Chereads / Moon Star "The Lucky Stripper" / Chapter 15 - Chapter Fourteen

Chapter 15 - Chapter Fourteen

Chapter 14: Meeting Cray & Carson parents part one with Carson and Cray's childhood friend

"Are you ready to meet our parents?" Isang tanong na hindi ko masagot handa na nga ba akong makilala ang mga magulang nila.

Napaka hirap magdesisyon lalo na at kakagaling ko lang sa isang hindi magandang pagtatagpo sa pagitan namin ng magulang ko, pero alam ko sa sarili ko na basta para sa kanila handa akong gawin ang kahit na ano.

"Paano pag hindi nila ako magustuhan?" Isang tanong ang ibinato ko sa kanilang dalawa sabay na nangunot ang noo nila at sabay na tumikhim. "Pati pagkunot ng noo ang cute nila haayy hindi ko akalain na mahal nila ako"

"They'll love you, huwag ka ng mag-alala" pagsisiguro nilang dalawa but I know it's not easy to calm dahil parents na nila yung pinag uusap.

Yung parents ko nga ayaw sakin parents pa kaya nila, napabuntong hininga nalang ako sa mga pinag-iiisip ko.

"hey what's with the deep sigh?" cray ask.

"You know that it's not easy, what if your parents found out that I'm a stripper? Or worst that the three of us have a "thing". Mahabang litanya ko na inemphasize pa ang word na thing

"we don't care, Angel this is a free country and we can do whatever the hell we want!!" may kataasan ang boses sa sambit ni Carson.

"I'm sorry, but you can't blame me I have been rejected, always and I don't want to feel that again. Ayoko ng maramdaman yung pagtanggi at Hindi pagtanggap sa pagkatao ko…" mahinang sagot ko at napayuko nalang dahil alam kong nagagalit Sila sa akin.

"oh right, you've been rejected by your own family and if something like that happen again it feels like tinanggihan ka na naman ulit…" mahabang litanya din ni Carson..

"Baby di ba kagabi sabi namin sayo na kahit anong mangyari andito kame, at walang ibang pwedeng manakit sayo, kahit na magulang pa namin…" malambing ang boses na saad ni cray at niyakap ako ng mahigpit.

Sa lambing ng boses niya nawawala wng bumabagabag sa akin nakakawala ito ng problema.

"Just trust us okay?" paniniguro ni Carson Wala akong magawa kundi Ang tumango at magtiwala sa kanilang dalawa. Yumakap na din si Carson sa akin at humalik sa aking noo.

Pagkatapos ng pag-uusap namin na iyon ay natagpuan ko nalang qng sarili ko na nakasakay sa kanilang sasakyan at papunta na sa town house nila sa tagaytay.

Nakatingin lang ako sa labas ng sasakyan at  pinagmamasdan ang mga tanawin pero hindi ko maapreciate ang ganda ng nakikita ko.

Masyadong malalim ang nilalakbay ng isip ko, hindi din ito makatulong para maibsan ang panginginig ng mga kamay ko.

Habang ang dalawa baman ay masayang nag uusap pero  heto ako at tulala sa daan.

May kakaibang kaba ang hatid sa akin ng pagpunta namin sa tagaytay, kabang hindi ko maipaliwanag, siguro ay masyado lang akong nag aalala.

Pilit kong iwinaksi ang kung anumang iniisip ko ng sa gayon ay mawala na itong kabang nararamdaman ko.

Ilang oras ang naging byahe namin mula sa Quezon City papuntang tagaytay, may mga oras na makakaidlip ako ngunit wala pang limang minuto ay magigising na naman.

Hindi ko alam kung bakit ganon pero nagpaulit ulit ang pangyayaring iyon hanggang sa makapasok kami sa mismong bayan ng tagaytay.

Habang binabagtas namin ang kahabaan ng isang barangay ay hindi ko maiwasan ang muli na namang kabahan.

Hindi pamilyar sa akin ang daang aming tinatahak ito ang unang beses na makapunta ako ng tagay sana hindi ito ang maging huli.

"Hey malapit na ba tayo?" tanong ko sa dalawang nasa harapan pero hindi yata nila ako narinig dahil mukhang may importante silang pinag uusapan.

