Chereads / Moon Star "The Lucky Stripper" / Chapter 21 - Chapter Twenty

Chapter 21 - Chapter Twenty

Chapter 20: Planning the wedding

"Hindi ko gusto yung kulay na yan!" reklamo ko habang nakatingin ng masama sa kulay pink na bulaklak.

"Ano ba kase ang gusto mong kulay Angel?" Nagpapasensyang tanong ni Carson

"Hindi ko alam basta hindi ko gusto ang kulay pink!"

"Angel hindi pwedeng hindi mo alam sige ganito nalang pumili muna tayo ng design ng gown at tuxedo okay ba?" Muling tanong ni Carson na mariin kong tinutukan

"No!" Nakanguso na ako habang galit na nakatingin sa kanila.

Kanina pa nagpipigil ng inis sa akin ang dalawang ito kase kanina pa namin pinagtatalunan ang kulay ng bulaklak na gagamitin para sa kasal.

"Ano sa tingin mo yung kulay na beige?" napatingin naman ako kay Cray dahil sa suggestion niya.

"I love that! I love that!" I squeal in delight tapos sabay na napahinga ng malalim ang dalawa.

"Thank God!" sabay pa nilang naiusal, natawa nalang ako sa inakto nila, alam kong this past few months ay ang hirap kong intindihin Lalo na ngayon pero hindi sila nagsasawa na unawain ako.

Nilagyan ko ng check yung box sa tapat ng flowers na nakalista sa to do list ko.

"Angel what do you want for the theme?" tanong ni Cray sa akin pero may iniisip akong importanteng bagay kaya hindi ko siya nasagot

"Hey wife!" malakas ang boses na tinawag ako ni Carson at saka ako tinapik sa balikat.

"Eh?" gulat na tanong ko at saka bumaling sa magkapatid na nakatingin sa akin ng may pag-aalala

"Anong problema?" tanong ni Cray at hinawakan ang pisngi ko

"S-San tayo magpapakasal? Alam naman natin na mahigpit ang mga simbahan dito." Hindi na ako mapakali habang iniisip ko ang magiging reaksiyon ng pari na magkakasal sa amin

"Mga immoral kayo!" I flinched because of my horrible thoughts.

"Ange---!" I stop him by asking another questions.

"What if? Huwag na lang tayong magpakasal? Or mag huwes nalang tayo? Or pirmahal nalang sa munisipyo? Alam niyo yun para maiwasan ang komplikasyon?" suggestions ko pero unti unti lang nalukot ang mukha ng dalawang kaharap ko.

"Angel mag church wedding tayo okay!"

"Pero---!" tututol pa sana ako kaso pinutol din nila ang sasabihin ko

"Everything is fine, nakahanap na kami ng church na pwedeng magkasal sa atin sa ibang bansa, kaya don't worry too much, baka makasama kay baby" pag sisiguro ni Carson na tinanguan ni Cray.

Pagkuwa'y hinawakan nila ang tiyan ko na may kalakihan ng umbok at saka hinalikan.

"Six months nalang lalabas na kayo excited na ang mga daddy niyo na makita kayo." Masayang bulong ni Carson habang hinahalikan nila ni Cray ang tiyan ko

I'm in my three months of pregnancy, pero dahil sa kambal ang dinadala ko ay may kalakihan na ang tiyan ko.

Two months from now ay ikakasal na kame kaya minamadali na namin ang pag-aayos ng mga dapat na ayusin, mula sa imbitasyon na ipamimigay namin sa mga piling kakilala, hanggang sa umabot na kami dito sa pamimili ng kulay ng bulaklak.

Nung nakaraang linggo pa namin naipadala ang mga imbitasyo para sa kasal, pinadalhan din namin ang aming mga magulang perk I doubt kung makakapunta sila.

Hindi naman kaso sa akin kung makapunta man ang parents ko dahil alam ko sa sarili kong galit sila sa akin pero importante padin na malaman nilang ikakasal na ako.

Na nahanap ko na yung taong bubuo sa pagkatao ko at makakaya kong pag alayan ng buhay ko.

"Angel?!" Kung kanina ay tapik lang ang ginawa ng magkapatid this time sumigaw na talaga sila na naging dahilan ng pagkagulat ko.

"Sorry!" I apologetically smile at them

"What is it Angel?" pamimilit niyang tanong.

I heaved a deep sigh and talk.

"I am just worried, what if hindi pumunta yung mga magulang natin?" mababa Ang boses na tanong ko.

