Chereads / Moon Star "The Lucky Stripper" / Chapter 28 - Special Chapter: The Reconciliation Part Two

Chapter 28 - Special Chapter: The Reconciliation Part Two

Chapter 28: Special Chapter (reconciliation betwen cray& Carson and their parents

Carson POV

"Are you ready to face our parents?" Tanong ko kay Cray habang nagmamaneho ako papuntang tagaytay.

Kakagaling lang namin  ng Cagayan De Oro para kausapin ang parents ni Angel, nakakalungkot lang na wala na pala si tatay.

Siguro nakausap na din siya ni Angel sa heaven, masaya ako at naayos na yung gusot sa nanay niya, nakakaawa lang na naging huli ang lahat para magkapatawaran sila at mas makasama pa ang isa't isa.

Pero alam ko namang hindi nagtanim ng galit si Angel sa magulang niya, hindi kagaya namin ni Cray na mula noong nalaman namin sa ampon lang pala kami ay hindi na kami unabes na nagpakita.

Ngayon palang yung time na pupunta kami sa bahay ulit at natatakot ako na hindi na nila kami ituring na anak. Mahal na mahal ko ang magulang ko kahit na sabihing hindi ko sila parents ay sobrang mahal ko sila, nasaktan lang talaga ako kaya ko nagawang pagsalitaan sila ng hindi maganda.

"Namimiss ko na din sila kuya" Ani Cray

Ngumiti ako sa kanya at binilisan na ang pagpapatakbo ng sasakyan.

Nang makarating kami sa bahay ay inabutan namin si mommy and daddy na malungkot na nakaupo sa bench sa garden at nakatanaw sa malayo.

Napabuntong hininga ako dahil sa awang nakikita ko sa magulang ko, paano ko natiis na saktan ang magulang ko, imbes na ipagpasalamat ang pagbibigay sa amin ng marangyang buhay ay nakukuha ko pa silang saktan.

"hey baby go to your Lolo and Lola and hug them." Nakangiting utos ko sa dalawang anak namin.

Napakabait ng mga anak namin, para silang si Angel sa tuwing tumitingin ako sa mga anak namin ay hindi ko maiwasan ang maiyak dahil kamukhang kamukha talaga sila ng namayapa naming asawa.

"Lolo, Lola!!!" natawa ako ng makitang gulat na gulat na nakatingin ang magulang ko sa mga anak namin.

Pagkasigaw ng mga anak namin ay mahigpit itong yumakap kila mom.

Naiiyak na tumingin samin si mom at dad habang mahigpit na nakayakap sa mga anak namin.

Nang makita kami ay mabilis na tumakbo si mommy papunta sa amin para yakapin kaming magkapatid.

Napatawa nalang ako sa paghagulgol ni mom "hahaha".

"son-!" yun lang ang nasabi ni dad dahil mabilis ko siyang pinutol sa pamamagitan ng mahigpit na yakap.

"Sorry dad, sorry!" nakakabakla man pero hindi ko mapigilan ang maiyak dahil sa sobrang pagkamiss ko sa parents ko.

"Ano ba kayo, dapat nga ako, kami ang dapat na mag sorry sa iyo lalo na kay Angelina." Ani dad habang tinatapik ako sa  likod.

"Dad, miss na miss ko na kayo ni Mommy!" this time it was Cray who hug our parents while weeping.

"Dad, Mom can you tell us everything please?" pakiusap ko sa parents namin ng kumalas ako sa yakapan.

Bumitaw sa yakap ni Cray si dad at tinanguan kami.

Sabay sabay kaming pumasok sa loob ng bahay kung saan nakatayo si nanay elvie habang tahimik na lumuluha.

"Nanay!" tumakbo kami ni Cray kay nanay at yumakap dito.

"oh mga alaga ko, bakit ngayon lang kayo?" umiiyak na tanong ni nanay elvie

"Nanay pwedeng pakibantayan muna yung mga anak namin?" Masayang tumango si nanay elvie sa pakiusap ni cray, tinignan muna nito ang mga anak namin at may lungkot sa matang niyakag ang dalawang bata papuntang kitchen.

After umalis ni nanay elvie at nung mga Bata ay naupo kami sa sofa sa sala.