"Hey! Malapit na ba tayo!?" mas malakas na tanong ko ulit na ikinagulat nila para silang binulabog na langgam bahagya pang namutla ang kanilang mga mukha.

"Anong pinag-uusapan niyo?" pangtatlong tanong ko na umaasang sasagutin nila.

"wala ito Angel, malapit na tayo sa town house namin isang barangay nalang." Nakangiting sagot ni Cray pero hindi ko maiwasan na magtaka sa ngiti niyang alanganin.

"ano kayang nangyayari sa dalawang ito?" tanong ko sa aking sarili sa mahinang boses.

Nang makalagpas kami sa isang barangay ay unti unti ng bumagal ang takbo ng aming sinasakyang , ngayon naman ay papaliko na ito sa Isang parang beach resort mahaba ang entrada na dadaanan bago makarating sa mismong bakuran.

Puno ng mga bushes ang bawat gilid ng entrada nila at napaka ganda ng mga bulaklak nito.

Habang dumadating kame sa bakuran nila ay isa isa kong natatanaw ang nag gagandahang bulaklak at disenyo ng kapaligiran.

Sa isang side ng bakuran ay punong puno ng mga rosas na hitik sa bulaklak at sa kabila naman ay mga orchids na may kakaibang bulaklak habang sa gitna nito at may angel shape na fountain na napakaganda at mayroong fishpond sa isang side na isa sa mga naging highlights ng kanilang hardin.

Pababa palang kami ng sasakyan ay may mga nakauniforme na Ang sumasalubong sa Amin.

"magandang umaga señorito Cray at señorito Carson!" magalang na yumukod ang mga nakauniforme na hinuha ko ay mga tagapag silbi.

"Magandang umaga din po!" nakangiting humarap ang magkapatid sa mga tagapag silbi ako naman ay yumukod lang bilang pagbati

Nang matapos bumati ay niyakag na nila ako papasok ng bahay.

Nang makapasok ay may isang matandang babae ang humahangos papunta sa gawi namin.

"Mga anak bakit hindi kayo nagpasabi ng bibisita pala kayo?! Nagagalit na tanong nung matanda ng nakalapit siya sa gawi namin

"Nanay Elvie, magandang umaga!" masayang bati ni Cray at yumakap sa matanda

"na miss ka namin nanay!" si Carson ay nakangiti din na bumati at yumakap sa matanda.

"Siya na kaya ang kanilang nanay?" tanong ko sa aking isipan

Kumalas sa yakap ng dalawa ang matanda ng mapadako sa akin ang kanyang tingin. Bahagyang nanginig ang tuhod ko sa uri ng kanyang pagkakatingin. Pakiwari ko'y sinusuri niya ako sa pamamagitan ng kanyang mga mata.

Pagkuwa'y malapad ang ngiting humarap ang matanda sa dalawang binatang nakangiti lang habang pinagmamasdan kami.

"hindi ko alam na may bisita pala tayong iba?" Maamo ang boses ng matanda halata dito ang likas na kabaitan, mayroon din itong palangiting mukha at mga mata.

"Angel, halika dito at ipapakilala ka namin kay nanay" nakayukong lumapit ako sa magkapatid na parehas naglahad ng kamay sa akin. Nang makalapit ako sa dalawa ay parehas kong inabot ang kanilang mga kamay.

"Angel meet nanay elvie, ang tagapag alaga namin ni Cray mula bata pa kami."

"Nanay meet Angel ang the one namin ni kuya Carson."

"Magandang umaga po, nagagalak po akong makilala kayo." Magalang na bati ko at lumakad papunta sa gawi ng matanda at nagmano bilang pagrespeto.

"Magandang umaga at nagagalak din akong makilala ka iha." May kunot sa noo ng matanda pero nakangiti pa din itong humarap sa akin at saka ako niyakap ng mahigpit bago may binulong.

"Pwede ba kitang makausap mamaya ng sarilinan?" bulong ng matanda

"O-opo" kinakabahan ako sa kung ano ang sasabihin ng nanay nila, alam kong mabait ito pero hindi ko maiwasan ang kabahan dahil sa pagkunot ng noo nito kanina ay alam kong may hindi siya nagugustuhan.

"Nanay, I don't see mom and dad's car, where are they?" takang tanong ni Cray, nanay elvie smiled at them and answer.

