Anna Point Of View
"Anna tapos kana? pa kopya ako."
Medyo nahihiyang sabi ni Ria kaya naman agad kong kinuha ang notebook ko inabot yun sakaniya.
kaso bigla yun hinablot ni Sorren at sinabing "Pakopya muna ako Anna ha." sabi niya at agad ng tumalikod samin.
Pero diko inaasahan ang ginawa ni Ria bigla niya kasing sinipa yung likod ng tuhod ni Sorren dahilan para mapaluhod siya kaya naman agad kinuha ni Ria ang notebook ko kay Sorren.
"Gag* kaba? Kitang ako unang nanghiram neto kay Anna tapos hahablotin mo." pag kasabi non ni Ria kay Sorren ay tumalikod na siya pero biglang tumayo si Sorren at aambahan na niya sana si Ria ng batok ng bigla ko siyang pigilan.
"Mamaya kana kumopya kapag ka tapos niya umupo kana sa upoan mo parating na si ma'am." Mataray na pag kakasabi ko sakaniya at agad naman siyang padabog na bumalik sa upuan niya.
Nakita kong nag bad finger si Ria at nilagay yun sa may bandang mata niya atsaka dumila na parang nang aasar.
Minsan ang sarap din sakalin netong babaeng toh ihh pasalamat siya kaibigan ko siya nako kung diko lng sila naawat siguro nasa guidance na naman silang dalawa.
Halos araw araw silang ganyan asaran ng asaran tapos mapipikon tapos mag aaway diba mga tang* lng hay nako kung kaklase ko lng sana si Carla at Amira siguro matiwasay ang buong high school life ko.
Pero kahit na ganon masaya padin ako kahit kaklase ko na naman sila Sorren,Ria,Celine, at Patricia sila lng naman ang nagpapasakit ng ulo ko pero slight lngs kay Patricia kasi minsan tinutulongan niyakong sawayin yung tatlo pero minsan naman tinutulongan niya pa oh diba parang gag* lng.
Napatingin ako sa may pinto ng classroom namin ng biglang pumasok ang Math teacher namin kaya naman umayos nako ng upo at nilabas na ang libro ko at notebook ko pati narin yung ballpen ko.
Nag simula na si ma'am sa pag tuturo kaya naman nakinig nako kahit na alam kong walang papasok sa utak ko syempre joke lng may kaunti din naman akong naiintindihan nohh.
Ng matapos mag turo ni ma'am ay iniwan niya kami ng assignment kaya agad na namin tong ginawa kasi maaga ngayon natapos ang klase namin sa math kasi pinatawag si ma'am dahil may meeting daw sila.
Syempre pag kalabas pa lng ni ma'am ay kanya kanya na kami ng gagawin pero kami nila celine ay sinagutan na agad namin yung assignment.
Umupo kaming apat sa may sahig dahil ang lawak don at kasyang kasya kami syempre kapag may di nasagutan ang isa kokopya siya sa isa ganun ang gawain namin ohh diba kopyahan lng ang peg. pero si Ria talaga isa lng talaga di niya masagot samantala kami mga tatlo or dalawa ganun ,si Ria kasi medyo matalino siya sa math actually lahat naman kami mas lamang nga lng sila Ria, Patricia, Carla, At Amira kami lng ni Celine napapag iwanan de charot lng.
Ng matapos kami ay nag si balikan na kami sa kanyang kanyang upuan, pero si Ria umupo mona siya sa tabi ko kaya nag chikahan muna kami dahil dipa naman na dating yung A.P teacher namin.
"Anna alam mo ba napapansin namin si Sorren lagi nakatingin sayo tuwing natawa ka or nakangiti pero kapag nahuhuli namin siya umiiwas agad siya, type ka ata non." pag kekwento ni Ria sakin.
