Chereads / Let's Chase Each Other / Chapter 5 - Chapter 4

Chapter 5 - Chapter 4

Anna Point Of View

Pag kaalis na pag kaalis nila ay parang may kirot at saya akong naramdaman sa puso ko ewan ko kung bakit pero mas nangingibabaw ang kirot sa puso ko. Hays bakit kasi diko mapigilang umasa na may gusto siya sakin kahit naman mukhang may gusto talaga siya kay Syria.

Pero kingina naman kasi ih bat ba bigay siya ng bigay ng motibo ayan tuloy umaasa ako ng umaasa pero kasalanan ko din naman kasi binibigyan ko ng motibo mga ginagawa niya arghh ano ba talaga Anna! tumigil kana okay? malabong mag kagusto si Sorren sayo as in IMPOSIBLE sa panaginip mo na lngs yarn mangyayari beh.

Atsaka yung kaganina na ginawa niya sakin  baka sinusubokan niya lng pag selosin si Syria atsaka baka si Syria lng dapat yung gusto niyang maiwan at hindi ako .Pero what if hindi talaga si Syria ang gusto niya kung di ako? hayss ang gulo gulo diko maintindihan sarali ko may part sakin na iniisip na si Syria ang gusto niya, At meron din saking part na nag babaka sakaling ako talaga ang gusto niya.

Habang kinakausap ko ang sarili ko may naramdaman akong parang may kumakalabit sakin kaya namarn agad kong tinignan kong sino yurn.

"Iha. Are you okay? kaganina kapa kasi nakatulala dyan." pag tatanong ng daddy ni Sorren sakin dahilan para ayosin ko ang sarili ko.

Shit!. nakakahiya.

"Y-yes tito i'm okay hehe." kinakabahang pag sagot ko sa tanong sa daddy ni Sorren.

Bwiset bat ba kasi ako kinakabahan sa mga tanong nila bat kasi ako iniwan agad ni Syria. yari talaga sakin yung babaeng yun Actually kaganina pagkarating ko pa lng dito ay tinanong na agad nila ako kung kaibigan ako ni sorren or girlfreind sa sobrang kaba ko kung ano pinag sasabi ko kaganina bwiset  naman kasi ih.

"So iha how's school? wala bang ginagawang kalokohan si Sorren?" pagtatanong ng mama ni Sorren dahilan para masamid  ako sa sarili kong laway.

"W-wala naman po tita hehe." kabado kong sagot sakaniya. kingina bat kasi ako iniwan ng dalawang yun para tuloy akong nasa hot seat.

Pinag papawisan nako dahil sa mga tanong nila di tuloy ako makapag isip kong ano isasagot ko sakanila yari ka talaga sakin Syria bukas!.

Habang tanong sila ng tanong sakin yung mama naman ni Sorren ay tumayo may kukunin siguro. Pero nagtataka ako bakit may dala siyang album pag balik niya dito sa sala.

Pagkaupo niya sa tabi ko ay nagulat  ako dahil pagkabuklat pa lng niya ng album na hawak niya ay mukha na ni Sorren ang bumungad.

Habang  pinapakita sakin ni Tita ang mga pictures ni Sorren ay may sinabi siya dahilan para makaramdam ako ng kirot sa puso ko.  "Ang cute ni Sorren diba? etong picture natoh sinabi niya sakin na kuhanan ko sila  ng picture ni Jillian hahaha naalala kopa kong gano sila ka close noon." patuloy parin ang pag kwento ni tita about sa nakakabatang kaibigan ni Sorren. Gusto ko na lng mag pakain sa lupa dahil ano mang oras feeling ko tutulo na ang luha  ko.

Para akong sinaksak ng ilang kutsilyo sa puso ko dahil sa mga sinabi ni Tita. "Sorren treat Jillian like she is the only girl that he-" hindi natapos  ni Tita ang sinasabi niya ng bigla siyang tinawag  ni Sorren dahilan mapunta ang atensyon namin sakaniya.

"Ma. I'm Here. What are you talking about?" pag tatanong samin ni Sorren atsaka siya tumingin sakin dahilan para umiwas ako ng tingin.

Ramdam ko parin nakatingin siya sakin habang nag uusap sila ng mama niya kaya namarn tumayo ako sa kinauupoan ko at agad lumapit sa yaya nila para itanong kong nasaan ang cr dahil kaganina pako naiihi puputok na ang pantog ko kapag pinigilan kopa toh.

