Chereads / Let's Chase Each Other / Chapter 3 - Chapter 2

Chapter 3 - Chapter 2

5:30am nako nagising kaya naman agad nakong tumayo at pumuntang cr para maghilamos at maligo na.

Wala kaming pasok ngayon kaya naman maaga ako mag bubukas ng tindahan namin.

After kong maligo ay agad nakong nag bihis atsaka nako lumabas ng kwarto ko para mag almusal.

Pagka punta ko sa kusina ay dahan dahan kong binuksan ang kalan at ipinatong ko agad yung kawali atsaka ko na sinimulan magluto.

Habang nag luluto ay may narinig akong pag bukas ng pinto kaya naman agad kong nilingon ko sino yun. At ng makita ko si kuya ay binalik kona ulit ang atensyon ko sa pag luluto.

"Ang aga mo naman atang magising ngayon." inaantok pang sabi sakin ni kuya.

"Ako kasi mag bubukas ng tindahan ngayon atsaka bukas ng saganon dito mona si mama." sabi ko sakaniya habang hinahain sa lamesa yung mga niluto ko.

After kong hihain lahat ng niluto ko ay agad nakong umupo para kumain na at ganun din si kuya.

"Mag dadala kaba ng tanghalian  mo o dadalhan na lng kita?." pag basag ni kuya sa katahimikan dahilan para mapatigil ako sa pag subo ng kanin at agad na tiningnan siya.

"Dalhan mo na lng ako mamaya madami kasi akong dadalhin so hindi nako makakapag baon ng pagkain ko para mamaya pero kung ayaw mo naman don na lng ako bibili ng pagkain." sabi ko sakaniya at tinuloy ko na lng ulit ang pagkain ko.

Pag katapos kong kumain ay nilinis ko muna yung pinag kainan ko at agad ko ng kinuha yung mga kailangan kong dalhin atsaka yung susi para mabuksan yung tindahan namin. At agad nakong umalis.

Pagkasakay ko sa tricycle at agad ko ng sinabi kong saan ako baba at agad naman siyang umoo at agad na kaming umalis.

Nakarating nako dito sa may pwesto namin kaya naman agad nakongg bumaba para mag bayad at kinuha na yung mga dala ko atsaka nako umaakyat sa hagdan at pumunta na sa pwesto namin at binuksan yun.

Habang inaayos ko ang pag kakalagay ng mga sapatos ay biglang nag vibrate ang cellphone ko sa bulsa ko kaya naman agad ko naman yun kinuha sa bulsa ko at tinignan kong sino ang nag chat o nag text.

Pag kabukas ko ay bumungad na sakin yung mga chat nila. Yes nila may gc kasi kaming ginawa ng mga ka group mate ko ng saganon makapag plano kami kung ano gagawin namin sa project namin. Kaya naman agad kong binuksan yung mga chat nila at binasa yun.

Guys kelan tayo mag memeet para sa project natin? Para nadin masimulan na natin at para sa monday ay makapag pasa na tayo. — Ria

Ewan ko kay (@)Anna :). — Aj

Ng mabasa ko ang mga chat nila ay dali dali akong nag type.

Sa sunday na lngs. So kanino bang bahay ang pwede nating puntahan para gumawa ng project?. — Me

Ng masend kona ay agad namang nag seen sila Ria,AJ, at Sorren so bali apat lng kami sa groupo di tulad ng iba ay lima.

Kayla Sorren na lng tayo malaki bahay nila ihh. — Aj

Oo nga kayla Sorren na lng tayo para may Free snacks o dibaa. — Ria

Napatampal na lng ako bigla sa noo ko sa sobrang gigil dito sa dalawa putangina mga pahamak.

Nakakahiya don na lng tayo sa bahay mo (@) Syria. — Me

Pag tanggi ko pero lalo akong napamura ng mabasa ko ang reply ni Sorren. Sa di malamang dahilan bigla na lng ako kinabahan at the same time nataranta.

No. It's okay Anna dito na lng tayo gumawa ng project sa bahay I'll just gonna tell to mom that you guys are going . — Sorren

At dahil wala nakong magawa dahil pumayag na si Sorren ay Umoo na lngs ako at sinabi kong anong oras kami bukas.

Pag katapos naming mag usap ay tinuloy kona ulit ang ginawa ko at ng matapos ako ay umupo nako para mag intay ng customer.

Syempre habang nag iintay ako ng customer ay nag isip mona ako ng susuotin ko para bukas kaso ang problema wala akong damit o dress na maayos pero bahala na mag hahanap na lng ako mamaya o di kaya mang hihiram ako na lng ako sa pinsan kong babae.

Padami ng padami ang customer mukhang gagabihin ako ng uwi ng tignan ko kung anong oras na ay 11:30 na ng tanghali inaantay ko muna si kuya na dumating pero kung di siya dumating bibili na lng ako ng makakain ko sa dati kong binibilhan ng pagkain malapit lng dito.