May part sakin na gustong maniwala dahil ilang beses kona din nahuhuling nakatingin sakin si Sorren, pero may part din sakin na ayaw maniwala dahil mahirap na baka mamaya si Ria pala ang gusto niya at hindi ako lalo lng ako masasaktan kapag nag ashum ako ng kung ano ano.
"Nako hindi noh, atsaka alam ko ang mga tipo niyang si Sorren elementary pa lng mag kaklase na kami so malabo mangyari yun." pag sabi ko sakaniya at agad naman niyakong tinawanan.
"Eto naman masyado kang defensive pero malay mo may gusto din yang si Sorren sayo, atsaka pano namin di iisiping may gusto siya sayo ehh kung lahat ng ginagawa niya sayo di niya ginagawa samin kaibigan din niya kami noh, maliban na lng sa pangbuburaot." pag kasabi niya non ay siya namang pag pasok ng A.P teacher namin kaya dali dali siyang bumalik sa upuan niya.
Atsaka pano namin di iisiping may gusto siya sayo eh lahat ng ginagawa niya sayo ay di niya ginagawa samin kaibigan din niya kami noh, maliban na lng sa pangbuburaot.
Atsaka pano namin di iisiping may gusto siya sayo eh lahat ng ginagawa niya sayo ay di niya ginagawa samin kaibigan din niya kami noh, maliban na lng sa pangbuburaot.
Atsaka pano namin di iisiping may gusto siya sayo eh lahat ng ginagawa niya sayo ay di niya ginagawa samin kaibigan din niya kami noh, maliban na lng sa pangbuburaot.
Paulit ulit nirerecall ng isip ko ang mga katagang sinabi ni Ria sakin na para bang sirang plaka.
Malabong mag kagusto sakin si Sorren malabo pa sa malabo, at kung totoo man yan gusto ko siya mismo ang mag sabi sakin, pero baka mamaya kapag pinaniwalaan ko ang mga sinabi ni Ria ay baka masaktan lng ako.
Ok na yung masaktan ako ng di umaasa or nag aashum atsaka alam ko namang imposibleng magustohan niyako kaibigan lng ang turing niya sakin.
"Anna tama na ang pag iisip mo sakaniya makinig kana lng sa lesson dahil don may matutunan kapa." pag kausap ko sa sarili ko.
Itinuon kona ang atensiyon ko sa harapan at nakinig nako sa guro na nasa harapan.
***
Lunch break na namin kaya naman agad kona kinuha yung wallet ko at agad na nilagay sa bulsa ko, atsaka na kami lumabas ng classroom at pumunta kami sa kabilang building para sundoin sila Carla at Amira.
Nasa harap na kami ng classroom nila amira ng biglang nakakita ng pogi etong si Ria at dahil ako ang katabi niya ako tuloy ang hinampas niya, kingina pigilan niyoko sasampalin ko toh.
Buti na lngs binatukan agad siya ni Celine at sinabing tigilan ang pag hampas sakin dahil pulang pula na ang braso ko baka mamaya ay mamaga buti sana kung maitim ako edi hindi mahahalata pero ang puti ko baka mamaya pag uwi ko sabihin nila mama na baka napaaway ako.
So ayun pababa na kami ng hagdan sa sobrang malas ko ngayon araw ayun nawalan ako ng balanse, at bigla na lng tumibok ng malakas ang puso ko na parang kaunti na lng ay lalabas na.
Sa diko maipaliwanag ay parang biglang bumagal ang oras ng makita ko si Sorren sa mismong harap ko at handa akong saluhin dahilan para walang tigil na tumibok ang puso ko.
"Mielle!" sigaw ni Nathan at naramdaman kong hinablot niya ang kamay ko dahilan para mapaharap ako sakaniya at agad naman niya hinawakan ang bewang ko dahilan para magkalapit ang mukha namin.
