Chereads / Moon Star "The Lucky Stripper" / Chapter 17 - Chapter Sixteen

Chapter 17 - Chapter Sixteen

Chapter 16: The First Fight parents issue and childhood friend issue

Nagising ako na parang pagod ang pakiramdam. Napalinga ako sa paligid pero wala akong ibang makita kundi kulay puti and my surrounding's smells like medicine.

"Ate angelina buti naman gising ka na !" Amara exclaimed beside me, she holds my hand and squeeze it lightly

"Anong nangyari? Bakit ako nasa hospital?"

Pilit kong inalala ang nangyari. Sumasakit ang ulo ko parang gustong bumaliktad ng sikmura ko. Habang sapo ang sumasakit na ulo ay unti unting bumalik sa akin ang nangyari.

Nanlaki ang matang napatingin ako kay Amara at wala sa loob na napahawak ako sa tiyan ko.

Dinugo ako ibig sabihin ba nito ay buntis ako. Hindi ko maiwasan na kabahan dahil sa nangyaring pag bleed ko kanina.

"Ate tatawagin ko ang doctor!" kaagad na tumayo si Amara at lumabas ng bumalik siya ay may kasama na siyang babaeng maganda na may mahabang buhok, sa tantiya ko ay nasa mid-thirties na ito.

Ngumiti ito sa akin at saka nagsalita.

"Misis, I am Doctor Yaptanco, from Yaptanco Medical Center, the results of your blood test came and it seems that  you're pregnant, dinugo ka mabuti at naidala ka kaagad dito sa hospital  kaya naiwasan ang mo ang pagkakaroon ng miscarriage,  iwasan mo ang ma stress at ang mag trabaho ng mabibigat" the doctor said

"kailangan mong mag-ingat misis."

"Thank you po doc!" Ang saya ko sobrang saya magkakababy na ako.

"Baby kapit lang  ah wag mong iiwan si mommy" naluluha ako habang hawak ko ang tiyan ko at kinakausap ang baby ko.

"Ate congratulations!" Amara smiled at me

Hindi na ako nagtagal sa hospital noong araw na iyon din ay lumabas na din ako. Hinatid lang ako ni Amara sa apartment na aking tinutuluyan at umalis na din siya.

Habang nakatingin sa kisame ay hindi ko maiwasan na isipin ang magkapatid, hindi pa sila nagpapakita sa akin mula kahapon. Hindi ko din sigurado kung gusto pa nila akong makita, siguro ay galit sila sa akin sa ginawa kong pag lilihim.

"Baby tayo nalang dalawa ngayon, galit siguro yung mga daddy mo" kausap ko sa baby sa tyan ko

"Huwag kang mawawala kay mommy ah mahal na mahal kita anak, tayo lang dalawa-" natigil ako sa pagkausap sa baby ko nung may magkakasunod na katok akong nakirinig sa pintuan ng bahay ko.

Dahan dahan akong bumangon sa kama at naglakad patungo sa pintuan.

Kaagad na nalukot ang mukha ko ng mabungaran ko ang dalawang lalaki na kanina lang ay iniisip ko.

"Anong ginagawa niyo dito?" Galit na tanong ko sa dalawa

"A-Angel Baby c-can we talk?" nauutal na tanong ni Cray habang nanlalaki ang mga mata si Carson naman ay tulala lang sa tabi niya.

Mas lalong nalukot ang pagmumukha ko ng marinig kong magsalita si Cray.

"Anong Angel? Baby? Umalis kayo dito ang pangit ng boses mo…" turo ko Kay Cray "ang panget niyo umalis kayo dito" isasarado ko na sana ang pinto ng mapigilan ito ni Carson at nagpumilit na pumasok.

Napaatras ako ng bahagya sa pagpupumilit niyang makapasok. Dahil sa ayokong may mangyari samin ni baby ay hinayaan ko nalang sila na makapasok ng bahay.

"anong kailangan niyo dito?" seryosong tanong ko

"Kausapin mo kami Angelina" nakikiusap ang tinig ni Carson

"kung tungkol ito sa narinig niyo, ano pang dapat kong ipaliwanag sa inyo narinig niyo na" mahabang litanya ko

"bakit hindi mo sinabi sa amin?

"Bakit mo kami iniwan don?"

Nnapabuntong hininga ako sa magkasunod na tanong nung magkapatid.

