Chereads / Is it Love? (BL FILIPINO) / Chapter 4 - CHAPTER 2

Chapter 4 - CHAPTER 2

•••

Denver's POV

"Anak?"

"Hmm?" Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko at nakita ko na lang na nakasilip si Mama sa hamba ng pinto.

"Hmm... bakit po, Ma?"

Napaupo ako sa pagkakahiga habang kinukusot ang mga mata ko. Anong oras ba ako nakauwi kagabi? Bakit ang sakit ng ulo ko?

"Lasing ka ba kagabi?" Napatingin na lang ako kay Mama ng itanong niya 'yon sa akin.

Lasing? Paano ako nakauwi kagabi kung lasing ako? Napahawak na lang ako sa noo ko at inaalala kung lasing ba ako kagabi o hindi? Ano ba nangyari kagabi bago ako makauwi?

"Hindi ka naman siguro nagmaneho nang lasing 'di ba?" narinig kong nagiba ang tono ng boses niya kaya napapikit ako sa kaba.

"Ma, hindi ko po maalala kung paano ako nakauwi kagabi,"

"Anong hindi maalala? Eh paano ka nakauwi kagabi? Naglakad ka? Lumipad?"

Kinakabahan ako kay Mama sa klase nang tanong niya. Kinuha ko muna ang cellphone ko at nag-chat sa GC namin ng swimming club, alam ko magkakasama kami kagabi pero hindi ko talaga maalala kung paano ako nakauwi.

"Denver? Kinakausap kita."

"Ma," tumingin na ako sa kaniya at ngayon ay nakapameywang na siya habang nakatingin sa akin. "H-hindi ko talaga maalala, basta alam ko lang maayos naman akong nakauwi kagabi eh,"

Shit! Hindi pa kasi nagre-reply ang mga kasama ko kagabi sa GC kaya hindi ko alam. Isa kasi sa ayaw ni Mama, kahit na late akong nakauuwi, hinding-hindi ako pwedeng umuwi nang lasing lalo na't maraming nadidisgrasya kapag wala sa wisyo ang takbo ng utak mo.

"Palalagpasin ko ito, Denver ah? Kapag nalaman ko talaga sa susunod na nakainom ka at nagmaneho ka ng lasing, isang buwan kang grounded sa akin." Napalunok ako bigla. Shit yan. "Bumangon ka na dyan, may almusal sa kusina kumain ka na." matapos sabihin iyon ni Mama ay lumabas na siya ng kwarto ko.

At doon lang nagsi-reply ang mga kolokoy kong mga kasama kagabi! Ang sabi nila hindi naman daw ako uminom kagabi, panay tanggi nga daw ako sa pangaalok nila kaya bakit naman daw ako uuwi ng lasing?

Pero bakit wala akong maalala? Hays! Basta ayoko na umuwi nang lasing!

Paglabas ko sa banyo ay agad ko na ring isinuot ang damit ko dahil may pupuntahan pala ako ngayong araw. Nakiusap sa akin si Fred kahapon na samanhan ko siyang bumili nang kung ano sa mall ngayon bago kami pumasok sa klase namin mamaya.

Isa si Fred sa kasamahan ko sa swimming club.

Pagbaba ko sa kusina ay nandoon si Mama, nakatingin lang siya sa newspaper na hawak niya nang makaupo ako sa isa sa mga upuan opposite sa kaniya. Nagsimula na akong kumain nang agahan, mabilis ko lang iyong ginawa dahil kanina pa nagba-vibrate ang cellphone ko at mukhang si Fred na ang natawag sa akin.

Paginom ko ng juice at pagtayo ko ay napatingin na sa akin si Mama.

"Where are you going? Ang aga-aga kung saan ka na naman pupunta?"

"Ma, it's 10am in the morning, pupunta lang po ako sa mall." mabilis kong sagot at agad na hinalikan siya sa noo at agad na nagpaalam.

"Magiingat ka, Denver!"

"Opo, Ma!"

Bakit ba kasi nagmamadali itong kolokoy na 'to? Kakabukas lang ng mall akala mo naman maiiwanan. Paglabas ko sa bahay ay agad kong nakita ang motor ko sa garahe, iyon ang gagamitin ko para mabilis akong makapunta doon.

At nang makarating na nga ako, pagka-park ko sa parking lot ng mall eh nakita kong naghihintay na ito sa labas.

"Ang tagal mo naman pre!" reklamo niya.

"Anong ang tagal? Halos 10 minutes lang akong nagtagal kung makapagsabi ka dyan na ang tagal? Kakabukas pa lang ng mall, Fred. Kumalma ka." saad ko naman sa kaniya.

Nang makapasok na kami nang tuluyan dito ay nagpunta na kami sa kung saan siya nang kung ano. Ako naman ito, nakasunod lang sa kaniya dahil wala naman akong bibilhin dito. Namiss ko rin kasi ang pakiramdam na mag-mall, halos araw-araw na lang ata kaming nagpa-practice para sa darating na competition.

Wala na nga ako halos oras para mag-aral dahil kada uuwi ako sa bahay, kung hindi ako pagod eh tulog naman ako agad, tapos gigising para pumasok sa school, hindi para mag-aral kundi para mag-practice.