Makalipas ng ilang minuto ay dumating nadin si kuya at ibinigay na sakin yung pagkain ko kaya naman agad ko yun kinuha sakaniya at nag simula ng kumain so bali si kuya muna ang nag bebenta kasi mamaya maya pa siya aalis iniintay niya din kasi tong pinagkainan ko ng saganon ay maiuwi niya na.

****

7:30 na ng gabi ako nakauwi dahil sobrang dami ng customer kaya medyo ginabi nako ng uwi.

Pag kauwi ko ay nag hugas muna ako ng katawan atsaka kumain nadin dahil gutom na gutom nako.

Pag katapos kong kumain ay agad nakong pumunta sa kwarto ko para taposin yung mga assignment na diko natapos kagabi pero bago ako mag simulang mag sagot ay nilinis ko muna saglit ang kwarto ko.

Pinagpagan ko yung kama ko at inaayos yun atsaka ko vinacum yung sahig at pag katapos ay binuksan ko naman yung aircon at binuksan ko din yung mini lamp ko atsaka pinatay ang ilaw ko atsaka nako umupo sa harap ng study table ko at nag simula ng mag sagot.

Nasa kagitnaan ako ng pag sasagot ng assignment ko ng bigla kong naalala na bukas pala ay pupunta kami sa bahay nila Sorren para simulan yung project namin.

Kaya naman ay tumayo nako sa inuupuan ko at binuksan ang ilaw sa kwarto ko atsaka ko binuksan ang cabinet ko para mag hanap ng susuotin ko bukas.

Habang nag titingin ako ng pwede kong suotin bukas ay narinig ko bumukas ang pinto ng kwarto ko kaya naman lingon ko kung sino nag bukas non si Mama lng pala.

"Oh bakit nakalabas yang mga damit mo anak?." nag tatakang tanong ni mama at tuloyan ng pumasok sa kwarto ko at sinarado ang pinto.

"Ah pupunta po kasi ako sa bahay ng ka group mate namin para masimulan napo namin yung project namin sa History para nadin po mapasa na namin sa lunes." pag papaliwanag ko kay mama at napatango tango naman siya.

Agad na tumalikod sakin si mama at lumapit sa kama ko kung saan doon ko nilalagay yung mga nagugustohan kong damit para sana mamaya ay pagpipilian ko.

Kinuha ni mama yung kulay itim na dress na bulaklakin hanggang lampas tuhod ang haba non atsaka itinapat yun sakin ni mama atsaka niya pinahawak sakin para tignan kong bagay ba sakin.

"Yan tas ipares mo yung kulay puti mong sapatos atsaka yung mini bag pack mo then bukas gisingin moko aayosin natin yang buhok mo." sabi ni mama kaya naman tumango ako atsaka ibinalik yung mga damit na nasa kama ko at yung napili ni mama ay sinabit ko sa may likod ng pintuan kung saan nakasampay ang tuwalya ko.

"Matulog kana wag kana mag puyat goodnight." pag papaalam ni mama at agad naman ako tumango at nag paalam na atsaka na siya lumabas ng kwarto ko.

Pag kalabas ni mama ay inayos kona ang mga gamit ko sa lamesa at itinapon kona yung mga kalat ko. Atsaka kona pinatay ang ilaw at humiga nako sa kama.

Pagkahiga ko ay kinapa ko yung cellphone ko sa side table at agad na kinuha yun para manood muna saglit ng kdrama pampaantok.

Maya maya lng ay nakaramdam nako ng antok kaya naman agad ko ng pinatay ang cellphone ko at nilagay yun sa side table atsaka nako natulog.

****

Sorren Point Of View.

Kaganina pako gising mga bandang 6:50 pero heto parin ako nakahiga sa kama ko nag aantay ng chat nila.

Makalipas ng ilang oras na pag tulala ko sa kisame namin ay napag desisyonan kong tumayo na at pumuntang cr para maligo at makababa nadin.

Pagkatapos ng ilang minutong ay natapos nakong maligo at mag bihis ay bumaba nako at naabotan ko naman sila mama sa salas na nonood.

Agad naman ako pumunta sa dereksyon nila at tumayo sa harapan nila dahilan para mabaling sakin ang atensyon nila.

"Ano kailangan mo anak?." pag tatanong ni papa sakin kaya naman napabuntong hininga ako at agad ng sinabi kong ano ang pakay ko.

"Pupunta dito yung tatlo kung kaklase gagawa ho kami ng group project ok lng ho ba?." pag papaalam ko sakanila at agad naman nagulat si mama pero napalitan yun ng ngiti.

"Oo naman anak. Ano oras ba sila pupunta dito? Dito ba sila mag iisleepover?." sunod sunod na tanong ni mama atsaka ako tinalikuran para puntahan yung mga maids kaya naman agad ko siyang sinundan.

