•••
MALAKAS na hiyawan at palakpakan ang dumagundong sa swimming hall kung saan nagkakaroon ng paligsahan mula sa mga freshman students at second year students. Hindi magkamayaw ang mga nanonood hindi dahil sa galing ng mga ito kundi sa mga hubo nitong mga katawan.
Napangiti si Denver dahil malalakas at walang inuurungan ang mga bagong sabak na miyembro ng swimming club. Sa totoo lang ay ideya iyon ng Captain nila na paglabanin ang dalawang year dahil hindi pa naman nila alam kung gaano kagagaling ang mga ito sa pabilisan sa paglangoy at kung gaano ito katagal mababad sa tubig ng ilang minuto.
Napatingin siya sa timer sa taas at doon niya lang napansin na madami pala ang pumunta sa swimming hall para panoorin ang larong sinimulan ng Captain nila. Malakas talaga iyon, lalo na sa mga babae.
Naramdaman niyang may umakbay sa kaniya sa balikat dahilan para mapabaling dito ang atensyon niya.
"Ano, Denver? Nakita mo na kung gaano ako ka-famous at isang post ko lang na may practice match dito para sa dalawang year eh... tignan mo naman? Ang daming tao..." pagmamayabang nitong sabi sa kaniya habang inililibot ang tingin sa malawak na swimming hall.
"Naintindihan mo na?" Tanong nitong muli.
Iwinaksi niya ang braso nitong nakaakbay sa kaniya at saka ngumisi dito.
"Ewan ko sayo Captain, pinapahirapan mo lang ang Vice mo eh." Sagot niya sabay tingin sa Vice-Captain nitong hindi na maipinta ang mukha dahil sa lukot nitong ekspresyon habang pinagmamasdan ang mga taong nanonood.
Napapailing na lang siya ng lumingon ito sa gawi nila at dumako sa Captain nila ang tingin nito. Pinagtawanan niya naman ito bago iwan dahil kung hindi siya aalis doon ay alam niyang hindi lang ito ang masasaktan, madadamay pa siya.
*Goodluck, Captain!* Sabi niya sa walang boses bago tumakbo palayo at papunta sa isang kaibigan niyang nakatingin din sa mga manlalarong nagpapaligsahan sa paglangoy.
Nang marinig nila ang ingay sa pito ng Captain na ngayon ay pingot-pingot na ng Vice nila ay nalaman na nila kung sino ang panalo. Nagkaroon ng malakas na hiyawan dahil galing pala sa second year ang lalaking nanalo sa pinaka una at galing naman sa freshman's ang nasa pangalawa.
Halos isang oras pa silang nag-stay sa swimming hall bago mag-dismissed ang Captain nila. Dahil doon ay mabilis na nagbihis si Denver ng school uniform at patakbong pumunta sa building kung saan ang susunod niyang klase.
Habang natakbo ay hindi niya maiwasang maalala ang paguusap nila ng Mommy niya tungkol sa mga subjects niyang may mabababang marka. I know he needs to improve about his grades, he wants to focus in that too but... the festival is near and the Captain of the swimming club announces that as third years, this year is their last play as members of the club.
Ayaw niyang palagpasin ang makasali sa huling laro nila, kung matalo o manalo man ay isa pa rin iyong gantimpala para sa kaniya dahil sa swimming club na iyon, doon siya natutong magkaroon ng tiwala sa sarili niya.
"Oh, Denver? Hinihingal ka ah? Tinakbo mo ba mula doon sa club niyo hanggang dito?" Agad na tanong ng kaibigan niyang si Axel matapos niyang makapasok at makaupo sa tabi nito.
Para siyang malalagutan ng hininga habang pasalampak na umupo sa upuan na iyon at habol ang hininga. Hindi muna siya nagsalita at dahan-dahang pinakalma ang puso niyang halos lumabas na sa loob ng dibdib niya.
"Haa... oo. Naalala ko kasi na may klase pala ako sa isang pinaka-terror nating professor eh. Mamaya i-drop na ako 'nun sa subject na ito, lagot ako." sagot niya sabay ayos ng upo.
"Sabagay, sa sobrang terror nga 'nun parang nakakatakot ng pumasok sa klase niya, pero... ito pa rin pumapasok pa rin," balik naman nito sa kaniya at sabay silang nagtawanan.
Matapos 'nun ay nakita na lang nilang nagtakbuhan ang mga kaklase niya mula sa labas papasok sa loob, isa lang ang ibig sabihin 'nun, parating na ang terror nilang professor. Ilang saglit lang ay pumasok na ang taong pinaguusapan lang nila kanina. Parehas silang napalunok at sabay na napaayos ng upo kasama rin ang mga kaklase niya ng huminto sa harap ng table ang babaeng tila may seryosong awra na bumabalot dito.
