Chereads / Unended Love Story / Chapter 5 - CHAPTER FOUR

Chapter 5 - CHAPTER FOUR

Nagising ako dahil sinag ng araw na tumama sa mukha ko.Tumayo na ako at dumiresto sa banyo.Pagbaba ko naabutan ko si Amara na nagluluto kaya napangiti ako.Naramdaman nya seguro ang presinsya ko dahil napalingon sya sa akin.

"Good morning my friend."Nakangiting saad nya.Napatingin namn ako sa niluluto nya dahil sa bango nito.

"Good morning din.Ano palang niluluto mo,ang bango kasi?"

"Ahh,adobo."Sagot nya nya habang nasaniluluto parin ang atensyon nya.

"Akalain mo marunong ka pala magluto."Sarkastikong sabi ko.

"Aba syempre ako pa ba."Pagmamayabang nya na ikinailing ko lang.

"Marunong nga magluto...tamad naman.Sinasayang mo lang ang talento mo sa pagluluto.Ang iba nga jan ay hindi marunong magluto---ikaw ang swerte mo."Sinimangutan nya lang ako.

Ako kasi noon kahit bata palang ay tinuturan na ako ni mama magluto.Para sakaling mag-isa nalang ako ay kaya ko nang ipagluto ang sarili ko.Hindi naman kasi sa lahat ng oras ay nandyan lagi ang mga magulang mo para alagaan ka.Habang bata ka ay kailangan mong matuto.

"Hindi ba pwedeng tinatamad lang."Nakasimangot na sagot nya.Napabuntong hininga nalang ako.

"Malapit naba yang maluto nagugutom na kasi ako ehh?" Pag-iiba ko ng usapan.

"Oo,malapit na.Maghanda ka nalang muna ng mga plato doon."Agad naman akong kumilos dahil gutom na talaga ako.Hindi naman sa matakaw ako, sadyang madalas lang talaga akong gutomin---hindi ko ngarin alam kung bakit.Seguro dahil minsan nagpapagutom ako para lang may maipon at maipadala kina mama sa probinsya.

Mayamaya pa ay lumabas na sya galing kusina at may dalang mangkok,yun na seguro ang adobo nya.

"Oh,ayan na."Sabi nya sabay lapag ng mangkok sa mesa."Let's eat."Agad naman akong kumuha ng plato at nagsandok ng kanin at ulam.

Pagkatapos naming kumain---as usual deretso trabaho na kami.

"Oh.Phie,Amara nandyan na pala kayo!?."Bungad sa amin ng isa sa mga kasamahan namin,si Jasper.

"Oo,kararating lang."Sagot ko,hindi na kami nag-usap ng mahaba dahil baka mapagalitan kami ng unggoy naming Boss.Baka isipin nya na naman hindi kami nangtatrabaho ng mabuti at puro tsismis ang inaatupag.

As usual,ginagawa lang namin ay naghahatid ng mga order at nililinis ang mga misang pinagkainan na wala ng gumagamit.Yun lang ang ginagawa namin hanggang sa matapos ang oras ng trabaho namin.Nagpahinga muna kami saglit at nagkwentohan.Nagsabi narin namin sa kanila na aalis kami bukas para umuwi ng probinsya at hindi kami makakapsok ng ilang linggo.Ang iba sa kanila ay nakungkot dahil mawawalan sila ng kasama at katulong sa gawain,madadagdagan na naman daw ang trabaho nila.Natawa nalang ako sa mga inasta nila.Ang iba naman ay nanghihingi ng pasalubong kahit di paman kami nakakaalis,ang sagot ko nalang ay subukan ko magdala kung makakaya ng budget ko.

Pagkatapos ng mahabang kawentohan ay nagpagpasyahan na naming umalis dahil mamamalengke panga kami para sa byahe namin bukas.Maspinili namin namalengke ngayon dahil indi siksikan at madali kaming makakauwi.Bumili kami ng mga noodles,tubig,prutas,tubig, biscuits at can goods.Dinamihan na namin dahil baka magkaaberya sa daan at kung magutom kami kung sakali ay may nakakain kami.Pagkatapos naming mamili ay umuwi narin kami ng deretso sa bahay.

"Nakapag-impaki kana ba?"Tanong ko sa kanya.Ako kasi noong Isang araw pa para hindi ako magkanda ugaga sa pag-aayos ng mga dadalhin ko.

"Oo naman syempre, girls scout yata to."Sabi nya na nagsaludo pa ng pang girls scout.

"Eh,di ikaw na."Sabi ko nalang.

"Bakit hindi mo ba na naranasan sumama sa mga ganon noong bata kapa?"Tanong nya kaya umiling ako.Medyo nagulat pa sya sa sinabi ko.

"Bakit naman?"Seryosong tanong nya.

