Chereads / DIABOLICAL QUEEN / Chapter 2 - SIMULA

Chapter 2 - SIMULA

Pag kaluwal palang saakin ng akin ina ay simula na rin akong hinahabol ng kamatayan. Thinking how unfair the world is to me, I wanna live yet it's people wants me dead. Funny, right?

My head was spinning pero nilabanan ko iyon. I won't let them catch me, I still wanna live...I still wanna live, not for anyone else's but for me. The Queen wants me dead, the Queen ordered the guards to keep on torturing me. Pero I escaped, kaya ngayon ay hinahabol nila ako.

I can still remember my mom's cold stares, I can't remember my mom stares at me with pure love. She only stares at me accidentally with cold stare and sometimes she look at me with disgust.

"You look like your father, your evil father...."The Queen said habang ang mga kamay nito'y kumikislap dahil sa nag babadyang pag atake. I just cried and beg for her not to kill me.

Kumikirot ang aking ulo dahil sa hindi mabilang na hampas ng bakal. Hindi ko na maramdaman ang aking mga braso't kamay habang patuloy sa pag agos ng mga dugo sa aking mga malalalim na sugat dahil sa saksak at baril saaking buong katawan, swerte ako dahil nanaatili akong buhay sakabila ng aking mga natamong sugat.

My vision is starting to get blurry, and my movements slowed down. Nasubsob ako at hindi ko napigilan iyon dahil sa braso kong namamanhid. Napapikit ako dahil sa sakit na natamo ko sa pag kasubsob kasabay ng may tumusok saaking balikat na tila ba isang matulis na kahoy na bumaon hanggang sa tumagos iyon saaking likuran.

Naiyak ako at naaawa sa sarili, I don't have friends and even my own mother wants to kill me. Umiling ako at nawalan na ng pag-asa na makatakas lalo na at ang aking katawan ay mahina na't hindi makagalaw dahil sa kahoy na tumutusok saakin balikat.

My tears rolled down to my cheeks, my heart ache thinking that I am all alone in this world. No one cares for me...sarili ko lamang ang may nais akong mabuhay.

My breath became uneven at umiikot na ang aking paningin. I just want this to end...but I know once I wake up, mawawala ang aking mga natamong galos at mga sugat na parang wala lang nangyari ngunit pinapanalangin kong sana pati ang mga memorya ay mawala pero hindi iyon nangyayari.

Habol ang hininga na umupo ako sa kama matapos magising sa isang masamang panaginip. Para iyong totoo! Even the pain feels real too! What the fuck?

What was that dream all about? Hindi pa ako nag kakaroon ng panaginip about death before! Am I dying? Aahhh! Putangina tinakot ako non! Sigurado akong hindi na ako makakatulog pa nito!

Kinapa ko ang aking pisngi dahil naramdaman ko na basa iyon. Kumunot noo ko at tinitigan ang aking palad na may bahid ng basa dahil saaking luha. Luh, what the hell happened?

Kinabukasan agad napansin ni Ella ang itim sa ilalim ng aking mga mata na sabi ko lang dahil nag review ako para sa test. Hindi naman na nag tanong si Ella ng iba pa dahil mukang naniwala na siya sa palusot ko.

"Hoyyy, Zeia! May duel daw sa field, section A versus section C! I don't know what happened pero mukang napuno na si Draxxi."biglang hinitak ako ni Ella kahit hindi pa ako pumapapayag na sumama.

Pero—

"Section A? Bakit? Hindi pumapayag ang mga iyon makipag—"

"Malay ko din, Zeia kaya nga gogora tayo."sabi nito kaya tumango ako at napa isip na.

Draxxi Prats a water manipulator versus Unknown Person, tingin ko dahil nasa Section C iyon ay healer iyon o kaya'y isang force-field.

Siguradong maganda din ang kakayahan ng isang iyon dahil sinubok ang isa sa sampong estudyante ng Section A. Hmm, must support that Unknown Person para matalo ang malanditod na Draxxi? Just kidding! Hindi ako magiging bias.

"GO, PETUNIA!"hindi mapigilang sigaw ko sa hindi kilalang babae ng Section C.(narinig ko lang kasi sa mga nasa paligid ang name niya.)

Sira-sira na ang paligid nila at nag tatagal na din ang labanan. Looks like Draxxi Prats is now irritated kay Petunia Wolf, Petunia's power is powerful na kayang patigilin ang mga atake ni Draxxi. Halata na din na mas pagod na si Draxxi. Masasabi kong mapapahiya ngayong araw ang Section A. Hindi ko inaasahan na isa itong spatial manipulator! iilan lang ang mga spatial manipulator ng section C ha at itong isa ito ay maabilidad!

For the first time in history! At mukang kinakabahan na ang ilan sa Section A lalo na sa bulungan ng mga nanonood. Hindi ko makita ang ilan sa mga ito, kaya naman pala mga nag yayabang na naman kasi wala sila Flame.