"Anong malay ko kung anong itsura ng mga magulang niyo!" nakataas ang boses na sagot ko sa kanila

"Bakit mo sinabi na tapos na tayo?"

"ikakasal ka na, at nakikita ko naman na mahal ka ni Castel, kaya anong gusto mong gawin ko? Agawin ka sakanya? Magmakaawa sa magulang mo na huwag kang ipakasal dahil nasasaktan ako? Yun ba ang gusto mo?!" pinunasan ko ang tumulong luha sa mata ko, dahil sa frustration ko habang naaalala ang mga nangyari

"PERO MAHAL KITA, MAHAL KA NAMIN, nag rereklamo ka sa pagdedesisyon namin para sa iyo PERO GANON DIN NAMAN YUNG GINAWA MO!!" Galit na galit na sigaw ni Carson sa akin. Nanginig yung katawan ko sa takot.

"Babae din ako Carson, Cray alam ko ang sakit ng hindi ka mahalin ng taong mahal mo, at yung harap harapan mong sabihin na hindi ka magpapakasal sa kanya ay sobrang sakit non" humina ang boses ko pero hindi nawala ang diin sa bawat katagang binigkas ko

"pero angel paano kami?" tuluyan ng nabasag ang boses ni Carson na nakapagpaluha sa akin ng magkakasunod, gusto ko silang yakapin at pawiin ang lungkot nila pero kailangan Kong maging matigas lalo na kung ang ikasisiya ko ay ikalulungkot ng iba. "sorry baby kung nasasaktan ni mommy sila daddy ha, tayo lang dalawa baby" nagsusumamo na kinausap ko ang anak ko sa isip ko. Nang biglang humilab ang tiyan ko

"Angel, maawa ka naman oh please…" Hindi na malinaw sa akin ang sinasabi ng magkapatid ang tanging malinaw nalang sa akin ay ang paghilab ng tiyan ko na ngayon ay mas tumitindi ang sakit.

"ughh…" mahinang daing ko habang hawak ang sinapupunan ko

"Angel anong nangyayari?!" natatarantang tanong ng magkapatid

Hindi ko sila magawang sagutin dahil nakafocus ako sa tiyan kong tumindi na ang pagsakit.

"UMALIS NA KA-AHHH!" Tuluyan na akong napasigaw dahil sa sakit.

Hindi magkandaugaga na binuhat ako ng dalawa papuntang sasakyan nila. Mabilis ang patakbo ni Cray habang si Carson ay buhat parin ako at pilit na pinapakalma sa pamimilipit ko sa sakit.

"shhh… baby please calm down" hinawakan ni Carson ang mukha ko at pinaharap sa kanya. Habang nagsasalita ay paulit ulit niyang hinahalikan ang noo at labi ko. Nararamdaman ko na ang buo buong pawis sa noo ko

"Carson my baby save… m-my bab-y" kasabay ng pagkawala ko ng malay ay ang pagkakatigagal ni Carson habang nakatingin sa akin

"YESSS!!!" Ang sigaw ni Cray habang nagmamaneho ang huling salitang narinig ko bago ako tuluyang lamunin ng pagod at ulirat.

This one is third person p.o.v

Para maipakita din kung ano ang nangyayari

Mabilis na nakarating ang magkapatid sa hospital, kaagad na binuhat nila si Angelina papasok ng Yaptanco Medical Hospital.

Nang makilala at makita ng mga Nurse ang magkapatid  na may buhat na walang malay na babae ay kaagad nila itong nilapitan habang tulak ang stretcher.

Binaba ni Carson si Angelina sa stretcher at hinawakan ang kamay habang tulak tulak nila ito ng mabilis.

"sorry po pero hindi kayo pwedeng pumasok" pigil nung mga nurse ng magtangka silang pumasok.

"Pero-?!" natigil sa pagsasalita si Carson ng talikuran na sila ng doctor.

Mag-iisang oras na silang uupo, tatayo at nag papalakad lakad sa labas ng emergency room, hindi mapakali at natatakot sa pwedeng mangyari sa mag-ina nila.

Sabay na napatayo ang magkapatid ng bumukas ang pinto ng emergency room at iniluwa nito ang doctor na siya ding tumingin kay Angelina nung nakaraang araw.

"kumusta ang mag-ina namin doc?!" kabadong tanong ni Carson, napakunot ang noo ng magandang doctor ng marinig ang tanong ni Carson, pero hindi naman ito nag commento bagkus ay dumiretso agad ito sa results ng panggagamot.

