"Sabi mo hindi ka aalis? Hindi mo ako iiwan? So! bakit ngayon aalis ka?"
"Sorry..."
"Hindi, please h'wag kang nalang umalis.Hindi ko kaya mawala ka sa buhay ko."
"Gustohin ko man hindi umalis,pero hindi pwede.Kilala mo naman sila diba,wala akong magagawa basta sila ang may gusto.Pangako babalik ako,babalikan kita.
Napamulat ako ng wala sa oras,at hindi ko namalayan na tumutulo na naman pala ang luha ko.Sobrang tagal na yun pero sariwang-sari parin lahat.Halos araw-araw napapanagginipan ko laga kung paano kami tuluyang naghiwalay.
'Sana hindi ka nalang nangako kung hindi mo rin pala tutuparin'
Pinunasan ko nalang ang luha ko at tumayo na para maligo.Hindi ko na dapat pa binabalikan ang mga bagay na tapos na.
Bumaba na ako,inaasahan ko makikita ko sya.Pero hindi,tulog pa seguro yun.
Nagtungo nalang ako ng kusina para magluto ng agahan namin.Nang natapos na ako ay inihain ko na,tamangtama naman at pababa na sya.
"Mabuti naman at naisipan mo pang gumising Senyorita."Seryosong sabi ko.
"Sus,kung ako lang ang masusunod ay bukas pa ako gigising."Sarkastikong sagot nya.Napatawa nalang ako tuloy.
"Tsk,engot ka.May trabaho pa kaya tayo."
"Oo na,alam ko.Ang aga-aga ang init ng ulo mo."Pagmamaktol nya.
"Tsk,sino naman ang hindi iinit ang ulo kung napakaaga mo naman gumising.Paniguradong mapapagalitan na naman tayo ni Boss."Seryosong sabi ko na sinimangutan nya lang.
Tong babaeng to talaga,kahit kailan walang pakialam sa mundo.Kailan pa kaya 'to matutoto.
"Oh sya, kumain kana bago pa lumamig tong pagkain."
Sumunod naman sya at nag simula na kaming kumain.
"Wow,ang galing mo talagang magluto Phie.The best ka sa lahat."Manghang sabi nya habang puno ang bibig.
Sa araw-araw na magkasama kami kung maka react sya parang ngayon palang nya natikman ang luto ko.
"Aba syempre magaling ang nagturo ehh."Nakangiting saad ko.Hindi naman sa pagmamayabang pero magaling talaga ang nagturo sa akin magluto.
"Teka nga pala,malapit na ang pasukan ano na balak mo? Balak mo bang dito nalang mag-aral o uuwi kapa sa Inyo?"
Nagpakawala muna ako ng buntong hinanga bago sumagot sa kanya.
"Ewan ko."yan nalang ang naisagot ko sa kanya.
"Anong ewan mo?! Saan mo ba gustong mag-aral? Dito o sa probinsya nyo?"
Sandali muna akong nag-isip.Kung dito ang mag-aral kailangan ko parin magtrabaho para may pangbayad sa tuition fee ko,sa madaling salita kailangan kong pagsabayin ang trabaho at pag-aaral.Kung doon naman ako mag-aaral sa brobinsya hindi ako makakapagtrabaho dahil seguradong magagalit si mama sa akin.
Pero hindi ko din alam kung papayag ba sya na dito ako mag-aral dahil ang paalam ko lang naman sa kanya ay pupunta ako dito para magtrabaho lang at babalik din kalaunan pagdating ng pasukan.
Pero sa totoo lang ay gusto ko sanang dito nalang mag-aral para makatulong din ako kina mama at papa.Para hindi na ako makadagdag sa gastusin nila lalo na at nag-aaral din ang kapatid ko sa elementarya.
"Ano na Phie? Ano ng plano mo?"Tanong nya na naman.
Babaeng tong talaga nakakaireta,Sobra.Hindi makapaghintay ng sagot.
"Tsk,kita mong nag-iisip yung tao ehh."Asik ko sa kanya.
"Eh ang tagal mo naman kasing mag-isip,parang ang laki-laki ng problema mo?"
"Eh malaki naman talaga eh,kaya ko nga pinag-iisipang mabuti diba."Sarkastikong sagot ko.
Hindi sya sumagot at nagpatuloy lang sa pagkain.Kaya ganon nalang din ang ginawa ko.Saka lang sya nagtanong ulit nong natapos na kami kumain.
"Ano tapos kanang mag-isip?."
"Oo,gusto kong mag-aral dito."Nakangiting sagot ko.
"Yun naman pala ehh.Ibigsabihin nito magiging magkaklase na tayo nyan."Nasasabik nyang wika.
'Sana nga,kung papayag sina mama.'
"Wala pa nga ehh, excited kana agad.Sege ka,baka hindi mangyari yun."Panunukso ko sa kanya,nagpatuloy nalang siya sa pagkain.
Masaya ako pero merong part sa akin na hindi dahil hindi ko pa alam kung papayag ba sila mama sa gusto ko.Sa susunod na linngo ay uuwi ako ng probinsya para makapagpaalam ng maayos.
'Sana pumayag sila'
"Hoy, ikaw maghugas ng pinagkainan natin."Sigaw ko nong makita kong paakyat sya sa taas.Hindi naman yata pwedeng ako nalang lagi ang gumagawa ng gawaing bahay.Dalawa kaming nakatira dito sa paupahan kaya dapat nagtutulongan kami.
Pero ang bruha,Inismiran lang ako at nagpatuloy na sa naglakad.
"Amara bumalik ka dito."Sigaw ko pero parang walang narinig ang bruha.Nakakainis ako nalang lagi ang naghuhugas ng pinggan.Pasalamat ka ikaw lang ang kaibigan ko dito kung hindi matagal na kitang iniwan mag-isa.
