Nagising ako matapos kong maramdaman ang mga titig saakin. Nag mulat ako ng mata at bumungad saakin ang kulay kremang kisame. Umupo ako at nakita ang isang propesor at si Flame na nakatingin saakin habang nag uusap.
"She's awake."turo ni Sir saakin.
"I can see that."tumayo si Flame at lumabas na.
Iniwan kami ni Sir na mahinang humalakhak naman at biglang natigil nang tila may naalala.
"I'm sorry, Miss Cohen...nakatakas ang nahuli naming pumatay kay Casheir at muntik ka ng maging biktima."paliwanag nito.
"Hindi din magiging ligtas ang inyong palasyo sa ngayon dahil narinig ko na nakarating na doon ang mga kalaban noong sinuspinde ang klase? Patawad at hindi namin agad iyon nabatid."paumanhin nito.
Sinadya ko talaga na hindi palabasin ang nangyaring iyon sa bahay ni Alezeia, kung sino man ang nag labas ng balita na iyon ay si Terrence na iyon.
"Ayos lang po...ayos lang din po ako."ngumiti ako dito para ipakita na ayos nga lang ako.
Shit, hindi niyo po kasalanan dahil ako ang may kasalanan nito! Clearly, sinadya ni Terrence na mag pahuli sa mga ito! At siguradong pakita lang din ni Terrence ang pag patay kay Casheir para ipalabas na hindi ako ang puntirya niya!
Damn! Gustohin ko mang lakihan na ang mana ni Alezeia ay hindi ko pa magawa sa ngayon! Ang walang katumbas kong mana ay hindi pa kaya ni Alezeia! Paksyet.
"Mayroon bang namamagitan sainyo ng kapatid ko, Miss Cohen?"puno ng panunukso ang mata ni Sir ngayon.
Nanlaki ang mata ko at agad na umiling ng umiling, naramdaman ko agad ang pag init ng aking pisngi, shit Alezeia! Hindi ito ang oras para sa puso mong umiibig!
"Wa-wala po!"umiling ako muli ng umiling.
"Hmm?"ngumiti ito na para bang hindi talaga naniniwala at tumayo.
"Kung ganon ay siya na ang mag babantay muna saiyo...aalis na muna ako at kailangang litisin ang may sala."paliwanag nito at umalis na at iniwan akong nagulantang sa huli nitong sinabi.
ANO?! ANONG SI FLAME ANG MAG BABANTAY?!
Napatalon ako ng pumasok si Flame na may kasamang nurse, oh iyong sinasabi ni Ella na kaakap ni Flame bago ang pag suspinde ng klase?
Tumikhim ako at humiga nalang. Narinig ko ang pag papaalis noong Nurse na si Rein kay Flame na agad naman nitong sinunod ng walang reklamo.
"Kamusta naman ang pakiramdam mo?"gamit ang isang malambing na boses ang tanong nito saakin.
Habang ni-che-check up ako nito ay napagtanto ko kung ano ang nagustuhan ni Flame dito, hindi lang sa maganda ito, mabait din ito at makikita na isa itong kagalang galang na tao. Ilang minuto lang ay umalis na din nito at ilang minuto din bago muling pumasok si Flame na blangko na naman ang mga mata.
"Ngayon, enough with your damn secrets. What are your intensions?"tanong nito saakin.
Umiling ako at napag pasyahang hindi dapat nito malaman iyon dahil maaaring mahuli siya at masabi ang totoo kong katauhan at lagot na kami noon.
"I'm not a demon, if that is what you mean."pag sisinungaling ko.
"I am not buying that."
"I told you I am not, clearly isa lang ako sa naging biktima ng pumatay kay Casheir!"paliwanag ko dito.
"Alam kong hind--"
"Gosh, hindi por que gusto kita pwede mo na akong ganituhin ha?"palusot ko para tigilan na ako.
"Ayoko ng demonyong tagahanga."nag isang guhit ang aking labi sa sinabi nito.
ouch.
Umirap ako upang takpan ang kakaibang naramdaman, okay fine. Damn, ang mga tao at demonyo ay magkamuka pag dating sa ganito.
"Believe me or not, I am not what you think I am."half truth kong sagot.
