Tala POV
***11 months later***
"Ms. Author, kumain kana?"
"Ms. Author, ingat sa buong araw ha, mamahalin pa kita."
"Ms. Sing ganda ng mga libro mo ang magiging love story natin."
"Ms. Huwag ng tumingin sa iba ha, baka tuluyan kang madapa at mahulog....sakin."
"Ms. I'll introduce myself to you soon so just wait, okay?"
"By the way, I'm your future wife."
Wife???
A wife!
Duh! Hindi porke't nagsusulat ako ng gay stories eh gay na rin ako, 'no?
But I hired a private investigator to find her. Ang sabi ko I need to find her in just 1 month. Pero nabigo ito. Wala raw kasi siyang makuhang impormasyon.
Kaya lugmok na lugmok ako at nalungkot. Naisipan ko na lang na baka isa lamang talaga ito sa mga walang magawa talaga sa buhay. O baka isa sa mga basher ko na kapag kumagat ako sa pakulo niya, at nahulog sa patibong niya, eh ilalantad ako sa public. Ayoko naman na mangyari yun!
Marahil dumating ang araw na mapagod na lamang din siya sa pantitrip sa akin.
But I admit, since then araw-araw ko ng ini-expect ang messages niya. Inaamin ko rin na isa na rin ito sa nagpapa-good mood sa araw-araw ko.
She sent me a message every morning before I woke up, and every night before I went to sleep.
I don't know who she is, pero nagpapasalamat ako sa buhay niya dahil legit na nakakapagbigay ito ng ngiti at kasiyahan sa araw-araw ko.
"Ms. Tala! Ready na po ang kotse niyo." Pagtawag sa akin ng aking assistant.
Nandito kasi ako sa isang mall at katatapos lamang ng book signing ko.
Nakakapagod kaya kahit na panay signature lang ang ginagawa ko. Nakakangalay sa kamay at braso. But hey, I love what I am doing kasi ito talaga ang pangarap na gusto ko. Masaya ako na marami akong napapasayang mga mambabasa at na-i-inspire sa buhay.
Napatango ako sa assistant ko bago sumunod sa kanya. Mabilis na sumakay na agad ako sa aking kotse, which is hindi ako nagpapamaneho sa ibang tao, unless na lang pagod na pagod talaga ako o nakainom.
Agad na pinasibad ko ang aking sasakyan pauwi sa condo ko. Pagdating ko roon ay pabagsak na nahiga ako sa aking sofa. Noon naman naisipan kong kunin ang cellphone ko, masyado kasi akong maaga na nagising kanina, hindi ko na nasulyapan pa ang message niya. Kahapon kasi wala akong namataan na message na galing din sa kanya, baka tinanghali siya ng gising? At maagang nakatulog kaya gano'n.
Ngunit mabilis na napakunot ang noo ko nang makita na last 2 days ago pa ang huling message nito sa akin.
Napalunok ako ng mariin at mabilis na napabangon mula sa pagkakahiga. Hindi ko rin mapigilan ang mapatitig mula sa screen ng aking cellphone.
Hanggang sa lumipas pa ang ilang araw at umabot na ng dalawang linggo na wala na akong natatanggap na messages mula sa kanya.
Kinakabahan na ako. Swear! Hindi ko mapigilan ang mag-alala. Hindi ko mapigilan ang hindi ma-stress sa tuwing naiisip ko kung okay lang ba siya? May nangyari bang masama? Kumusta kaya siya?
I haven't met her yet but I feel like I'm too attached to her. I also don't know why.
Kahit na sa totoo lang hindi talaga ako nagrereply sa kanya kahit na isang beses, pero 'yung mga mensahe niya talaga ang bumubuo ng araw ko since then.
Isa pa, dahil sa kanya naaalala ko palagi 'yung babaeng na-met ko last 11 months ago, na hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang labi niya sa akin.
Kaya naman muli ko itong pinahanap sa PI ko, kahit na magbayad pa ako ng malaking halaga, kahit na matagalan ang paghahanap sa kanya, malaman ko lamang kung nasaan siya at makilala siya in person, okay na ako. Masaya na ako.
Hanggang sa umabot na ng dalawang buwan, wala pa rin akong natatanggap na good news mula sa kanya. Hindi ako titigil hangga't hindi siya nahahanap.
Habang naghihintay sa susunod na resulta, napagpasyahan ko na sumama muna sa best friend kong si Lexie, sa pag-uwi sa kanilang probinsya.