Pero agad akong bumitaw sakaniya atsaka nag pasalamat at tinalikuran na siya pag katalikod ko kay Nathan ay nakita ko si Sorren magkasalubong ang kilay pero diko na lng pinansin , ramdam kong nakasunod sakin sila Ria pero ng lingunin ko ulit si Sorren ay nakita kong tinapik ni Ria ang balikat ni Sorren at may binulong agad nakong umiwas ng tingin nong titingin sila sakin.
Nakalabas na kami ng gate ng school kasi pupunta kaming 7/11 para bumili ng kakainin at don nadin kami kakain.
Pag pasok namin sa 7/11 ay agad nakong pumili ng makakain kasi gutom nako at ganon din sila kaya naman ng makapili nako ng akin ay agad ko ng binayadan yun atsaka pina microwave then umupo nako.
Ang pinili ko ay yung kanin na may bacon and egg tapos dalawang baked macaroni then softdrinks at tubig.
Si Carla, Amira, Patricia tig iisa silang kanin na may bacon and egg with fried chicken[PS:nakabukod yung fried chicken.] tapos softdrinks at tubig din yung inomin nila, Tapos si Celine at Ria ay tig tatlong baked macaronin at dalawang kanin na may bacon and egg then tig dalawang root beer and tubig din syempre.
Saming anim sila Celine at Ria ang pinaka malakas kumain samin pero hindi nataba yung height lng nila yung nadadagdagan hindi yung timbang nila sanaol na lng talaga.
Syempre bago kami umalis bumili muna kami ng chichirya at chocolate atsaka root beer para mamayang recess dina kami lalabas ng classroom at makipag siksikan sa canteen.
Nandito na kami sa tambayan namin total dipa naman tapos ang lunch break kaya tamang upo lng muna kami dito sa may kubo at tamang chismisan lng.
Etong kubo natoh ay malapit lng sa gate ng school namin at sa tapat naman neto ay mga nag titinda ng mga pag kain tambayan na namin toh since grade 7 at sa kubo natoh madami kaming memories ditong anim lalo na ni Sorren.
Napatingin ako kay Celine ng bigla niyakoming tawagin. "Guys, tanda nyo pa yung unang nag kita si Sorren at Anna nong first day of school natin dito? HAHHAHHAHAHA." pag papaalala ni Celine dahilan para umiwas ako ng tingin sakanila.
"Oo HAHAHAHAH ang LT nga nong mukha nilang pareho gulat na gulat ihh HAHAHA tapos si Anna naman pulang pula yung pisnge katulad ngayon HAHAHHAHHAHA." pag kasabi ni Ria na namumula ang pisnge ko ay ramdam kong nakatingin silang lima sakin at sabay sabay silang nagsitawa dahilan para mamula ako lalo.
"Kingina naman ohh." pag mumura ko sa isip ko.
"Sino ba naman kasi di mamumula, kung ang taong gustong gusto mo ay magiging kaklase mo ulit sa high school HAHAHHA." pang aasar ni Carla, wala nakong nagawa kung hindi tumahimik pasalamat sila wala akong panlaban.
"Tama na HAHAHHAHA baka mamaya biglang sumulpot dito sila Sorren at marinig tayo HAAHHAHA." pang aawat ni Amira sakanila at agad naman nilang iniba ang topic at si Celine naman ngayon ang inaasar namin tungkol don sa taong nagugustohan niya.
***
Nakauwi nako ngayon sa bahay medyo ginabi lng ako kasi nag pasama ako kela Celine sa Bayan kasi need kong bumili ng mga kailangan ko para sa group project namin and guess what? kagrupo ko si Sorren like diko talaga inaasahang magiging kagrupo ko pero thank you lord.
So ayun tapos nakong kumain at aakyat nako sa kwarto ko para mag sagot ng mga assignment at project para bukas ay wala akong gagawin para nadin matulongan ko mag tinda si mama ng mga sapatos sa bayan.
2:30AM na nung natapos akong gumawa ng assignment at project's ko kaya naman agad ko nakong nag ligpit ng kalat at ng matapos ako ay pinatay kona ang ilaw at humiga na.
To be continue...