Kaya nga nasabi ni Mama na nakahanap na sila ng itu-tutor sa akin dahil kapag hindi nila ginawa iyon ay baka hindi ako makapasa ngayong year at hindi ako makatapak sa fourth year dahil may bagsak ako.

Naalala ko rin ang sinabi sa akin ni Axel kahapon, may ipapakilala daw siya sa akin na pwedeng maging tutor ko mamaya after ng practice namin. Sino naman kaya iyon, baka naman isa iyon sa mga fangirls na alam kong kilala niya. Kung 'yun man iyon, pwes 'wag na lang.

Sa mga subjects ko kailangan mag-focus, hindi sa babae.

Oo. Tularan niyo ako.

"Denver?" Napatigil naman ako sa kakalikot sa cellphone ko at pinuntahan si Fred.

"Oh? Ano 'yon?"

"Kumain ka na ba?"

Natigilan ako pero agad ring napangisi at saka siniko ito, "Pre, ang kasunod ba niyan sasabihin mo concern ka sa akin?" ngising-ngiting tanong ko dito pero tinignan lang ako nito nang masama.

"Gago. Hayop ka. Kung ayaw mong kumain bahala ka." sambit nito sabay talikod sa akin.

"Ay? Nagtatampo ang Fred na yan?"

"Gusto mo suntok, Denver?" Nagulat naman ako kaya agad kong itinaas ang mga kamay ko.

"Nagbibiro lang ako!" depensa ko dito pero 'yung mukha niya parang diring-diri na nakatingin sa akin. "Ano ba kasi iyon?"

"Oh?" Bigay niya nang isang daan sa akin.

"Anong gagawin ko dito?"

"Bumili ka ng pagkain."

"Ah pagkain,"

"Oo pagkain. Kung ano-ano kasing sinasabi mo dyan,"

"Libre mo?"

"Hindi ba halata? Isa pang tanong Denver ihuhulog na kita dito hanggang doon sa first floor." banta niya kaya agad akong napatango-tango.

Malaki ang ngiti kong naghanap nang pwedeng bilihan ng pagkain. Nang makakita ako ng stall sa loob ng mall ay dumeretso ako doon, stall ito na nagtitinda 'nung tinapay na mahaba tapos ang palaman ay hotdog?

"Ate dalawa nga po," sabi ko sa babaeng nagtitinda sabay bigay ko ng bayad, pagkuha ko nang sukli ay may isa ring lalaki ang bumili kung kaya't hinintay ko na lang rin na matapos ang binili ko. Sinabihan ko si Fred na hihintayin ko lang maluto at aakyta na ako ulit.

Maya-maya lang ay napansin ko ang katabi kong may kinausap sa cellphone niya, medyo lumayo naman ako, hindi naman kasi ako tsismoso para malaman kung anong pag-uusapan nila 'no?

"Hello, Alex? 'Yung sinasabi mo pala sa akin noong nakaraan? Ngayon ba 'yon?" Narinig kong sabi niya sa kabilang linya.

Teka? Alex? Hindi naman siguro yan ang kaibigan ko hindi ba?

"Ah, okay. So ngayon 'yon 'di ba? Sige, kitain mo na lang ako sa canteen, sabay na tayo after. Okay, thank you." Pagbaba nito nang tawag ay sinulyapan ko siya saglit.

Okay. Hindi ko inaasahan na maganda pala ang mukha niya. I mean... ang feminine kasi nang mukha niya eh.

Mukhang napansin yata ako nitong sumusulyap sa kaniya kaya inalis ko na lang ulit ang tingin ko dito. Wala akong masamang balak okay! I just stare at him! Like for five seconds! Ayon lang!

"Ito na po!" Nagulat naman ako sa boses ni Ate kaya otomatikong nagmadaling kunin iyon.

Pero late ko nang na-realize na parehas pala kami ng lalaking katabi ko na kinuha 'yon. Literal na nagkadikit ang kamay namin at nagkatinginan kami sa isa't-isa dahil doon. At ngayon ko lang na-realize na hanggang balikat ko pala siya kaya nakatingala siya sa aking nakatingin ngayon.

And his face... his face is so handsome and... cute.

"Ah? Excuse me, sa akin ito?" rinig kong sabi niya dahilan para bigla kong bitawan ang pagkakahawak ko sa pagkain na iyon at umatras ng isang hakbang palayo sa kaniya.

"S-sorry, hindi ko sinasadya..." kinakabahang sabi ko rito na tinanguhan niya naman.

Agad na itong umalis sa harap ko tapos doon ko pinakiramdaman ang sarili ko. Grabe! Ang lakas nang tibok ng puso ko!

"K-kuya? Ito na po 'yung inyo," mahinang sabi naman ni Ate kaya agad kong kinuha iyon mula sa kaniya at walang-likod na naglakad paalis at pabalik kay Fred.

Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ang lakas nang tibok ng puso ko dahil sa biglaan naming pagdidikit at pagkakatitig o baka dahil sa kahihiyan?

Gago hindi ko alam! Basta!

•••