OCTOBER 2021
CHLOE
It had been three months mula nang dumating ako dito sa Pilipinas. I was supposed to come here with my parents and Carly pero hindi sila natuloy. The problem with Carly get worse than ever. She needs extra care kaya nasa psychiatric hospital muna siya. Ang sabi ni mommy at daddy ay medyo gumaganda na yata ang lagay niya roon. I really hope so. Sana ay maging okay na talaga siya.
For three months ay wala na ako ginawa dito sa Pilipinas kung hindi ang pasimpleng hanapin si Trace Dimagiba. Not even telling my cousin Harriet about the truth, wala akong sinasabi kahit kanino na hindi okay si Carly. That is our family's secret. Ang sabi ni mommy ay hangga't maari ay ayaw nito mapag-usapan ng mga kamag-anak namin dito sa Pilipinas ang tungkol kay Carly.
I understand my mom. Carly was the perfect daughter a mother could ever have. Mommy would never let anyone to talk anything bad about Carly, I don't want that too. Kung ano man ang nangyayari kay Carly ay tamang sa California lamang, hindi na kailangan makaabot pa sa Pilipinas. My sister would be fine at malalampasan din namin ang problem na mayroon kami ngayon.
I can find that assh*le soon. Wait for me, Trace Dimagiba! Magkikita rin tayo!
I tried to look for him on social media sites but the name Trace Dimagiba wasn't there. Probably he was using a different name kaya hindi ko siya mahanap. Maraming Dimagiba at mayroon din mga Trace but no one has a name of Trace Dimagiba.
"Do you remember Paige?" tanong ni Harriet na ikinalingon ko sa kaniya. Harriet usually talks to me in English as she had no idea that I can understand some Tagalog words. Mommy usually talks to me and Carly in Tagalog. I am not good at deep Tagalog words, I just know some. I can understand but I cannot speak well at mukha ako ewan with my Californian accent.
"Paige?" bewildered, I ask. If I remember it right, Paige was her friend that we supposed to visit almost four years ago. Hindi lang natuloy noon dahil tumawag si Paige na na-ambush ang father nito kaya hindi niya kami mai-entertain in case na pumunta kami sa province ng family nito. Nasa ICU that time ang father ni Paige.
"Yes, Patrice Gertrude Dimagiba. My best friend Paige…" nakangiti na pagpapaalala ni Harriet sa akin ng pangalan ng kaibigan niya. "There will be a party for her in Salvacion, two weeks from now. She said she could pay for our all-expense trip and vacation once we attend the party."
Dimagiba?! My eyes grew bigger. Not with the free all-expense trip and vacation that Harriet was telling me about. Yes, I remember now her friend Paige. I mostly remember actually the handsome brother of Paige Dimagiba… Patricio Dimagiba.
Dimagiba. At ano kaya nila ang walanghiyang si Trace Dimagiba? Malalaman ko na rin kung saan ka! Malapit na!
But that Patricio… may asawa na kaya iyon? Sana wala pa.
Patricio Dimagiba! My Patricio… Yeah! That was his last name. The man I could remember forever for the way he gave me an eye before. His hazel brown eyes, his hair in a bun, and his tattoo on his neck and nape.
I was infatuated with that man years ago na kahit bumalik na ako sa California ay hindi siya mawala sa isip ko. Probably he was the reason too kung bakit hindi ako nagkainteres sa kahit sino na ka-age ko. I don't know if what I felt for him was just a crush pero kung crush man iyon ay sobra naman dahil inabot na ako ng graduation ko sa college bago siya nawala sa isip ko.
It wasn't love of course. Imposibe iyon dahil hindi ako naniniwala sa love at first sight. Kalokohan iyon. A hundred percent kalokohan. Crush at fist sight ay oo, but not love. I even had a crush on Oliver at kahit crush ko iyon ay hindi ko sinasabi na love ko na iyon. I just like him at alam ko na siya ang gusto ko mahalin. Oliver, the perfect gentleman.
"Do you wanna come with me to Salvacion?"
