Chereads / One Bite To Another / Chapter 53 - TEARS

Chapter 53 - TEARS

Mino's P.O.V

I have been avoiding her since this morning. Hindi din ako nakatulog nang maayos kagabi dahil sa pakikipagtalo ko sa aking sarili. I have never been this frustrated in my whole life. Thank God that she is busy enough building the villager's houses upang may matuluyan sila.

Nakakaramdam man ako ng pagod dahil sa kanina pa ako nagbubuhat ng mga kagamitan na ipapasok sa bawat bahay ay alam ko na wala ito kumpara sa pagod niya at ng kaniyang pamilya. She's been using her magic to build houses at hindi ko maiwasan na mainis sa aking sarili dahil hindi ko man lamang siya matulungan.

Although, maybe this is better para hindi na muna ako mapalapit sa kaniya. "Ano ang paborito niyang bulaklak?" malumanay niyang tanong sa isang batang kausap niya. Kanina niya pa sinasabi ang tanong na 'yan sa bawat taga-baryo na kaniyang nakakasalubong.

Her smiles never failed to register on her face na tila ba pinapabatid niya na kailangan niya maging matatag at huwag ipakita ang matindi niyang pagdaramdam. Habang nandirito ako sa tapat ng isang bahay na gawa sa matitibay na kahoy ay malaya ko siyang nakikita.

May kabigatan man ang dala kong basket na punong-puno ng prutas na ipamimigay namin sa bawat bahay ay hindi nakaligtas sa akin ang iilan niyang gasgas sa braso. Those scratches are the result of her constant building of houses and assisting her people.

Bahagya na akong nag-iwas ng tingin dahil sa tila bumabalik na naman sa aking dibdib ang pakiramdam na hindi ko maunawaan. "Huwag ka ng lumuha Amira, hindi gusto ng iyong Ama na makita kang umiiyak," malambing niyang alo sa batang kausap.

Muli akong napatitig sa prinsesa na halos lahat na yata ng mga taga-baryo ay nabigyan na niya ng yakap. Bahagya kong sinermunan ang aking sarili dahil alam ko ang bagay na 'yon dahil kanina ko pa siya tinititigan at sinusundan.

She lowered her torso when the girl gestured to whisper something. Marahan siyang tumango habang binubulungan siya ng bata. Tumayo siya nang tuwid pagkatapos ay inilahad ang kaniyang palad, with just a wave of a hand, a flower quickly appeared on her palm.

Agad na napaawang ang aking labi dahil sa aking nakita. "Napakagaling pumili ng iyong Ama ng paborito niyang bulaklak," saad niya sa bata at marahan na itong inaabot na masaya namang tinanggap ng kausap.

Sa kanina ko pang pagmamasid sa kaniya ay ngayon ko tuluyan na naunawaan ang kaniyang ginagawa. Kanina kasi ay hindi ko naman naririnig ang mga napag-uusapan. I can't help but to look away again as my heart started to skip.

She is giving each villager a flower that are considered as favorites of their deceased loved ones. I am speechless for that kind act of hers. But no! I need to stop myself from following her like I am some sort of a stalker. Whatever the reason why I feel this knot on my chest must be stopped.

Marahan na akong tumapak sa mababang hagdan ng katapat kong tahanan tsaka ako marahan na kumatok habang ibinabalanse ang aking buhat-buhat na basket. I was taken aback when I heard a suppressed sob inside. It sounded like it is coming from a little girl.

"Tuloy po kayo," medyo paos niyang saad sa akin. Marahan na bumukas ang pinto at agad na bumaba ang tingin ko sa isang batang babae na namumula ang mga mata. Nang tuluyan na niyang maibukas ang pinto ay marahan kong ibinaba ang aking dala-dala.

"Bakit ka umiiyak?" mahina kong tanong sa kaniya at agad siyang napakagat sa kaniyang labi kasabay ng mga lumuluha niyang hikbi. I don't know but the familiar guilt in my heart begun to be active once more.

Hindi ko na siya hinintay pa na makapagsalita at marahan ko siyang hinila papalapit at niyakap. Nagkaroon na ng tinig ang kaniyang pag-iyak kasabay ng panginginig ng kaniyang balikat. I gently stroked her hair habang pinipilit ko siyang patahanin.

Marahan kong pinagmasdan ang loob ng kaniyang tahanan at bahagya akong nag-alala dahil wala akong makita na sinumang kasama niya. "Mag-isa ka lang ba?" tanong ko sa kanniya tsaka ako kumalas sa aking pagkakayakap.

Bahagya niyang kinusot ang kaniyang mga mata habang pinapatahan ang kaniyang sarili. Tumayo ako at muling binuhat ang basket tsaka ako tuluyang pumasok upang ipatong ito sa lamesa. "Nasa labas po si Ina, nakikipag-usap po sa mahal na reyna," mahinang sagot sa akin ng bata na bahagya pang sinisinok dahil sa pag-iyak.

Humarap ako sa kaniya habang marahan na siyang umuupo sa upuan na katapat ng lamesa. "Maaari ko bang malaman munting binibini kung bakit ka umiiyak?" muli kong tanong at tumango siya sa akin sabay abot sa akin ng isang lumang notebook.

I saw the torn edges of it but I was stunned with the traces of blood on it. "Maaari niyo po bang iabot sa mahal na prinsesa?" tila nagbabadya na muling umiyak ang bata habang nanginginig ang kaniyang mga kamay na nakahawak sa notebook.

