Chereads / Moon Star "The Lucky Stripper" / Chapter 26 - Special Chapter: The Confrontation

Chapter 26 - Special Chapter: The Confrontation

Special Chapter 26: the confrontation (this chapter happens after they found out ba yung tatay nila yung nang rape kay angelina

Carson POV

"WHAT THE FUCK IS THIS MOM?!" tell me it's not true, please tell this isn't true.

Napatingin ako sa babaeng mahal ko at wala akong makita sa lumuluha niyang mata kundi ang sakit at galit.

Mom tried to explain pero wala akong ibang tinitignan kundi si Angelina na unti unting nawawalan ng expression ang mga mata. I'm sorry Angel

Nanatili akong nakatingin sa kanya, but what she said make my world collapsed, "You're not supposed to hear that, pero tama ang magulang niyo masisira lang tayo ng pagsasamang ito."

After she said that walang lingon likod itong tumakbo, we want to chase her pero nanatili kami ng kapatid kong parang estatwang nakatayo sa harap ng magulang ko habang nakatingin dito ng matalim.

After makalabas ni Angel sa bahay ay galit na galit akong humarap sa nanay ko at sinigawan Siya, "WHAT THE FUCK MOM, PAANO MO NAATIM NA HINDI SIYA TULUNGAN?!"

Masama ang loob ko pero mas lalo itong naging masama dahil sa lalaking pumasok sa sala.

Habang matalim akong nakatitig sa lalaking tinitingala ko sa lahat ay unti unti akong nilalamon ng pagkamuhi at suklam.

"Son-" magsasalita palang si dad ay mabilis ko na siyang pinutol.

"Why her?" asik ko sa kanya

Muli akong nagtanong nung hindi siya sumagot, "Why did you do that? Is mom not enough?!" nakakasama ng loob na yung taong sobrang laki ng respeto mo ay siya din palang dahilan ng paghihirap ng babaeng pinakamamahal mo.

"Why did you cheated on MOM?!" Hindi ko na napigilan ang pag sigaw dahil sa pananahimik ni dad.

One thing that I notice, nagmamakaawang tumitig si mom kay dad, habang umiiyak at umiiling.

"What is it mom, anong tinitingin tingin mo kay dad, sa tingin mo ba matutulungan ka niya?" Ani ko habang nangingisi sa mga magulang ko

"Wag mong pagsalitaan ng ganyan Ang mommy mo!" This time malakas ang boses ni dad ng sabihin niya iyon.

Mas lalo lang akong nakaramdam ng galit dahil sa kanya, "THEN WHY CAN'T YOU ANSWER MY QUESTION!"

"KASI HINDI AKO ANG AMA NIYO!" tigagal akong napatingin sa ama ko ng isigaw niya ang mga salitang babago sa buhay naming magkapatid.

"Ricardo!" mom shouted pero nanatili akong hindi makakilos dahil sa narinig, paulit ulit na naririnig ko sa isip ko ang mga sinabi ni dad

"KASI HINDI AKO ANG AMA NIYO!"

"KASI HINDI AKO ANG AMA NIYO!"

"KASI HINDI AKO ANG AMA NIYO!"

"KASI HINDI AKO ANG AMA NIYO!"

"Mom, is that true? IS THAT TRUE?!" si cray ang unang nakabawi sa aming dalawa natauhan lang ako nung sumigaw siya ng pagka lakas lakas.

Nanlalaki ang matang napatingin ako kay mommy na walang ginawa kundi ang umiling ng umiling habang tahimik na lumuluha.

"S-Sino?!" Nanginginig ang boses ko ng tanungin ko si mom.

"S-son pl…ease." Nagsusumamo pakiusap ng aking ina pero wala na akong ibang maramdaman kundi pamamanhid nalang.

Ang pamilya akala ko ay kumpleto at totoo ay isa lamang palang kasinungalingan, na ngayon ay unti unti ng gumuhuho sa aking harapan.

"PUTANG INA MOM, TIGILAN MO AKO SA LUHA NA YAN DAHIL HINDI YAN ANG KAILANGAN KO, ANG KAILANGAN KO AY ANG SAGOT MO SA TANONG KO!" Hindi ko na napigilan ang mapamura dahil sa inis ko sa nanay ko.

"CARSON CONSTANTINE, HUWAG MONG MUMURAHIN ANG NANAY MO!" mabilis na tinakbo ni dad ang pagitan namin para kwelyuhan ako.

"Bakit dad, nasasaktan ka ba?" nanunuyang tanong ko sa kanya.

Mabilis ang pangyayari huli na nung maramdaman ko ang kamaong tumama sa mukha na naging dahilan ng pagbagsak ko sa semento.

Pero imbes na matakot ay mas lalong nadagdagan ang galit ko.

"KUYA! CARSON!" magkasabay na sigaw ni mommy at cray ang narinig ko.

"Pagkatapos naming ibigay ang lahat sa inyo ay ganito ang igaganti mo samin, dahil lang sa babaeng iyon ay halos isumpa mo na kami?!" nagpanting ang tainga ko sa sinabi ni dad sa akin.

Mabilis akong tumakbo sa kanya at kagaya ng ginawa niya ay kinuwelyuhan ko din siya habang nanlilisik ko siyang tinitignan.

Akala ko ako lang ang nakaramdam ng galit dahil sa sinabi niya pero nagkamali ako dahil sa narinig ko.

"Anong sinabi mo?!" may babala sa tinig ng aking kapatid.

Dahan dahan akong napatingin sa kanya at halos mangilabot ako sa nakikita ko, he is looking at our father deadly.

Muli akong humarap sa ama namin na bakas ang takot sa mga mata

"wala kang karapatan na insultuhin ang babaeng mahal ko sa harapan ko, at ito ang tatandaan mo wala akong magulang na rapist." Matalim Kong tinitigan si dad tapos "at manloloko" diniinan ko ang bawat katagang binigkas ko habang tinignan ko ang mga magulang ko.

And with that I punched him in the face and stormed out of our house.

"KUYA!" sumigaw si cray at mabilis na tumakbo pasunod sa akin

Huli kong narinig ay ang sigaw ni mom habang tinutulungang tumayo si dad, "CARSON! CRAY!".

Hindi namin pinansin ang pagtawag ni mom.

Kaagad naming tinungo ang kotse na dinala namin kahapon at mabilis itong pinaandar.

Sa totoo lang hindi ko alam kung saan kami pupunta, kaya nagpaikot ikot lang kami sa kalsada ng subdivision namin.

Nang magtanong si cray, "kuya, hindi ba natin pupuntahan si Angel?" malungkot na tanong ng kapatid ko, gustong gusto ko na puntahan siya pero alam kong hindi ngayon ang tamang araw kaya naman sinabi ko sa kapatid ko na, "sa susunod na araw nalang, hayaan muna natin siyang mapag-isa."

Bakit kung kailang maayos na ang lahat, saka pa magiging magulo ang lahat?"  Hindi ko alam kung Ako ba ang tinatanong nung kapatid ko oh ang sarili niya.

Pero kahit ganon ay sinagot ko padin siya "magiging maayos ang lahat, magtiwala ka lang". Sagot ko sa kanya

"Sana nga kuya, sana nga" Ani Cray

Pagkatapos ng usapan namin na iyon ni Cray ay nagmaneho na ako papunta sa pinakamalapit na bar para magpakalasing at makalimot.