Minahal Kita
Chapter 6
Maaga na hindi pa rin makatulog si Lara. Kangina pa siya paikot-ikot sa higaan subalit kahit anong gawin niyang pagpikit. Hindi talaga siya makatulog. Kahit na ilang beses niyang idaan sa music ang kanyang nararamdaman sa sarili. Hindi pa rin siya makatulog. Kahit ikina-kanta-kanta niya ang nararamdaman. Ganun pa rin. Hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Kahit nagsisigaw na siya at sinabunutan ang sarili. Wala pa rin. Ayaw talaga siya patulugin ng magulo niyang utak. Kahit nagpa-padyak na siya sa kama. Umiikot-ikot siya sa buong paligid ng kwarto niya. Kahit na nag-push-up pa siya para lang pagurin ang sarili. Nag tatakbo rin siya ng may sampung ikot sa loob ng kwarto niya hanggang makaramdam siya ng pagod at hingalin. Kahit kapos na sa hangin sa sobrang pagod at puro pawis ang bumabagsak sa kanyang mukha. Wala pa rin. Defective ang lahat ng mga ginawa niya kahit pinagod niya na ang sarili. Buo pa rin at buhay na buhay ang presensya niya. Hindi man lang siya nakaramdam ng pagpikit ng kanyang mata. Humikab nga siya ng tatlong beses. Akala niya ay signal na rin 'yon ng papadaang antok. Ngunit matapos makapag bihis. Wala! Useless pa rin dahil sa gising pa rin ang diwa niya at ang laman ng utak niya ang sinisigaw ng isip niya. Iyon pa rin. Si Damian.
Matapos nila makauwi ng kanilang bahay. Kasama ang mga magulang niya. Isang text message— may kasunod pa ito. Mga sampu... Hindi lang dahil maraming text messages ang natanggap niya at iisa lang ang laman. "Can you be my date?" napabuntong hininga si Lara habang binabasa at binubuksan isa-isa ang lahat ng laman ng message na natanggap. Pero napabuga siya ng mapagod ng mabasa lahat ang laman. Napailing siya, kagat ang labi na pinipigilan niya ang ngumiti muli. Tila kasi sasabog ang dibdib niya sa lakas ng kabog at bilis ng pagtibok. Hindi nga niya alam ang isasagot niya sa tinanong na yon ni Damian.
Buntong hininga muli si Lara after mapag-isipan ang isasagot kay Damian. Until now ay hindi pa niya ito nasasagot. Alam niyang naghihintay ito ng isasagot niya. CMessenger siya nito ulit minessage. Nagtataka nga siya paano nito nalaman ang account niya. Magtatanong pa siya at magtataka. I-search lang nito ang kanyang name sa CBook o sa ilang social media account niya ay madali na rin nito magagawa ang kontakin siya. Bakit pa 'nga naman siya magtataka d'on. Eh, kaibigan niya ang pinsan nito. Anong laban niya o magagawa sa oras na ipagkanulo siya ni Diana at sabihin ang mga account name na gamit niya sa mga social media account niya. Hindi malabo. Naisip niya at napabuga.
Damian? iniisip niya ng makita ang apelyido nito. Damian Thompson. naiwika niya habang siya din ay nang iistalk ng social media account nito. Pero puro lumang litrato lang ang nakikita sa mga account nito. Kahit CBook na gamit nito ay lumang litrato ang nakalagay. Naka-locked din ang profile nito. Kaya hindi niya iyon mapasok at makita ang ilang post at bagong picture ni Damian. Nagtataka tuloy siya. Humaba ang nguso ni Lara. Umikot siya ng pagkakahiga niya at saka dumapa. Nag-iisip siya.
"Lara, are you awake?" isang message ulit ang natanggap niya. Binasa niya agad ito. Galing iyon kay Damian.
Nais niya sagutin ang message ni Damian.
Nais niya sabihin dito na dahil sa kanya until now ay hindi pa rin siya naka-tutulog. Puyat siya at hindi pa rin dalawin ng antok at nakakatulog dahil sa pag-iisip ng tanungin siya nito if okay lang magdate sila. Syempre ayos lang kay Lara. Pero ang kaba at bilis ng puso niya ang kanyang pino-problema. Baka ma-fall agad siya dito. Iyon ang inaalala niya at baka hindi na niya mapigilan ang sarili niya sa oras na mangyari ang kinakatakutan niya. Lalo na't hindi talaga sa kanilang lugar ang binatang business man. Nakita niya lang sa CBook account nito na galing pala ito sa isang mayamang pamilya. Hindi naman din siya magtataka. Dahil galing din naman sa mayaman ding pamilya si Diana. Natural lang na maging pinsan nito ay ganun din tulad ng pamilya na pinagmulan ni Diana.
"Lara, paggising mo sana sagutin mo din ang mga message ko." message mula ulit at padala ulit ni Damian. May kasunod pa muli iyon.
"Sa totoo lang hindi ako nakatulog kagabi matapos natin maghiwalay. Hindi ako mapakali dahil hindi ko man lang naitanong sayo kung maaari ba kitang mailabas at maidate? Nanghihinayang ako. Sana hindi pa huli ang lahat. At sana ay pagbigyan mo rin ako. Nais lang naman kita mas makilala pa at alam mo naman kung ano ang laman nitong TUMITIBOK KONG PUSO." talagang sadyang naka-CAPSLOCKED ang huling salita nito sa text message na pinadala ulit ni Damian. Napangiti si Lara. May kung ano ang biglang naramdaman siya sa puso niya. Tila ba kinalabit ito at biglang bumilis ang tibok. Nakagat na naman niya ang labi niya habang inulit niya ng pagbasa ang message ni Damian. Huminga siya.