"So dad pwede mo na po sabihin lahat, sana po yung kumpleto at walang kulang." Seryosong sambit ni Cray

Napatingin ako sa kapatid ko at nakita ko ang seryoso niyang mukha at mata.

"maaga kaming nagsama ng mommy mo, kahit na ayaw pa ng mga magulang namin ay nagpumilit kami umabot kami sa puntong pinalayas kami ng mga magulang namin. Pero dahil sa katigasan ng ulo ay hindi namin inalintana ang mapalayas ng magulang. Hanggang sa isang araw sa tinagal tagal ng pagsasama namin ay sinabi sakin ng mommy mo na nagdadalang tao siya." Tumingin ako kay mommy dahil parang alam ko na kung saan papunta ang kwento ni dad, habang nakatingin ako kay mommy ay hindi siya makatingin pabalik at parang hiyang hiya siya.

"I ask your mom kung sino ang ama dahil alam kong hindi ako pwedeng magkaanak, when your mom told me na yung kaibigan niya yung tatay ng batang dinadala niya, I was beyond mad, wala na akong ibang naisip non kung hindi ang mga pagkukulang ko sa kanya. Kaya nagpunta ako sa isang kakilala sa probinsya para bumisita nalaman ko na buntis din yung kakilala ko, at handa niyang ibenta ang anak niya pagkailangan na." Ani dad na hirap na hirap magsalita

"And then nanganak yung mommy mo pinalaki kita na parang tunay kong anak for awhile nakalimutan ko yung kasunduan namin nung kakilala ko not until one year later sinabi ulit sa akin ng mommy mo na buntis siya. This time sobrang sakit na galit na galit ako sa mommy mo, kasi sa pangalawang pagkakataon ay niloko niya ako." Tumingin si dad kay mommy at humingi ng sorry

"Hon, sorry sa kasalanan ko sa iyo labis akong nagsisisi." Naluluha si dad habang humihingi ng tawad habang si mom naman ay umiiling lang.

Hindi ako makapaniwalang tumingin kay daddy kase siya pa ang nagsosorry kahit na si mom ang malaki ang kasalanan, I thought I have a perfect family but I guess I live in a family full of lies.

"Kagaya ng dati inalagaan ko kayo ni Cray napatawad ko yung mommy mo, pero thirteen years later bumalik ako sa province para makipagkita sa kakilala ko, doon ko nakita si Angelina she looks frail and fragile, pero hindi ko maiwasan ang hangaan siya sa angkin niyang ganda." Pumikit ng mariin si dad na parang ang sakit sakit para  sa kanyang balikan ang nakaraan.

Kahit sa akin ay sobrang hirap nito, parang bumabalik din sa akin yung time na kinwento samin lahat ni Angel yung nakaraan, it's like a memory who keeps on coming back so as my anger.

Muli ay nagpatuloy si dad sa kanyang pagkukwento.

"Nung nakita ko si Angelina, unti unting bumalik sa akin yung ginawang panloloko nung mom niyo, kaya nag desisyon akong bilhin si Angelina alam kong walang kasing sama ang ginawa ko sa kanya at araw araw pinagsisisihan ko iyon."

Pansamantalang huminga ng malalim si dad saka muling nagpatuloy.

"Nung nalaman ko na may nakakuha sa kanya ay pinaimbestigahan ko iyon, hanggang sa napag-alaman ko na maayos na siya at magtatrabaho sa Crystal Bar. Mula noon ay hindi ko na siya pinasundan ang malamang maayos ang kalagayan niya ay sapat na sa akin." Pinal na ani dad

Nang matapos ang pagkwento ni dad ay matalim kong tinitigan si mom at tinanong ng bagay na nakakainis para sa akin. "Why did you cheated on dad? And why didn't you help Angel back then?!"

"I was young I want to have my own kids pero dahil sa hindi kami magkaanak, isang araw ay naisipan kong makipagkita sa kaibigan ko from college at doon sinabi ko lahat ng problem ko, we got drunk, it was too fast hindi ko na halos maalala ang nangyari nung time na iyon, nagising nalang ako na magkasama na kami sa kama walang saplot sa katawan." Ani mom habang pabalik balik ang tingin sa aming magkapatid.