"Ahm pwede po mag tanong? nasaan po ang cr dito?" napalingon sakin ang yaya nila at agad sinabi saking sundan ko siya at sasamahan daw niyako.

Pag karating namin sa tapat ng Cr ay iniwan na niyako kaya naman agad akong nag pasalamat sakaniya at agad na siyang umalis kaya pumasok na agad ako sa cr dahil ihing ihi na talaga ako.

Pag katapos kong mag cr ay lumabas nako pagka bukas ko ng pinto ay muntikan nako mapasigaw sa gulat. Sino ba naman kasi ang hindi magugulat sobrang dilim ba naman don sa part na kinatatayuan ni Sorren muntikan kona siyang mapagkamalang kapre.

Buti na lng talaga at di ako napasigaw dahil kong sakaling napasigaw ako baka isipin ng magulang niya na nadulas ako nakakahiya na noh buti nga hindi ganon ang nangyayari kung di wala nakong mukhang ihaharap sakanila.

Hays ang malas ko talaga ngayong araw una pag punta ko dito sakanila muntikan pako madapa sa daan, tas pangalawa iniwan akong mag isa dito ni Syria, at ang pangatlo kung ano ano ang pinag tatanong sakin ng mga magulang ni Sorren kaya ayun natataranta ako at kung ano ano pinag sasabi nakakahiya talaga.

Habang busy ako sa pagkausap ko sa sarili ko ay don ko lng na realize na nandito pala si Sorren kaya namarn napatingin ako sakaniya.

"Anong kailangan mo?."  Pag tatanong ko sakaniya dahil kaganina pa siya tahimik habang nakatingin sakin para bang bawat anggulo ng mukha ko kinakabisado niya.

"Nothing. Ihahatid na kita sa kwarto na tutulogan mo." Pagkasabi niya non ay nauna na siyang maglakad sakin kaya naman sinundan ko na lng siya dahil diko kabisado ang bawat sulok ng bahay nila.

Pag akyat namin sa hagdan ay nakita namin si Tita atsaka si aling Ester don sa kwartong mukhang tutulogan ko pero nag tataka ako bakit parang may tinatanggal sila?.

"Oh Sorren andyan na pala kayo. Nga pala pwede bang don mona matulog si Anna sa kwarto mo dadating kasi mamaya ang tita mo eh eto lng ang bakanteng kwarto okay lng ba sayo iha?."

"Ah opo wala pong problema." Pag sang ayon ko kasi wala naman akong choice nakikitulog lng naman ako dito noh mag rereklamo pako baka mamaya sa labas na nila ako patulogin noh.

Pagkatapos nila tita mag linis ay lumingon siya samin at sinabing." Oh siya sige kumuha ka na lng anak ng extra bed dito tsaka unan at kumot mo. Maiwan kona mona kayo at mag aayos pa kami sa baba." Pagkasabi non ni tita ay agad na kami pumasok ni Sorren don sa guest room para kumuha ng extra kama atsaka una at kumot.

Siya na ang nag buhat ng kama na kinuha namin at ako naman sa unan at kumot at agad namin yun pinasok agad sa kwarto niya.

Pagkapasok pa lng namin sa kwarto niya ay namangha ako dahil ang ganda ng pagkaka ayos ng mga gamit niya idagdag pa yung napaka organize niyang study are at shoe rack mapapa sanaol ka na lng din sa lawak ng kwarto niya sanaol na lng talaga richkid.

Habang tinutulongan ko siyang ilatag yung hihigaan ko ay may napansin lng ako sa kwarto niya diko makita ng maayos kong picture frame ba yun o design.

Yan malabo na mata mo kakacellphone mo yan.

Pero infairnes ang ganda ng pagkakadesign ng kwarto niya lalaking lalaki talaga ang datingan.

Pagkatapos namin ayosin yung higaan ko ay may binigay sakin si Sorren na damit kaya naman nag tataka ko siyang tinignan.

"Mag palit ka ng damit mukhang naiinitan kana sa suot mo nandon ang cr." Pagkaturo niya sa cr na malapit sa may closet niya ay agad nakong pumasok don para mag linis ng katawan kahit na ang sinabi niya lng sakin ay mag palit oh diba pala desisyon ako.

Pagka pasok ko sa cr niya ay na mangha na naman ako kasi may bathtub sa mismong cr niya kami kasi palanggana lng yung afford namin emz.

