Chereads / Minahal Kita / Chapter 5 - CHAPTER 5

Chapter 5 - CHAPTER 5

Minahal Kita

Chapter 5

"Maiwan na muna namin kayo. Dun muna kami ni Barbie para samahan ako makipag-usap sa mga bisita ko at maasikaso ko na rin ang ilan pa sa mga dumadating. Dito muna kayo. Ikaw na bahala sa kanya, Kuya Damian." pahayag na iniwan ni Diana ng maisip nila ni Barbie na iwan ang dalawa. Hindi makatanggi pa si Lara. Hindi rin siya nakapag reklamo kahit pakiramdam niya nakakahiya ang naisip ng dalawang kaibigan niya ng iwan siya sa pinsan ni Diana.

"Okay lang, ako na bahala sa kanya. Asikasuhin mo na lang mabuti ang mga bisita mo. Dito na lang muna kami." sagot ni Damian.

Huminga ng malalim si Lara.

"Okay, diyan na kayo." muli na saad ni Diana bago pa man ito sumama kay Barbie na nauna na sa paglalakad. Huminga si Damian saka siya ngumiti ng makita niya na tahimik lang si Lara.

"Okay ka lang?" tanong ni Damian. Lumingap ito sa paligid. Naghahanap ng waiter na dadaan. "Umiinom ka ba?" tanong muli ni Damian.

"Hindi" pagsisinungaling ni Lara. Tumawa si Damian.

"Bakit tumatawa ka?" tanong ni Lara na nagtataka kung bakit nagawa siyang tawanan ni Damian ng sabihin niyang hindi siya umiinom.

Sumimangot, si Lara.

"Galit ka? Joke lang! Ikaw kasi magsisinungaling ka na lang at hindi magsabi ng totoo. Yun pang ka-buko-buko. Kangina nakita na kita na uminom. Kaya natawa lang ako ng sabihin mong hindi. Kahit nakita ko na naka-tatlong baso ka na nga kangina nung kasama mo pa si Barbie ba ang name niya?" tanong nito.

Nagkasalubong ang mga kilay ni Lara. "Oh, teka! Wala akong ibig sabihin sa sinabi ko." saad na sabi ni Damian ng makita ang tila naiinis niyang itsura.

"Ikaw naman, hindi ka pala magaling biruin? Hindi nabanggit sa akin ni Diana na same pala kayo na mabilis mapikon." mas umiba pa ang mukha ni Lara. Nayayabangan na siya sa pinsan ni Diana. "Ouch! May nasabi ba akong hindi mo talaga magustuhan? Bakit ganyan ang tingin mo? Nakakatakot." saad ulit at panay ang daldal ni Damian. Huminga ito. Napabuga ng kanyang hininga.

"I am sorry kung may mga nasabi man ako sayo. But sana wag mong masamain ang mga nasabi ko. Gusto ko lang sana maging komportable. Kaya lang mukhang ayaw mo ata sa ganun?" tanong ulit ni Damian.

"Okay, sorry na! Wag kang magalit, Lara." dagdag na pahayag ni Damian.

"Okay lang" maikling sagot ni Lara.

"Bakit ba parang galit ka sa mga nasabi ko?" pangungulit na tanong ni Damian. Nakakita na rin ito sa wakas ng waiter. Kumuha siya ng dalawang basong alak. Hard sa kanya at mild lang para kay Lara.

"Pwede mo ba kami ikuha ng food? Tapos pasama na rin ng water." utos niya na pahayag sa waiter. Tumango naman ito.

"Thank you" Sabi pa ulit ni Damian bago umalis ang waiter na inutusan niya. Binalingan niya si Lara. "Sorry" panay paghingi ng sorry nito kay Lara.

Na wirduhan si Lara. Pero sa tingin niya ay mukhang mabait naman ang pinsan ni Diana. Makulit lang at maingay. Mayroon na pagkakahawig sa ugali ng kanyang kaibigan. Magpinsan nga! Napabuntong hininga siya na bulong niya.

"Oo nga pala, Damian. Tulad ng ipinakilala ako ni Diana at masabi niya ang pangalan ko. Pinsan ako ni Diana. Parang kababata na rin. Bata pa lang kasi siya ay madalas na ako dito sa bahay nila. Nagkahiwalay lang kami ng lumipat na kami ng Manila. Pero natuwa nga ako ng maalala niya pa ako at tawagan para maging escort niya lang sa birthday niya. Buti na nga lang napayagan ako mag leave sa office. Kung hindi baka hindi rin ako nakarating. Busy kasi." pag umpisa ng pagkukwento ni Damian kay Lara.

"Ikaw Lara? Nag- aaral ka pa di ba? Balita ko ang kwento ni Diana kangina. Magaling ka raw sa klase niyo at matalino. Nakakaproud naman. Siguro proud din ang mga magulang mo sayo." saad na dagdag ni Damian sa pagkukuwento nito.

"Sorry, madaldal ako." napansin din pala ni Damian na nadaldalan, si Lara sa kanya.

"Okay lang" maikling sagot ulit ni Lara. Natutuwa din naman siya sa pinsan ni Diana. Mukhang mabait ang tingin niya rito. Madaldal nga lang sa una. Pero parang ayos na rin. Hindi siya nababagut habang wala ang dalawa niyang kaibigan.