Sumakto rin dahil ang sabi niya sa akin, tahimik doon at malayo sa ingay ng shudad. Makakatulong din para sa susunod kong isusulat na libro dahil makakapag-relax ang isipan ko.
Isa pa, I want to explore and have an adventure. Ayoko na munang isipin 'yung pinapahanap kong babaeng iyon dahil isa siya sa dahilan kaya ako stress ngayon. Hindi ko kasi talaga alam bakit bigla na lang siyang tumigil?
Hindi naman yata siya 'yung tipo ng taong mapapagod na lang basta-basta. I don't know.
---
Sa Palawan ang destinasyon namin. Somewhehe in Puerto Princesa City, at talagang malayo rin mula sa bayan. In short, isang baryo ang pupuntahan namin.
Mula sa Puerto Princesa Airport ay may sumundo sa amin na sasakyan. Which is Tito ni Lexie, kapatid ng mama niya.
"Naku! Tiyak na mag-e-enjoy kayo sa bakasyon ninyo ma'am!" Sabi ng Tito ni Lexie sa akin habang nagmamaneho at binabaybay namin ang daan pauwi sa kanilang baryo.
Napangiti ako.
"Talaga po ba?" Napatango ito.
"Oho ma'am! Maganda sa lugar namin kahit na medyo malayo sa bayan. Perfect po yun para makapag-relax kayo. Maraming beach, ilog at may water falls din doon ma'am." Dagdag pa niya na mas lalong nagpapa-excite sa akin, lalo na noong banggitin nito ang ilog at water falls.
Shems! I really love river. Bibihira kasi 'yun sa isang katulad kong lumaki sa shudad.
"Tala na lang ho, Tito." Nahihiya na sabi ko sa kanya. kanina pa kasi siya ma'm ng ma'am eh!
"Oh siya, sige, Tala." Nakangiting sabi nito sa akin.
Napasulyap ako sa best friend ko na abala sa pagkuha ng litrato mula sa bintana ng sasakyan.
"Hey, sure ka bang safe talaga doon?" Pasimple na bulong ko sa kanya. Napatango ito.
"Kung hindi ka magtitiwala sa akin, pwede ka ng umuwi ngayon na." Pabalang na sagot nito sa akin.
Napairap naman ako at binatukan siya ng mahina.
Nagtatanong lang eh! Pagmamaktol ko sa aking isipan.
Hindi nagtagal ay basta na lamang akong nakaramdam ng antok at hindi ko na napigilan pa ang pagpikit ng aking mga mata.
---
"Tala, wake up! Nandito na tayo."
Nagising na lamang ako sa sunod-sunod na pag alog ni Lexie sa braso ko. Agad na iminulat ko ang aking mga mata at napatingin sa paligid.
Napatingin ako sa suot kong relo. Alas kwatro na rin ng hapon, sakto at malapit nang maghapunan. Sabi nila isa sa masarap sa probinsya ay ang mga unique na putahe nila. At dahil doon ay excited na rin ako. Hehe.
Bumaba na rin muna ako ng kotse habang nag-iinat.
"Gosh!" Hindi ko mapigilan ang kusang pagpikit ng aking mga mata. "This is so good!" Ang relaxing kasi ng sariwang simoy ng hangin. Wala na akong natatanaw na mga building kundi ang mga nagbeberdehan ng mga punong kahoy sa paligid.
Sabayan mo na rin ang pagaspas ng mga dahon at tahimik na paligid. Para akong nasa panaginip lang. Ang swerte talaga ng mga taong naninirahan sa ganitong mga lugar.
"Did you like it here?" Nakangiti na tanong ni Lexie. Mabilis na napatango ako at lumapit sa kanya para tulungan siya sa aming mga gamit.
"Sobra! Pwede ba tayong magtagal rito?" Hindi maitago ang excitement sa mga mata ko.
"Pwede." May pagkaalanganin na sagot niya.
"Pwede?" Tanong ko. "But you don't seem sure." Dagdag ko pa.
"Eh kasi 'di ba hindi ka sanay sa lugar na walang electricity?" Tanong nito sa akin. "Isa pa, nakalimutan ko yatang sabihin sa'yo na walang signal dito." Pagkatapos ay napakamot ito sa kanyang batok.
Noon naman mabilis na kumabog ang dibdib ko at kinuha ang cellphone mula sa bulsa ng suot kong jeans.
"Wait, are you kidding me?!" Hindi ko mapigilang hindi madismaya noong makita ang "No Service" na makikita mula sa screen ng aking cellphone.