"Mga bandang 3pm sila pupunta dito. Diko pa po alam kung dito na sila matutulog." sabi ko kay mama at tinanguan naman niyako.

"Ano bang gusto nilang dessert or snacks?." pag tatanong ni mama sakin kaya naman agad kong sinabi kong ano atsaka ko sinabi na don kami sa study room gagawa ng project at pumayag naman agad siya atsaka inutosan si manang ester na ipalinis yung study room atsaka yung guestroom.

Pag katapos kong sabihin yun kay mama ay agad nakong lumabas kasi may pupunta akong puregold para mag grocery dahil wala nako stock ng pagkain sa kwaro ko atsaka para nadin may makain kami mamaya.

Agad nakong sumakay ng kotse ko at pinaandar na yun atsaka nako umalis.

Makalipas ng ilang minuto ay nakarating nako dito sa puregold kaya naman pinark ko natong kotse ko atsaka nako bumaba at pumasok na sa loob.

Pagka pasok ko ay agad nakong kumuha ng cart atsaka ako pumunta sa food section at kinuha yung mga paborito kong pagkain atsaka ko naman kinuha yung mga kakainin nila mamaya matulad ng chichirya,chocolate, at biscuits.

At sa inomin naman ay kumuha ako ng dalawang coke , dalawa ding sprite at isa namang mountinedew. Kumuha nadin ako ng yakult atsaka mogu mogu.

Yon lng mga pinamili ko atsaka nako pumuntang counter para mag bayad na kailangan ko din mag madali dahil anong oras nadin.

After kong mag bayad ay inantay ko na lng na ipack yung binili ko at uuwi nako. Pagka tapos ng ilang minuto ay natapos nading ipack yung mga pinamili ko kaya naman agad kona yun binuhat atsaka nako lumabas.

Pag kalabas ko ay dumiretso nako sa kotse ko at agad ko ng pinasok ang mga pinamili ko at sumakay nako. Pag kasakay ko ay ipinaandar kona tong kotse ko at umalis na.

Medyo malayo tong puregold sa bahay namin so bali after 50 minutes nasa bahay nako kaya naman nag soundtrip muna ako habang nag dadrive.

Holding Me Back by Shawn Mendez is playing.

I wanna follow her where she goes

I think about her and she knows it

I wanna let it take control

'Cause everytime that she gets closer

She pulls me in enough to keep me guessing (mmm) And maybe I should stop and start confessing Confessing ,yeah

Sa di malamang dahilan ay kusa na lng lumabas sa labi ko ang mga lyrics ng kanta. "Oh, I've been shaking. I love it when you go crazy. You take all my inhibitions."

"Baby, there's nothing holdin' me back You take me places that tear up my reputation Manipulate my decisions."

"Baby, there's nothing holdin' me back. There's nothing holdin' me back. There's nothing holdin' me back." Pag kanta ko patuloy ko parin sinasabayan ang kanta hanggang sa makarating ako sa bahay.

Pag karating ko sa bahay agad ko ng pinasok yung kotse at pinarking sa garahe atsaka ko kinuha yung mga pinamili ko at pumasok nako.

Nagulat ako ng makita ko si Anna na nasa tabi ni mama ng mapansin naman nilang nandito nako ay agad lumapit sakin sila kuya.

"Di mo naman sinabi samin na girlfriend mo ang pupunta dito nag bibinata na talaga yung bunso namin." pang aasar nila kuya dahilan para bigla mamula ang mukha ko.

"Hindi ko siya girlfreind ka group mate ko siya sa project namin sa history." pag tanggi ko atsaka nako nag lakad papuntang salas.

Habang nilalabas ko yung mga pinamili ko ay biglang nag vibrate yung cellphone ko at tinignan ko naman kung sino ang tumawag.

Ng makita ko ang number ni Aj ay agad ko nayun sinagot.

"Hello Aj nasaan na kayo?" bungad ko sakaniya.

"Hello pre sorry di ako makapunta ngayon may emergency kasi dito sa bahay paki sabi na lng kay Mielle na isend  na lng sa gc kung ano kulang ako na gagawa ." pag kasabi niya non ay napasapo ako sa noo pero umoo na lng ako at agad ko ng binaba yung tawag.

Tinuloy kona yung ginagawa ko. Ng matapos ako ay inakyat kona yung ibang pagkain para ilagay sa kwarto ko.

At pag katapos kong ayusin yung pag kakalagay ng mga pagkain sa kwarto ko ay bumaba nako.

Pag baba ko ay tinanong ko kay mama kung nasaan si Mielle at sinabi naman niyang nasa study room inaantay ako pero bago ako umakyat pinadala na sakin ni mama yung mga kakainin namin.

To be continue...