Chereads / One Bite To Another / Chapter 52 - REASONS

Chapter 52 - REASONS

Mino's P.O.V

I have never been this scared my whole life but… I also never had felt this way for a girl especially for a vampire. I want to punch myself for feeling this way towards a creature that I despised my whole life. Even I, can't believe that I ended up feeling this way for her.

I am just a normal human being, nothing special to be exact. I am a man that was born with golden spoon on my mouth. I fell in love before, I've been hurt, I've been left behind but now… I feel like I am the one on the peak of leaving her.

I am scared! I am horrified! I feel like I want to run for miles just to get away from her. I want to throw this feeling away as fear consumes me. She is different, she is not the princess that made my heart gone wild without me noticing a single bit of it.

I should be happy right? Nakikita ko ngayon sa aking harapan ang katotohanan na isa silang halimaw. With that being in front of me, all of the negative image that was instilled to me since I was young is coming into life. I should be happy that I am right all along but why am I feeling this way?

All I can see in front of me is the woman that I am still admiring. She is still the princess that is admired by her people and her family. This horrifying image does not suit the beauty of her actions and the pureness of her heart.

She is still the most beautiful woman that I am lucky enough to have the chance to lay my eyes into. My body might be scared and terrified, my mind might be in turmoil with the urge to run for my life, my heart might be nervous and beat like it is the last but… part of me wanted to stay and do what I can so I can bring her back to normal.

This is not the real Vreihya that I am seeing right now. She is sharp-toughed, feisty and confident yet underneath all of that she is kind, soft-hearted and appreciative. This horrified feeling of mine is not enough to change what I use to see her.

I am just terrified yet I want to try if I can do anything. I knew well the feeling of being left behind and I will never let her feel that way. I don't know if I am stupid or what but despite the trembling of my body, my mind is playing a memory of hers.

It was supposed to be an ordinary day yet when the villager arrived, her own posture and emotion had changed. All this time akala ko ay isa siya sa mga maharlika na umaabuso ng kaniyang kapangyarihan lalo na at hindi lamang sila mga normal na nilalang.

You can't blame me for thinking that way dahil sa mundo nga ng mga tao kung saan wala namang mahika ang mga namumuno at normal na tao lamang sila ay nagkakaroon ng pang-aabuso, kaya nilang pumatay at baluktutin ang batas para sa kanila. That is what I also thought about her, about her family dahil kung mga normal na pinuno nga ay kayang mang-abuso ay paano pa kaya sila na may literal na kapangyarihan.

I expected to see a princess that will never care about the wellness of her people yet I saw the opposite with her. Her family, nakuha nila ang paghanga at ang aking paggalang dahil alam ko na kaya ganoon ang prinsesa ay dahil sa napakahusay nilang pagpapalaki.

Nakita ko kung paano kuminang ang pananabik sa kaniyang mga mata nang tumawid ang mga taga-baryo sa portal na ginawa ng kaniyang inang reyna. Nasaksihan ko kung paano napalitan ng lungkot ang kaniyang mga mata nang mapagtanto niya na hindi maayos ang kalagayan ng kaniyang nasasakupan.

I saw how her body wanted to run towards them and give them comfort. I saw how her eyes begun to tear up upon seeing her people with injuries and bandages. Her eyes will never lie. Inaasahan ko na wala siyang mararamdaman na awa para sa kanila dahil ganoon ang karamihan sa mga taong namumuno sa amin but she is way too soft for them. That made me feel something again na matagal ko ng pinipigilan at isinasantabi.

Nakikita ko sa paraan ng kaniyang pagyakap sa kaniyang Ina ang wala nitong katumbas na pagmamahal at paggalang. Tila sabik siya lagi sa bisig ng kaniyang Ina. Isa sa mga bagay na napansin ko sa kaniya na patuloy kong ikinangingiti. Doon pa lamang ay ramdam kong marunong magmahal, gumalang at makaramdam ang kanilang mga kauri.

"Vreihya, anong ginawa mo sa Tiyo at sa iyong kapareha?" malumanay na tanong sa kaniya ng Inang Reyna habang pumilig ang ulo nito upang tignan kami ng kaniyang kapatid na nakatali sa malaking puno. "Mga pasaway silang bata Ina," malungkot niyang sagot pabalik.

Pansin ko na lagi siyang ganito, hindi siya nahihiyang ipakita sa kaniyang Tiyo at Ina na may kahinaan siya. Hindi niya itinatago ang kaniyang tunay na nararamdaman kahit pa maari siyang masabihan na mahina at madamdamin para sa isang prinsesa. She is always genuine with her actions and emotions.

