Chapter 33 - KABANATA 32

"S-sir Andrei..." nanginginig ang boses na wika ni Natalie habang may takot sa mga mata na tumingin sa tao na bagong dating. Mabilis na binitawan ni Natalie ang kaniyang buhok at lumayo sa kaniya. Seeing how afraid Natalie is towards someone is something new. Hindi niya pa nakita ang kapatid na ganito.

She's always used to seeing Natalie confident all the time. Ang proud na ekspresyon ng babae na para bang naniniwala ito na lahat ng mangyayari ay masusunod sa gusto nito. Ang makita itong ganito ay bago pa kay Hera. She never thought that there will be someone who can make Natalie like this. Hera knew that Lucas is someone who is intimidating, she guess his secretary is just the same.

"What the hell are you doing? You know too well that the president is here. Why are you cussing a ruckus?" Maging ang boses nito ay malamig at walang patawad kagaya ng kay Lucas. Hindi tuloy mapigilan ni Hera na pagmasdan ang lalaki.

Guwapo ito at mataas. Kasing tangkad siguro ni Lucas. Maganda rin ang katawan at may kaputian ang balat. His serious face were eye catching, especially the mole under his eye. Hindi ito ang unang beses na nakita niya ang lalaki. Nakita na rin niya ito kanina at nakausap pero mabilisan lang naman dahil may inutos si Lucas sa lalaki.

Pinagpatuloy lang ni Hera na pagmasdan ang lalaki at hindi na ininda ang sakit na kaniyang nararamdaman. Sa totoo lang ay pakiramdam niya ay natanggal na ang iba niyang buhok at anit. Grabe ang paghila ni Natalie sa kaniyang buhok kanina. Nanggigigil talaga. Dahil sa sakit ay parang gusto niya tuloy ibalik sa tao na gumawa nito sa kaniya ang sakit na nararamdaman pero hindi muna sa ngayon. Lalo na at mukhang mapapahamak pa si Natalie.

This man, in front of both of them knows and already saw her with Lucas earlier. Ang tanga naman nito kung hindi malalaman ng lalaki na medyo may pakialam si Lucas sa kaniya. Maybe that's why he saved her because the man sees how Lucas treated her like a vip earlier.

"I-I'm sorry–" Bago pa man matapos ni Natalie ang sasabihin sana nito ay mabilis na pinutol ito ng lalaki.

"I don't need your apology. Just get the heck out of here before I report you."

Dali-daling umalis si Natalie at hindi man lang siya tiningnan. Napakagat na lang ng pang-ibabang labi si Hera. Natalie looks really scared right now. Hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin bago umalis. Is this person named Andrei really that scary?

Nang sila na lang dalawa ni Andrei ay tumingin si Hera sa mga mata ng lalaki. Nakatingin din pala ito sa kaniya at may seryosong mukha. Napalunok na lang si Hera nang manuyo ang kaniyang lalamunan at bibig. Binasa niya ang nanunuyong labi at pinilit ang sarili na ngumiti sa lalaki.

"Thank you nga pa–"

"No need to thank me, I just did what I should have do," masungit na putol ng lalaki sa kaniya. Napaawang ang labi ni Hera at napatitig na lang sa mga mata nito. Hindi niya mapigilang magulat dahil sa biglaang pagbago ng ugali nito. Ang kaninang blangkong mukha ng lalaki ay napalitan ng hindi pagkagusto habang nakatitig sa kaniya.

Napahigit na lang ng hininga si Hera ay napahawak sa kaniyang nagwawalang puso. Bakit ba pakiramdam niya ay hindi siya gusto ng lalaki at parang may bakit ito sa kaniya? Hindi naman ganito tumingin ang lalaki sa kaniya kanina. Why do she feels like he hated her for existing?

Tumalikod ang lalaki at handa na sanang umalis pero mabilis na hinawakan ni Hera ang braso nito para hindi ito tuluyan na makaalis. She still wants to thank him but he won't accept her gratitude.

"A-ah talaga? Still salam–" Bago pa man matuloy ni Hera ang sasabihin niya sana nang putulin ulit siya ni Andrei sa pangalawang beses.

"How annoying." Nanigas ang buong katawan ni Hera nang marinig niyang sabihin iyon ng lalaki. Nanuyo ang kaniyang lalamunan at hindi mapigilang manginig ng kaniyang buong katawan. Mapakla na natawa na lang siya at pilit na kinalma ang kaniyang sarili.

"May... may nagawa ba akong masama?" matapang niyang tanong at pinilit ang sarili na huwag mautal. Hindi niya naiintindihan. Okay naman ang trato ng lalaki sa kaniya kanina pero biglang ganito. Parang wala lang naman sa lalaki nang makita siya nito kanina at binati noong kasama niya si Lucas. Bakit ganito? Tinatago lang ba ng lalaki ang hindi pagkagusto nito kanina?