"She's fine, and the baby's fine-" naputol Ang sasabihin sana ng doctor ng sabay na napahinga ng malalim ang magkapatid tanda ng kaluwagan ng nararamdaman.

"As I was saying they're both fine, iwasan lang na mapagod at ma-stress si misis pakainin siya lagi ng masusustansyang pagkain." Pagpapatuloy ng doctor sa kanyang findings

"Thank you doc…"

"Thank you doc… can we see her now?"

Sabay na nagpasalamat ang magkapatid, pagkuwa'y nagtanong si Cray na tinanguan naman ng doctor.

Kaagad na pumasok ang dalawa sa silid at naupo sa magkabilang side ng hospital bed ng dalaga.

"I'm sorry baby kung nasa hospital kayo ngayon ni mommy, kasalanan ni daddy kaya kayo nandito." Malungkot na sambit ni Carson habang nakahawak sa kamay ni Angelina at humalik sa tiyan ng ng dalaga bilang tanda ng paghalik sa anak na nasa sinapupunan pa lamang.

"Baby pangako ni Daddy, iingatan namin kayo ni Mommy mo, I love you baby namin." Humawak din sa kabilang kamay ni Angelina si Cray at humalik din ito sa tiyan ng dalaga.

Magkasabay na dumukdok ang dalawa sa higaan ni Angelina habang mahigpit na hawak ang magkabila nitong kamay.

We're back to Angelina's POV

Angelina's Point of View

Nagising ako sa isang madilim at hindi familiar na silid, nilinga ko ang paligid at ang tanging nakikita kong liwanag ay nanggagaling sa bukas na pintuan ng banyo. Nagpalinga linga ako sa paligid habang pakiramdam ko ay may mabigat na nakadagan sa tiyan ko,  nang unti unti akong matauhan kung nasaan ako nasa hospital pala ako.

Kinakabahan na inangat ko ang mga kamay ko para sana hawakan ang tiyan ko at damahin ang anak ko ng hindi ko ito maiangat dahil may mabigat din ditong nakadagan.

Napatingin ako sa magkabila kong mga braso at makita ko ang dalawang lalaki na payapang natutulog habang hawak ng mahigpit ang kamay at tiyan ko.

Naluluha ako habang pinagmamasdan ang dalawang kamay na nakahawak sa tiyan ko na wari'y may pinoprotektahan.

Habang pinagmamasdan sila ay napansin ko ang luhang tumulo sa kanilang mga mata. "Bakit kayo lumuluha?" sa naisip na pwedeng nangyari ay naluluha na ginising ko ang dalawa.

"C-Cray, C-Carson?"

As I called their names the two stirred awake.

"Angel! Baby!" magkasabay na tawag sakin ng magkapatid at yumakap ng mahigpit. I put my arms around to hug them.

"B-Ba..by?" Kinakabahan ako sa maaari kong marinig, pag may nangyaring masama sa anak ko ay hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

"Our baby is fine, he's safe, you and him" nakangiti si Carson ng sabihin ito, tuluyan na akong naiyak sa tuwa sa narinig ko. Oh God thank you for saving my baby, our baby nag usal ako ng maikling panalangin ng pasasalamat sa mahal na Panginoon.

"Don't do that again Angel, tinakot mo kami" magkahalong lungkot at saya ang narinig ko sa boses ni Cray habang sinasambit ang mga katagang mas lalong nagpamahal sakin sa kanila.

"I'm sorry baby, hindi ko alam kung anong gagawin ko pag nawala kayo, patawarin mo ako baby, patawarin mo ako.." nagmamakaawa si Carson habang tumutulo ang luha sa mga mata.

Tuluyan akong napaiyak ng makita ko ang luha sa mga mata ng lalaking mahal ko, "Panginoon paano ko nagawang saktan ang lalaking ito." Hindi ko na napigilan ang sarili kong yakapin sila ng mahigpit habang humihingi ng sorry at nangangako.

"Sorry… sorry kung pinag-alala ko kayo, pangako mag-iingat ako, iingatan ko ang baby natin" I hug them and pledge my promise

"Hey! Tama na ang iyak bawal kang mapagod at ma-stress sabi ni Doctora kaya mabuti pa magpahinga ka na" sambit ni Carson habang inaalalayan ako papahiga sa cot ko.

"Tabi kayo sakin." I am embarrassed to ask that pero gustong gusto ko talaga pag malapit kami sa isa't isa.