Lara, anong gagawin mo? nakabulong na naman siya mag-isa at kinakausap ang sarili.
Papayag ka ba? tanong pa rin niya sa kanyang sarili. Walang sagot puro lang siya pagtatanong. Habang nag-iisip ng isasagot. Sinubukan niya muli na maipikit ang kanyang mata. Kahit medyo nahihirapan makahila ang sarili sa antok na inaasam ni Lara. Sinubukan pa rin niya hanggang sa tuluyan na siya dinala ng pag-iisip niya sa mahimbing niyang pagtulog. Nakatulog na rin si Lara ng hindi pa niya sinasagot ang mga message ni Damian. Pinag-iisipan niya pang mabuti at saka naisip niyang mabuti ang matulog na lang muna bago siya magbitiw ng mga salita na isasagot dito. Ayaw niya biglaan niyang sasagutin ng sa huli naman ay kanyang pagsisisihan at kai-inisan ang sarili sa maling sagot niya kay Damian.
Gusto muna niya ipahinga ang utak niya na natutuliro na sa kakaisip kung papayag ba siya sa pagyayaya ni Damian. Mamaya pag-gising ni Lara tiyak na may naisagot na siya sa muli na pagtunog ng cellphone niya at pagdating ng panibago na text message.
*****
"Good morning, Kuya. Hindi ka nakatulog? Namamahay ka pa rin bau until now na malaki ka na?" tanong ni Diana. Napansin niya agad ang namumugtong mata ni Damian at nangingitim nitong eye bag. Tumawa si Diana. Umikot ito papunta sa kabilang side ng upuan kung saan ay nakaupo si Damian.
Kangina pa si Damian gising at totoo na wala talaga siyang tulog dahil sa kakahintay sa sagot ni Lara ng alukin niya ito lumabas as his date.
"Anong meron? Bakit parang tulala ka? Nakapa lalim naman ata ng iniisip mo? Bakit? Anong meron? May nangyari ba? Babalik ka na ba sa Manila? O, may nangyari 'nga na hindi maganda sa'yo?" tanong na paulit-ulit ni Diana matapos itong makaupo at harapin siya at magtanong.
Dumikit pa si Diana sa kanya. Napausod naman si Damian sa kinauupuan niya. "Wag ka 'nga dumikit. Naiilang ako. Pwede, lumayo ka ng bahagya." sabi ni Damian kay Diana na tumawa dahil sa napansin agad nito kung ano ang pinoproblema ni Damian.
"Is because of her? Hindi ka natulog in the whole night ng dahil sa pag-iisip mo sa kanya? Gosh! Kuya ahh, are you okay today? First time ko makita kang nagkaganyan sa babae. Mga bata pa tayo. Ilap ka sa mga babaeng kalaro mo. And, ako lang talaga ang babaeng nilalapitan at kinakausap mo sa tuwing gagala ka dito or sa school tayo." ngumiti si Diana, lumapit pa ang katawan niya ng umurong pa siya at dumikit sa nakataas 'ang kilay— pinsan niyang parang natuod at dinikit sa upuan.
"Gosh! Kuya Damian. Hindi ako makapaniwala na isang Damian Thompson ay maiinlove in just a second. Sa unang tingin agad tumibok ang puso? God! Miracle ba? Balita ko sa mga pinsan natin sa Manila. May mga babae ang umaaligid sa'yo. Pero pili lang ang kinakausap mo pa rin nang tulad ng dati nung mga bata pa tayo. But, sino nga naman ang makapagsasabi. Ang isang Damian Thompson ay titibok ang puso sa kaibigan ko." pahayag ni Diana. Humugot pa ito ng malalim na hininga. Hindi naman siya nagagalit o nadismaya. Kaibigan naman niya ang babaeng nagugustuhan ng kanyang pinsan. Ayos lang yon sa kanya. Ang mahalaga. Alam niyang sa tamang babae ito nagkakagusto at hindi sa ibang babae na hindi niya nakikilala.
Tinawag na si Diana ng mommy niya para tumulong sa paghahanda ng breakfast nila. Tumayo naman siya agad at lumapit sa mommy niya na maaga din pala nagising.
Naiwan si Damian sa upuan ng napaisip sa mga nasabi ng pinsan. Hindi siya nakaiwas sa mga panunuri nito at pagtatanong. Alam niyang tulad ng mga bata pa sila. Hindi siya titigilan nito sa pagtatanong. Kaya he really wants to escape. Pero dahil naka-bakasyon pa siya. Hindi muna siya aalis at sulitin niya muna. Mahirap din ang kumuha at mag requesting vacation. Lalo na busy siya sa pagtulong sa pagpapatakbo ng kanilang mall.
Mayaman ang pamilya niya. Hindi naman ito maitatago sa mga taong lingid ang kaalaman sa pinanggalingan niyang pamilya. Pero hindi niya pinagsasabi sa iba. Ilan lang ang nakakaalam at ma-lalapit lang sa pamilya niya o kaibigan ang may alam sa tunay na estado ng kanyang pamilya. Masikretong tao si Damian at mas gusto na niya iyon kesa naman 'ang pag-kaguluhan siya ng mga kakilala niya dahil sa alam ng mga ito na ubod sila ng yaman. Ayaw ni Damian iyon.