"Then tell me! I won't just sit here waiting for someone else to die, again!"nawala na ang blangkong ekpresyon nito at napalitan ng galit.
"Then, stand!"umirap ako.
Masama na ang tingin nito saakin kaya naman wala na akong nagawa kung hindi ang umirap at tumayo, tutal wala na ang aking mga sugat pero pakiramdam ko andito pa rin ito. I have a guess...nawala lang ito sa mata ng mga tao at meron akong isang paraan para malaman ito.
"Do you trust me?"tanong ko.
"I don't."ngumisi ako sa sagot nito.
"I know that but, please trust me on this one."sabi ko sabay hawak sakaniya.
I used all my remaining mana.
"Fuck!"mura nito matapos kong ipakita sakaniya lahat ng nasaaking memorya.
Napamura din ako at ibig maduwal sa hilo na nadama, fuck buti hindi ang pag lipat ng dimensyon ang ginawa ko!
"I...is that your memory?"tanong nito pero mas abala ako sa pagkahilo ko.
"Teka timeout, na-nahihilo ako."awat ko dito matapos akong tanongin ng tangungin nito.
Hindi na ako nag taka na mabilis na naka adjust ang katawan nitong Presidente pero hindi na din ako nag taka sa kakarampot na manang natira saakin, shit nakalimutan kong nagamit ko ito kanina kay Terrence! Damn it, nabobobo ako pag dating kay Flame!
"Gosh, nasisigurado kong kailangan ko na malayo saiyo pagkatapos nito."sabi ko dito matapos maka recover sa hilo.
"And why?"tanong nito na naka pameywang na ngayon.
"Kasi you make me vulnerable?"umirap ako at natigilan.
oh, fuck oo nga! he makes me vulnerable!
"I'm sorry..."kumunot noo ko sa sinabi nito.
"You did nothing and what I need is for you to believe."sabi ko at dinutdot pa ang noo niya.
"Hindi lang naman para sa mga kasalanan ang pag hingi ng tawad."ngumiti ito, this time natulala ako. hinawakan nito ang aking ulo at dahan dahang tinapik tapik ito.
He did not say anything, but his gaze is diffirent, his gaze is warm yet cold, get me? May bahid ng ngiti ang labi nito. Hindi ko pa siya nakikitang ngumiti ng ganito...ang ngiti na makakapag bigay liwanag saiyong mundo, but really liwanag dahil nag liliwanag na ako. I just realized na this is too much for him.
Napangisi ako ng mapagtanto kung ano ang aking nararamdaman, it is like a game, I just needed to gain his trust in order for me to regain my mana and everything that I lost.
"You..."bago pa nito makita ng buo ang aking totoong anyo ay tinakpan ko na ang mata nito at ngumiti.
Hindi dapat ito makita ng ibang mga tao kaya naman agad kong binago ang aking anyo at binalik sa kung ano ang huli nilang nakita saakin.
"Thank you..."sabi ko bago ibalik ang lahat sa dati.
"I'm sorry."bulong ko at umalis na bago pa mag tanong ito kung ano ang nangyari.
I erased his memory...yes, napaisip ako na hindi talaga niya dapat malaman iyon.
Nag uunat unat ako habang palabas sa kwarto na iyon, naramdaman ko na ang mga pag hihilom ng aking mga sugat kaya naman pakiramdam ko napaka gaan na ng aking katawan.
"Hey! Wait."bago ako nito mahawakan sa braso ay mabilis akong humakbang ng malaki at hinarap siya.
"Yes?"tanong ko.
"You...did you just kissed me?"nagulat ako matapos nito iyong sabihin saakin.
WHAT THE FUCK?
"PUTANGINA, ANONG SINASABI MO?"malutong na mura kong tanong.
"You kissed me!"diin nito.
"Ang swerte ko naman kung ginawa ko iyan?!"tinuro ko siya at humakbang palapit sakaniya.
Gago panong hinalikan ko siya? Wala naman akong ginagawa sakaniya pwera sa burahin ang isipan niya!
"YOU. KISSED. ME admit it."ngumisi ito habang tila tore itong hinarangan ang buong paligid ko.