Inis na humarap ulit ang lalaki sa kaniya. Ngayon na magkalapit silang dalawa ay kitang-kita niya ang mga mata nito na katulad nang katulad ng mga tao na may ayaw at umabuso sa kaniya noon. Sumikip ang puso ni Hera sa sakit. Parang nakatingin siya sa mga mata ng kaniyang Ina ngayon. Mahigpit na hinawakan ng lalaki ang kaniyang braso at winaksi iyon. Napangiwi si Ann sa sakit dulot ng ginawa nito.

"Don't touch me with your filthy hand. I don't know why the president is so fond of you, but you won't get me. Hinding-hindi mo ako madadali sa paglalandi mo," matigas at malamig na wika nito. Hindi pa nakuntento ang lalaki at tinulak pa siya nito. Napasalampak si Ann sa sahig.

"W-wala akong nilandi–"

"Oh really? Huwag ka nang magsinungaling. Kilalang-kilala ko ang mga tao na kagaya mo. Pera lang ang habol niyo kaya para kayong mga linta na dikit nang dikit sa kaniya. But I can't do anything if he already fell for you, but I won't stay still. I'll be observing," 'yon lang ang sinabi ng lalaki at mabilis na iniwan siya nito na nakasalampak sa sahig.

What was that?

Napatanong na lang si Hera sa kaniyang sarili. Hindi man direktang sabihin ni Andrei sa kaniya pero alam na ni Hera na nagdududa ang lalaki sa kaniya kaya ito ganito. Just why didn't she noticed it in the first place? Na hindi siya gusto nagpapanggap lang ito na mabait sa harap ni Lucas?

Hera understands his reason for doing so. Sigurado siya na marami na ring babae na nag-asam kay Lucas noon at base na rin sa ugali ng lalaki, mukhang hindi naging maganda ang mga nangyari noon.

Napabuntong hininga na lang si Hera at tumayo na. Medyo nasaktan siya sa pagkakasalampak niya kanina pero hindi na lang niya iyon pinansin lalo na ang mga pinagsasabi ni Andrei sa kaniya. Wala naman din kasi siyang mapapala kung isasapuso niya mga sinabi ng lalaki. Total ay hindi naman iyon totoo at isa pa ay sanay na siya sa ganoon.

Pinagpagan ni Hera ang kaniyang sarili at nagsimula na ulit maglakad papunta sa office ni Lucas. Sigurado siya na nandoon si Andrei at makikita niya ulit ang lalaki. Hindi niya alam kung paano ito tratuhin. May ideya na siya kung ano ang magiging trato ng lalaki sa kaniya. Imbes na problemahin pa iyon ay sinantabi na lang muna niya 'yon at nagpatuloy sa paglalakad.

Malaki ang kompanya ni Lucas at dahil bago pa lamang siya dito at hindi kabisado ang paligid, hindi na nagtaka pa si Hera nang mapagtanto niya na siya ay naligaw. Imbes na magpanik ay inalala na lang niya ulit ang kaniyang dinaanan kanina.

"Where's Hera?" malamig na tanong ni Lucas sa kaniyang sekretarya na si Andrei. Inutusan niya kasi na sunduin nito si Hera dahil baka ay naligaw na ang babae at saan na napunta. Nag-aalala siya na baka ay mapahamak din ito.

Nakakunot ang noo ni Lucas habang walang emosyon na nakatingin sa lalaki na nasa kaniyang harap. Kararating lang nito at walang kasama. Hindi mapigilan mag-alala at magtaka ni Lucas dahil doon.

"Miss Hera said she still wants to look around, sir," magalang na wika ni Andrei. Nang dahil sa sinabi ng lalaki ay kumalma ulit ang puso ni Lucas. Lucas let out a sigh of relief and leaned his back on the back rest comfortably. Nagpatuloy ulit ang lalaki sa kaniyang trabaho ay mabilis iyon na tinapos para mapuntahan si Hera sa kung asan man ito ngayon.

While Lucas was working, Andrei couldn't help but study his boss whom he hadn't seen for how many months. He had known him since they were kids since his Father and the former CEO of Whitfield also has a secretary and boss relations. He knows everything about Lucas, his boss including his past and traumas. He understood him as if he was reading him like a book.

His boss is a broken soul looking for someone to save him. Naiintindihan niya ito pero ngayon ay hindi na. Hindi siya makapaniwala na may dinalang ibang babae ang kaniyang boss maliban kay Miss Elena na kababata nito. Bago umalis ang babae ay may binilin ito sa kaniya. And seeing Lucas together with another woman, and that woman is just a poor maid girl, it makes him furious.