Nabalik ako sa kasalukuyan dahil sa taong ni Harriet. I nodded my head. "Yeah, I love that!" I was smiling now ear to ear dahil sa malaking chance na mahanap ko na si Trace Dimagiba. How could I forget Patricio's last name. Stupid me!
Me and Harriet kept on chatting when Manong Berto, the driver, slowed down and pull over. Napatingin kami pareho ni Harriet sa unahan, may nagkabanggaan at ngayon ay kitang-kita namin na bumaba ang lalaki sa isang sasakyan at mukhang aawayin iyong matandang naka-pedicab na kabanggaan nito. That is a pedicab. Sabi ni Harriet ay pedicab ang tawag doon.
I didn't like instantly the man na kasalukuyan na dinuduro si manong na naka-pedicab. Those kinds of people are bad. Mayayabang. Palibhasa may kaya sa buhay ay mapang-api sa kapwa. Unlike Oliver, rich yet humble.
I sighed. I hope that I could find immediately Trace Dimagiba para makausap ko na as I really wanted to go back to New York. Oliver would still hire me, he said it so. I believe him so. I will marry him soon.
TRACE
Three and a half years ago. Hell yeah! Almost four years later I became the head of Foedus Corp., the organization that Lev started and led. Lev to lead, lead to Lev. Hah! It f*cking rhymes but now he f*cking left me his supposed responsibility when he wanted to start Foedus.
Lev became fan of getting laid, I think. Hindi na nagsawa, ang tanda na eh saka pa yata gusto maging teenager ulit. Sabagay at sociopath nga pala iyon, dami arte sa katawan akala mo naman hindi pumapatol sa mga babae padala nina Jake at Chase. But Lev was still the man I look up to. Bilib ako sa simpleng kagaguhan no'n. Kung wala si Lev ay walang Foedus na pinoprotektahan namin lahat ngayon.
Enough with Lev's drama. That man is truly trying to be peaceful. Man! He kinda cute and fun. Acting like a big brother yet cannot focus on what he really wants. I know he was eyeing someone, hindi ko lang sigurado kung iyon ba talaga kinababaliwan ni Lev ngayon. Hindi naman kasi si Lev katulad nina Logan at Elliot na paramihan ng girlfriends ang ginagawang kompetisyon. Mga g*go eh!
Anyway, I am not saying that I hate being the head of Foedus. I love Foedus. I love Agrianthropos. I love my cats. I love everything about the island. I love my friends. I love being head as I love my two heads.
I was in deep thoughts about me being the head of Foedus and the two heads of mine that I need to protect. I was in my deep thoughts while driving when I saw people on the streets circulating, gathering, na parang may aksidente.
Wala ako pakialam sa aksidente but I noticed a sight of a woman. Hindi ko kilala pero mukhang masarap kahit likod niya lang ang natatanaw ko. I hit the breaks at muntik na masubsob si Logan na gusto ko man matawa ay mamaya na lang, para kasing t*nga… Sino ba ang nagsabi na hindi niya isuot ang seatbelt niya?
"F*ck you, Trace! Ano na naman ba problema mo?!" galit na sigaw ni Logan na wala ako pakialam. Lumabas ako ng sasakyan at iniwan siya.
Naglakad ako palapit sa nag-uumpukan at curious na rin ako kung ano ba mayroon doon. Mukhang wala na talaga ang COVID kaya balewala na lang sa mga ito ang mag-umpukan.
I gave a glance to the woman na kursunada ko. Bihira lang ako magkakursunada dahil hindi ko kailangan mangursunada. Babae ang lumalapit sa akin. Hindi ako kagaya nina Logan at Elliot na eksperto sa pakikipaglandian para maikama ang babae. I am served always. I am the boss at hindi ako ang uri ng lalaki na manunuyo ng babae.
Kanina ko pa tinitingnan ang babae pero mukhang hindi ako napapansin at ang interes ay naroon sa matandang pedicab driver na kulubot na ang mga balat na kasalukuyan dinuduro ng lalaking mataba at kalbo. I got curious at tiningnan kung ano ba ginawa ni Pedicab at natawa ako kasi nagasgasan pala ang sasakyan ni Taba.
