Chereads / Moon Star "The Lucky Stripper" / Chapter 27 - Special Chapter: The Reconciliation Part One

Chapter 27 - Special Chapter: The Reconciliation Part One

Chapter 29: Special Chapter (reconciliation betwen cray& Carson and Angelina's parents)

Cray POV

It's been what? Three years, sobrang tagal na din pala kakagaling lang namin sa puntod ni Angel para bisitahin siya kasama yung mga bata ngayon third death anniversary niya.

Today naisipan namin na puntahan ang parents ni Angel, hindi namin sigurado kung ano ang mangyayari pero umaasa kami na makakausap namin sila ng hindi nagagalit.

Ayaw na sana namin na makipagkita sa parents niya pero kailangan nilang makilala ang mga apo nila at para na din kay Angel itong ginagawa namin.

After all ilang taon na silang hindi nagkakaayos ngayon na siguro yung time para magkaayos ang lahat.

For sure matutuwa si Angel sa gagawin namin.

"Daddy, where are we going po? Tanong ni Clyde sa akin, ngumiti ako sa kanya at sinagot siya.

"Where going to Lola's house".

This time kay kuya ako tumingin at nagtanong, "Is this okay, kuya?".

Napatingin si kuya sa akin habang nagmamaneho, pagkuwa'y ginulo niya ang buhok ko at sinabing, "syempre naman para kay Angel, remember?" napangiti nalang ako habang tumatango.

Sandali lang ang naging byahe namin dahil via plane naman kami, sa totoo lang parang ayaw ko silang makita dahil hanggang ngayon hindi ko matanggap na binenta nila si Angel, pero wala akong magagawa para sa pinakamamahal ko itong ginagawa ko.

"Daddy, where are we?" this time it was Clade who ask me

"Lola's house baby" answered kuya Carson

"Tao po! Tao po!" nakakadalawang tawag palang kami ay nakita na naming lumalabas ng bahay ang isang may edad na babae.

Sa unang tingin ko palang ay napansin ko ang malaking pinagbago ng matanda, kung dati ay mukha itong mas bata ng kaunti kumpara sa edad niya ngayon naman ay parang naging doble ang edad nito.

Pero ganon pa man ay nanatili sa mata nito ang kawalan ng pakialam sa nangyayari at mga mangyayari pa.

"Magandang tanghali po, alam ko pong hindi pa po tayo pormal na nagkakakilala, pero andito po kame para makausap kayo tungkol kay Angel!" magalang na saad ko

"Anong kailangan niyo? Walang Angel na nakatira dito!" pagtataka ang nakikita ko ngayon sa mata ng nanay ni Angel.

"Angelina Cristobal-Constantine your daughter, our wife." Pagkasabik palang ni kuya sa pangalan ni Angel ay kaagad ng tumulo ang luha ng babaeng nasa harap namin.

"Tumuloy kayo!" pagkasabik niya non ay tumalikod na siya sa amin para pumasok sa loob ng bahay.

Inakay namin ang mga bata habang sumusunod kami sa matanda papasok sa loob ng bahay.

"umupo kayo!" iminuwestra nung matanda ang upuan ng napansin nitong wala kaming balak umupo.

"Hindi na po ako magpapaligoy ligoy pa, gusto kong malaman bakit nagawa mo siyang ipagbili?" may halong hinanakit sa boses ni kuya ng tanungin niya iyon.

Pilit ko man balewalain ang lahat masakit pa din para sa akin na magulang naming pareho ay ginawang si Angel ng kasalanan.

Nanatiling tahimik ang nanay ni Angel, habang nakatingin sa mga batang kasama namin.

"k-kamukha s-sila ni A-angelina" Hindi na makapagsalita ng maayos ito dahil sa pag-iyak.

"Bakit hindi ka nagpakita, hinintay ka niya nung araw nung kasal hanggang sa araw kung kailan siya kinuha sa amin pangalan mo yung isa sa binabanggit niya, ni hindi ka nagpakita kahit nung huling araw niya sa mundong ito?!" Hindi ko na napigilan ang mga luha ko, kusa na silang tumulo dahil sa sobrang sama ng loob ko.

Napatingin ako sa mga anak namin ng maramdaman kong humawak ang maliliit pa nilang kamay sa mga kamay ko.

"Daddy, cry?" ngumiti ako sa anak namin at humalik sa kanilang ulo at umiling.