Pero pfft, Draxxi's water manipulating is useless to Petunia's spatial manipulation. Bawat atake ni Draxxi ay nahaharang ng portal na ginagawa ni Petunia kaya kahit isang patak ay walang lumalapat sakaniya. Hindi ko nalang alam kung saan pinupunta ni Petunia ang mga tubig ni Draxxi. At ang weird dito ay kung paano niya natatanggap ang mga atake ni Draxxi! kinakailangan mobng malakas na mana para ito'y mapigilan! Ngunit alam naming lahat na ang section A ang may pinaka malakas na mana sa lahat ng mga estudyante na maitutumbas sa mga Knights of Acardia.

Pero siguradong kung ibang estudyante iyon na may spatial manip ay paniguradong wala ng malay ito sa unang atake palamang pero kakaiba ang kakayahan ng isa na ito! At mukang paubos na ang mana ni Draxxi pero si Petunia ay ayos na ayos pa!

Isang bagong salta lang si Petunia kaya hindi kami masyadong maalam sa kaya niyang gawin at hindi. Mukang malakas din siya sa hand to hand combat. Sa bawat pakawala ng atake ni Petunia ay wala man lang bakas ng emosyon ang makikita sa muka nito kung hindi ang pagkabagot. Mukang nanliliit na si Draxxi pero pinag-iisipan parin nito ang mga susunod na gagawing atake, ngunit wala din naman iyong talab sa kalaban.

Pero kung tutuusin ay magaling din si Draxxi dahil kung hindi ay kanina pa siya natalo, pero tingin ko hindi niya masyadong kontrolado na ang kakayahan at hindi na masyadong nakakapag isip dahil sa iritasyon. Muka namang kontroladong kontrolado ni Petunia ang kakayahan.

"Psh, sinasayang mo lang oras ko."pag katapos ni Petunia iyong sabihin ay may namuo sa itaas ni Draxxi at napasinghap ako ng makita ang mga tubig na mabilis na lumunod kay Draxxi.

"Woah...."napatinin ako kay Ella na natingin na din pala saakin.

Waahhh! Her Llave is awesome!

(A/N: Hi! Pasingit lang ha? Para lang maliwanagan, llave ay spanish ng key at ito ang itinawag nila sa mga kakayahan nila since maaaring ito na din ang susi sakanilang problema. Maraming klase ang Llave example na ang mga common na powers nila ang heal, hearing, speed at flight. Hindi lahat ay mayroong Llave tanging ang mga piling tao lamang at ang mga anak ng mga piling tao lang na iyon ang maaaring makapag mana ng kakayahang iyan.)

"Damn, that girl's dangerous!"isang estudyante.

"She's better than the top 10 hero Draxxi Prats, how come na nasa section C lang siya?"

"I don't know din."

"Mananahimik ka ngayon o mananahimik ka habang buhay?"natigilan kaming lahat ng marinig ang tano—hindi ang ma autoridad na boses ni Rage Veron(Top six hero).

Arogante, psh.

"So-sorry, Veron!"tumaas kilay ko sa paumanhin ng estudyante pero hindi na ako kumibo lalo na wala akong laban dito.

Isang lamang akong healer na masasabi kong bobo pa, ugh nakakasakit ang katotohanan. Wala akong kibo na umalis kasama si Ella.

"Penelope."nalingon ako sa tumawag noon at sumikdo ang aking puso.

Kumunot noo ko at nag iwas ng tingin dahil hindi ko alam bakit din ako lumingon eh hindi naman ako ang tumawag. Alizeia Cohen is my name kaya not Penelope, ang weird ko na habang nag tatagal.

Pero hindi ko alam pero kasi parang normal na saakin na pag sinabi ang Penelope ay mapapalingon talaga ako na para bang pangalan ko iyon. Kunot noo na umalis kami doon ni Ella na iritadong iritado naman na dahil sa mga Section A.

"Ang yayabang nillaa! Nakoo! Sinasabi ko talaga pag ako natuto gamitin itong invisibility na ito babatukan ko sila isa-isa!--pwera pala kila Terron hehe."sabi ni Ella.

"Gago as if naman hindi ka nila mararamdaman."tatawa tawa nalang na sabi ko at isinantabi ang iniisip.

"Ugh, oo nga pala lalo na sa creepy na Rage na iyon."sagot naman nito at umirap.

*school bell ring*

Agad na kaming umalis at pumasok na sa mga susunod na klase. Kami ni Ella ang nauna sa classroom dahil mukang hindi pa rin maka get over ang mga nakanood na kaklase namin.

"Ha! Siguradong tatatak sa buong Academy ang nangyari! Akalain mo? Isang Class C natalo ang tinitingalang Class A! Ha! Serves them right."Ella.

