Chereads / Heaven's Cry (Tagalog) / Chapter 5 - YOU MIGHT GET LAID

Chapter 5 - YOU MIGHT GET LAID

CHAPTER 5 YOU MIGHT GET LAID

"Thank you ma, pa. You didn't have to. But thanks." natapos ang dinner at family meeting nila ng nagtatawanan at nagka kasiyahan ang lahat.

Next week na din ang trip nila, kaya naman ay kinontact niya na ang adviser niya at mga subject teacher for a leave of absence, she was never late or absent kaya naman pinagbigyan siya, dahil narin sa nangako siyang ia-ace ang exam kaya napa oo ang mga ito.

Tapos na niya halos lahat ng mga plates niya kaya naman hindi na siya pinahirapan, ang huli niyang tinawagan ay si Eandor. Nagtanong lang ito kung gusto niya ng kasama or tulong sa mga school task na kung saan pinasalamatan niya lamang at tinanggihan.

"Ma, sunduin ko lang yung mga anak ko, balik ako bukas, mag iimpake narin ako." ani niya habang hawak ang susi ng sasakyan.

"Sige, mag ingat ka, gusto mo ipahatid na kita sa kuya mo?"

"Wag na po ma, magkikita din kami nila ate bukas sa mall para mamili ng gamit."

"O siya siya, ingat, wag barumbado magmaneho, magdasal bago umalis."

"Opo ma." nag mano na siya at dali daling sumakay sa sasakyan at pinaandar na.

May alaga kasi siyang mga aso at naiwan ito sa condo niya dahil akala niya saglit lang siya sa bahay nila. Plano niyang dalhin ito sa bahay para naman may pagkatuwaan ang magulang niya habang wala sila magkakapatid.

Mayroon siyang anim na alaga, pero lima lamang ang kasama niya. Si Carla ang panganay na anak niyang aso. Isang puti na mini poodle at shih tzu, may anak itong apat at ang isa na si Carlo ay nasa kanya habang ang isa pa na si Caryl ay nasa bahay at ang dalawa ay binigay sa mga kakilala.

Sumunod ay ang pula na may puti niyang aso na isang Corgi Maltese, si Angel, may anak din ito dalawang litter ngunit ang unang litter ay nakunan siya. Ang sumunod naman ay nanganak siya ng tatlo, isa ay nasa puder niya at pinangalanan niyang Angelo. Ang dalawa naman ay nasa magulang niya rin, pinangalanan naman nila itong Angie at Angle.

Ang panglima ay di naman talaga sa kanya kundi sa Ate niyang si Jane, ngunit sa kanya lagi ito dumidikit kapag nasa bahay siya. Si Frio, isang Choco liver line na may halong shih tzu.

Ang pang anim naman ay isang pusa, binigay ito ng bestfriend niya na si Mea. Isang short legged munchkin na kulay ash brown, pangalan ay Basti, napaka taba nito at hindi naman nag aaway ang mga alaga niya dahil may sarili itong mga mundo.

Marami pa siyang alaga, mga rabbit, hamsters, guinea pig, at iba pa, tuwing summer ay nasa bahay siya upang alagaan ito. Lahat sila ay nasa farmhouse lang, may sarili kasi silang bahay na pinatayo niya kaya madali lang sa kanya na bisitahin ito at natutuwa naman ang mga magulang niya na alagaan dahil mabait at talagang spoiled ni Heaven, buwan buwan ay may sariling stock ng pagkain sa bahay nila.

Ang bahay nila ay itinuturing na rin na farmhouse ng dahil narin sa mga pagtatanim at pag aalaga ng mga baboy, manok, pato, baka at iba pang hayop ng mga magulang niya. Ito kasi ang matagal na nilang pangarap.

Para narin di sila mahirapan at madisgrasya, mayroong helper na tumutulong sa mga mabibigat na gawain, pinsan niya sa mother side niya. Mabait ito at talagang masaya naman siya sa ginagawa niya.

Malipas ang tatlong oras, nakarating narin si heaven sa kanyang condo. Mula sa Skwelahan niya ay 15 minutes lamang ang byahe lalo na kapag traffic, pero kapag hindi ay mas madali lang. Ayaw niya kasi ng matagal na pag byahe kaya nag condo na lang siya.

Pagbukas niya ng pinto ay sinalubong siya ng ingay ng mga aso at pusa niya, buti nalang at di siya mahilig magsuot ng mga dress at palda kaya di siya nagkakasugat ng mga kalmot sa paa at hita.

"Sit!" ani niya na matagal niya pa inulit ulit bago makinig ang mga ito. Pagkatapos niyang pagkaguluhan ang mga alaga, pinakain niya ang mga ito. Inayos niya na rin ang mga gamit at nagsimulang mag impake.

DING DONG

Maya maya ay bumukas ang pinto at tumambad ang mga kaibigan na dala dala ang mga pagkain na plano nilang lantakan.

"Girl, di ka man lang nagsabi na aalis ka, pumunta kami kanina tapos mga aso mo lang ang nandito." Ani ng baklang kaibigan na si Ethan.

"Nagpatawag kasi si mama ng family meeting, di ko na rin kayo natext." kanya kanya naman sila sa pag upo sa may sala habang inasikaso ni Heaven ang mga pagkain na dala nila.

"So anong chika, bakit nagpatawag ng biglaang meeting si Tita?" Mea asked while petting Basti na inis na inis dahil kinuha niya sa tower nito.

"They gifted a plane ticket for a week long vacation papuntang Bali, alam nilang di ako gumagala mag isa kaya naman they forced me into it by making my sisters come along. Like ako lang mag isa single don, pano naman yun?" Ani niya at napapailing habang dala dala ang pagkain at mga plato papuntang sala.

Tinulungan naman siya ni Marj sa pag dala ng mga inumin habang si Mea ang naghanda ng mga treats ng mga aso at pusa.

Tuwing biyernes kasi ay nag movie marathon or game night sila, kaya naman sanay na siya na nandidito ang mga kaibigan niya.

"Bali? Wtf gurl! Grab mo na yan, it's a great place, if I could, sasama ako, but exam week ko next week at isa pa, you might get laid, time to let go of that ancient virgin card." nae excite na sagot ni Ethan at pumapalakpak pa.

Ethan Buenaventura is a graduating student of Interior Design, proudly gay and beautiful. Tanaka Maru is a half Japanese girl who is also a graduating student of Bachelor of Multimedia Arts. And lastly Mea Samantha Grayson, a beautiful Muslim girl who migrated back to the philippines from Saudi 7 years ago and became her best friend along with Ethan and Maru. Mea is also a graduating student of Bachelor of Science in Pharmacy.

Sabay sabay silang gagraduate ngayong taon, kahit iba iba naman ang kanilang mga eskwelahan, magkakasama at buo parin sila kahit pitong taon na ang nakalipas mula ng maging magkaibigan sila nuong senior high school pa lamang si Heaven at Mea habang junior high naman sila Maru at Ethan.

TBC

Maple Writes

Don't forget to leave a comment, share and give me reviews for me to know if there are things that I should improve with and change at the same time. Have a good day. Enjoy reading.