"Did you smell that? I smell blood, Ella blood!"napatayo ako.
"Wala akong naaamoy."umiling ang naguguluhang si Ella saakin.
Napaupo ako—actually lahat kami dahil pumasok si Missis Falcon(ang Headmistress ng Magical Academy) kasama ang karamihan sa mga propesor at propesora sa likuran nila andoon si Hannah ng Section B nakayuko ito.
Natingin ako kay Ella na nakatitig pa rin kay Hannah. Nakarinig na ako ng mga bulungan dahil sa pag pasok ng mga propesor dito since may sariling cafeteria ang mga Professor.
But the question is, what happened? Why are they here? My mind is full of questions and I know it wasn't just me. They all shut their mouth when Headmistress raised her hand.
"All the students must go in their selected rooms, now!"it was Professor Aidle.
"Wala na natitira pang oras para jaan, y'all must stay inside the cafeteria. Not until nakita na namin si Vern Castillo."Missis Falcon.
Huh? What? Bakit? What the fuck happened? And ano kinalaman ni Vern?
"There is no time for explanation, Headmistress."Professor Guilds(our adviser.)
Tumango ang Headmistress at sinuri ang buong lugar, "Ang mga klase, hindi lang para sa araw na ito kung hindi sa buong dalawang linggo ay suspendido."Headmistress.
"Dito ka lang, Professor Guilds."tumango lang naman ito at umalis na ang mga Professor at Headmistress at nanatili si Professor Guilds sa pintuan ng cafeteria.
Ilang minuto na ang nakakalipas simula ng lumisan sila Missis Falcon pero ang katahimikang naiwan nila kanina'y nananatili pa rin saaming kahat. Walang umiimik, maski ang AC ay tila ba nahiyang lumikha ng ingay hanggang sa may hindi na nakapigil pa at binasag na ang katahimikang iyon.
"What happened?"Allison(Section A).
Finally! This is the first time na nagustuhan ko ata ang lumabas sa bunganga ng pangit na Allison na ito.
Natingin dito ang lahat maging ang Propesor na si Sir Guilds. Mayabang ang bukas ng muka talaga ni Allison kaya agad na nag iwas ang iba sa takot na magalit ito. Pero ano ba talaga ang nangyayari?
Nakaamoy ako kanina ng dugo, ewan ko kung tama ako lalo na wala naman daw nakaamoy noon. But weird things are happening to me so I must say na sigurado akong iyon ang naamoy ko kanina.
Nanatili kaming lahat habang ang mga guro ay tinanong kung saan huling namataan ang mga barkada daw ni Casheir na siyang na kitang patay sa kagubatan. Casheir? hindi ba at isa iyon sa magagaling na pyrokenesis ng class B?
"I saw them with Casheir! Nag mamadali pa nga sila sa hallway kanina."paliwanag ng isa sa Class D.
Kumunot noo ko at natingin sa Class D na nag tatakang nag tititigan habang tila ba mga nag hahanapan sila ng kanikanilang kasagutan sa kanilang mga tanong.
"What is it, Fernard?"tanong ni Miss Dalton na isa sa mga naiwang propesor para kwesyonin kami.
Napatalon sa gulat ang maputing lalake na may kapayatan. Bakas sa mga mata nitong nag aalangan siya na sabihin ang nalalaman. Nangunot ang aking noo at pinag krus ko ang aking braso bago sumandal at titigan itong estudyante ng mabuti.
"A-ah, Miss Dalton...sabi kasi saamin kahapon ni Flower na may gagawin sila nila Casheir ngayong araw..."kumunot noo ko sa sinabi nito.
Something is weird. He's being weird. He's also tensed and scared?
"And what is it?"Miss Dalton.
"Betty's bet."isang babae ang kumibo na para bang hindi naman niya iyon sinasadya dahil wala sa propesor ang tingin at tulala ito sa lamesa bago ito nag salita at nagulat pa sa sinabi.
"Bet?"tanong ni Miss Dalton.
Natulala pa ng kaonti ang babae bago parang napag tanto na kailangan nga niyang makioperate sa imbestigasyon.