"Sa'yo ba ito?" mahina kong tanong sa kaniya dahil hindi ko na alam kung paano ko na siya aaluin pa. Inabot ko ang notebook na ibinigay niya sa akin at agad siyang yumuko at muli na namang humikbi. I bit my lower lip upon seeing her grief.

I don't know what to do with her, hindi ako marunong magpatahan ng bata. I felt the pressure to do something just to have a lighter mood. Think Mino! Come on! Kaya mo 'yan! Be creative! Eh kung mag-twerk kaya ako bigla? Baka tumigil na siya sa pag-iyak.

Oh come on! Of all the things ay talagang 'yon pa ang pumasok sa utak ko! Haist! I pulled my hair due to frustration that I can't stop her from her dreadful cries. "Kapag nabulok ba ang uod, uuodin din?" agad kong tanong sa kaniya at agad siyang tumingin sa akin nang nakakunot ang noo.

Damn Mino! Saan galing 'yon? Naluluha ang mga mata niyang nakatingin sa akin na parang nagtatanong. Okay! I am successful in making my self look liked a weirdo. Bravo Mino! Well done!

Alanganin ako na ngumiti sa kaniya na para bang naghihintay din ako ng sagot mula sa kaniya. Damn! This is freaking humiliating. "Totoo po bang pinatulan kayo ng prinsesa?" inosente niyang tanong sa akin at agad akong napanganga. Whoa wait! That's a little bit sassy.

"Hindi po ba kayo gumamit ng gayuma? O kaya pinakulam niyo siya?" muli nitong tanong sa akin habang pinupunusan na niya ang kaniyang mga luha. Ayos lang kahit parang nasira ang pagkatao ko sa kaniya ang mahalaga ay napigilan ko siya sa pag-iyak.

"Sa tingin mo ba ay hindi niya ako papatulan?" natatawa kong tanong sa kaniya habang kunot-noo pa din siyang nakatingin sa akin. "Akala ko po kasi ang ibig ng prinsesa eh 'yung matatalino, buti na lang po napakakisig niyo at napakagwapo," saad niya na para bang wala lang sa kaniya ang kaniyang sinasabi.

Smart girl!

"Hindi ko na siya kailangan pang gamitan ng mahika dahil baliw na baliw na siya sa akin," mayabang kong biro sa kaniya para lamang tuluyan na siyang hindi umiyak. "Ay talagang ginayuma niyo po siya, walang duda," mabilis niyang sagot sa akin.

Napailing na lamang ako habang natatawa dahil sa kaniyang sinaad. Malabo ba talagang mahulog sa akin ang prinsesa? Muli ko na naman pinilit na isantabi ang katanungan na sumagi sa aking isip. I should never go down into that topic. I already knew the answer.

"Alam niyo po, parehong-pareho kayo ni kuya," agad akong napatingin sa kaniya dahil biglang lumungkot ang kaniyang tinig. Agad kong tinikom ang aking bibig dahil tila batid ko na kung sino ang may-ari ng kwaderno at bakit siya umiiyak.

I don't like to ask further questions about her brother. "Malalim po ang paghanga niya sa mahal na prinsesa kaya nga po bago siya pumanaw ay ipinagbilin niya ang kwaderno na sana ay maiabot sa prinsesang kaniyang hinahangaan," malungkot niyang saad at nang magsisimula na siyang umiyak na muli ay kinabig ko siya upang muli siyang yakapin.

"Shh! Hindi niya magugustuhan kung parati kang iiyak," mahina kong pag-aalo sa kaniya at naramdaman ko ang marahan niyang pagtango bilang pagsang-ayon. "Hiling ko na sana maalala niya ang kuya ko, palagi siyang hinihintay ni kuya sa tuwing dadalaw siya sa aming tahanan," nahihirapan niyang saad sa akin at muling kong hinagod nang marahan ang kaniyang likuran.

"Huwag kang mag-alala, makakaabot sa kaniya ang huling habilin ng kuya mo kaya huwag ka ng umiyak. Kailangan mong maging matatag para sa inyo ng iyong Ina, hindi kayo pababayaan ng pamilya ng prinsesa," malumanay kong paliwanag sa kaniya.

"Paglaki ko gusto ko maging katulad ng prinsesa," inosente niyang saad habang bahagyang sinisinok. Marahan akong napangiti dahil sa aking narinig. Wise choice!

"Ginayuma mo man siya o hindi, dapat lamang na ingatan mo siya at mahalin nang lubusan. Wala akong ibang narinig kundi puro magagandang bagay tungkol sa kaniya kaya nararapat lamang sa kaniya ang lalaking kaya siyang mahalin nang lubusan. Hindi ba ganoon naman po kapag mabubuting nilalang? Kailangan minamahal," mahaba niyang saad sa akin kaya naghahabol siya ng hininga pagkatapos niyang magsalita.

Hindi ko maiwasan na mapahanga dahil sa kabila ng kaniyang murang edad ay tila nakakaunawa siya ng mga bagay-bagay. Batid kong naalagaan siya nang husto ng kaniyang nakatatakdang kapatid. "Huwag kang mag-alala, batid ko ang tamang pag-ibig na nararapat para sa prinsesa," mahina kong saad sa kaniya kasabay nang paghigpit ng kaniyang yakap.