Now playing: YOU by Jim Brickman and Tara MacLean
Blake POV
Kanina pa ako nakatunganga rito sa laptop ko. Wala akong magawa at bored na bored na ako. Mag-aalas nuebe pa lamang ng umaga pero gusto ko na ulit dumilim ang paligid.
Gosh! Mababaliw na talaga ako rito. Wala na ngang signal bantay sarado pa ako ng Auntie ko.
"Pwede bang mamaya mo na gawin 'yan at tulungan mo muna ako sa pagtinda ng mga bibingka sa may plaza?" Mabilis na napatayo ako nang marinig ko ang sinabi ng Auntie ko.
Mas mabuti na rin iyon. Hay, kung sinuswerte ka nga naman! Narinig yata nito ang yamot na yamot na utak ko. Agad na bumaba ako ng kuwarto at nagtungo sa kusina kung nasaan siya.
"Ano ho ba kasing meron at bakit ang dami naman yata niyan?" Tanong ko nang makarating at makita na ang dami yata niyang ibebenta ngayong bibingka.
"Darating kasi sina Mayor. Magpapakain sa mga bata." Malawak ang ngiti na sagot nito sa akin. Napatango na lamang ako habang nakakunot pa rin ang noo.
"Halika na, 'wag ka ng tumunganga riyan at ng mapagpawisan ka naman."
"Oho, heto na!" Napapakamot sa batok na wika ko at agad na tinulungan na nga siya sa pagbitbit ng kanyang mga paninda.
Tila ba kinikilig naman ang tiyahin ko habang nauunang naglalakad palabas ng bahay. Ako rin naman, kinikilig dahil makakalabas ako ngayon. Haaaayyyy. Ang sarap talaga sa feeling kapag nakakalabas ng lungga.
"Tiyak na marami na naman ang kikitain ko nito dahil kasama kita." Hindi maitago ang saya sa kanyang boses. Napailing ako nang marinig ang sinabi ng tiyahin ko.
"Ginagawa niyo ho kasi akong display eh!" May reklamo na sabi ko.
"Aba! Dapat lang, ano? Sa ganda ng lahi natin dapat lang talaga pinagmamalaki. Hindi mo ba napansin? Dumadami ang customers natin kapag sumasama ka sa akin sa pagtitinda. Sino ba naman ang hindi mapapabili sa ganda mong taglay." Pambobola na dagdag pa niya.
Napapatawa na lamang ako habang naiiling. Sa totoo lang kaya niya talaga ako sinasama sa pagtitinda dahil ginagawa niya akong pang-display. Napapabili raw kasi ang mga tao dahil sa akin, dahil sa itsura ko.
Huh! Kasalanan ko bang pinanganak akong dyosa?
Maliit lang ang Barangay Maligaya, kaya noong dumating ako rito, kumalat agad sa buong Barangay ang balita na merong isang maganda at sexy na dalaga na nakatira sa bahay ni Aling Nora. At iyon ay walang iba kundi ako.
Ang yabang ko ba? Aba'y syempre, dapat lang lalo na kung may ipagmamayabang naman.
---
Habang nagtitinda si Auntie, napansin ko na parami na ng parami ang mga taong bumibili. Pati na iyong ibang tao ng Mayor napapabili na rin.
Well, 'di naman sa pagmamayabang pero parang ganun na nga, alam kong bumibili sila bukod sa masarap na ang luto ng Auntie, eh dahil may maganda pa siyang kasama.
Isama mo pa na may iilang kabataan ang nagpapa-picture sa akin.
"Ate, ang ganda-ganda niyo po talaga."
"Artista ka po ba ate?"
"Ang kinis kinis niyo pa. Grabe po, crush ko na talaga kayo."
Parang celebrity lang ako rito, ano? Eh kung manirahan na lang kaya ako rito? Baka kasi mawalan na ng maganda sa buong baryo kapag umalis na ako rito.
Hindi ko mapigilan ang hindi mapatawa sa aking isipan dahil sa kayabangan kong taglay.
Ngunit bigla akong natigilan nang masulyapan ko ang pamilyar na awra ng isang babae na naglalakad papalapit kung nasaan kami ni Auntie. Mabilis na napatalikod ako.
Bakit nandito 'yang babaeng 'yan? Hays!
Narinig ko itong napatikhim nang makalapit na ng tuluyan sa mga paninda ni Auntie. Mabilis naman sa alas kwatro na pinalo ako ni Auntie sa aking braso, nang mapansin na hindi ko hinaharap ang customer. Kaya naman, walang nagawa at nakabusangot na muli akong pumihit paharap sa kanya.