"Nag pustahan sila na kung sino man ang mauunang makalabas sa forest ay siya ang panalo."paliwanag ng tila nag tataka pang estudyante.
Tumango si Sir Guilds at kwinesyon pa ng marami ang ibang estudyante. Ilang minuto lang ang nakalipas ay bumukas ang malaking pintuan ng cafeteria at niluwal nito ang mga propesor na umalis kanina upang hanapin ang barkada ni Casheir.
"We found them."Professor Fox.
Agad na nilisan kami ni Sir Guilds at nang araw din na iyon ay sinimulan na namin ang pag iimpake para sa pag uwi dahil suspendido ang mga klase dahil sa nangyari.
"A.LE.ZE.IA."dinungaw ako ni Smith, isa sa mga kaklase ko.
"Hindi ka man lang bamag papaalam kay Terron? He'll be away for two weeks!"oh, now I just remembered Terron.
Ngumisi ako at tinapik ang balikat nito't tinanguan. Alam ko kakadating lang nila galing sa kabilang bayan kasama ang presidente na si Flame dahil sa mga infernong nag silabasan doon.
Terron was my crush, yes was. He manipulates ice at isa siya sa hinahangaan sa Class A--oo naman may mga Class A kaming hindi kinaaayawan. I don't know but ngayon ko lang napagtantong natapos ang araw na hindi ko siya naisip--
"Everyone around you will die."
Huh?
What?
"Alezeia! Shit! Shit! Shit!"isang malulutong na mura ang papalapit saakin.
"May nalaman ako! OMG! I have chika ha? I saw Flame and Rein Lopez, the school nurse hugging each otherr! Omg!"nanlalaki ang mga mata na kwento nito.
Natigilan ako at natingin sa kaibigan kong hindi makapaniwala sa nakita. Who? Who's hugging who? Flame? Rein?
"Don't mind them."bulong ko at tinapik din ang balikat nito bago dumeretso palabas ng building.
"Gosh! Hindi ka man nagulat? Gosh, Zeia! What is wrong with you today?"tanong ng hahabol habol na si Ella.
"Nothing? I just don't care about them and I heard nag sulputan ang mga inferno sa bayan niyo? How's your family?"tanong ko.
Naabutan ko ang mga estudyanteng nag lalabasan na sa gate. Lumabas na kami at sumakay sa mga karwaheng mag dadala saamin sa ibaba ng gubat. Hindi matigil ang bunganga ni Ella kakadaldal saakin kahit na nasa karwahe na kami at kasama ang dalawang class B na nanlalaki naman ang mata at tuluyan na akong nabaliwala ni Ella dahil iyon na ang dinaldal nito.
"Bye, Zeia! Don't you ever get burned alive, okay?"paalala ni Ella habang palabas na ako ng tren.
Tumango ako, "Yes, you too..."ngumiti ako ng bahagya at kumaway na dito habang palayo na ang tren.
Napapikit ako at hinarap na ang masukal na gubat kung saan nag hihintay ang aking sundong karwahe. Tahimik lang akong umakyat papasok sa karwahe dala ang nag iisa kong bagahe. Nag lakad na ang kabayo at tinahak na ang madilim at masukal na kagubatan.
Napakatahimik sa labas at tanging ang lamparang nasa karwahe lamang ang nag liliwanag sa nakakabulag na dilim ng kagubatan. Hindi makapasok ang liwanag ng buwan sa matatayog na puno na nag tatakip sa kalangitan.
Natigil ako matapos kong may masipat na taong mabilis na lumagpas saaming karwahe. Naramdaman ko ang benteng mga matang nakamasid sakin mula sa labas. Naamoy ko din ang mga nasusunog nilang mga kaluluwa.
"Hugo? Hide."bulong ko kasunod noon ang malakas na pag sabog dahil sa kung anong nahulog mula sa itaas at nahulog mula sa loob.
Nakita ko ang isang nilalang na hindi tao, hindi ko din naman maamoy na isang inferno. Nakasuot ito ng itim na balabal at mula dito kita ko ang maliit at maamo nitong muka kung hindi lang sa ngiting binibigay nito samin.
Nandilim ang aking paningin at hindi ko na nasundan pa ang mga susunod na nangyari.