Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

The Twins: Araw at Buwan

Aria_yal14
--
chs / week
--
NOT RATINGS
4.8k
Views
Synopsis
The Araw And Buwan Kingdom are fighting decades ago till their own Heir become Inlove with each other. After their wedding, the War has been Ended and peace was all over their world... Until The Twin's arrival. Natsumi and Hikari..Both of them have different Mark of a Sun and Moon Princess. A mark of a curse power who can ruin the peace of two kingdoms. can they manage to use this powers for Peace or they will again destroy the relationship of Both kingdoms?
VIEW MORE

Chapter 1 - CHAPTER 1 - Pangamba

Tanaw ko mula sa aking kinatatayuan ang kaharian ng aking kabiyak na si Hinode.Ang Kaharian ng Araw ang kaharian ng araw,maganda ito at pinalilibutan ng mga dyamante.Pinamumunuan nya ito pagkat sya ang kaisa isang anak ng pinuno ng kanilang kaharian.

Dating may hidwaan ang kaharian ng aking kabiyak at aking ina na ngayon ay aki na ring pinamumunuan, Ang Kaharian ng Buwan. ngunit matagal na yaon kung iisipin pa ngayon.

Sa kabila ng ilang decadang digmaan ng angkan namin ni Hinode'y nag kasundo na rin sa huli dahilan na kaming dalawa na mag asawa mismo ang namumuno.

maayos rin naming napapatakbo ang dalawang kaharian nang magkasama.madalas mag kasama sa isang pag diriwang ang dalawang kaharian pagkat parehas kaming pinuno ng mga ito.

"Ina" rinig kong tawag ng isa sa aking kambal na ngayo'y hawak ang aking hintutoro. napakaliit ng kamay niya kumpara sa akin kaya sa iisang kamay ko lamang sila nakahawak.

" bakit mahal ko?"

" Ina ,natatakot ako." kitang kita ko sa kanyang asulang mga mata ang pangamba. di ko mawari kung bakit ngunit ramdam ko ang panginginig ng kanyang katawan.

"bakit anak? ano ang iyong kinatatakutan?" bumaba ako para makapantay ko siya. kitang kita ko ngayon ang hugis buwan sa kanyang noo na nag papakita na siya ang mag mamana ng aking kaharian.

" Ina, wasak away... patay" hangulngol nalang ang sumunod na lumabas sa kanyang bibig na aking ikinatakot. madalas nag kakaroon ng pangitain ang ilan sa mga dugong maharlika ng angkan sa buwan kaya kung hindi ako nag kakamali ay namana ito ni Hikari.

Mahigpit ko siyang niyakap upang maibisan ang takot na kanyang nararamdaman.Kinabahan ako sa sinabi niyang yun dahil hindi malaayong mangyari iyon lalo pa't marami paring hindi sang ayon sa pag sasama naming mag asawa bagama't kasal na kami.hanggang ngayon ay duda parin sila..

" Anak, asan ang iyong kapatid? "

" Ina, si Natsumi po ay nasa gawing iyon" tumuro s bandang kaliwa ang aking panganay habang pinupunasan ang mga luha sa kanyang pisngi.

"para hindi matakot ang mahal ko, tatabihan ko kayo matulog ng kapatid mo ngayon." sambit ko. tumayo ako at binuhat si Hikari papunta sa kanilang Higaan. kumaripas naman ng takbo ang aking bunso hawak aang kanyang suklay papunta sa amin.

nag lalaro ang dalawang anak ko ng may maramdaman akong kung ano. di ko mawari ang kaba sa dibdib ko lalo na ng maalala ko ang sinabi ni hikari. " Wasak Away patay? " Paulit ulit iyong mga salita sa utak ko.

pumukaw saking mga mata ang hugis araw na marka sa noo ni Akari. May kinalaman kaya ang mga marka ng aking kambal rito? o nag iisip lang ako masyado sa mga sinabi ng aking panganay?

kung tama ang hinala ko e,natatakot ako sa maaring maging kapalaran nila kapag nawala kami. na maging hudyat ito ng panibagong gera sa dalawang kaharian. Marka ng dalawang lahi.

Napasobra ata ang aking iniisip. di ko namalayang tulog na pala ang dalawa kong anak.Babantayan ko nalang muna sila ngayong gabi.

***

"umaga ina! gising na" mag kasabay na tinig ng aking mga anak ang aking narinig. binuksan ko ang akin mga mata. bumungad sakin ang magaganda kong mga anak na halos kaunti lng ang layo ng mga muka sa akin.

" Ina ayos lng po ba tulog mo? " tawang tawa si Natsumi habang turo turo ang kanyang kapatid "Si Hikari ina umihi kanina HAHAHA"

" Oy ako ikaw kaya jan sumi nag lalaway!" mariing tinakpan ni Hikari ang bibig ng kambal nya.

" Maayos naman ang tulog ko Hikari, Akari. e kayo?"

"Hinde!" sabay nilang sigaw habang nag kukurutan sa harap ko. napa buga nalang ako ng hangin sa kanila. pasaway na bata.

" Mag bihis na kayo mga anak. Pupunta tayo sa piging ngayon diba?" sambit ko na agad naman rin nilang sinunod.

inantay ko silang mag bihis at sabay sabay kaming lumabas ng silid. Rinig na rinig ko ang maingay na pag diriwang sa gitna ng kaharian. Tila ba nag sasaya ang lahat.

" Maiwan ko muna kayo mga anak. mag bibihis muna ako" sambit ko

"Inaaà" sabay nilang tawag sa akin

" Nais nyo bang makita ng mga taong di maganda ang inyong ina?" Biro ko sa kanila na ikinasimangot nila. " mag bibihis lang ako mga anak. makisama muna kayo roon at antayin nyo kami ng inyong ama, ok ba iyon?"

Sumang ayon rin naman sila kaya agad akong dumiretso sa aming silid ni Hinode.

Sinusukat ko ang bawat damit na susuutin ko para maging maayos ako sa harap ng bawat bisita.

Titig na titig ako sa salamin. Bagay na bagay ang asul na damit sa maputi kong balat. kinuha ko ang kaunting palamuti sa aking harapan at nilagay ito sa buhok ko. "Ayan ayos na" Nasambit ko sa aking sarili. Nilagyan ko rin ng palamuti ang aking tainga at huli kong nilagay ang aking korona bilamg isang reyna.

"Ang ganda mo naman Binibini" sambit ng tao sa aking likuran na ikina bilis ng tibok ng puso ko. tinignan ko sya ng maiigi.

"Hinode" Makinang ang kanyang matang tumitig sa akin. "Umm. Maayos ba sa iyong paningin"

"Walang kupas ang ganda mo aking Reyna" Isang ngisi ang ipinakita nya sakin. "ikaw ang pinaka maganda sa buong kalawakan" Hinawakan nya ang aking baba "Maari bang mahagkan ang Aking Reyna?"

natawa akong tuluyan sa sinabi at gawa nya. Nako tong asawa ko kahit kelan.

Binigyan ko siya ng saglitang halik. " Tara na sa pag titipon Mahal ko, inaantay na tayo roon."

"Masusunod aking Reyna." Hinawakan nya ang aking kamay hinalikan ito na ikina pula ng aking muka.Pagkatapos noon at tumayo siya at sabay na kaming lumabas ng aming silid.