"Mahirap lang naman kami kaya wala akong pangbayad sa registration fee."Malunggkot na sagot ko habang nakatungo.Gustong gusto ko sumali,pero dahil wala nga kaming pera ay hindi na ako magpumilit pa.

"Ganon ba,ang lunggot naman pala.Pero huwag kang mag-alala,kapag dito kana nag-aaral lahat ng activities na gusto mong salihan ako ang magbabayad."Napaangat naman ako ng tingin sa sinabi nya.

"Huh!?.Eh,saan ka naman kukuha ng pera? Sa pagkakaalam ko kasi eh,hindi naman ganon ka sapat ang kinikita ng magulang mo.Kaya paano mo ako matutulongan? Saan ka naman kukuha ng pera?"Sunod sunod na tanong ko sa kanya.

"Ang dami mo namang tanong!? Basta,akong bahala."Kampanting sagot.Napabuntong hininga nalang ako dahil sa mga pinagsasabi nyang hindi ko alam kung dapat ko bang paniwalaan.

"Sege,ikaw bahala.Basta kung hindi mo kaya,h'wag mo nalang epilit."Nag sign lang sya ng okay pagkatapos non ay kumain na kami.

Bago kami tuluyang nagpahinga inilagay muna namin lahat ng mga dadalhin bukas sa mesa para madali nalang ilabas ng bahay.Pati narin ang mga damit namin,kunti lang naman ang mga damit ko kaya nagkasya siya sa isa lang maliit na traveling bag.Ganon din si Amara kunti lang din ang dinala nya mga damit.Kailangan naming gumising nga maaga para makaabang agad kami ng masasakyan at para hindi kami gabihin makarating sa brobinsya---kung gabi ka kasi aalis,gabi karin makakarating doon.Pagkatapos namin mahakot lahat ng gamit pababa ay nagpahinga na kami.Kailangan 7:30 ay gising na kami.

Dahil sa nag set ng alarm si Amara ay nagising kami ng maaga.Pagkagising nya ay agad nya akong ginising kahit medyo inaantok pa ako ay napilitan nalang gumising.Kumain muna kami baka nagtungo sa may ari nitong bahay na inuupahan namin para ihabilin ang bahay at susi sa kanya.Pagkatapos non ay nag-abang na kami ng masasakyan para maghatid sa amin sa terminal ng bus.Yung bike naman namin ay nasa loob ng bahay kanadina namin para masegurado na hindi mananakaw.

Ilang minuto pa kami naghintay bago dumating ang sasakyang namin papuntang Mambusao,Roxas City,Capiz.Medyo mahaba haba pa ang byahe namin bago makarating doon.Kapag nag erplano ka naman ibababa ka nila sa erport at sasakay kapa ng bus para makarating sa Mambusao,Capiz.Pinatulog ko muna si Amara dahil malayo pa ang byahe.Gabi na ng magising si Amara,napahimbing yata ang tulog nya.Kumain muna kami at pagkatapos ay ako naman ang natulog dahil inaantok na din ako.Hindi kami pwedeng matulog ng sabay dahil baka manakawan kami.Nagpatuloy ang salitan namin sa pagtulog hanggang sa makarating kami sa destination namin.Ang lugar kung saan ako pinanganak at lumaki.

Hindi alam nila mama na uuwi ako ngayon kaya paniguradong masusurpresa sila sa pagdating ko.

"Nandito na ba tayo?"Tanong nya kaya tumango ako."Ang ganda naman pala ng probinsya nyo Phie?"Manghang sabi nya habang nililibot ang paningin sa labas ng bintana.Ako nga rin ay nagulat,dati rati kasi wala pa gaanong gusali dito ngayon mayroon na.Ang daming nagbago sa lugar na ito.

Huminto ang bus sa tapat ng terminal.Nagbabaan na ang iba naming kasamahan.Medyo gitgitan pa kaya naghintay muna kami ng ilang minuto para umupa ang mga taong bumababa kasabay namin.

Kinuha namin ang mga gamit namin sa taas ng lagayan ng mga bagahe at ang lalagyan ng mga dala naming pagkain kanina,medyo kaunti nalang din ang natitira naming pagkain dahil panay ang ang kain namin kanina habang nasa byahe.

Nag-abang kami ng masasakyan na naghahatid sa amin sa Barangay Baye.Dati motor lang ang sasakyan dito ngayon trycicle na.Mayhuminto sa harap namin na trycicle at tinanong kung saan kami papunta.

"Sa Barangay Baye po.Sitõ Banay-banay."Sagot ko.

"Sege,sakay na."Senyas nya sa amin.Tagalog ang pagkakasabi nya pero yung accent nya may halong bisaya.Pero okay lang naiintindihan ko naman kahit paano,sino naman kasi ang hindi makakainawa sa linggwahe na dati ay ginagamit ko.

