Chereads / Minahal Kita / Chapter 2 - CHAPTER 2

Chapter 2 - CHAPTER 2

Minahal kita

CHAPTER 2

"Mark"

"Yes, Sir" sagot agad ng lumingon na lalaki. Nakikipag-usap pa ito nang maramdaman ang isang boses na tinawag siya. "May kailangan po ba kayo?" tanong nito.

"Anong oras 'ba darating si Mr. Climente?" napatingin sa relo sa braso si Mark.

"Maybe around three o'clock po. Not sure. Pero iyon po kasi ang sinabi niya sa akin na oras kangina ng tawagan ko siya. Bakit po?" takang tanong ni Mark.

"May pupuntahan sana ako. Kaya tinatanong ko if aabot ba ako bago siya dumating or hindi." tugon na sabi niya.

Siya si Thompson, thirty six years old. Siya ang nagmamay-ari lang naman ng Tomas Shopping Mall. He's a bachelor and aside don. Nakapayaman din niya at siya ang isa sa mga may-ari ng naglalakihang mall sa bansa. Sikat din siya sa business industry. Kilala siya ng nakararami sa larangan ng business world.

Ohh, walang jowa. Single, not married, at lalong walang hahabol na babae. Wala kasi siyang girlfriend. Pero marami ang mga nakapila at mayroon din nag-aasta girlfriend. Pero baliwala lang iyon sa kanya. Hindi niya pinapansin ang mga babaeng 'yon na patay na patay sa kanya at habol ng habol. Kasi naman. Ang gwapo kasi niya. Kaya ganun na madali maglaway ang mga babae sa paligid niya. Yummy kasi siyang titingnan. Pero ang pangit lang sa kanya. Masyado alcoholic sa trabaho. Wala na siyang time makipag date o makipag usap sa mga babae.

Sa madaling salita. Wala siyang pakialam at hilig to entertain ang lahat ng mga babaeng nais dumikit at pumasok sa buhay niya. Di bale manatili siyang single. Basta maayos niya lang napapamalakad ang kanyang kumpanya. Ang lahat ng shopping mall niya. Iyon lang ang laman ng isipan niya at importante sa kanya. Wala nang iba.

"Saan po ba kayo pupunta?" tumingin siya ng masama kay Mark. Tinaasan niya ng kilay. "Sorry" nangingiti na wika ni Mark.

Ang pinaka ayaw niya pa sa mga tao. Tinatanong kung saan siya pupunta. O, inaalam ang mga ginagawa at gagawin niya. "Sorry na, Sir! Kayo talaga. Nakalimutan ko lang po. Sige, kung aalis po kayo. Bahala na po ako dito. If dumating man si Mr. Climente nang wala pa kayo. Sasabihin ko nalang po sa kanya na umalis kayo saglit. Pag hihintayin ko nalang. Total ay siya naman ang nagpa-schedule ngayong araw." pahayag ni Mark habang may inaayos sa table niya. Umalis na ang kausap niya ng lapitan at kausapin siya ng boss niyang si Thompson.

Naging malikot ang mga mata ni Thompson. Tila may hinahanap ang mga mata nito na hindi makita. Lumingon siya sa kanan. Sa kabilang side kung saan nakapwesto ang mesa ni Mark. Nakikita niya na nagsasalita mag-isa si Mark pero ang totoo ay isinasaayos niya lang ang mga folder sa table niya.

"Sige, aalis na ako." sagot ni Thompson. "Kaya lang, nasaan si Carmila?"

"Ahh si Carmila ba? Wala dito. Umalis. May pinuntahan lang saglit sa may kabilang restaurant. Dumating raw yung kaibigan niya galing America. Pinalabas lang siya mu..."

"Sa oras ng trabaho?" medyo may kalakasan na pagtatanong ni Thompson. Nagulat at napaangat ng tingin si Mark upang tingnan si Thompson. Naputol kasi ang isasagot sana niya. Hindi pa niya nasasabi lahat ng bigla nalang nag react si Thompson. Nagulat tuloy si Mark nabitawan ang hawak niya dahil sa reaksyon sa sinabi ng kanyang boss.

"Nakiusap kasi si..." putol na isasagot sana niya ng tumaas ang boses ni Thompson. "Sorry, tatawagan ko nalang siya."

"Wag na!" inis na sagot ni Thompson.

"Aalis na ako"

"Sige, Sir mag-ingat nalang kayo." mahina niyang tugon. Umalis na rin si Thompson nakahinga si Mark. Natawa din.

"Kahit kailan talaga!" malalim siyang napabuntong hininga.

