CHAPTER 4 WEEK'S WORTH OF VACATION
"It still amazes me how you can easily flatter that cold-hearted woman." Jae joked while grinning at Cary's retreating back.
"She's not that cold, you just annoy her." Napairap si Heaven habang napapailing na lamang ang lalaki. Cary was in fact Jae's ex-girlfriend and they had a fall out on their 3rd year together. And that was 6 years and 5 months ago.
Nalaman niya ito a month after Cary started working. What worse way to meet your ex than to walk on him making out with his fling.
As a writer, Heaven was particularly observant and she could see and sense that they still love each other, they just failed to communicate their shortcomings and Cary was way too scared, she had no confidence in herself and ayaw niya sumugal sa relasyon na akala niya siya ay talo.
"Nah, that girl hates me. Even my silhouette or the sound of my breathing irritates the heck out of her." Inis na inis si Jae dahil kahit anong lambing at diskarte niya sa babae, ay madali lang para dito ang awayin siya.
"You should reflect on your actions, have you been kind to her or did you just think of your ego and acted like a douche. An entitled douche who thinks it would be a miracle for you to lower your pride. Jae, alam mong sa inyong dalawa, mas mahirap para sa kanya ang magtiwala, and the first thing you did to her after so many years was calling her some girl you never knew. What do you expect she would do?"
"Kasi-"
"Dude, sinong di maiinis kung araw araw mong pinapakita sa kanya na she does not matter and you have women at your disposal. Even though I know her for quite a short time, I understand that trusting a man would be one of her life's hurdles. What's more, your status is the one that caused a rift between you. Tinago mo ba naman na anak ka ng isang Jason Callum, and what's worse, nalaman niya pa sa iba. You broke her trust and you think she would smile at you and pretend everything is fine after so many years?" Jae was quiet for a few minutes and Heaven decided to change the topic. It was difficult to show someone who thinks they did nothing wrong, and one who puts his ego first in line with what they are missing.
Ika nga ng iba, may gamot para sa baliw, pero walang gamot sa nag tatanga tangahan.
"Anyways, you know what I came here for. I brought the manuscript for the book that I told you about a month ago. I completed it and no one has seen it yet. You will be the first to see this." kinuha niya ang flashdrive na nakalagay sa loob ng laptop bag niya at nilapag sa coffee table.
Nawala naman sa isipan ni Jae ang problema niya tungkol kay Cary at nakapag desisyon na unahin na lang muna ang trabaho at mamaya niya na iisipin ito.
Napangiti ito habang hawak hawak ang flashdrive na akala mo ay isang gold bar dahil sa mahinhin na pagkuha rito. Napailing na lamang si Heaven sa lalaki.
"I should be careful with this, siguradong billion nanaman halaga nito." hindi sa pag ooverestimate sa babae, pero sa dami ng fans nito, isang bilyon ay mistulang simpleng pera na madali lang para rito abutin, lalo na at tila henyo ito para sa lahat.
"Tigilan mo nga yan, I have 5 copies of the file and kahit madelete mo pa yan, I can still give you more files." Heaven knows her worth, she knows that her fans love anything she writes so she makes sure that every plot was thought through and in order not to waste her time, she keeps it in 5 different flash drives, devices and gets it secured.
She learned the hard way, matapos niya makaligtaan ang flashdrive na naglalaman ng isang buong series na pinagkakaabalahan niya ng isang taon sa isang coffee shop. Kung hindi lang ito naisauli ng sekretarya ng lalaking nakapulot nito, ay siguradong ilang linggo bago siya makakamove on sa katangahan niya.
Tatlong taon na nakalipas ng nangyari iyon at hanggang ngayon, hindi pa rin niya napapasalamatan sa personal ang lalaki.
"I had someone place the gifts in your car's trunk, I would walk you out of the building but I have to do something really important."
"Okay lang, you don't have to feel bad, it's not like we won't see each other after this. I gotta go, Mama called for a family meeting." Jae sent her to the elevator and watched her disappear from his sight before Jae went back to work.
Since VVIP elevator siya nakasakay, siya lamang magisa hanggang makarating siya ng ground floor parking lot, kung saan naka park ang sasakyan niya.
"Ma'am, ito po yung susi niyo, pinalagay na po ni Boss Jae yung mga regalo ng fans niyo. Siya nga pala Ma'am, salamat dun sa autograph, tuwang tuwa po yung anak ko hehe."
"Walang anuman Manong, simpleng bagay po. Salamat din po sa pag asikaso ng mga regalo, mauuna na po ako."
"Sige po Ma'am, ingat po kayo." kaunti lamang ang nakakaalam kung sino siya at kasali na ruon si Manong Guard. Ito ay dahil kailangan niya din ng mapagkakatiwalaan sa mga bagay na kagaya na lamang ng pagbabantay ng sasakyan at pagtulong sa kanya.
Matapos magdrive ng dalawang oras mahigit, nakarating na rin si Heaven sa lupa kung saan nila pinatayo ang bahay na iniregalo niya sa kanyang pamilya tatlong taon na ang nakalipas.
BEEP BEEP
Bumukas ang automatic na gate na kung saan, kailangan lamang pindutin ang button na naka connect rito. Isang ektarya rin ang naipundar ni yang lupa, at sa laki ng lugar, dito narin nagpatayo ng farm na kinagigiliwan ng kanyang magulang.
