"WHY do you keep on repeating the same mistakes, Denver? Ilang beses ko bang sasabihin sayo na gawin mo itong ganitong formula? Ano paulit-ulit na lang tayo dito? Hindi tayo makaka-proceed sa susunod na question kung ganito ka. Again." Pagalit na sambit ng tutor ni Denver sa kaniya.
Alam naman niyang masyado siyang hindi makapag-focus sa itinuturo nito dahil nalalapit na ang finals sa swimming club. At lahat ng mga kamiyembro niya ay nageensayo na ngayon pero ito siya... tinuturuan ng isang estudyante para sa darating rin niyang special exam.
Kailangan niyang maipasa ang special exam dahil kung hindi, hindi siya pwedeng makasali sa finals sa swimming club.
Napapakamot na lang siyang binura ang isinulat niyang formula sa notebook. At muling sinagutan ang isang question na kanina pa niya hindi makuha-kuha ang sagot. Tahimik lang siya at pilit na pinapakalma ang sarili dahil kundi ay alam niyang lalayasan siya ulit ng tutor niya kagaya nang ginawa nito noong una.
"Ayusin mo, Denver. Kapag hindi mo nakuha ang sagot dyan maghanap ka na ng bago mong tutor." Paalala nito sa kaniya.
Pero hindi isang paalala 'yon sa kaniya! Isa iyong babala! Babala! Warning!
Narinig na lang nilang may kumatok sa pinto ng kwarto, imbis na siya ang magbukas 'nun ay ang tutor niya ang nagbukas 'nun para papasukin ang Mama niyang may dalang meryenda.
"Ito pala meryenda niyo, alam kong pagod na kayo g dalawa sa ginagawa niyo,"
"Salamat po dito, Ma'am." Sagot naman ng isa.
Ibinaba nito sa tabi ng maliit na lamesa ang tray kung saan nakalagay ang pagkain para sa kanilang dalawa. Mukhang napansin ng tutor nito na tumigil siya sa pagsusulat dahil nakatingin siya sa pagkain na nakalagay sa tray, muli siyang nagsulat at sinagutan ang mahirap na tanong na iyon.
"Kamusta ang pagtuturo mo kay Denver?" Nakangiting tanong ng Mama niya dito.
"Ma'am, 'yung pasensya ko po ubos na ubos na dahil kay Denver." Sagot nito na ikinanlaki ng mga mata niya.
"M-ma,"
"Hay, Denver. Ayusin mo naman, anak. Kailangan mong makapasa dyan alam mo ba 'yon?" Nag-aalalang sambit nito sa kaniya.
Napayuko na lang siya at napatango-tango kahit na nakakaramdam ng pagkahiya. Nang makalabas na ang Mama ni Denver ay saka naman umupo sa harap niya ang tutor niya, dahil sa kahihiyan ay hindi niya itinaas ang ulo para hindi makita ang mukha nito.
Maya-maya lang ay inilapag nito ang isang platito na may lamang isang slice ng cake at ang malamig na juice na nasa baso. Napalunok siya ng makita ito sa tabi niya, nararamdaman niyang nagugutom na siya dahil sa pagkain na iyon.
"Kumain ka na muna, alam kong gutom ka na." Sagot nito.
Nagdadalawang-isip man ay itinabi niya muna ang notebook kung saan siya sumasagot at inilapit ang platito na may lamang pagkain sa harap niya. Walang sabi-sabing sumubo siya ng chocolate cake, at nang malasahan niya ang tamis at masarap na lasa nito ay para bang iyon ang unang beses na nakatikim siya ng cake sa buong buhay niya.
"It's sweet." Napatigil siya sa ginagawa at napatingin sa lalaking nasa harap niya ng magsalita ito.
Ngumunguya ito habang nakatingin sa kaniya.
"Hmm? Bakit? May problema ba?" Hindi niya maintindihan pero para siyang nahipnotismo habang nakatitig sa mukha nito.
Pansin niyang ngayon niya lang napansin na... cute pala ito?
Nagulat siya sa biglang naisip. Nakaramdam siya biglang ng pagiinit sa mukha ng pumasok muli sa isip niya ang nagtatakang ekspresyon nito habang nakatingin sa kaniya kanina. Maya-maya lang ay ay halos mapatalon siya sa pagkakaupo ng maramdaman niya ang pagtapik nito sa braso niya.
"Ayos ka lang ba? Kanina ka pa tulala?" Mahinanong tanong nito sa kaniya.
Hindi siya agad makasagot dahil nakatitig lang ang mga mata niya sa mukha nito.
"Denver? May problema ba?"
Otomatikong napatayo siya sa pagkakatayo ng biglang bumilis ang tibok ng puso niya habang nakatingin siya dito. Para bang... parang habang lumilipas ang minuto na nakatitig siya dito ay painit ng painit ang nararamdaman niya sa mukha niya at hindi matigil-tigil ang pagbilis ng tibok ng puso niya.
Takang-taka naman ang isa habang nakatingin sa kaniya. Nang makita niyang magsasalita itong muli ay mabilis siyang pumasok sa loob ng banyo at ini-lock mula sa loob. Mula doon ay napasandal siya sa likod ng pinto habang pinapakiramdaman ang mabilis na pagtibok ng puso niya.
"The heck is the meaning of this?!" Bulong niya sa hangin.