"Oh, it's you again!" Kunwari pang nagulat ito na makita ako. Tss! Alam ko naman na kanina pa niya ako napansin noong papalapit pa lamang siya.
Tusukin ko kaya mata 'yang mata niya! Napangiti na lamang ako ng may pagkaalanganin.
"Ah, o-oo." Napaiwas ako ng tingin mula sa kanya at sa hindi malamang dahilan ay agad na hinanap ng mga mata ko ang kasama nito kahapon ngunit bigo akong makita.
"Magkakilala ba kayo ng pamangkin ko?" Tanong ni Auntie sa kanya.
"Naku! Hindi ho!" Sabay irap na sabi nito sa akin.
Napairap na lamang din ako pabalik ngunit tila ba may sa agila ang mata ng tiyahin ko dahil nakita pa nito ang pagtirik ng mga mata ko kaya agad akong kinurot sa tagiliran.
"Hoy! Ang itsura mo, ayusin mo. May customer sa harap nagmamaldita ka d'yan." Nakita ko naman na nagpipigil lamang ng pagtawa 'yung babae, na sa pagkakatanda ko ay Lexie ang pangalan.
Mabuti naman at hindi na ito nagtagal pa at agad na umalis na rin.
Haaay! Napahinga ako ng maluwag doon.
---
Pauwi na kami nang magpaalam ako kay Auntie na may dadaanan lamang akong tindahan para bumili ng fresh milk. Ubos na kasi 'yung gatas ko sa bahay. Sino pa bang uubos noon kundi 'yung kasama ko sa bahay. Dadalawa lang naman kami ang nakatira roon. Tss! Auntie talaga!
"Sinusundan mo ba ako?" Narinig kong tanong ng isang boses. Napalingon ako mula sa likuran ko.
Bakit ba palagi kaming nagkikita ng unano na'to?
Maliit lang kasi talaga siya. I think nasa 4'11 lamang ang height.
Hindi ba dapat ako ang nagtatanong no'n sa kanya dahil siya ang nasa likuran ko? Napapailing na lamang ako ng disoras. Hindi ko siya pinansin at nag-pretend na hindi ito nakita.
Agad na dumiretso ako sa loob ng store at kumuha lamang ng mga kailangan kong bilhin. Iyong fresh milk na sadya ko at kumuha na rin ako ng extra pads dahil naubos na ang stocks ko.
Kahit na hindi ako tumingin, nakikita ko pa rin si Lexie na pasulya-sulyap sa akin habang nagbabayad ako ng mga pinamili ko. Noong maibigay na sa akin ang sukli ay agad na tumalikod na ako at lumabas na muli ng store.
Nakakailang hakbang pa lamang ako nang may tumawag sa akin. Well, hindi ko nga sure kung ako ba talaga ang tinatawag nito, noon ko lang napansin na nabutas pala 'yung paper bag na bitbit ko.
"Ms. wait! May nahulog ka." Mabilis na natigilan ako at napaharap sa babaeng tumawag sa akin.
Ngunit tila ba biglang bumagal ang oras at tuluyang huminto ang mundo ko nang muling magtama ang aming mga mata. Lalo na noong gumuhit ang ngiti sa mapupulang nitong mga labi. Para ba akong kusang ibinalik sa gabi na iyon, iyong gabi na mainit naming pinagsaluhan sa buong magdamag.
Para akong hinihikayat na muling hawakan siya at yakapin. Lalo na iyong nakakaadik na mga labi niya. Hindi ko mapigilan ang mapalunok ng mariin, lalo na noong bumaba ang mga mata ko sa dibdib niya kung saan nakatago ang kanyang malulusog na dibdib.
Gosh! Ang init na nga ng panahon, lalong nadagdagan pa!
"Ah, Ms. your pad, nahulog mo." Wika nito dahilan para bumalik ako sa realidad.
Awtomatiko naman na namula ang aking mukha dahil sa kahihiyan nang mapatingin ako sa kamay nito kung saan hawak ang sanitary napkin na nabili ko. Dahil doon ay walang sabi at mabilis ko iyong hinablot mula sa kamay niya at walang sabi na tinalikuran na siya.
Huli na ng maalala ko na hindi nga pala ako nakapagpasalamat sa kanya dahil sa kahihiyan na nararamdaman. Hays!
But seriously?
What is she doing in a place like this?
A mischievous smile grew on my lips. Do I still need to worry about that?
Dude, palay na ang lumalapit sa manok. Aarte pa ba ako?
All I need to do now is make a move. And I'll make sure she falls for me, no matter what it takes.
Sisiguraduhin ko na walang makakaalis sa baryo na ito nang hindi ako iniibig pabalik.