"I did not! Why would I?!"pamimilit ko sa katotohanan.
"Yes, you did!"pamimilit din nito.
"Why would a demon kissed me?"nanlaki ang mata ko sa sinabi nito.
"I told you I am not a demon! And I will admit it if I really did kissed you, but I did not!"pamimilit kong uli.
Umigting ang panga nito at tinorihan akong muli kaya naman napaurong ako, "Just kidding."pinitik nito ang noo ko sabay humalakhak at nilagpasan na ako na gulat na gulat sa nangyari.
What the fuck?
"ATTENTION, ACARDIANS! WE'VE DETECT AN INFERNO OUTSIDE THE SCHOOL, PLEASE DO NOT GO OUTSIDE, I REPEAT, DO NOT GO OUTSIDE."isang mesahe iyon at kaboses ni Madonna.
"Ano?! Nakarating na sila dito?"bulungan ng mga estudyante at nag dungawan sa mga bintana at nag singhapan.
"SHIT! ANG DAMI!"
Natigilan ako at ginamit naki usyoso sa mga nakatingin sa bintana. Nanlaki ang aking mata matapos makita ang batalyon ng inferno at napansin ko ang mga naka balabal sa harapan, kung tama ako ay nasa sampo ang mga ito at sa amoy palang nila masasabi kong hindi normal na demon lang ito.
"ANG MGA PROPESOR!"tinuro ng isa sa Class E ang mga propesor na biglang nag si sulputan mula sa kung saan.
Naramdaman ko ang tingin ng isa sa mga nakabalabal. Napangisi ako at mabilis na tumalon pababa ng bintana. Kung hindi ba naman ako sinuswerte.
Sigurado akong hindi nila nasundan ang aking galaw dahil mabilis kong hinitak papunta sa aking domain si Esra, hindi nila maaaring makita ang aking kakayahan dahil iba ang Alezeia na kilala nila sa Alezeia ngayon.
Tumalon ako matapos umatake ni Esra pag dating palang namin. Habang nasa ere ay mabilis kong ni-summon ang aking sytche at mabilis na inatake si Esra. Mabilis nitong nasangga iyon pero hindi nito lahat na sangga at agad siyang nag kagalos. Umapoy ang mata nito at tinapunan ako ng masasamang tingin.
"PENELOPE!!!"sigaw nito at agad na nag hilom ang mga sugat.
"Esra?"ngumisi ako at muling umabante upang umatake.
Sa pag kakataon na ito ay hindi na nito iyon sinangga at mabilis na umiwas at umatake saaking likuran na agad ko namang naiwasan at inatake ang likuran niya.
"You damn damn bitch!"sigaw nito at hinanap ako na nag tatago mula sa anino niya.
"Surprise?"bulong ko at sinaksak ito mula sa likuran niya.
Humarap ito saakin at nakita ko ang mabagal na pag hilom ng sugat nito. Nanlalaki ang mga matang nakatingin saakin.
"Oh...ugat lang pala ng luya katapat mo?"natawa ako.
"Weak."ngumisi ako at sinipa ito ng malakas dahilan ng pag talsik nito.
"Loser."isang sipa muli ang aking binigay.
"Just kidding! I won't let you die sooo easily."at aking ginamot ang sugat nito.
"A-anong! You've changed! You weren't this strong before!"napangisi ako sa tanong nito at matamang tinitigan ang mga mata nito.
"Well...I guess the prophecy was real?"at tumayo na ako.
Malalalim ang hiningang inatake ako nito. Natawa ako sa mga asta nitong nawawala na sa mga pakitang ugali niya, asan na ang matapang na Esra, huh?
"Ah, this is getting boring. I'll be back, you bore me."at iniwan kong nakakulong ito sa dimensyong ginawa ko.
Yes, hindi ako ganitong kalakas noong nabubuhay pa ako. I am just a normal demon with immortality, hindi ko din alam ang nangyari pero siguradong si Aleziea ang dahilan noon.
"Ah! where have you been! Hindi mo tuloy nakita pano tinalo nila sir ang mga kalaban! Pero, Zeia the ones with the black cloak...they aren't inferno."napaisip si Ella at umupo pa sa bench habang nanatili akong nakatayo.