"And then naulit yung nangyari kay Cray dahil nalaman ko na nagpunta ng province yung dad niyo, alam kong may mali, thirteen years later umalis yung dad niyo, alam ko kung saan siya pupunta kaya naghintay ako sa bahay para sana tanungin siya pero hindi siya umuwi, kinabukasan nalang siya umuwi ng bahay, hindi ko maiwasan ang mag-isip ng kung ano-ano, nauwi kami sa pagtatalo, kaya naman kinabukasan ay umalis ulit yung daddy niyo ay lihim ko siyang sinundan, nung nakita ko na sa condo lang namin siya pumunta balak ko na sana na umalis na kase dun lang naman pala ang punta niya." Ani mom at humawak sa kamay ni dad, kitang kita ko kung paano pisilin ni dad yung kamay ni mom na parang sinasabi na okay lang ang lahat.

"pero dahil sa nalaman ko ang naging dahilan ng paguwi niya ng province ay sinundan ko ang daddy niyo, hanggang sa condo at doon mo nakita yung isang batang babae na nakatali ang mga kamay at paa habang g-gina…ha!.ha!.ha!." Hindi naituloy ni mom ang sasabihin niya at magkakasunod na napahinga, mabilis tumakbo ng kusina so cray para kumuha ng tubig.

Nang makainom ng tubig si mom at maging maayos ang kanyang paghinga ay muli siyang nagpatuloy.

"nung nakita ko yung ginagawa niya sa batang babae ay hindi ko naiwasan ang masaktan at mangilabot, tahimik akong pinapanood siya at ang kawawang babae, nang makita ko itong nakatingin sa akin, para siyang sa kawalan nakatingin pero alam kong sa akin nakatuon ang mga mata niya dahil kitang kita ko dito ang pagmamakaawa-" pinutol ko ang sasabihin ni mom

"then why didn't you help her?!" malakas ang boses na tanong ko.

"I WANTED TO!, BUT-but." Pumiyok ang boses ni mom at magkakasunod na luha ang tumulo sa kanyang mga mata.

" I wanted to, I really do pero dahil sa pagkakasala ko sa daddy niyo ay tinanggalan ko ng karapatan ang sarili kong pagbawalan siya kahit masakit, and then just like every problem naging maayos kami hanggang sa dumating kayo dito kasama yung babaeng naging dahilan ng bangungot ko." Ani mom

"Anak patawarin ninyo kami, araw araw simula nung mamatay si Angelina ay walang araw na hindi kami pumunta sa puntod niya para humingi ng tawad, alam kong huli na para doon pero umaasa kaming mapatawad niya, at sana kayo din." Nagsusumamo ang tinig ni mom

Napabuntong hininga ako at nagsalita, "mom what you guys did, akala ko sobrang perfect couple kayo pero this?!" Galit na sumbat ko sa kanila at dinuro sila bago ako nagpatuloy, "I thought you guys are better than that!".

"I'm sorry son, I really am sorry!" sambit ni dad

"I know it's happen in the past at alam kong napatawad na kayo ni Angel, siguro oras na din para mag move forward." I smiled at my parents kahit na sobrang sakit nitong gagawin ko pero alam kong matutuwa si Angel.

"Pinapatawad ko na po kayo, dahil alam kong yun din yung gustong mangyari ni Angel." Tumingin ako kay Cray at nakita ko siyang tumatango.

"oh mga anak ko!" umiiyak na tumakbo papunta sa amin si mom at niyakap kaming dalawa ng kapatid ko (magkatabi po sa upuan kaya nayakap ng sabay).

I patted her back habang nakatingin ako kay daddy na tumango lang habang nagpupunas ng luha.

Hindi man nakuha ni Angel ang hustisyang nararapat sa kanya alam kong masaya na siyang makitang maayos na ang lahat.

Alam kong dapat may gawin kami sa nangyari pero bilang isang anak sobrang sakit ang makita mong nahihirapan ang magulang na nirerespeto, hinahangan at minamahal mo.

"I'm sorry Angel!" Hingi ko ng tawad sa isip ko.

Kahit nasaan ka ngayon ay mahal na mahal ka namin.

The real end