"Nahihiya ako, hindi ko alam kung paano siya haharapin, sobrang laki ng kasalanan na nagawa ko sa kanya at hiyang hiya ako sa sarili ko, araw araw kinakain ako ng konsensya ko na s-sana, sana hindi ko siya sinaktan, n-na sana minahal ko siya, sobrang sakit araw araw sinisisi ko yung sarili ko sa nangyari sa kanya, walang oras na hindi ko pinagdasal sa Panginoon ang kaligtasan niya, na sana ako nalang at hindi siya, pero huli na ang lahat dahil hindi ko manlang siya nagawang tulungan, ang masakit ako pa yung naging dahilan kung bakit siya nawala." Umiiyak ang nanay ni Angel habang sinasabi sa amin ang mga katagang iyon.

Hindi na namin napigilan pa ang aming sarili at niyakap na namin siya ng mahigpit, na mas nagpahagulhol sa nanay ni Angel.

"Maraming salamat at prinotektahan niyo ang anak ko, salamat at minahal niyo siya at sinamahan hanggang sa huli, salamat at hindi kayo sumuko sa kanya kagaya ng pagsukong ginawa ko." Kumalas ito ng yakap sa amin at niyakap naman nito ang mga anak namin.

"mga apo lagi niyong tatandaan na mahal na mahal kayo ng mommy at daddy niyo kaya magpapakabait kayo ha!" umiiyak ito habang pinapayuhan ang mga anak namin ni kuya

"Nay, si tatay po, si carmina? Pagkuwa'y tanong ko kay nanay Angie.

Malungkot na ngumiti si nanay, " si Carmina nasa school pa siya at nagtuturo, pero si tatay niyo isang taon na siyang wala."

"sorry po" niyakap ko si nanay, nakakalungkot na hindi man lang namin siya nakausap o nakilala.

"Ano pong kinamatay niya?" nagtanong ko nalang kahit alam kong medyo offensive yun.

"nung nalaman niya na namatay si Angelina, malaki yung naging epekto nun sa kanya, masyado niyang dinibdib yung nangyari, sinisisi niya yung sarili niya sa pagkawala ng anak namin." Huminto pansamantala si nanay at humingi ng malalim bago nagpatuloy.

"Last year habang nagmamaneho siya ng pampasaherong tricycle, nabangga ito ng nawalan ng control na truck, dead on arrival siya sabi nung mga pulis na nakainom daw ito at bago daw ito bawian ng buhay ay paulit ulit daw itong humihingi ng tawad sa anak namin ." Naluluha si nanay habang nagkukwento.

"sorry po" Wala kaming ibang masabi kung hindi ang sorry pero umiiling lang siya sa amin.

"dun din namin nalaman na patuloy pala sa pagbibigay ng pera sa amin si Angelina, ipinapabigay lang niya duon sa kapit-bahay namin, akala ko dahil sa galit nung muli kaming nagkita ay hindi na siya tutulong, pero nanatili siyang tumutulong sa amin." Napakabait mo talaga wife sana maayos ka na ngayon

"Pero kagaya ng dati nagpatuloy kami sa buhay namin kahit wala na yung mga taong mahalaga samin, sayang ngalang kase huli ko ng narealize ang halaga ng panganay kong anak." Umiling ako kay nanay para ipakita sa kanyang wala siyang kasalanan.

Oo nakagawa siya ng kamalian pero kung hindi dahil sakanya ay baka hindi namin nakilala si Angel.

"Salamat po kase kayo yung magulang ni Angel, salamat sa pagpapahiram sa kanya samin." Muli ay yumakap kami dito ng mahigpit at nagdesisyon ng umalis.

"Tutuloy na po kami pero dadalaw dalaw po kami, Clyde, Clade magpaalam kayo kay Lola niyo." Utos ni kuya Carson sa dalawang bata at nagpaalam nadin tuloy kami.

"Bye po Lola!" nakangiti ang dalawang bata habang sabay na nagpaalam, natutuwang humalik si nanay sa ulo ng mga anak namin at yumakap dito ng mahigpit.

"Mag-iingat kayo!" kumaway si nanay Angie sa amin, pagkatapos namin na kawayan siya pabalik ay dumiretso na kami sa nirentahan naming sasakyan.

Angel, nakita mo sana kung gaano ka kamiss ni nanay, miss na miss ka na din namin wife, I love you so much wife!"

Napangiti ako habang nakatingin sa mga anak namin at kay kuya na nagmamaneho pauwing bahay namin