Nasa gitna kami ng pag diriwang.Nag sasaya ang lahat ng naririto sa gitna ng dalawang kaharian. May pag kain sayawan at paligsahan rin rito.
Maya maya pa ay may parang itim na hiwaga ang nahagip ang mata ko. Di ko mawari kung ano yun. Napahawak ako sa aking damit. Kinakabahan ako sa kung ano man un.
Agad akong pumunta kung nasaan naroon ang aking kabiyak at binulungan sya. "Mahal ko, parang may tao sa gawing yaon." Sambit ko. Di ko alam kung ano yaong napansin kong itim pero sigurado akong tao yaon o di kaya nama'y diwata.
"Dumito ka lang Miyu.Titignan ko yaon. Baka isa sa bisita na nahihiyang makisalo." natawa siyang saglit.
"Pero.." Pinigilan ko siya sa pag lalakad. Kinakabahan ako sa kung ano man yun o kung sino man yun.
"O bat ka nanginginig mahal ko?" Sambit nya
"Kinakabahan ako Hinode. Sasama ako sayo"
"Wag ka kabahan mahal ko,Wala naman yun baka isa nga sa ating mga bisita. Pupuntahan ko lamang."
Wala akong nagawa kundi tumango nalamang sa kanya. Ano pa bang magagawa ko?
Nag punta na lamang ako sa pag diriwang at pinag masdan ang nag sasayaw kasabay ng musika ng mga mang aawit.
.
.
Kalahating oras na ang nakalipas ngunit wala parin nag balik na Hari. Wala pa rin si Hinode. Lalong kumabog ang aking dibdib kaya agad akong tumungo sa halamanan sa labas, kung saan ko nakita ang itim na Hiwaga.
Habang nag lalakad ako ay dumaragdag ang kaba na aking nararamdaman. Bakit nga ba?
"Ahhh!!!!" Isang lakas na sigaw ni Hinode ang aking narinig. Halos paos ito at tila nawawalan na ng lakas.
Lalo ako kinabahan. Bakit? anong nang yayare?
Napatigil nalamang ako ng makitang hawak ng dilim na nakita kong enerhiya kanina si Hinode. Naka dikit ito sa lupa at tila ba hinihigop nito ang lakas na natitira sa aking asawa.
Halos mapaluhod sa sakit si Hinode. Naiiyak akong nag lakad papalapit sa kaniya. Bakit? sino ang may gawa nento?
"Miyu wag kang lalapit! Wag kang lumapit!" paos na ang boses niya. Nilalabanan niya ang dilim na may hawak sa kaniya.
"Bwahahaha!" Isang nakakakilabot na boses ng babae an aking narinig. Bigla na lamang dumilim ang maliwanag na araw ng marinig namin yaon. "Halika rito Mahal na REYNANG MIYU. Ako ang sisira ng iyong kaligayahan!"
"Sino ka!" Sambit ko sa hangin. Di ko makita kung sino man ang nag sasalita ngunit ramdam ko ang galit sa diin ng pag banggit niya sa pangalan ko. "Mag pakita ka! Pakawalan mo ang asawa ko!" Lumapit ako kay hinode upang hawakan ang itim na nakabalot sa kaniya.
Sa isang kisap mata ay nawala si Hinode kasabay ng itim na naka balot sa kaniyang katawan. "Hinode! Asan ka!" Nag umpisa na manginig ang aking kamay. Panaginip ba ito? nananaginip ba ako?
Nabalot ng dilim ang kinalaagyan namin. Nakita kong lumipad ang dilim sa isang sulok kaya patakbo akong lumapit doon.
" Wag kang lalapit Miyu! Mapapahamak ka!"Rinig kong sambit ni Hinode. Alam kong andun siya kaya patuloy akong tumakbo papalapit sa dilim na iyon.
Nang makarating ako sa paroroonan ko, nakita ko siyang nakatali na sa puno na pinalilibutan ng itim na usok. San nang galing yaon? Anong pakay ng may gawa nito?
Hinawakan ng ang itim na lubid na nakatali sa kaniya. sinubukan kong tanggalin ngunit di ako nag tagumpay.
"Wag mo na tanggalin yan. Tumakbo ka na pakiusap" Sambit niya. Kitang kita ang pang hihina niya. walang galos ang katawan niya ngunit hinang hina siya. Isang matalinong salamangkero ang may gawa nito.
"Tumakbo ka n-" Di na naituloy pa ni Hinode an Salita niya. Tinakpan ng isang itim na usok ang kaniyang bibig.