"Lara ang name ko. Oo, college students pa rin ako tulad ni Diana at Barbie. Matalino? Parang hindi naman. Siguro pwede na yung taong may utak. Wala din naman kasi akong ibang habit kundi ang mag-aral lang at mag focus sa pag-aaral. Hilig? Wala eh! Sa bahay lang ako o lalabas ako pag-kasama ko lang sila Diana at Barbie. Pag wala sila. Hindi rin naman ako lumalabas ng bahay. Saka never din ako makihalubilo sa iba. Napansin mo naman. I can't speak habang hindi ko pa masiguro na okay yung taong kasama ko. And, hindi ako magsasalita o hindi mo ako makikita na makipag usap sayo kung sure ako sa sarili ko na walang kwenta ang kausap ko."

"Grabe— walang kwenta talaga?" gulat na usal. Bulalas ng bibig ni Damian. Naiangat niya ang baso ng alam at uminom siya. "So—"

"Yeah! Mukhang okay ka naman. Medyo may kadaldalan lang." sagot ni Lara.

"Honest ka talaga! Direct mo talagang sinabi na madaldal ako."

"Totoo naman di ba?" pahayag ni Lara.

"Oo, totoo. Pero grabe ka sa akin kung pag-aralan mo ang physical kong—"

"Hindi naman. Kung ano lang nakikita ko sayo." sagot ni Lara. Napailing ang ulo ni Damian.

"Nakakatuwa ka nga! Hindi ka masyado pa-bibo tulad ng ibang lalaki. Honest ka nga rin sa pagsasabi ng kung ano ang ugali mo..." napahinto sa pagsasalita si Lara. Dumating na ang pagkain na siyang ipinakuha, ni Damian sa waiter.

"Salamat" inabutan lang ng TIP ni Damian ang waiter.

Nagpasalamat ang waiter after maibaba lahat ng dala nito. May kasama pa itong isa. Kasya kasama din ito sa mga nabigyan ng TIP ni Damian. "Salamat po" Sabi ng dalawang waiter ng sabay. Umalis na ang mga ito.

"Kumain ka muna." Alok ni Damian.

Hinawakan ni Lara, sa magkabilang niya na kamay ang dalawang kubyertos. Huminga muna siya bago mag-start sumubo. "Masarap yong food." ngumiti si Damian. Hindi inaalis ang mga titig sa mukha ni Lara.

"Matunaw naman ako sa mga pagtitig mo. Nagagandahan ka siguro sa akin 'ano?" deretsyahan na pahayag na pagtatanong ni Lara dito.

"Ako? Siguro nga" honest din at mabilis na sagot ni Damian. Pumikit na napangiti si Lara habang nakita niya niya sa mukha ni Damian ang pagsasabi nito ng totoo. "Gusto mong marinig ang totoo? Now lang ako nagka-interes sa isang babae in just a second. Unang tingin at pagka-kita ko pa lang sayo kangina. I felt something na hindi ko maipaliwanag. Kaya napansin mong lumapit ako agad sa inyo kangina. Kaya nga lang yung pinsan ko. Tinawag ako agad." pagdi-detalye ni Damian sa nararamdaman niya kangina ng makita si Lara.

"Sure o pambobola para maniwala ako?" abot ang naging kasiyahan sa puso ni Lara. Parang gaya ng nasabi ni Damian. Ganun ang nararamdaman niya ngayon habang tumatagal na natititigan niya ang mukha nito.

"Oo, totoo. Bakit naman ako magsisinungaling di ba?" saad na sagot ni Damian.

"Sabagay, tama ka rin naman don. Pero nakakatawa ka! Sa totoo lang, natutuwa ako sayo kahit napaka-daldal mong tao. Tulad mo, I felt something na hindi ko pa knows kung ano. But, I think pagkakamali na sabihin ko agad na gusto ko kita? Hindi naman ganun ata kabilis na magustuhan mo ang isang tao kung hindi mo pa man lubusan na nakikilala. Tama ako di 'ba?"

"Nope! Sabi nila— bata pa lang ako madalas ko ito marinig sa iba. Love at first sight. Ang tawag sa unang tao na nakita mo pa lang on the spot. Tumibok na agad ang puso mo. Ganun ang naramdaman ko sayo. Palagay ko talaga at kanina ko pa iniisip kung ano yung nararamdaman ko na hindi ko maipaliwanag habang tinatanawan kita malayo sa lugar kung saan ka nakaupo with your friend. Palagay ko iisa lang ang sagot. We both— gusto natin ang isa't-isa." ngumiti ito at seryoso na nakatitig sa mata ni Lara nang mapahinto din siya sa pagsasalita ng matapos si Damian sa sinabi nito.

Ganun lang sila. Natapos ang pag-uusap nila ng walang malinaw na kasagutan sa nasabi ni Damian. Tinawag na rin kasi si Lara ng kanyang parents para umuwi na.

"I am sorry, kailangan ko na umuwi." saad ni Lara.

"Magkikita naman tayo di ba?" tanong ni Damian.

"Maybe" sagot ni Lara. "Sige na, I have to go baka magalit pa sa akin ang parents ko. Gabi na rin kasi at late na para sa babaeng gaya ko ang lumabas ng ganitong oras. Very strict ang parents ko." pahayag ni Lara.

"Okay sige, bukas na lang tayo magkita. Okay lang ba?" nag-iisip si Lara.

"Pag-iisipan ko, sige na, bye." nagmamadali na rin si Lara tumakbo na siya sa mga magulang niya na kangina pa mga naghihintay sa kanya.

Magkita raw kami? napapangiti si Lara habang nasa sasakyan nakatanaw sa bintana. Bulong niya.