Patuloy si Taba sa panduduro at si Pedicab ay hindi na makaangat ng tingin. I am not a hero, villain ako lagi. Never ako gumawa ng bagay na ikakatuwa ako ng mga tao. Mas gusto ko iyong naiinis mga tao sa akin at sabihin na hindi ako napalaki ng tama ng ama kong walangh*ya kaya ganito ako.
Yeah! I am not hero pero parang gusto ko na bigla magpapansin para lang tumingin siya sa akin. Tangina naman at sayang na ang two minutes ko nakatayo dito na hindi pa rin ako pinapansin ng babaeng ito. Sapakin ko na kaya itong si taba para tapos na…
"Tara na!" sabi ni Logan at dahil sa sinabi ni Logan ay napatingin siya sa amin. Papansin din itong Logan at nang-agaw pa ng atensyon.
"Saglit," I said to Logan. Badtrip na ako dahil tamang sinulyapan lang niya ako. Ano gusto niya sabihin? Hindi niya ako type? Kapag ganito ay gusto ko na makigulo.
"Tara na at walang kwenta 'yan!" pangungulit ni Logan.
Ayoko pa umalis, pamilyar bigla sa akin ang babae. I think I saw her before. Iniisip ko pa kung saan ko siya nakita nang bigla siyang napasinghap. Tiningnan ko ang tinitingnan niya at sakto sinampal ni Taba si Pedicab.
I grinned widely. Tangina! Ang yabang ni Taba! Gusto ko na sumali bigla!
"Tangina, Trace!" narinig ko pa na sabi ni Logan bago ko siya iniwan kasama ng mga usisero sa kalsada at may pakuha-kuha pa ng video ang mga ito. Mukhang viral na naman ako nito mamaya.
Hindi naman kasi ako papayag na mas mayabang pa sa akin si Taba kaya nilapitan ko na siya. I didn't ask Taba kung ano ba problema niya. Kapag may gulo, hindi ko ugali magtanong. Mahirap dinadaan sa usapan ang init ng ulo. Kapag dinaan sa usapan ay nagiging maayos. Sa ganitong sitwasyon ay mas masaya kapag hindi maayos. Never ko ginusto maging maayos ang ganitong usapin. Kung sa isla lang ito ay magkakaroon ng bagong kalaro ang mga alaga ko.
Hinawakan ko na ang ulo ni Taba at inuntog ko na siya sa bintanan ng sasakyan niya na tag-tatlong milyon lang naman at ang yabang na. Nagsigawan ang mga tao at narinig ko na biglang tumawa si Logan.
Nahihilo na at natumba si Taba dahil sa ginawa ko. Nilapitan naman ni Ganda si Pedicab at narinig ko na kinakausap niya ito gamit ang English words na Californian accent pa. Doon ako natawa. Kinakausap niya si Pedicab Tanda na akala naman niya maiintindihan siya.
CHLOE
My eyes grew bigger while looking sa lalaking may katabaan at sa kawawang matanda na kanina pa niya inaaway. Gusto ko mangialam but I can't, natatakot ako. Si Manong Berto ay sinsasabihan na kami ni Harriet na pumasok na sa sasakyan but Harriet was trying to video the moment para raw makatulong kami sa matandang inaaway nang may katabaan na lalaki.
I look at the people around at mukhang wala sa mga itsura ng mga tao doon ang tutulong sa matanda. Karamihan ay kumukuha lang ng video at sure naman na po-post nila para maging viral na naman sa socmed. I was about to suggest to call some police officer para may tumulong sa matanda nang mapatingin ako sa katapat ko na direksyon dahil sa boses ng lalaki na nag-aaya sa kasama nito. There was something in his voice na napatingin ako, he sounded irritated at akala ko ay ang niyayaya nito umalis ay si Chubby Man.
