CHAPTER 8 PERMITIVO'S DARLING DAUGHTERS
Hindi naman ganun karami ang pinamili nila para sa mga dadalhin papunta sa Bali, pero nagtagal sila sa mga swimsuit, sa pagsusukat, at kasama na rin sa mga gamit pambata para sa dinadala ng panganay nilang kapatid.
"Tibay din ng asawa mo ate ano? Isang buwan matapos ang kasal niyo, nabuntis ka kaagad." Pag bibiro ni Anne, nakatanggap naman siya ng batok dito at natawa nalang sila Heaven at Cole.
"Cheh, at ikaw naman, kailan niyo balak magpakasal ng nobyo mo?" tanong ni Jane habang kinikilatis ang mga crib na naka hilera sa baby section.
"Kasal? Ayaw ko magpasakal este kasal, hirap kaya niyan." Si Anne ay may nobyo na isang kilalang makeup beauty line Ceo at Actor sa Korea.
Si Kang Dong Wu, 28 years old, at nagkakilala ang dalawa nuong nagtravel and ate niya pa Korea. Nagkataon lamang na lagi silang nagkikita at pinagtatagpo ng tadhana at ng umuwi ito sa Pilipinas, hindi na muling nagkita.
Ngunit, sumunod na taon na pagbabalik ng ate niya sa Korea, nagkita ulit ang dalawa sa isang blind date na inaayos ng mutual friends nila. At hindi na pinalampas pa ng lalaki at sinubukang ligawan ang ate niya hanggang sa nagkatuluyan na nga. Dalawang taon na rin ang dalawa at nito lamang nobyembre bumalik ito sa Korea para sa trabaho at kompanya. Habang kakauwi lang rin ng ate niya mula Korea upang bisitahin ang nobyo.
"Masasabi mo yan ngayon, pero darating ang panahon, kakainin mo yung sinabi mo."
"Pwede ba ate, hindi pa nga nagpapakasal si ate Cole at nobyo niya, ako pa kaya." pagrereklamo ni Anne. Sa totoo lang, gusto niya rin magpakasal, kaso natatakot siya dahil sa trabaho ng nobyo niya, ni pagkikita nila ay napakahirap pa. Magkasintahan sila ngunit napakahirap na ipagsigawan sa mundo na mahal nila ang isa't isa. Ayaw niya kasi magdemmand, alam niyang mas nauna ang trabaho nito kumpara sa pagkakakilala nito sa kanya.
"Hoy wag mo ako idamay, bago palang kami ni Tristan, limang buwan palang. Atsaka, di na ako magpapakasal, paano na lang ang anak ko, baka isispin niya inaagawan siya kapag nagka anak kami." Si Tristan ay isang abogado, nagkakoneksiyon ang dalawa dahil na rin sa kanya. Kaibigan ni Jae Callum, CEO ng Akda Publishing house ang lalaki at nagkataon na magkasama sila ng kapatid niya ng magkita sila sa isang cafe at nagkagusto ito sa kapatid.
Dahil sa tingin niya ay mabuting tao naman ang abogado, pumayag na rin siya na ipakilala ito at hangang sa nagkatuluyan ang dalawa ilang buwan matapos magkita.
"Ate, malaki na si Dara, matalinong bata iyon at maintindihan ka niya, atsaka para saan pa at magkakasama tayo." ani naman ni Heaven. Hindi naman dahil sa iba ang tatay, hindi na magkakasundo, atsaka sa tingin ni Heaven, makakakilala din ang ate niya ng lalaking mamahalin ang anak niya katumbas ng pagmamahal ng tunay niyang ama.
Halos magkapareho lang ang pinagdaanan ni Cole at Jane, ang pinagkaiba lamang, bago pa ipanganak si Danielle, ang siyam na taong gulang na anak ng ate niyang si Jane, namatay ang kanyang nobyo at magisang itinaguyod ang anak.
Ang Ate niyang si Cole naman ay nagsama silang dalawang magulang ni Dara bago napagdisiyunan na maghiwalay dahil sa hindi magkaintindihan. Tatlong taon sila nagsama at isang taon pa lang si Dara ng maghiwalay sila.