"Sinundo si Miss Castle sa airport, baka gabihin sila ng uwi."

"Castel?!" gulat na tanong ng dalawa, napakunot ang noo ko sa reaction nilang dalawa

Nagtataka at nagtanong na napatingin ako sa kanilang dalawa. Sa pagtingin ko ay sabay pa silang napabuntong hininga.

"Angel, Castle is our childhood friend" Carson answered and hug me as if ensuring me na walang namamagitan sa kanila nung castel na iyon. Pero kinakabahan ako sa kung ano ang malalaman ko.

"Nanay I didn't know Castel is going home?"

"Magbabakasyon daw muna siya dito ng isang buwan." Nanay elvie answered

"San siya mag stay? At bakit daw siya magbabakasyon, hindi naman niya gawain yun." Patuloy sa pagtatanong ang dalawa.

"hey stop with the questions you two, everyone deserves to unwind and do a vacation!" pagtatapos ko sa question spree ng dalawang magkapatid.

"Okay angel" nakangusong tugon ni Carson at si Cray naman ay napabuntong hininga nalang

Napangiti nalang ako sa inakato nilang dalawa habang si nanay elvie naman ay tuluyan ng natawa sa magkapatid

"kayong dalawa talaga! Halina kayo at kumain muna!" pag aaya ni nanay elvie na agad naming tinugunan.

Sabay sabay kaming nagtungo sa kusina para kumain ng agahan.

Habang naglalakad ay nagkukwentuhan ang magkapatid, ako naman ay lumilinga sa buong kabahayan.

Napaka ganda ng bahay nila parang yung condo nila na naghahalo ang classy and manly design.

But one thing's I noticed there isn't any portrait of the whole family other than the protrait of an abstract painting and a mosaic.

Nang makaupo kami sa dining table nila ay kaagad naglabas ng pagkain ang mga kasambahay nila.

Iba't ibang putahe, akala mo may fiesta sa sobrang dami ng hinanda.

Aabutin ko palang yung lalagyan ng kanina ng abutin ito ni Carson at siya na ang naglagay ng kanin sa plato ko. Si cray naman ay ipinaglagay din ako ng iba't ibang ulam. Napailing ako at napatingin kay nanay elvie ng may nahihiyang ngiti.

"Ano ba kayong dalawa! Kaya ko naman eh!" nagrereklamong saad ko sa magkapatid

"Hanggat kasama mo kami pagsisilbihan ka namin Angel." Nakangiti ang magkapatid ng sabi ni Carson ang mga katagang iyon, nakakataba ng puso, hindi ko maiwasan ang kiligin dahil sa kanilang dalawa si nanay elvie naman ay pinapanoon lang kami ng nakangiti.

Nang matapos silang kumuha ng pagkain para sa aming tatlo ay masaya kaming kumain habang nagkukwentuhan.

Maya't maya din nila akong tinatanong kung gusto ko pa ng ulam o kaya kanin puro ngiti at iling lang ang isinasagot ko sa kanila.

Sa totoo lang medyo nahihiya ako pero nawawala yun dahil sa kilig ko sa pag aasikaso nung dalawa.

Tanghali na pero Wala pa din yung parents niya, ang sabi naman din ni nanay elvie ay gagabihin daw ito, kaya malamang na bukas ko na sila makikilala.

Nakaupo ako sa sala nila habang hinihintay ang magkapatid, nang lumapit sa akin si nanay Elvie, kinabahan ako sa biglang paglapit niya sa akin.

"Iha nasaan ang magkapatid?" tanong nung matanda.

"Lumabas lang po sandali may pbibilhin lang daw po." Magalang na sagot ko

"pwede na ba kitang makausap?"

"O-opo.."

"Sa garden nalang Tayo iha." Yun lang ang sinabi niya at nauna ng lumakad patungong hardin ako naman ay nagbuntong hininga muna at sumunod na din sa kanya papuntang garden.

"Iha hindi na ako magpapaligoy ligoy pa, may namamagitan ba sa inyong tatlo!" it's not a question, more like a statement, ito yung isa sa ikinakaba ko ang may makaalam at mahusgahan kame. At nangyayari na ang isa sa kinakatakot ko.

Magkakasunod na napalunok ako, hindi alam kung paano sasagot, pansamantala kong nakalimutang kung paano mag salita dahil sa kaba.

