Chereads / The Twins: Araw at Buwan / Chapter 3 - Chapter 3 - Ang Kwintas

Chapter 3 - Chapter 3 - Ang Kwintas

Matapos ang labing isang taon

Reille's POV

Kalilipat lang namin ngayon dito sa cavite kagabi.malapit kami sa tabing dagat na may napakagandang tanawin.sa totoo lang, wala akong masyadong kaibigan.kahit na gusto ko,di naman ako palakaibigan ehh.

Nakaupo ako ngayon sa may tabing dagat.maganda kasi ang tanawin dito, nakakaalis ng pagod.

ako nga pala si Reille Mizuki they call me Rei, 14 years old.

sabi daw nila ampon lang ako pero di ko naman ramdam yun kasi puno ng pagmamahal ang ipinakita ng mga tumayong magulang ko sakin.tanging kwintas lang daw na hugis moon na may nakasulat na Hikari sa likod ang iniwan ng mga magulang ko. di ko alam kung ano ang meron sa name na un pero tuwing tinitignan ko at binabanggit to e para bang sarili ko ung tinatawag ko.

Helen garcia ang name ni mama, Ung kinikilala kong mama pero namatay siya nung pinanganak nya ang kapatid ko.then si papa naman ay si Luwigi Mizuki.si Jasmine Mizuki naman ang kapatid ko at jass ang tawag ko sa kanya.

kahit na ampon lang ako, yang pamilyang yan ang bumuo ng pag katao ko, kaya thankful ako sa kanila.

andami kong sinabi kailangan ko na palang umuwi.

tumayo na ako at nag lakad pabalik ng bahay namin. mag gagabi na rin kasi kaya siguradong hinahanap na ko ng kapatid ko, di mapakali yun pag wala ako e.

malayo pa ay tanaw ko na ang kapatid kong kumakaway sa akin. "Ate Rei! Ayusin mo daw poh yung kwarto natin sabi ni papa." Sigaw ni jass.

Magkasalubong kilay ko siyang tinitigan ng makaharap ko na siya. "Ako ba talaga ang inutusan?" sambit ko.

"Tulungan mo daw poh ako." tugon niya na tila ba nag papa-Cute sa harap ko. Alam niyang di ko siya matitiis kaya ayan na naman siya.

"sige na,Oo na." inirapan ko siya at pumasok sa bahay. Aminado ako na madalas sinusungitan ko ang kapatid kong to pero mahal ko din to.

tinulungan ko nalang siya sa pag aayos ng gamit.ang dami niyang dalahin.ang dami ring nakakalat na gamit niya.kaya pala pinapaayos to ni Papa ahh.nu bayan ang burara niya talaga kahit kelan.

"Rei,jasmine kain na!" rinig kong sigaw ni papa.

sinensyasan ko si Jass na sabihing pababa na kami at inaayos lang namin yung kwarto kaya nauna na siyang bumaba sakin.

ang dumi pa talaga ng kwarto namin.natulog kasi kami kagabi sa baba kaya ngayon ko lang nakita tong kwarto.tsk,sobrang dumi talaga.

Tinanggal ko yung lumang sapin ng kama at pinalitan ko ng ibang sapin na kulay blue.nilampaso ko yung sahig at pinalitan ko na rin yung kortina, Mukang luma na kasi.

Tapos kong palitan lahat ng yun ay nilagay ko na sa cabinet yung damit ko.iniwan ko ang damit ni jass para siya ang mag ayos ng gamit niya mamaya.

maya maya pa ay bumaba na rin ako. nasa gitna pa lamang ako ng hagdan e amoy ko na ang ulam. Mukang Hotdog at century tuna ang ulam namin ngayon ah.

pagka baba ko ay tama nga ang hula ko. Hotdog itlog at century ang ulam. paborito ko pa nga, Si papa talaga.

kumuha ako ng plato at pagkain at naupo na sa mesa. titig na titig sila sa kinuha kong pag kain na para bang nang aasar.

"NAK baka mabilaukan ka niyan!" Sabi ni papa.

"papa naman di ka pa nasanay." Dugtong ni jass.

inirapan ko silang dalawa. palagi nila akong pinag titripan pag paborito koang ulam.

nakita kong tumayo si papa at may kinuha sa ref namin.tamang tingin lang ako habang nakain ng kanin.

pag balik niya ay may dala siyang ice cream. Muli akong umirap kay jass. alam niyang paborito ko na naman yun e.

"Pa anong meron?" sambit ko habang nguya nguya ang kanin sa bibig ko.

"wala lang.bagong lipat kasi tayo.naisip ko lang.hahaha.." ay nako si papa talaga.

Napatingin ako kay jass at mukhang nauna siyang tumira sa ice cream. wala e mas matakaw sakin ang kapatid ko.

pag katapos kong kumain ay kumuha na rin ako ng akin. Wala e inggit ako haha.

.

.

naalimpungatan ako ng marinig kong tumunog yung phone ni papa. Kukang wala sila dito.

inayos ko ang sarili ko at lumabas ng bahay.

"Jass? asan ka?" sambit ko sa hangin. mukang wala sila talaga kahit dito sa labas ah. halos alas tres na ng hapon, san kaya nag susuot yung dalawang yun?

"Ate Rei! Andito kami ni papa!" hinanap ko ang boses ni jass. Tsk. Asan sila?

"Nak dito sa dagat swimming tayo!" rinig ko namang sigaw ni papa kaya napatingin ako sa gawing yaon. Totoonga, nag suswimming sila.

"Kaya pala" Nasambit ko nalang habang nag lalakad papalapit sa kanila.

Naka swimsuit talaga ang kapatid ko, handang handa e. mautusan nga. "Jass! Ayusin mo yung gamit mo!" Sigaw ko kay jass , sirain ko nga muna mood nito haha.

"Ate, alam ko namang aayusin mo gamit natin e sinenyasasan mo pa nga ako kanina. saka te, Alam kong di mo kaya at di ka makakatiis ng madumi ang kwarto diba?" Natatawa nyang sambit sakin.

Agaran ko siyang tinaasan ng kilay "Aba kala mo aayusin ko rin ang damit mo? manigas ka" sagot ko sa kaniya.

"Opo" Tuwang ngiti ang binigay niya sakin kaya agad akong sumugod sa kinalalagyan niya at nilubog siya sa tubig.

"Ate!!!" Sigaw niya ng maka hupa siya sa ginawa ko. Haha! Ang cute niya tignan.

Taas kilay ko siyang tinignan, Di ako nag pahalatang natatawa ako sa itsura niya ngayon na tila ba uusok na sa galit. "Ligpitin mo ang damit mo dun" sambit ko pa.

di ko trip mag swimming ngayon kaya naupo na lamang ako sa tabing dagat at pinag masdan ang tanawin.

Maya maya ay biglang nagliwanag ng konti yung kwintas na suot ko.yung hugis moon na iniwan sa akin ng totoo kong magulang.

.

.

.

Kaya nag lakad ako pabalik ng bahay.habang nag lalakad ako ay lumiliwanag ito ng pakunti konti, bakit?

.

.

lumalapit na ako sa bahay namin, may naaninagakong babae na nakatayo roon. habang nalapit ako sa kanya e tila gustong magwala sa liwanag ng kwintas na hawak ko. sino kaya siya?