"It doesn't matter kung pumunta man sila o hindi, mas mabuti pa nga na hindi sila pumunta dahil baka kung ano lang ang gawin nilang hindi maganda." May halong inis Ang boses ni Cray ng sabihin niya ang mga katagang iyon.

Sa totoo lang naisip ko na din ang bagay na iyon pero kahit pa baliktarin namin ang mundo ay magulang pa din namin sila.

"Don't say that, magulang pa din natin sila." Kontra ko sa sinabi niya

"But Angel we're not gonna force you to meet our parents again." I am really happy na kinoconsider nila ang mararamdaman ko. I smiled at then and say.

"I'm fine, really fine, I know na hindi ganon kabilis na mapapatawad ko sila sa nangyari sa akin pero that's not entirely their fault and I know you love your parents." Pagpapaliwanag ko, the two smile at me.

"You surely are amazing Angel!"

"And we're lucky because you decided to be our wife."

Napangiti ako ng malapad sa sinabi nung magkapatid

"I am so lucky to have you both mahal na mahal ko kayo!" I kiss them on their cheeks at bumalik na ulit ako sa pagtingin ng mga designs na gagamitin.

"Okay lang ba talaga na mag church wedding tayo? Okay lang naman ako kahit judge lang eh." Hindi ko parin talaga maiwasan ang mag alala.

"Hey! Everything will be just fine Angel."

"anong color ng mga flowers and other designs ang gusto mo sa church?" tanong ni Carson sa akin habang naglilipat ng pahina sa magazine na tinitignan niya.

"I want everything in combinations of beige and white." I smiled

"Okay then!" Yun lang ang sinagot niya

"Hey Angel, date tayo?" tanong ni Cray na tinanguan ko lang at bumalik na ulit sa ginagawa.

Ilang oras din ang tinagal namin sa pag-aayos ng wedding namin napag desisyonan namin na si Amara ang magiging made of honor ko at yung isang kaibigan naman nila ang best man.

Kung sakaling hindi makakapunta ang parents namin ay si Mama Mosang ang mag aakay sakin sa simbahan.

And about naman sa venue sa US kame magpapakasal bali sa month ng kasal ay babyahe kami papuntang US kasama yung mga invited sa kasal namin.

After naming mag prepare para sa wedding namin ay nagpunta kami sa isang mamahaling restaurant.

Pagdating namin ay agad na silang nag order ng kakainin namin.

Habang masaya kaming kumakain habang nag-uusap ay may biglang umupo sa bakanteng upuan sa lamesa namin.

Sabay sabay kaming nag angat ng tingin sa kung sino ang umupo at nang makita namin ay sabay sabay din kaming napabuntong hininga.

"HOI! ANO BA YAN KAKAUPO KO LANG AT WALA PA AKONG GINAGAWA EH NAGBUBUNTONG HININGA NA KAYO!" nagrereklamo ang malakas na boses ni Castel sa aming tatlo.

Tama kayo ng dinig si Castel ang kaharap namin at nakatingin siya sa amin na parang natatawa na naaasar.

"Anong ginagawa mo dito?!" seryoso ang boses ni Carson ng tanungin niya ito. Ayokong naririnig na ganyan ang tono ng boses niya dahil nakakatakot ito para siyang mangangain ng tao any moment. Okay lang kung ako Ang kainin niya hahaha. Natawa nalang ako sa pinag-iiisip ko.

"I just want to apologize for what happened sa pagitan nating apat." Naramdaman ko ang sincerity sa boses ni Castel ng humingi siya ng paumanhin. I look at her and say this.

"Wala ka namang ginawang masama." Mahinang sabi ko dahil yun ang totoo wala siyang ginawang masama.

"What really happen Castel?" this time ay si Cray ang nagtanong and just like Carson seryoso din ang boses na ginamit ni Cray pero mas light ng konti.

"What's with the wedding?" Hindi pa man nakakasagot si Castel ay nagtanong na ulit si Carson. I rolled my eyes at Carson because he's scared Castel using his serious tone.

"First I really don't know what happen, before I decided to go home aunty (your mother) called me and told me that she thinks you guys have met someone kase lagi daw kayong busy and madalang na kayong umuwi sa bahay-" she stops for a while to sip in her ice coffee and continue.

"And then they decided to pick me up sa airport, tapos nung dumating kami sa bahay nakita namin kayong tatlo na alam niyo na naghahalikan. That's when aunty came up to me na makisakay lang ako sa kanya." She continued hindi ko maiwasan na magtaka kase umiyak siya nung gabing iyon at kitang kita ko iyon, kaya alam kong may iba siyang nararamdaman.