"sa inaakto niyong tatlo ay alam kong may relasyon kayo, totoo ba?! Nakakatakot napatingin nalang ako sa mga daliri ko at napaluha

"S-sorry po" tumulo ang luha ko habang nakayuko ako nakita ko kung paano ito pumatak sa mga kamay ko na magkahawak at nanginginig.

"Iha bakit ka umiiyak? Halika nga na Bata ka!" tinawag ako ni nanay elvie gamit ang boses niyang sobrang nakakagaan ng pakiramdam.

Parang bata ako lumakad patungo sa kanya habang patuloy na lumuluha.

Pagkuwa'y niyakap niya ako ng mahigpit at tinahan.

"Shh… wag kang umiyak, hindi ako galit natutuwa nga ako na makitang nagkakasundo ang dalawang batang iyon eh at nakikita kong mahal ka nila.." mahabang litanya ni nanay elvie habang patuloy na hinihimas ang likod ko para patahanin.

"Nanay mahal na mahal ko po sila, at natatakot po ako na masaktan sila sa panghuhusga ng ibang tao, kaya ko po kahit na ako yung masaktan huwag lang po sila, masyado po silang mahalaga." Humihikbing sambit ko habang mahigpit na nakayakap sa matanda.

"Sana si nanay kaya akong yakapin ng ganito kahigpit.."lihim na panalangin ko

"Tumahan ka na okay.." she hold me at arm's reach and wipe my tears using her thumb, na nagpaluha na naman sa akin.

"Sana kaya din ng nanay ko na yakapin at pahirin ang luha ko, salamat nanay" patuloy sa pagtulo ang luha ko habang sinasabi ko ang mga katagang iyon sa tagapag alaga ng magkapatid

"Shhh… wag kang umiyak okay maging matatag ka lang, magiging maayos din ang lahat" nakangiti ang matanda ng sabihin niya iyon at muling pinahid ang mga luha ko.

Tumigil na ako sa pag iyak ng maramdaman kong niyakap ako ng mahigpit ng magkapatid.

"Angel baby, ayaw naming nakikita kang umiiyak eh diba?!" pag aalo ng dalawa napangiti nalang ako ng kay nanay elvie habang pinagmamasdan kaming nakayakap sa isa't isa.

"naku kayong dalawang magkapatid, huwag niyo siyang sasaktan ha, kundi malilintikan kayo sakin!!" Malakas ang boses na banta ni nanay Elvie

"nanay naman hindi namin sasaktan ang angel namin, mahal na mahal kaya namin siya, diba angel?!"

"mahal na mahal ko din kayo!" nakangiti ako ng sabihin ko sa kanila iyon at hinalikan ko silang dalawa sa ilong.

Tulala ang dalawa habang nakatingin sa akin, ako naman ay natawa lang sa reaksiyon nila, para silang naestatwa, ngayon lang yata may nagmahal sa kanilang dalawa

"hoy natulala kayo jan?!" sigaw ko sa dalawa para matauhan, si nanay Elvie tuluyan ng natawa.

"HAHAHA! Kinikilig yang dalawa na iyan kaya ganyan! Maiwan ko na kayo ah" tumatawag si si nanay na umalis sa garden papunta sa loob ng bahay.

"m-mahal mo kami Angel?" cray asked

"Seryoso baby mahal mo kami?" Carsong seconded

I nodded at them and the two broke into laughter and Carson carried me and spin me around. Nakikisabay na ako sa pagtawa nilang dalawa nang ibaba nila ako mula sa pagkakabuhat ay niyakap nila ako at hinalikan sa labi.

Their kiss is soft and sweet nakakalasing ang mga halik nila. The tenderness of their kiss is making my legs to swayed like jelly.

I can feel their lips touching my soul and it's addicting.

Natigil lang kami sa paghahalikan ng may tumikhim mula sa likuran namin.

Sabay sabay kaming tumingin sa tumikhim. And my world begun to sink and shattered.

Tigagal akong nakatingin sa tatlong taong bagong dating at mukhang ganon din sila habang nakatingin sa akin.

Lalo na ang taong iyon na parang nakita ng multo habang nakatingin sa akin.

Nanginginig ang aking kalamnan…

Nagiging blangko ang aking utak…

And I fainted…