Maluwang naman yung hinihigaan ko kaya hindi na nagdalawang isip pa ang magkapatid at tumabi na sa akin. Mahirap din kasi na nakadukdok lang sila sa bangko.

"Goodnight Angel!"

"Goodnight Baby!"

Magkasunod na nag goodnight sa akin ang magkapatid, parehas silang humalik sa labi at tiyan ko. Nang makahiga na ay pinatong nilang parehas ang tig-isa nilang kamay sa ibabaw ng aking tiyan.

Napatingin ako sa dalawa habang nakapikit at payapang natutulog.

"Goodnight mga mahal ko" nakangiting humalik ako sa noo nilang dalawa at tuluyan ng nahiga.

Kinabukasan........

Nang magising ako ay walang ibang tao sa silid maliban sa akin, panaginip lang ba iyon? Bahagyang kumirot ang dibdib ko ng maisip ko na baka hindi iyon totoo at panaginip lamang.

Subalit bumukas ang pinto at iniluwa nito ang mga taong akala ko ay panaginip ko lang na nandito.

"Angel GOOD MORNING!" hyper na hyper si Cray tumakbo siya papunta sa bed ko at dinampian ako ng halik sa labi.

"and you little angel good morning baby" bati niya sa baby namin sabay halik sa tiyan ko. Kung  sa akin ay nakasigaw siya kung bumati sa baby naman namin ay ang lambing ng boses niya "Kay baby lang siya malambing hmp!" at the back of my mind nakapout na ako at nagtatampo. My subconscious mind looked at me with disgust.

"Hey Angel! Good Morning" kung anong lakas ng boses ni Cray ay kabaligtaran naman ng seryosong boses ni Carson. Kagaya ni Cray ay humalik din sa akin si Carson.

"and good morning to you too baby" humalik din ito sa tiyan ko.

"Bakit kay baby ang lambing ng boses niyo, tapos sakin seryoso at hyper lang?" I cross my arms and pout

"Ui si Angel nagseselos kay baby!" nang aasar ang boses ni Cray habang si Carson ay nagpipigil ng tawa sa isang tabi.

"hmp!" Tinalikuran ko sila at humarap ako sa kabilang side ng silid.

"HAHAHAHA!" Tuluyan ng natawa si Carson dahil sa inaakto ko.

"Oh Angel!" yun lang ang sinabi ni Carson at hinalikan na ako sa punong tainga ko. Si Cray naman ay pumunta sa harap ko at siniil ako ng halik sa labi.

"JUSKO PONG MGA BATA ITO!!" nagulantang kami sa boses ng babae na sumigaw mula sa pintuan, hindi namin napansin na may pumasok, dali dali kaming humiwalay sa isa't isa at namumutlang napatingin sa babaeng doctor na siyang tumingin sa akin.

"Ah… eh… doc-" alanganing ngiti ang binigay nang magkapatid sa babaeng doctor habang ako naman ay namumula at hindi na makatingin ng diretso sa sobrang kahihiyan.

"Pumunta lang ako dito para sabihin na makakauwi na kayo." Seryoso ang ngiti na ipinakita nang doktor pakiwari ko'y may hindi siya nagugustuhan. "Siguro hindi niya gusto Ang nangyayari saming tatlo" hindi ko maiwasan ang mag alala sa maaari niyang masabi tungkol samin.

"Thank you doc!" Carson in his ever serious voice

Papalabas na si Doctor Yaptanco ng bigla itong lumingon ng may malaking ngiti at sabay sabi ng….

"Huwag papagurin si Misis ah, hinay hinay lang!"

Sa sinabi ng Doctor ay nagkatinginan nalang kami at sabay sabay na natawa

"Thank you God for there is someone who don't judge our relationship, and I thank you for giving me this two amazing blessings that will put me into the center of their lives"

Habang nakatingin ako sa dalawa na masayang nakangiti sa isa't isa ay may mga munting imahe ang pumasok sa isip ko

"there's three of us standing in front of the church holding each other's hands and then another one appear."

"Two kids running while laughing towards the two man I love who is spreading their arms waiting."

I watched the four of them laughing together.

"Hey Angel?" natigil ako sa pag visualize ko ng marinig ko ang malambing na boses na tumawag sa akin. I look at them and I saw them near the door waiting for me.

"Let's go home Angel!" Napaluha ako habang tumatakbo papunta sa nakabuka nilang mga kamay.