Ayaw na ayaw ni Denver ang kabahan pero isa lang talaga ang nakakapagpagawa 'nun, kundi ang professor nila si Mrs. Felicia. Isang oras lang ang klase nila dito pero para sa kaniya at para sa mga kaklase niya ay para iyong isang taon.
Nang matapos ang klase ay parehas na nakahinga ng maayos si Denver at si Axel, saktong kakaalis lang ng professor na iyon kaya parang nawalan ng tinik sa lalamunan ang halos lahat sa kanila.
"Ano ba kayo? Seryoso talaga kayong natatakot kayo kay Mrs. Felicia?" Natatawang tanong ng isang kaklase niya.
Si Gina. Ang sipsip na si Gina.
"Sus! Sabihin mo lang sipsip ka kaya parang ang yabang mong magsalita dyan!" Sigaw naman ng isang lalaki na kaklase din nila na si Matthew.
At kasunod 'nun ay ang hindi magkamayaw na asaran mula sa dalawang iyon. Napabuga na lang ng hangin si Denver at tinignan ang sariling cellphone ng magsimulang mag-vibrate ito.
Nakita na lang ni Denver ang text sa kaniya ng Mama niya, sinabi nitong nakahanap na ito ng magiging tutor niya at kasalukuyang nasa bahay nila ito at kinakausap na ng mga magulang niya. Napapikit naman siya, tinotoo nga talaga ng mga magulang niya ang pagkuha sa kaniya ng tutor, para namang hindi niya kayang mag-focus sa pagaaral?
"Denver? May naalala lang ako," in-off niya ang cellphone at lumingon sa katabi niyang si Axel.
"Ano 'yon?"
"Hindi ba nagtanong ka sa akin kung naghahanap ka ng tutor mo?" Tumango naman ito. "Meron akong ipapakilala, okay lang sayo?" tanong nitong muli sa kaniya. Napaisip siya, mamaya pa matatapos ang klase niya at malamang paguwi niya ay hindi na niya maabutan pa ang tutor na kinuha ng mga magulang niya para sa kaniya.
Tumango naman siya sa sinabi ni Denver kaya tumango agad ito.
"Goods! Siguro by tomorrow, pagtapos ng practice mo sa club niyo saka ko siya ipapakilala."
"Okay, thanks!"
Kalmado naman siyang napalingon sa bintanang malapit sa kaniya, maaliwalas ang langit ng umagang iyon, walang ulap at malamig ang hangin na pumapasok sa bintana. Biglang naging presko ang pakiramdam ni Denver, para bang may magandang mangyayari sa mga susunod na araw.
---
Paguwi niya galing practice ay nakita na lang niyang naghihintay ang Mama Melissa niya sa sala nila. Tulog na ito habang nakahiga sa sofa. Tahimik naman siyang naglakad papunta dito at mahina itong tinapik sa braso.
"Ma? Ma? Nandito na po ako. Doon na po kayo matulog sa kwarto, 'wag po dito," mahinang bulong niya dito.
Maya-maya lang papikit-pikit na dumilat ang Mama niya at nang mapansing nakarating na siya ay agad itong bumangon sa pagkakahiga. Tumango naman ito at saka tumungo sa kwarto para doon matulog.
Palagi iyong ginagawa ng Mama Melissa niya, minsan pa nga kapag masyado na siyang ginagabi ng uwi ay pagbukas niya ng pinto ay may bumubulusok ng tsinelas mula sa Mama Melissa niya. Hindi naman siya agad nakakaiwas dahil pagod siya sa practice o hindi kaya nagiinuman pa sila ng kaunti ng mga miyembro nila kaya ginagabi siya.
Hindi naman siya kaagad makatanggi kung kaya't kahit papaano ay hindi niya hinahayaang malasing ang sarili dahil magmamaneho pa siya pauwi.
Nang tumahimik ang sala ay agad siyang napaupo sa sofa, nang maramdaman ng katawan niya ang lambot nito ay saka lang niya hinayaan ang sarili dito. Pakiramdam niya ilang taon siyang hindi nakahiga sa isang malambot na kutson sa buong buhay niya.
Maya-maya lang ay naisipan na niyang pumanhik sa kwarto, nagshower saglit at pagkatuyo ng buhok ay agad na siyang nahiga sa sariling kama.
Ang kaninang inaantok na niyang talukap ay unti-unti nang bumagsak dahil sa pagod sa buong maghapon.