Inilagay naman namin lahat ng bagahe namin sa loob ang iba ang hindi na magkasya kaya inilagay nalang ni Manong sa ibabaw ng trycicle at tinali.Nasa side wheel ako at nasa loob naman si Amara.Kung dati ang mga daanan dito ay lubak-lubak ngayon semintado na.Halos abot tuhod pa ang putik kapag umuulan,mabuti nalang ngayon hindi na.

"Saan banda kayo bababa?"Tanong ng driver.

"Mmm,kilala nyo po ba si Aton Lotilla? Doon po kasi kami papunta."Sabi ko.Natahimik muna sandali yung driver na parang nag-iisip.

"Ahhhh...Oo,kilala ko.Si pareng Anton.Bakit anong kailangan mo sa kanya?"Seryosong tanong nya.

"Anak nya po ako."Medyo nagulat pa sya sa sinabi ko.

"Kung ganon ako ikaw pala ang nakakatandang kapatid ni Rhoy!? Ang laki muna,dati maliit ka pa noong huli kitang nakita bago kami lumuwas ng Batangas."Hindi makapaniwalang saad nya."Seguro hindi mo na ako nakikilala,pero kalaro mo dati ang anak ko.Lagi pa nga kayong nag-aaway eh."Natatawang pagkukwento nya.Napaisip naman ako saglit kung sino yung batang sinasabi nya.Bigla nalang pumasok sa isip ko yung batang lagi akong kinakantyawan dahil sa umiihi ako sa higaan namin.Si Mang John na lagi kaming pinagtatawanan kapag magkasama kami ni Jonas,para daw kasi kaming aso't pusa.

"Ah opo,naalala kuna po.Kumusta na po pala si Jonas?"

"Ayun nasa bahay nagbabantay ng kapatid nya.Paniguradong matutuwa yun kapag nalaman nyang umuwi ka."Masayang turan nya.

'May kapatid na pala sya'

"Sus,baka buyoin lang ako non ulit."Natatawang saad ko.

"Nasaan po ba ang asawa mo?"Singit naman si Amara.

"Nasa America nagtatrabaho sa isang restaurant.Sino nga pala yang kasama mo Raphie?"Tanong nya.Napatingin pa sya saglit kay Amara.

"Si Amara po,Amara Tores.Kaibigan ko."Sagot ko.

"Hello po."Sabat naman ni Amara.

"Hello din sayo."Nakangiting turan nya kay Amara."Sya nga pala Raphie,alam ba ng mga magulang mo nauuwi ka ngayon?"Umiling ako bilang sagot."Kung ganon susurpresahin mo pala ang mga magulang mo.Paniguradong magugulat ang mga iyon sa pagdating mo."

"Yun nga rin po ang naiisip ko."Wika ko nalang.Hindi na kami nakapagkwentohan pa dahil nasatapat na kami ng bahay namin."Sege po, salamat po sa paghatid.Paki kumusta nalang ako kay Jonas."Sabi ko at kumaway.Kumaway naman sya pabalik bago tuluyang maka alis.

"Ito naba ang bahay nyo Phi? Ang cute naman."Manghang sabi nya.

"Salamat,mabuti naman at magustohan mo ang bahay namin kahit maliit."Nakangiting sagot ko.

Pumasok kami sa gate na gawa sa kawayan.Hindi naman ganon ka laki ang bahay namin pero malawak ang bakuran namin at maraming nakatanim na gulay at bulaklak.

"Woowww,sobrang ganda naman ng bakuran nyo.Ang daming bulaklak

"Hindi makapaniwalang saad nya,na halos mapasukan na ng langaw ang bunganga nya.Mabuti nalang at walang mga langaw dito."Pwedeng pumitas kahit isa manlang?"Excited na turan nya.

"Hindi,magagalit ang mga dewendeng nakatira jan."Pananakot ko sa kanya.Napasimangot naman sya at padabog na naglakad.

Walang tao sa harap ng bahay,kaya nagtungo kami sa gilid ng bahay baka nandon sila.Imposible namang wala sila dahil linggo ngayon kaya walang pasok sa trabaho.Iniwan muna namin ang mga gamit namin sa harap ng bahay.

Pagdating namin ay hindi ko mapigilang mapahinto at maiyak sa nakikita ko.

"Oh,bakit ka umiiyak?"Takang tanong nya ni Amara na huminto sa gilid ko.

Namiss ko sila ng sobra.Hindi muna kami gumawa ng ingay dahil nag-eenioy pa ako pagmasdan sila.Si Papa ay nag-sisibak ng kahoy at si mama naman ay nagwawalis,Samantalang ang kapatid ko naman ay nag-aaral sa maliit na kubo.Isa ito sa mga dahilan kung bakit gusto kong makatapos sa pag-aaral at mabigyan sila ng magandang buhay.