabilis kasi siya magsalita. Ang nakuha ko lang ay iyong guwapo ang kuya ni Paige. Totoo naman at hindi na ako kontra, sayang lang at mukhang gangster ang profession na pinili.

Harriet giggled. "Wala. Sabi ko eh tuloy na talaga tayo sa Salvacion para attend sa party ni Paige," anito.

Tumango naman ako. Yes. I really want to go to Salvacion. I am really looking forward to finally meeting the man named Trace Dimagiba at hindi ko man aminin kay Harriet pero gusto ko ulit makita si Patricio. Wala naman siguro masama at gusto ko lang naman siya makita ulit.

Again, as I remember that Trace Dimagiba ay naalala ko si Patricio. Mukhang feelings ko na matagal na nawala ang babalik dahil sa paghahanap ko kay Trace Dimagiba. No! Hindi pwede!

Bigla ako natigilan dahil naalala ko na naman ang itsura ni Patricio kanina. He really look awesome pero nakakatakot. He really look handsome pero may warning tag sa noo.

"How many siblings Paige has?" I asked curiously. What if kapatid pala nila si Trace Dimagiba.

"Dalawa lang sila. Siya at ang kuya niyang napaka-hot," sagot ni Harriet na natatawa. "Don't worry at hindi ko aagawin si Patricio mo. Sa iyo na."

I just smiled at that. Hindi ko naman iniisip na agawin niya si Patricio. I admit that Patricio really looks dreamy but I am not nineteen years old anymore. That was years ago at twenty-three na ako, iba na ang preference ko sa lalaki. I like mature men, like Oliver.

I closed my eyes as I wanted Oliver to enter my imagination but he did not, it was Patricio's eyes and smirk that entered my thoughts.

Damn! Mukhang babalik na talaga yata ako sa dati na nagka-crush sa kaniya.

"Magkakagusto sa akin 'yan, pustahan tayo!"

Patricio said those words earlier, he was referring to me and I understand what he means. He was telling that man named Logan that I will like him soon.

Dahan-dahan ako napabuga ng hangin. Mabuti na lang at hindi na ako kagaya noon. Hindi ako magkakagusto sa kaniya. Hindi puwede. I can't!

Wait! No! That was an understatement. I know that I can be head over heels into him again. Noon nga na minsan lang kami nagkatinginan ay ang tagal ko siya nalimutan, ngayon pa ba na nakita ko sa mga mata niya na gusto niya ako.

Oh my God, Chloe! You should be careful!

Paalala ko sa sarili ko iyon. I should not fall for him. Delikado ako at baka matulad ako kay Carly na maloko at mabigo.

That Patricio is insane! Guwapo, mukhang masarap pero baliw. I should remember it always.

TRACE

I closed my fist and went to Elliot to crack his face when Logan stepped in and positioned himself in the middle. Gagong Logan at hinarangan ako! Tangina! Gagong Eut ito at masyadong mayabang na!

"Tama na, Trace!" natatawang awat ni Logan sa akin. Mabilis naman akong lumayo para makadistansya. Tanginang Elliot 'to! Kapag nakabalik ito sa isla ay siguradong mayayari ito sa akin.

"Stop acting immature, Trace! You supposed to act as the head of Foedus pero ikaw pa ang nagsisimula lagi ng gulo! Nauunawaan ko galit mo sa tatay mo pero matanda ka na! Hindi ka na bata na kailangan gabayan pa lagi ni Lev at ipaareglo lagi sa akin ang kalokohan mo!" Galit na galit na patuloy na panenermon ni Elliot sa akin.

"At ikaw, Logan! Gago na nga 'yang si Trace ay dagdagan mo pa! Do you think that I wouldn't know na ikaw pa nagbigay ng baseball bat at duet pa talaga kayo manira ng sasakyan ni Mr. Li?!" Elliot kept on bad mouthing us.

Logan looked at me at natawa na lang kami pareho.

"Siguro nagsisisi na mga magulang niyo na nabuo pa kayo!" patuloy na panenermon ni Elliot.

"Tangina naman, Eut!" sabi ni Logan at natawa pa but I remained serious this time. Hindi ko na gusto tinutungo ng mga sinasabi ni Eut. Hindi na ako natutuwa

"Trace, do you think your mother would be proud of you doing all of this to spite your father? Wake up, dude! Stop f*cking your life out of anger because of your father! Hindi na pwede maibalik ang mama mo ng lahat ng kalokoha--"

Elliot didn't continue what he wanna say as I gave him a right hook to stop him saying anything that I don't wanna hear.

Logan didn't utter any word rather. Natahimik na ito at hindi na natawa. Logan knows how I hate to hear anything about my mother.

Mama wouldn't be proud of me, I know. Mama wouldn't like what I am doing in my life but who cares? Wala na siya. Wala na siya dahil kay Papa. Dahil kay Papa at dahil sa punyetang si Louisianna.

"It really hurts hearing the truth, right?" patuyang tanong pa ni Elliot sa akin. I was about to give him another punch when the door opened at pumasok si Jake na may kausap sa phone.

My brows furrowed. Ano ginagawa ni Jake dito? Lumapit siya sa akin at binigay ang phone.

"I am not in the mood to talk to anyone!" inis na sabi ko. At bakit nandito ito? Akala ko ay nasa isla ito.

"Daxon's on the line. He needs you. He needs Foedus," sabi ni Jake sa akin at nagkatinginan kami nina Elliot at Logan.

"Daxon…" I said when I answered the call.

"Trying to call Lev but he was busy and told me that you are the one in charge now and he's right. I need your help, Trace."

Daxon seldom asked for help kaya napaisip ako kung ano kaya problema nito.

"Anong tulong kailangan mo?"

"Siguraduhin mo na ang transaction ko sa Italy ay hindi maharang. May drugs akong under shipment doon. I will send details about it later," iyon lang at nawala na sa linya si Daxon.

F*ck! Istorbo! Nasira na concentration ko sa pakikipag-away kay Elliot.

"What now?" tanong pa ni kulang sa iy*t na Eut sa akin.

"Stop the drama, Eut! I can't kill you because of our f*cking brotherhood and you're my friend. But a friendly f*cking advice. Stop being hypocrite! We are all f*ckers love f*cking anyone's life. We are all cut in the same cloth. So don't tell me what to do for I know what I wanna do! Kung ayaw mo na aregluhin mga kalokohan ko ay wala ako pakialam pero hindi mo ko pwedeng pigilan! Putangina mo! Magising ka sa katotohanan!"

Magsasalita pa sana ai Eut pero nakita ko na inawat na siya ni Jake. Initsa ko naman kay Jake ang phone niya na hawak ko pa pala. Agad naman sinalo ni Jake iyon.

Iniwan ko na sila. Pasakay na sana ako ng sasakyan nang humabol si Logan.

"Saan punta mo? Baka may babae, sama ako!"

Babae? I think of her pretty face again, that woman earlier. Just thinking of her made me felt hard. Iniisip ko pa kung saan ko ilalabas ang galit ko nang maalala ko si Rita. Oo, si Rita. Iyong expert wh*re ng Nightlight. Napangiti ako. Bakit nga ba hindi? Sabi ko naman ay babalikan ko siya, kasama ko nga lang si Logan.

"Tara sa Nightlight, marami babae do'n!"