Naramdaman ko ang pagluwag ng aming gapos at ang pagtayo ng kaniyang Tiyo papalapit sa mag-ina. Siya naman ang yumakap sa kaniyang kapatid habang tumayo na din ako at lumapit sa kanila. Tila nawala na ang inis at galit niya sa amin ng kaniyang Tiyo dahil sa ginawa naming pag-iingay habang natutulog siya.

Kapwa napukaw ang aming mga atensyon dahil sa pag-iyak ng batang sanggol. Inaasahan ko na sisinghal siya upang patahimikin ang sanggol ngunit pag-aalala ang nakita ko sa kaniyang mga mata. I am feeling silly upon thinking na ganoon na ba kagulo ang mundo na kapag nakakakita ako ng kilos na may halong kabutihan ay parang nakakagulat.

It feels that kindness is rare kaya naman parang napakalaking bagay nito at isang himala kapag nakakakita ako noon. Damn! Our world really fucked up huh! It is foolish to feel na tila ba ang basehan ko ng pagiging masama ay ang kilos din mismo ng mga tao. Nangngahulugan lamang na sadyang magulo ang lahat sa mundo kung saan ako nanggaling kaya ang ideya ko ng kasamaan ay ang amin din mismong kinikilos.

Damn! That was something, a sad realization and a pain in the ass to admit. Marahan siyang lumapit sa mag-ina upang kunin ang sanggol at nang ngumiti nang magaan ang Ina ng sanggol ay alam kong malalim ang tiwala niya sa prinsesa na nasa kaniyang harapan.

Napaawang ang aking labi dahil nang mabuhat na niya ito nang lubusan ay tumahan kaagad ang sanggol na tila ba kapayapaan ang kaniyang nararamdaman. Because of that, the familiar feeling rose again on my chest. When she smiled lightly while looking at the baby, I can't help but to feel heat on my cheek. Damn! Those smiles!

"Lahat kayo ay mananatili dito. Ligtas ang lugar na ito," marahan na pahayag ng kaniyang Tiyo na tuwid na tuwid ang pagkakatindig. I can hear the happiness of the villager as they can feel that there is someone who cares for them at hindi sila papabayaan.

I am beginning to see a new perspective of this royal family. "May pagkain, tubig at tutulungan kayo ng prinsesa upang magtayo ng panibago ninyong mga tahanan," malumanay na pahayag ng Reyna habang tila hindi na maalis ang paninitig ng prinsesa sa sanggol na kaniyang tangan.

Iniangat nito ang mumunti niyang mga kamay na para bang gusto niyang hawakan ang magandang binibini sa kaniyang harapan. I was stunned with that same scenario on my head, what I am seeing right now seem quite familiar.

I saw this same scenario on my vision. I am holding a very beautiful baby on my arms. I sang to her sweetly but I was taken aback when her eyes opened for the first time. Her eyes, ang napakaganda niyang mga mata na tumitig sa akin habang iniangat niya ang mumunti niyang mga kamay upang tila abutin ako.

Her eyes, it is blue on the left while red on the right. Hindi ko pa din mapigilan na tila makaramdamn nang matinding kasiyahan nang hawak ko siya sa aking mga bisig habang pilit niya akong inaabot. Hanggang nagyon ay hindi mabura sa aking isipan ang sanggol na iyon at kung paano tila nananabik ang aking mga bisig na mahawakan ko siya at muling maawitan.

It might be a vision or an illusion maybe but what I felt during that time is genuine and absolute serenity. I never felt that I wanted anything this much other than to hold that child in reality. And now that I can see how Vreihya looked so happy while holding a child is beyond happiness for me.

"Natutuwa kami dahil hindi ninyo kami pinapabayaan mahal na reyna ngunit paano ang mga labi ng aming mga kaanak," agad akong napatingin sa matandang pinagmulan ng tila naiiyak na tinig. I can't help but to feel pity for her as her shoulders begun to tremble habang nagbabadya ang kaniyang mga luha.

I can feel her grief and lost dahil ang mga mata nito ay tila nagsusumigaw ng kalungkutan. She is way too old ngunit ngayon pa siya nawalan ng makakasama sa buhay na siya dapat mag-aalaga sa mahina niyang katawan. I was about to move closer to her ngunit nauna ng humakbang ang prinsesa tsaka marahan na hinaplos ang likod ng matanda na tuluyan ng lumuha.

Marahan din na inihilig ng reyna ang kaniyang ulo sa balikat ng kaniyang kapatid habang tila nanghihina na ito sa kaniyang kinatatayuan at nangangailangan ng pag-alalay. I smiled lightly as the thought of where did Vreihya got her softness from crossed my mind.