"then why did you cry?" mukhang parehas kami ng iniisip ni Cray dahil nakakunot ang noo niya ng tanungin niya si Castel.

"itutuloy ko nalang yung kwento ko baka mamaya magtanong pa kayo ng iba eh, so makinig nalang kayo tch.." she rolled her eyes at Cray and hindi ko alam kung bakit ang sexy niyang tignan (shit natotomboy ba ako sa kanya?).

Halos batukan ko ang sarili ko sa mga naiisip ko.

"Please" this time ako na ang tumugon sa sinabi niya dahil gusto ko din itong marinig.

"nung nakita natin yung isa't isa sa garden non, I noticed not just your reactions but also aunty and uncle's, I suspected na may nangyari kase the way you looked at them, I saw fear and anger." Lumunok muna siya Bago nagpatuloy

So I ask tita about it, alam ko sa sarili kong may itinatago sila kaya pinilit ko silang sabihin sakin, HAHAHA tinakot ko sila that time sabi ko hindi ako papayag sa gusto nilang mangyari pag hindi nila sinabi sakin, so they don't have a choice kaya sinabi nila sa akin yung nangyari, HAHAHA  I remember aunty's face that time, gusto na niya akong kalbuhin" natawa na ng tuluyan si Castel habang nagkukwento, napasimangot nalang kaming tatlo dahil sa pagtawa niya.

"Chill hahaha, ito na, ito na, tatapusin ko na." natatawa pa din talaga siya habang tinataas ang dalawang kamay as a sign of surrender

"I was angry at them dahil sa ginawa nila, pero hindi naging dahilan yun para hindi ako sumunod sa gusto nila dahil may isang salita ako, kaya nung dinner nung sinabi ni Carson na ayaw niyang magpakasal sa akin ay hindi ako umiyak dahil doon, umiyak ako dahil hindi ko maimagine na nakakaya mong mabuhay sa kabila ng dinanas mo, nasasaktan ako sa ginawa nila sa iyo." Malungkot na napatingin sa akin si Castel, pero I just smile at her, grab her hand and squeeze it.

"Wife dapat na ba kaming magselos kanina pa kita napapansin ah nakatingin ka lagi Kay Castel?" ngumuso si Carson matapos niyang sabihin iyon, napatawa nalang  at napailing dahil sa kakulitan niya.

"Gusto ko ata siyang paglihian mahal" nakangiting sambit ko habang nakatingin parin Kay Castel.

"YOU'RE PREGNANT?! AHHHH!!!! NINANG AKO! NINANG AKO!" nakakatuwa si Castel kase talagang kumikinang ang mata niya habang parang gusto na niyang magtatalon.

"Oo naman, it would be an honor" nakangiti ako nang sabihin ko iyon and she squeal in delight and hug me tight.

"So ilang buwan ka ng pregnant and anong gender ng baby?" tanong niya ng kumalas siya ng yakap sa akin tumikhim pa siya at bumalik sa pagiging classy "niya haha this girl"

"Three months na, wala pang gender ang mga baby namin" simpleng sagot ko

"Mga baby?" nakakunot ang noo na tanong niya

"We're having twins!" I am proud to announce that and Castel clap in delight. Para siyang bata pero ang cute niyang tignan.

"When is the wedding?" she asked

"Two month from now, we want you to be there" sincere ako nang sabihin ko iyon

"Of course, babalik na ako ng France next month kaya dun na ako manggagaling pag pupunta ako sa kasal niyo, by the way I have to go I am so happy for you guys and titigan mo na ng mabuti ang mukha ko para naman mahaluan ng kaganda ko yung mga baby niyo, ate."

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na yakapin siya habang lumuluha, hearing someone call me ate it's like my sister's the one calling me that, sobrang saya ko.

Nag stay lang kami ng 30 minutes sa restaurant after umalis ni Castel, napag usapan din namin na sobrang bait daw talaga nito kaya nga nagtataka sila kung paano napapayag ito ng mga magulang niya.

Siya pala ang dahilan, nakakatuwang isipin na may mga tao pa din na hindi kami huhusgahan sa kung ano at sino kami.

At isa si Castel sa masasabi kong tatoong tao dahil hindi niya hinayaan na magamit siya ng tuluyan ng parents nung magkapatid.

I respect them for being the parents of these two, pero hindi madaling mawawala sa isip ko ang nangyari.

I know it will happen maybe soon but not now.

Basta alam ko lang ay kuntento na ako sa kung ano ang meron ako at wala na akong mahihiling pa.

Malapit na matapos ang story ni Angelina salamat sa pag suporta

Abangan natin ang next chapter