'Tsk,nakakainis talaga ang babaeng Yun.Pasalamat ka at mabait ako,kung hindi matagal ka nang nakatikim ng tadyak sakin.
Pagkatapos kung maghugas ng pinggan ay nagbihis na din ako.Dinaana ko muna ang kwarto ni Amara dahil alam kong hindi parin sya nakalabas ng kwarto nya hanggang ngayon.
'Napakakupad kumilos'
*TOK*TOK*TOK*TOK
"Hoy,bilisan mo na jan dahil malalate na tayo.Baka gusto mo naman mapagalitan katulad kahapon."Pananakot ko sa kanya.
Pano ba naman kasi nakipagdate pa sya sa boyfriend nya kaya nalate ng uwi kaya ayun sobrang late din nagising.Kung hindi ko pa ginising malamang malala pa sa paglilinis ng sangkatutak na pinggan ang dinanas namin.Sobrang sakit na kamay ko kakakuskus ng mga plato.Pasalamat sya at naawa pa ako sa kanya kaya pinagbanlaw ko nalang.
"Okay na ako,umalis na tayo."Bungad nya pagkalabas.Nauna na syang bumaba kaya sumunod nalang ako.
"Ano game?"Nakangiting tanong nya.
"Game."Walang alintangang sagot ko.
Alam ko kung anong tinutukoy nya.Syempre yung lagi naming ginagawa,pagkakarira ng bike.Yun yung way namin para malibang kami habang nasadaan.Alam naming dilikado dahil maraming mga sasakyan na dumadaan pero binabaliwala namin dahil nag-eenioy kami sa ginagawa namin,pero syempre nag-iingat din naman kami kahit wala kaming mga suot na PPE(Personal Protective Equipment).
Dahil sa ginawa namin ay masnapadali ang pagdating namin sa restu,laking pasalamat ko at kunti palang ang tao.Pero alam kong dumating na si Boss dahil nakita ko ang sasakyan nya.Nauna akong dumating kaya nauna nalang din akong pumasok sa loob.Hinanap ko si Boss pero wala sya,nasa loob seguro ng office nya.Duresto nalang ako sa kusina at kinuha ang apron ko sa lagayan.
Isa akong waitress pero hindi madali ang trabaho ko dahil minsan kapag madami ang tao ay nagkakalituhan kami.Nagkakamali sa pagbigay ng order.Kunti lang kasi ang mga workers dito,kuripot kasi ang may ari.Ang isa pang problema ay madaling magalit si Antonio Amoroso ang Boss namin, kaya kung maaari ay iniiwasan talaga naming magkamali.
Mayamaya pa ang dumating na rin si Amara.
"Ang daya mo naman e,nang-iiwan ka."Reklamo nya.
"Ang bagal mo kasi.Kailanyan mo pa ng kunting practice."Panunuyo ko sa kanya.Na ekina simangot nya.
Hindi naman talaga ako marunong mag bike noon.Tinuruan nya lang ako,noong una ay nahirapan pa ako pero kalaunan ay natuto na ako.Syempre hindi ako umuuwi na walang gasgas o sakit sa katawan.Kung hindi ka mabubunggo sa kahoy sa pader kanaman mapupunta.Pero sulit naman kasi natutu ako diba.Noong natuto ako ay nag-ipon talaga ako para magkaruon ng sariling bike kahit na sobrang mahal.
Nagsimula na kaming magtrabaho hanggang sa makauwi na rin kami ng bahay.Parang nawalan ako ng lakas dahil sa buong araw na pag-aasikaso ng mga customer,nong una ay kunti palang ang tao pero nag tagal ay dumami pa.Nagkamali mali pa kami ng bigay ng order mabuti nalang at hindi napansin yun ni Boss dahil busy siya sa mga papers na nasa table niya kanina.
"Nagugutom kaba? Tinatamad kasi akong magluto eh."Tanong ko sa kasama ko na nakahilata na sa sofa.Para kaming lantang mga gulay.
"Hindi,masgusto ko nalang matulog.Inaantok na talaga ako."Sagot nya habang naghihikab pa.
"Tara na matulog na tayo."Hinila ko na sya dahil parang wala na syang balak tumayo.Hinatid ko sya sa harap ng kwarto nya.
"Good night Best, sweet dreams."Saad ko bago sya iwanan doon.
"Good night din, sweet dreams."Sabi nya bago sinarado ang pinto ng kwarto nya.Okay naman talaga kami,sadhang mga timang lang talaga kami minsan at nagbabangayan.Pero syempre mahal namin ang isa't isa,parang magkapatid na ang turing namin sa isa't isa kahit ilang buwan palang kaming naging magkaibigan.
Pagpasok ko sa kwarto ko ay nahiga agad ako sa kama.Pero dahil naalala kong hindi pa ako naglilinis ng katawan at amoy pawis pa ako,kinuha ko ang towel ko at dumeretso sa banyo.
Habang nasa banyo ako hindi ko naiwasang isipin yung panaginip ko kagabi.
"Babalik ka paba talaga?" Tanong ko kahit alam kong hindi nya yun maririnig.
Halos magdadalawang taon na pero wala parin sya.Napapagod na ako kakahintay sa kanya,sa taong minahal ko ng sobra.
Sana nga humalik kapa dahil baka magbago lahat kapag hindi ka bumalik.Lahat magbabago pati yung nararamdaman ko sayo ay magbago nadin.
Tapos kong maglinis ng katawan ay humilata na ako sa kama.Dahil sa kakaisip ko ng mga alaala namin noon,mga alaalang lagi kung mapapanaginipan.Dahil sa kaiisip ko hindi ko namalayan na nakatulog ako.