Nag-iwas na ako ng tingin sa mga taga-baryo dahil tila hindi ko mapigilan ang aking lungkot dahil sa halos lahat na sa kanila ay nagsisimulang humikbi. It's a sad story, a village that had lost everything, their loved ones and even their life, they are heartbroken in front of their rulers that I knew are feeling heartbroken for them as well.

They will appreciate all the support and kindness that they can get. I felt guilt inside my system as I know for a fact that this is because of me also. Siguro kung hindi ko hinayaan na matalo sa dwelo na iyon ay hindi sana sila dadanas ng ganito.

I closed my fist as I felt that this is my fault. I should be strong dahil kasama naman sa kasunduan na hindi na guguluhin ang mga taga-baryo kung nanalo lamang ako sa duwelo. I fucking hate myself for being weak! I should be strong enough to depend myself upang hindi na sana napinsala ng ganito ang mga taga-baryo.

How can I freaking think to escape this world if the burden and guilt of this unfortunate event is all piled up on my shoulders. This is my fault! Kung malakas lamang sana ako ay hindi masisira ang kanilang kaharian, wala sanang namatay, wala sanang lumuluha ngayon sa aking harapan.

I hate being weak! Being weak can only mean seeing other people get hurt without the capability to aid them. I will never walk away in this world without avenging them and their griefs! Their lost and tears will be a reason enough for me to stay. Hindi ako papayag na hindi ako makakabawi sa kasalanan na aking ginawa!

Agad akong lumapit kay Vreihya dahil sa biglaang pagyakap ng umiiyak na matanda. Agad kong kinuha mula sa kaniyang pagkakabuhat ang sanggol dahil sa muntik na niya itong mabitawan dahil sa pagkabigla.

Pagkatapos ay mahigpit na niyang niyakap ang matanda na tila unti-unti ng nanghihina. Why is she like this? I expected for her to be a ruthless ruler, an unkind princess na masisiyahan kapag nakalalamang siya o hindi naman kay ay napapahirapan ang kaniyang mga nasasakupan.

Kung sabagay, ang kasunduan nga pala na kanilang ginawa ay para sana hindi na guluhin ang kanilang kaharian. Doon pa lamang pala ay nakakakitaan na sila ng pagmamahal para sa mga taga-baryo and I am stupid enough to not think of that.

She amaze me damn much! Ngunit pinilit kung isantabi ang simula ng paghanga na aking nararamdaman dahil sa hindi ko nais pa na hayaan na tumindi ito. Malayo ang agwat namin sa isa't isa. Isa siyang maharlika at isa lamang akong tao.

Pagkatapos na pagpahingahin ang mga taga-baryo sa loob ng palasyo ay masigasig namin silang inasikaso. Batid ko ang pagod ng prinsesa at ng kaniyang Ina at Tiyo habang pinagluluto ang mga taga-baryo. Hindi ko maiwasan na tila matuwa dahil sila ang nagsisilbi at nag-aasikaso sa mga taga-baryo.

Tila hindi sila mga maharlika sa paraan ng kanilang pakikipag-usap at pakikipagbiruan sa kanilang mga nasasakupan. Nakakatuwa din kung paano nagburda ang reyna ng mga kasuotan para sa mga bata at mga balabal para sa ilang matatanda.

Makalipas ang mahabang araw ay kasalukuyan akong nakatayo sa veranda ng silid ng prinsesa. Nakatalikod siya sa akin habang nakahiga siya sa kaniyang malaking higaan. Batid kong hindi na niya ramdam ang aking presensya dahil sa alam ko na kung paano ko ito maitatago.

Nasaksihan ko kung paano siya gumalaw nang pabalik-balik na tila ba maraming iniisip. I have a feeling that she will have a sleepless night kaya naisipan ko na puntahan siya at makipag-usap ngunit tila napako na ako sa aking kinatatayuan.

I don't know why but standing here and looking at her from a distance somehow make my heart wild. Hindi ko na nais pa na lumapit dahil baka lalong magwala ang aking dibdib. I don't want to dwell too much with what I am starting to feel right now.

I know myself very well at ang tanging magagawa ko lamang ay ang tumulong sa kung paano nila tutulungan ang mga taga-baryo. I quickly hide behind a wall when I catch her taking a glimpse in my direction.

Tila kinalampag nang husto ang aking dibdib kaya naman marahan ko itong hinawakan. Inangat ko ang aking kamay na may tangan-tangan na isang bagay na nais ko sanang iabot sa kaniya ngunit pinapangunahan ako ng kaba.

I shrugged my shoulder and threw the flower away as a realization struck me. I should stop whatever this feeling is. Dapat alam ko kung saan lamang ako lulugar.