"So kayo pala ang dahilan ng pagkamatay ng aming ama" Isang pamilyar na boses ang aking narinig. "Ngayon ay kayo naman ang mag durusa!" di ko maalala kung san ko narinig ang boses niya.
Isang itim na usok ang pumalibot sa amin. Pumirmi ito sa isang lugar at nag anyong tao.
"Sino ka?" tinitigan ko siya ng matalim. Ang lakas ng loob niyang saktan ang aking kabiyak.
Tumawa siya ng malakas. "Sino ako?" Taas kilay niya akon tinitigan.Kita ko ang tatak ng araw sa kanyang balikat ng tumungo siya sa kinalalagyan namin. "Itanong mo sa asawa mo Miyu, Sino nga ba ako?"
"yuri.." Basa ko sa mga mata ng aking asawa na ngayo'y naluluha. "Bakit ka nandito?" dagdag pa niya sa kanyang isipan.
"Sige mag papakilala na ko Miyu. Ako ang nag iisang kapatid ni Hinode. Ang kapatid na inagawan niya ng trono! Ang kapatid na kinuhanan niyo ng Karapatan at Ama!"
"Hindi totoo yan! Kahit kelan di ko inagaw ang trono. Kusang binigay sakin ni Ama ang trono ate!"Sigaw ni Hinode sa kapatid niya.
"Ako ang anak ng pinatay ninyong pinuno!" Galit na galit ang boses niya. poot lamang ang makikita mo sa kanyang mga mata.
"Di namin pinatay si Ama Yuri!" Di ko alam kung bakit kami ang iniisip niyang pumatay sa ama ni Hinode gayong wala naman kaming ginawang masama.
"Ikaw walang dahilan ngunit ang babaeng yaan na katabi mo meron!" Kunot noon ko siyang tinignan. Wal kong nalalaman sa binibintang niya. " Ang babaeng iyan maraming dahilan utang ipapatay ang ating ama!"
"Wala akong kasalanan." giit ko
"Wag kang mag maang maangan!" nag labas siya ng kaniyang sandata. Ang pulang Watchika na nag lalaman ng mahika. Binabalutan ito ng kuryente at enerhiya na alam ko namang makapang yarihan.
Iwinasiwas niya ang Watchika dahilan upang lumabas ang napakalakas na kidlat mula sa ulap. Tumama ito sa gitna ng dalawang kaharian kung nasan nag diriwang ang lahat.
"Wag mo idamay ang kasiyahan sa loob kung sino ka man!" Agad kong nilabas an Watchika ko. Di ko man ginagamit ito dati ay kailangan na ngayon.
ngayon ko lamang nakita ang watchika ko. Sa dami ng taong nabuhay ako ay ni minsan ay di ko naisip na gamitin ito.
ramdam ko ang lamig na enerhiya na nag mumula sa watchika ko. Hugis buwan ang tuktok nito at alam kong yelo ang kapangyarihan nento.
ginamit ko ang watchika ko upang palibutan ng malalaking yelo ang pag diriwang. Sapat upang humarang sa kung ano man ang mang yayare sa gawing ito.
"Ina!" Rinig kong sigaw ng mga anak ko. "Ina!" Muli nilang sigaw habang tanaw kong hawak kamay na patakbo rito.
" Aba ito pala ang bunga ng iyong pag tataksil kay ama Hinode. Dalawa na pala sila" Sambit ni Akari "Dapat mawala sila!" dagdag pa niya.
di na ko nakapag isip pa ng makita ko ang kuryenteng lumabas sa watchika ni Yuri. Tumakbo ako ng mabilis utang humarang sa kuryenteng ito na papunta sa mga anak ko.
Umagos ang dugo sa katawan ko ngunit di ko ramdam ang sakit. Ginamit ko ang watchika ko upang makatulog ang dalaw kong anak.
"Ayos lang ba ang pinaka magandang babae sa kalawakan?" rinig kong tinig sa likod ko.Agad akong humarap sa kaniya at inakap siya.
"Hinode!" di ko mapigilang isigaw ang pangalan niya. Kitang kita ko ang dugo sa damit niya. Hinarangan niya ang kidlat? Bakit?
"Kasi mahal kita. Mahal ko ang pamilyang binuo natin Miyu." Sambit niya. Nabasa siguro niya ang nasa utak ko.
"Hinode. Dadalhin kita sa mang gagamot. Wag ka bibitiw!" Utos ko sa kaniya.
"Di na aabot Miyu. Mukang oras ko na talaga. Ingatan mo ang anak natin miyu. ingatan mo sila."
Tuluyan nang nawalan ng malay ang aking asawa.