Naglalakad si Thompson palabas ng kanyang opisina. Habang naglalakad ang mata nito malimit na napapatingin sa mga nakakasalubong niya. Bumabati sa kanya. "Good morning po" Yumuyuko ang mga empleyado niya habang siya taas noo na nagpapatuloy sa paglalakad. Hindi niya hilig ang tumugon o ang pansinin ang mga empleyado niya na madalas niyang nakasalubong sa paglalakad.

Dire-diretso lang siya until na narating na niya ang entrance ng kanyang building. Binati siya ng guard pero walang imik ang sagot niya. Dumaan lang siya na parang walang nakikita. Napabuntong hininga nalang ang guard na nilagpasan niya.

Nakasalubong din niya ang ilan sa mga papasok pa lang sa kanyang kumpanya. Sa katabi ng building. Ang isa sa mga Mall na pagmamay-ari niya. Duon lang naman siya pupunta. Balak niya lang maglibot. Gusto lang niya magpalamig at maglakad-lakad sa loob ng Mall. Isang trabaho na habit niya lang gawin. Halos araw-araw.

Ito na rin kasi ang kinasanayan niyang gawin. Ang maglibot sa mga Mall niya. Dahil medyo malayo ang distance ng ibang Mall na pagmamay-ari niya. Mas madalas siya dito sa Mall na katabi ng kanyang building na pagmamay-ari rin niya.

Isang pinakamataas na building ito na may ilang palapag. Hindi lang sila ng mga empleyado niya ang nag-ooffice dito. May ilang mga negosyante ang siyang umuupa sa kanyang building. Pera, pera ang nakatatak na sa utak niya. Ito na ang mas mahalaga sa kanya ngayon. Kundi ang pera. Napakunot ang noo niya ng isang pamilyar sa mga mata niya ang nakikita niya ngayon. Masaya ito na nakikipag-kwentuhan sa isa pang babae na hindi naman din pamilyar sa mga mata niya.

Hindi niya inaalis ang tingin niya rito. Mula ng mapahinto siya sa kanyang paglalakad. Hindi pa muli niya naihakbang ang kanyang mga paa. Nakatayo lang siya sa may labas ng restaurant kung saan sana ay plano niyang kumain muna.

"Hi, Sir bakit hindi po kayo pumasok?" tanong ng isang waitress na napadaan. "Pumasok po kayo muna sa loob." Aya ng babae.

"Okay" sagot niya sa babae at sumunod siya sa itinuturo nitong mesa at malapit lang yon sa mesa ng kanyang tinitingnan kangina pa.

Napalingon siya sa mga nakaupo sa lamesa. Sa mga kumakain sa loob ng restaurant. Dahil sa maaga pa. Hindi pa ganun karami ang mga kumakain sa loob ng restaurant. Kaya naman... Naisipan niyang lapitan ang dalawang babae na masaya pa rin na mga nagkukwentuhan.

"Oras ng trabaho diba?" baritono na boses. Paninita niya. Napalingon ito ng tingin sa kanya at kasunod non ang isa pang babae na kasama ng babaeng sinisita. Nagulat din ang babae nang makita siya na nakatayo sa harapan ng lamesa kung saan mga nakaupo ito at ang kasama pang isa.

Tumayo sa pagkakaupo ang kanyang empleyado. "So— sorry po Sir" nakagat nito ang ibabang labi habang nanghihingi ng pasensya. "Nagpaalam lang naman po ako saglit. Pero—" nag-iisip ito. Kabado.

"Pabalik na rin po ako." sagot nito na mabilis. "Magkita nalang tayo mamaya. After ng working hours. Sa bahay ka lang naman di ba tutuloy? Hintayin mo nalang ako." mabilis na mga wikang binigkas nito sa kaibigan. "Pasensya na"

"Saan ka pupunta?" ingos niyang tanong sa papaalis niyang empleyado.

"Babalik na po sa office." singhalan niya ito. Nagpapaliwanag pa kasi nang hindi niya hinihingi. Pero kasi ay nagtanong siya. Natural na sumagot ang sinita niyang empleyado.

Kabado pa rin ito. Takot na baka bigla siyang sisantehin ng wala sa oras. Wala pa naman siyang mapuntahan ibang mapapasukan kung sakali na bigla siyang alisin ng boss niya sa kanyang trabaho.

Kasalanan ko rin 'to! bulong niya at sita sa sarili niya. Napatingin siya sa kaibigan niya. Nakatulala ito. Habang tumayo din sa pagkakaupo sa upuan. Hawak pa nito ang baso na bigla nalang nito nabitiwan ng hindi niya alam kung anong nangyayari na nakatingin at nakatitig ito sa boss niya.

Anong nangyayari? tanong na 'itanong sa isip niya. Magkakilala ba sila? tinitigan niya ang kaibigan na hindi pa rin nawawala ang tingin sa boss niya.