Pagkatapos ipark ang sasakyan, naglakad na siya papasok sa limang palapag nilang bahay. Nakabukas ang malaking pinto papasok kaya naman ay di niya na kailangan pa ianunsyo ang pagdating.
"Nak, nandyan ka na pala. Kayo nalang ng Kuya mo ang hinihintay." ani ng ina niya matapos niya mag mano.
Maya maya naman ay dumating ang ama na kakagaling sa second floor, hawak nito ang apo na anak ng kanyang panganay na kapatid.
"Pa, mukhang guma gwapo ka ngayon ah." biro niya at napangisi na lamang ang matanda atsaka siya nag mano ng makababa ito ng hagdan.
"Ikaw na bata ka, di ka na talaga nagbago, mapagbiro ka pa rin." kunyari ay nagagalit galitan, pero naka ngiti naman ito.
"Sila ate po?"
"Yung Ate Jane mo, nagpapahinga saglit, alam mo na, buntis, kasama niya asawa niya. Yung Ate Cole mo naman, nasa gazebo, kasama ang mga pamangkin mo. Si Ate Anna mo naman ay nagbibihis sa taas, kakarating lang mula galaan kasama ang nobyo niya."
Napatanggo si Heaven at dali daling pumunta sa kwarto niya na nasa ikalawang palapag. Sa kanya ang buong floor dahil hiling niya ito sa kanila kahit nuong labing anim na taong gulang pa lamang siya.
Mayroon na kasi siyang music room, art room at sariling kusina sa kwarto niya kaya sa kanya na ang buong palapag.
Nagbihis lang siya saglit at bumaba na agad, narinig niya na kasi ang tunog ng sasakyan ng kapatid niya at siguradong kakain na maya maya.
Pagdating niya sa baba, naghahain na ng pananghalian ang mga kapatid. Siya at ang Kuya niya lamang ang nakabukod sa pamilya. Pina laki kasi silang malapit sa isat isa at wala namang dahilan para lumipat ang mga kapatid. Pero sa kanilang limang magkakapatid, si Heaven ang minsan lang umuwi, dahil narin sa gusto niyang mapag isa, at mas nakapag trabaho siya ng maigi sa condo unit niya.
"Bunso, kumusta naman ang pag aaral mo? Di ka ba napapagod na ikaw lang mag isa sa condo mo?" tanong ng panganay nila na si Jane.
Ikakasal na ang Ate niyang si Mary Jane pero nakatira pa rin ito sa bahay nila, pinapatayo pa kasi ang bahay nila sa gilid ng lupa na tinitirahan nila ngayon. Regalo nadin ni Heaven sa kapatid ito, hinihintay na lang matapos ang pagpapatayo. Atsaka, buntis pa ito kaya naman mas gusto ng magulang nila na nasa bahay ito at malapit sa kanila.
"Okay lang naman, nakakapagod pero natutuwa naman ako sa mga reviews na nakukuha ko sa mga libro na ginagawa ko kaya worth it ang pagod sa trabaho. Napagdesisyunan nadin ng board kung kailan ang graduation namin, ifa finalize na lamang ang mga materials at ia-announce din nila yan sa site."
"Nga pala ma, bat ka nagpatawag ng meeting?" tanong ng pangalawa nila na si Mary Cole, single mom ito at isang nurse. May anak na babae at hindi naman sila nagkatuluyan ng ama nito kaya kaibigan na lamang sila, pero maayos pa rin ang pagtrato nila sa isa't isa. Minsan pa nga ay inaasar niya ito na magkabalikan nalamang, tutal, may anak na rin naman sila.
Ang pangatlo niyang kapatid ay si Shania Anne. Isang chef ng restaurant na niregalo ni Heaven dito last year. Isang avid korean fan kaya naman ang restaurant niya ay naaayon sa mga pinapanood niang drama.
"Alam naming successful na kayo magkakapatid sa kung anong larangan ang napili niyo, lalo ka na bunso. Malapit ka ng grumaduate at alam kong di mo naman kailangan regaluhan nito dahil kung gusto mo, ay kaya mo namang gawin para sa sarili mo. Pero…." hinawakan ng nanay niya ang kamay niya na nasa itaas ng lamesa at tinapik.
"Ma…"
"Napagisipan namin na regaluhan ka ng plane ticket papuntang Bali, tinulungan kami ng kuya mo sa pag pili. Alam kong hindi ka pupunta mag isa kaya naman sasamahan ka ng mga ate mo."
"It's a week's worth of vacation, take it as an early graduation gift, and of course, everything is well prepared, you just have to board that plane. I would come with you if I can, but I have an important trip for a proposal with some investors." ani ng kuya niyang si Ranz Immanuel. Kaka Graduate lang din nito noong nakaraang taon ng Computer engineering kaya naman napaka busy nito.
"Ma, you didn't have to."
"Nak, mag 22 ka na, lagi ka nalang nagtatrabaho at nag aaral, magpahinga ka rin."
"Ano, tatanggapin mo ba o hindi?! Kapag di mo tinanggap, itatapon ko itong plane ticket nato." pananakot ng ama niya na kunwari ay galit.
TBC
Maple Writes
Don't forget to leave a comment, share and give me reviews for me to know if there are things that I should improve with and change at the same time. Have a good day. Enjoy reading.