Nasa labas kami at pinapanood mula sa malayo ang pag lilinis na iniwan ng mga kalaban. Demons already made their move...
Kinabukasan ay hindi parin humuhupa ang usapan patungkol sa pag sugod ng mga kalaban na ayon sakanila ay bago ito. Hindi nila alam na ang mga ito ang nag kokontrol sa mga infernong kinakalaban nila.
Nabatid kong may isang nasawing propesor. I guess, demons are way too much for them to handle....I need to make a better plan to stop the demon Queen from whatever she was planning.
A broad shoulder block my sight. Tumingala ako at nakitang ang nakakunot noong si Flame iyon. Rinig ko ang pag singhap ni Ella mula saaking gilid at nag paalam ito na para bang may isang romantiko siyang naaamoy sa paligid, na siyang hindi totoo sa tingin palang nitong si Flame saakin ay nasisigurado kong bilang na ang mga oras ko, joke.
"Ano na naman?"nilapit nito ang muka saakin.
Mabilis pa sa kidlat kong tinulak ang muka nito at masamang tinapunan ng tingin, "What is wrong with you?!"
"Nakita ko ang ginawa mo...where is she?"tanong nito at nakipag titigan saakin.
wtf? how did he saw--ohh...yeah, looks like the strongest student is not a just a quack.
ngumiti ako at nakipag labanan sa titigan nito, "look, mister kung ano man ang sinasabi mo ay wala akong alsm doon. And you're still at it? How many times do I have to repeat myself? I am not a demon, okay?"pagsisinungaling ko.
Napaigik ako matapos nitong pitikin ang noo ko at kunot noong nakatingin na ngayon nito saakin.
"As if you can fool me....nararamdaman ko ang iyong nasusunog na kaluluwa, tingin mo maniniwala ako sa mga sinasabi mo?"lumapit ito kaya naman nasindak ako at umurong lalo na sa bigat ng mga tingin nito.
Napapikit ako at ibig na ang sumuko pero naisip ko na baka mag bago na naman ang aking isipan at burahin ang memorya nito. Gosh!
"Fine! Fine! I am not Alezeia but I am not a demon, okay? I am one of her ancestors that she summon!"umirap ako at tinaasan ito ng kilay.
Maniwala ka, maniwala ka, maniwala ka!
"Psh! Hindi mo nga ako maloloko, tanga."muli ako nitong pinitik sa noo kaya naman napa aray ako ng malakas at masama itong tinapunan ng tingin habang hawak ang parte ng noo na pinitik.
"Namumuro ka na huh? At maka tanga 'to! Oo na't bobo na me! You na matalino pero wala namang pitikan ng noo."reklamo ko pero muli ako nitong pinitik sa noo.
"Cut the act. I remember what you've shown me."doon ako natigilan at natingin uli sakaniya.
Paano nito naalala iyon kung nabura ko na nga?--
Ngumisi ito na kinatigil ng aking pag hinga, mas lumapit ito saakin kaya naman ay muli akong umurong.
"Nagtataka ako kung bakit, pero naalala ko na I make you vulnerable."walang emosyong sabi nito.
Bumuntong hininga ako at tumango nalang tanda ng pagsuko, "Okay, tama ka....at iyong tinatanong mo saakin? She's Esra...remember her from my memory?"tanong ko.
"I let her escape...since I cannot kill her, yet."paliwanag ko.
Tinitigan ko ito at nakita na mariin lamang itong nakatitig saakin na para bang ineeksamin ang aking buong katauhan. Hindi ako kumibo at hinayaan siya sa ginagawa.
"Your eyes...it's lifeless..."iyon pala.
Hindi ako kumibo at tumango nalang dahil hindi ko alam ang isasagot. Since hindi ko na kailangan pa na umakto sakaniya.
"I want to know more about these demons...."natingin ako sa kaharap matapos iyong sabihin.
Kumunot noo ko, don't tell me meron itong balak na kalabanin ang aking ina?
Well, I need help din naman so I guess it's okay to trust one human?
"Why?"tanong ko dito.
"'Cause, why not?"ngumisi ito.