Kilala niya ang kaniyang amo pero ngayon ay parang nagbago na ito. Hindi na ito ang dating Lucas na kilala niya. Kaya bago pa man mahuli ang lahat, he needs to bring his boss back to his old self. Even if he needs to cross the line and erase that whore's existence before Miss Elena comes back.

Kanina pa paikot-ikot si Hera pero hindi pa rin niya makita ang malaking pinto ng office ni Lucas. Hindi naman siya bumaba sa sumunod na palapag pero hindi pa rin niya makita ang office ni Lucas. Hanggang sa napagod siya at napagpasyahan na umupo na muna sa sulok dahil sa nakaramdam na siya ng ginaw at pagkauhaw.

Hindi niya dala ang kaniyang cellphone at kung dala rin naman niya iyon, hindi niya alam kung paano ma c-contact si Lucas dahil wala naman siyang number ng lalaki. Parang gusto na lang tuloy niyang sumuko at hayaan si Lucas na hanapin siya.

Ilang minuto nang nakaupo si Hera sa sulok ay nagpapahinga. Gusto na niyang umalis doon kaya tumayo na siya at aalis na sana nang may narinig siyang mga yakap na papalapit sa kaniyang kinatatayuan. Mabilis na lumipat si Hera sa kabila at nagtago roon sa malaking halaman na sa tingin niya ay mas mahal pa sa kaniyang cell phone.

"Woah, first time kong makita 'yong amo natin kanina. Ang guwapo bes, akala ko diyos," narinig ni Hera na wika ng isa sa mga tao na papalapit. Tinakpan ni Hera ang kaniyang bibig para hindi makalikha ng ingay.

"Guwapo nga pero mamatay tao naman." Hera's eyes widened the same time her jaw dropped.

"Hoy! Mag-ingat ka nga sa mga pinagsasabi mo! Boss natin 'yon, baka matanggal ka pa." Base sa mga boses ay napagtanto ni Hera na dalawang tao lang ang nag-uusap ngayon at puro babae. Alam niya na masama ang makinig sa usapan ng iba pero dahil si Lucas ang pinag-uusapan ng mga ito ay hindi niya mapigilan makiusyoso.

"Totoo naman talaga ang sinabi ko ah? Na mamatay tao siya? Hindi mo ba narinig na kaya naging CEO ang ako natin ngayon ay dahil pinatay nito ang kaniyang–" Hindi na narinig pa ni Hera ang kasunod nang may bigla na lang tumakip sa kaniyang magkabilang tainga.

Dahan-dahan na tumalikod siya para harapin ang tao na gumawa no'n. Nagsimula na namang bumilis ang tibok ng kaniyang puso nang makita na si Lucas pala iyon. Seryoso at walang kahit ni isang emosyon na bumabakas sa guwapong mukha nito. Napalunok si Hera at hindi alam kung ano ang sasabihin.

After listening to that conversation, she suddenly felt emotions she hadn't felt before. Hindi niya alam kung galit ba iyon o awa. Hindi niya alam kung ang mga narinig niya tungkol kay Lucas ay totoo o hindi. Mula sa gilid ng kaniyang mga mata, nakita ko Hera na tuluyan nang nakaalis ang dalawang babae na patuloy pa rin sa pag-uusap.

She couldn't help but clenched her fist. Sigurado siya na narinig ni Lucas ang pag-uusap ng mga ito tungkol sa kaniya. But she wonder why is he not reacting? It's making her mad.

"Lucas..." she softly called out his name and held his hand and put it down.

"Do you believe what they say?" he asked coldly. Hera swallowed the lump on her throat and licked her lower lip.

"H-hindi... Alam ko na h-hindi ka ganoon na tao..." Hera tried so hard to make her voice soft and gentle as possible. Dahan-dahan na itinaas niya ang kaniyang nanginginig na palad at dinampi iyon sa pisngi ni Lucas. Napapikit ang lalaki dahil doon.

"What makes you say so..." Lucas gripped touches her hand and slightly gripped it. Mas lalong nagwala ang puso ni Hera sa hindi malamang dahilan. Is it because Lucas' aura suddenly change?

"I–" Before she could say something, Lucas gripped her wrist and opened his eyes. His green orbs glistennes dangerously.

"You don't know anything, Hera. What you've heard was the truth. I've killed my father. Now, will you run away because of it?" he asked. Sobrang seryoso ng mukha ni Lucas. Ito na ata ang pinauna na beses na nakita niya ang lalaki na ganito ka seryoso. Mas lalong nanuyo ang lalamunan ni Hera.

Lucas patiently wait for her reply as he slowly remove her hand from his cheek and bring it closer to his mouth. Nagsimulang uminit ang magkabilang pisngi ni Hera kasabay nang kaniyang paglunok nang paulit-ulit nang isubo iyon ng lalaki.