Sigurado akong ililipat agad si Petunia sa Class A pero nag tataka ako bakit sila nag kamali at nilagay si Petunia sa Class C? Pero sabagay spatial magic kasi kaya siguradong akala nila ay isa na naman iyon sa walang kwentang magic na ayon sa mga Class A.

Pag pasok namin sa klase ay naabutan namin ang aming propesor para sa oras na iyon kaya namam umupo na kami sa aming mga tamang upuan. Tahimik at nangangapa ang mga kaklase ko para sa lesson ngayon na siya naman kinatataka ko dahil bawat isa sa mga ito'y malinaw kong nauunawaan.

Tahimik ko lang tinatanguan si Ella na daldal naman ng daldal patungkol sa klase kanina na muntik na daw niyang ikabaliw. Hindi ko maintindihan pero matutuwa ba ako o matatakot na sa mga weirdong nangyayari saakin ngayon araw?

Naabutan namin ang cafeteria na puno ng bulungan patungkol sa duwelong nangyari kanina, hindi ko mahanap ang mga Class A kaya naman pala kulang nalang isigaw na nila ang usapan nila.

"Omg kahit ako hindi maka move on! As in!"natingin saakin si Ella matapos marinig ang usapan sa nalagpasan naming lamesa.

"Hmmm."tumango ako, walang nang pakeelam sa nangyari kanina dahil nasa klase kanina ang utak ko kung paano ko naintindihan iyon ay katakataka talaga.

"Tapos wala pa dito ang mga Class A! Hiyang-hiya siguro sila! Haha! Napala lang nila!"tawa ng tawa si Ella.

tumatango lamang ako sa panlalait niya habang namimili ako ng kakainin ko. Natigilan ako ng matahimik ang buong cafeteria pero si Ella ay hindi pa rin na nanahimik at patuloy parin sa pag daldal.

"Hindi ko maimagine ang muka nila kung ma-"

"Ah, and how will you react now?"natingin ako sa nag salita saaking gilid at nakita ko si Allison na mataas ang kilay na nakatingin saakin.

Hindi ko na tinagalan pa ang tingin at nag patuloy nalang sa pag pili ng kakainin. Narinig ko ang pekeng tawa nito saaking gilid pero hindi ko ito pinansin, dahil wala akong ganang makipag usap sa ngayon, at tingin ko di naman ako ang kausap dahil wala naman akong sinasabi kanina?

"Ah-ehehehe."narinig kong sabi ni Ellang natahimik na at sinisiko na ako.

Tinapunan ko ng tingin si Ella na kumunot ang noo. Ngumuso ito sa likuran ko kung nasaan ang Class A kanina.

"Enough with your childish act, Allison."isang malamig na tinig iyon nang lalaking papalayo na.

lumingon ako saknila at nakitang tahimik na sinusundan ang Presidente. Ang natural na magulong buhok ni Flame ay mas napagulo pa dahil mukang kakagising lang nito. Kita ko ang umiigting nitong braso dahil sa siguro ay pag kakakuyom ng kamao na nasa bulsa naman nito.

Umiwas na ako ng tingin dahil hindi ko na alam ang weirdong nararamdaman kong hindi ko naman nararamdaman dati sakaniya. Matapos kong makapili ng makakain ay humanap na kami ng mauupuan habang tahimik parin si Ella.

Habang kumakain ako ay ramdam ko ang pag tingin tingin saakin ni Ella, "If you want to say something, spit it out."sabi ko habang sumusubo at bumilog naman ang bunganga nito at gumawa pa ng kung anong ingay gamit ang kaniyang hiniga.

"See! You're being weird!"sabay turo nito saakin habgn binubulong iyon.

Kumunot noo ko, napansin din pala nito?

"You too seryows! Lalo na kanina! Like omg? Dapat nanginginig ka na sa kaba lalo na sila Rage ang kaharap natin! at ang mga epal na iyon! ang yayabang!"bulong nito na kulang nalang ay idikit ang muka sa muka ko kaya naman tinulak ko iyon.

"Omg? You don't do that before ha? that hurt me aw."maarteng sabi nito kaya umirap ako.

"Kulang lang ako sa tulog."sabi ko pero tinititigan pa rin ako nito.

"Ang hyper mo kaya kanina? Pero whatev nagugutom na ako!"sabi nito at umupo na ng maayos.

Kahit na kumakain ay daldal parin ito ng daldal kaya naman pinilit kong makisabay sakniyang kadaldalan kahit na hindi ko naman nagugustuhang mag salita sa ngayon. Bago ko pa masubo ang huling subo ng gulay at kanin ay may naamoy akong kakaiba.

What the fuck is that smell?

tumingin ako sa banda kung saan ang gubatan. Hindi ko mawari ang pamilyar na amoy, hindi ko matandaan kung saan ako nakaamoy ng ganoon!

and what the fuck? Am I the only person na nakakaamoy non? I smell blood!