I met someone's eyes at nagtaka ako kasi wala siya facemask, mabilis ko iniwas ang paningin ko sa kaniya. He and his friend na kasama nito ay matatangkad at magaganda ang katawan, they should help the old man pero base sa narinig ko sa kasama niya na niyaya siya ay mukhang wala sila pakialam na dalawa sa nangyayari.
They are good looking and I think he looks like… iniisip ko pa kung sino kamukha no'ng lalaki na magulo ang buhok nang makita ko na itinaas ng matabang lalaki ang kamay nito, the chubby man hit the old one with a slap. How bad that man is! Kanina pa nito dinuduro si manong pero hindi naman lumalaban at humihingi pa ng pasensya.
Hindi ko na kaya. I was about to stop the chubby man nang makita ko ang lalaki na magulo ang buhok pero gwapo na nilapitan si Chubby Man at akala ko aawatin niya but he moved fast at nagulat na lang ako na iniuntog niya sa bintana ng kotse ang ulo ni Chubby Man.
My God! I thought he would just talk to the man para hindi na nito masaktan ang matanda but he looks like a Freaking Handsome Devil.
Nilapitan ko si manong at concern talaga ako sa nangyari. Harriet also helped me talked to manong.
"We would bring you to the hospital, manong…" I said to the old man. I kept on talking like asking him kung ano number ng phone ng asawa niya or mga anak so I would inform them.
I kept on talking and talking hanggang sa narinig ko na lang na may tumatawa sa likod ko. Napalingon ako. Oh! The Freaking Handsome Devil! Gusto ko sana pasalamat sa tulong niya kaso parang naawa naman ako kay Chubby Man, he should just talk to him and hurting anyone is not a good thing to do!
"Yawa!" the Freaking Handsome Man said. Napapailing pa ito.
I cannot understand the word he used. Napatingin ako kay Harriet at napatulala lang ito habang nakatingin sa guwapong lalaki na nasa harap ko. I gave him a stare dahil pamilyar talaga siya sa akin when my eyes turned bigger as realization hits me. He was the one in the airport almost four years ago.
Oh my God! I am staring at the man na crush ko noon but he doesn't look as cool as before, he looks like a bad boy now and he looks like a fallen angel na tuluyan naligaw ng landas.
"Swerte mo, Manong Pedicab!" narinig ko na sabi niya at kausap ang driver na nakatingin lang rito na mas mukhang kawawa na dahil naiiyak. "Ganda ng gusto tumulong sa'yo. Logan, bugbugin mo nga ako at baka tulungan na rin ako nito!"
I don't know what he is saying exactly but all I can get is he was saying na maganda ako. I blushed. He found me pretty. Gusto ko sana kiligin nang biglang magsalita ang kausap niya na Logan ang pangalan.
"Kursunada mo?" natatawang tanong ni Logan nang lumapit ito sa amin at tiningnan ako.
Parang bigla ay gusto kong matakot. There was something weird between the two. They are both definitely handsome but they both definitely spell R-E-D F-L-A-G just by looking at them.
"Kursunada? G*go!" natawang sabi ni Most Freaking Handsome Man at muling tumingin sa akin. "Magkakagusto sa akin 'yan, pustahan pa tayo!"
"Tapos?" nakangisi na tanong ni Logan ang name.
"Isla." The man said at tumawa ang lalaking si Logan.
Nawala na sa isip ko si manong dahil sa kanila at nang lingunin ko ito ay nakita ko na kinakausap na ito ni Harriet.
"Salamat po," sabi ni manong sa lalaking pakiramdam nito ay nagtanggol dito sa lalaking may katabaan kanina.
My eyes moved to the chubby man at nakita ko na nakasandal pa rin ito sa gulong ng sasakyan nito. Masama ang ginawa nito sa matanda pero ang itsura nito ay mas nakakaawa na ngayon kaysa sa matandang inapi nito kanina.
I was about to say something when I saw the man named Logan give the Freaking Man a baseball bat at nagtawanan ang mga ito at sinimulan na basagin lahat ng salamin sa kotse ng kawawang mataba.
Oh no! They are not only red flags. They are totally freaks! Handsome freaks!