Si Jane naman at ang bagong asawa na si Felipe Markle ay mag kasintahan ng apat na taon bago napagdesisyunan ng dalawa na magpakasal na nga. Yun ay noong nakaraang taon, pitong buwan na ang nakalipas, at naswertehan nga at nagka anak agad ang dalawa, yun ang pinagbubuntis ngayon ng ate niya.
"Alam ko, pero natatakot ako." na tahimik ang magkakapatid at nagpatuloy na lamang sila sa pagpili.
Hindi man perpekto ang kanilang nakaraan, tanggap at mahal nila ang isa't isa. After all, they are not the Permitivo family's darling daughters for nothing. Dahilan narin na mabubuti ang kanilang magulang kaya lumaki silang maayos.
Their shopping didn't last long, matapos nila bisitahin halos kalahating boutiques at areas sa grand mall. Umabot sila ng alas tres ng hapon mula alas otso ng umaga, bago napagdesisyunan na umuwi na at magpahinga para sa maagang byahe kinabukasan ng alas kwatro ng umaga.
Bago sila umuwi, dinaanan muna ni Heaven ang mga alaga niya sa Pet salon. Trained na ang mga ito kaya naman hindi ito nag ingay pagka kita nila sa kanya. Umupo lamang ito at naghintay na buhatin niya papasok sa sasakyan. Tinulungan naman siya ng ate Cole niya, si Anne kasi ang nagmamaneho ng sasakyan na sinakyan nila papunta sa mall kaninang umaga.
"Hi babies, kamusta ang pagpapa groom? Hindi naman kayo nagpasaway ano?" tumahol si Angel, Angelo at Carlo habang si Carla naman ay nakahiga na sa sulok ng sasakyan, mukhang pagod na pagod mula sa paglalaro buong araw sa salon.
Si Basti naman, ang kanyang pandak na pusa ay hawak ni Cole, hindi kasi ito mahilig sa likoran pumwesto dahil nasisikipan.
Bumiyahe na sila pauwi sa bahay at pagdating nila, kanya kanya na sila sa paghahakot habang ang mga gamit naman ng ate nilang si Jane ay dinala ng asawa at anak nito.
Nagdinner silang lahat na magkasabay at matapos ilagay sa maleta ang mga pinamili, napagdesisyunan nilang matulog na at maaga pa ang byahe kinabukasan.
Alas otso sila pumasok sa silid pero may tinapos saglit si Heaven na mga paperworks kaya naman naabutan siya ng alas nuwebe at nakatulog tatlong minuto bago mag alas diyes.
2 am siya nagising at buti nalang morning person siya kaya naman quarter to 3, nakapag ayos na siya.
"Ma, gising ka pa? Dapat natulog ka na lang. Si papa?" ani niya matapos makita ang ina na nagluluto ng agahan.
"Anong matutulog, aalis kayong apat atsaka ihahatid namin kayo sa airport. Yung papa mo nasa taas kinukuha yung mga maleta ng mga kapatid mo." ani nito habang hinahain ang niluto sa plato.
"Kaya na nila yun, atsaka, baka madulas pa siya." dali dali naman siyang pumanhik at nasaktuhang nakita ang ama na karga ang babaeng apo.
"Pa, diba sabi ko wag mo na kargahin ang mga bata? Mabigat na yan. Baka mabali pa yung buto mo."
"Asus Heaven, matanda na ako pero malakas pa rin ako." Napipikon na saad ng ama niya.
"Malakas, sino kayang nagrereklamo tuwing gabi kapag sumasakit ang balakang at likod." reklamo ng ate niyang si Cole na nakasunod sa kanila, dala dala ang maleta niya.
"Yung nanay niyo yun noh." natawa nalang sila at napa iling sa sinabi ng matanda.
TBC
Maple Writes
Don't forget to leave a comment, share and give me reviews for me to know if there are things that I should improve with and change at the same time. Have a good day. Enjoy reading.