Pero mas nagulat ako dahil nandon na yung mga gamit pang ligo ko nakahanda nadin yung towalya atsaka toothbrush na gagamitin ko sanaol prepared.

Feeling ko tuloy nasa hotel ako ngayon kasi yung itsura ng cr niya yung para style sa mga hotel na pangmayaman.

Makadescribe kala mo nakapunta na sa ganon.

So ayun di nako nag patumpik tumpik pa at nag simula nakong mag hubad at nag basa ng katawan.

Diko na eexplain yung pag ligo ko dahil hahaba pa ang usapan ang mahalaga nag linis ako ng katawan.

After kong mag banlaw ng katawan ay kinuha kona ang towelya na nakasabit sa may pinto at agad na pinang tapis sa katawan ko.

Pumunta naman ako sa sink para mag hilamos ng mukha at mag sipilyo mabuti na ang mabango ang hininga natin nakakahiya kay crush baka mandiri satin.

After kong mag hilamos at mag sipilyo ay nag bihis nako at nag suklay ng buhok at lumabas nadin ako ng cr.

Nakita ko naman si Sorren na kakapasok lng mukhang kakatapos lng din niya maligo.

Pero napansin kong parang pareho kami ng pantulog hindi ng kulay kasi yung akin pink tas sakaniya ay black ano yun blackpink ang peg namin?.

After kong titigan ang suot niyang damit ay tumingin naman ako sa mukha niya sa di malamang dahilan ay nag tapo ang mga mata namin dahilan para mapa iwas agad ako ng tingin.

Beh ikalma mo ang puso mo baka mamaya mahimatay tayo sa sobrang lakas ng tubok mo bwiset ka.

Ramdam ko parin na nakatingin siya sakin kaya naman dali dali akong humiga sa higaan ko at nag talukbong na kumot.

WAHHHH!!! kingina bat bako nag kakaganto! Diba ang goal natin mag move on? Pero ano ginagawa mo gurl? Bwiset naman kasi ih (〒﹏〒).

Lupa pwede mo nakong lamonin parang awa mona wala nakong mukhang ihaharap sakaniya (╥﹏╥).

habang nakataklob ako ng kumot ay pinag papawisan ako pano ba naman kasi sobrang init sobrang kapal kasi ng kumot na kinuha ko pero malambot siya. dahil sa naiinitan nako ay agad ko ng tinanggal ang pagkakataklob ng kumot sakin .

"Ay baka!." napasigaw ako sa pagkagulat kay Sorren. Jusko aatakihin ako sa puso dito sa lalaking toh. 

Pano ba naman kasi  saktong pag patay niya ng ilaw ay pag tanggal ko ng kumot  ko napag kamalan ko pa siyang multo medyo maputi kasi siya kahit madilim makikita parin yung kaputian niya like me tas naka black pa siya napang tulog kulang na lng yung maskara atsaka yung ano kamatayan djk.

Hanggang ngayorn ay nasa dibdib ko parin ang kamay ko dahila hanggang ngayorn di parin siya nakalma wala ata tong balak tumigil kakatibok ih.

Ng tingnan ko ulit si Sorren narinig ko siyang tumatawa pero di naman ganurn kalakas yung tawang nakakainis kahit na may gusto ako sakaniya kaya ko siyang batokan.

Pumunta na si Sorren sa higaan niya atsaka kinuha yung remote don at binuksan niya yung tv mukhang manonood ata siya kaya naman humiga na ulit ako at nakinood.

Habang nanood kami ay nakaramdam nako ng antok pero syempre nilalabanan ko kasi nasa magandang part nakami ng movie na pinapanood namin.

Wag kang matutulog self kaya mo yarn kailangannatin mapanood yung exciting part!. 

Patuloy ko paring nilalabanan ang antok ko hanggang sa ang mga mata kona ang sumuko kaya namarn di nako nag laban kasi alam ko namarn na matatalo din ako  parang pag ibig lng kahit anong laban mo kung hindi ikaw ang pinili niya ay talo ka talaga at wala kang magagawa kong hindi tanggapin yung mag katalo mo at supporthan na lng sila.

Hugotera ng taon awarded to Anna Mielle Mendoza.

Bago ako tuloyang makatulog ay  narinig kong nag salita si Sorren pero dahil sa sobrang antok ko ay diko na lng siya pinansin at natulog na.

To be continue....