*TOK*TOK*TOK*TOK*
Nagising ang diwa ko dahil sa katok na yon.Tsk,nakakaistorbo ng tulog.
*TOK*TOK*TOK*TOK*
"Bakit ba kasi??"Inis na sigaw ko at nagtakip ng unan sa mukha na abot tenga para lang hindi ko narinig ang katok nya.Hindi ako sanay gumising ng wala sa oras.
"Gumising kana jan dahil pupunta ako....I mean tayo palang dalawa sa Mall."Sagot nya na hanggang ngayon hindi parin tumigil kakakatok sa pinto.
"Oo na,H'wag mo lang sirain ang pinto ng kwarto ko."Bagot na saad ko at inalis ang unan sa mukha ko sabay tayo diretso ng banyo.
"Yeyy,hintayin kita sa baba.Bye."Huling sinabi nya bago ako makapasok sa banyo.Narinig ko pa ang mga yabag na patalon-talon pa baba ng hagdan.
Tsk,isip bata talaga.
Pagbaba ko naabotan ko syang nagpipindot sa cellphone nya.Wala akong cellphone dahil wala akong perang pambili.Ang cellphone na yun ang regalo sa kanya ng parents nya noong 17th birthday nya,yun din ang unang beses na nakapunta ako sa bahay nila.Sa totoo lang ay maykaya sa buhay sila Amara pero hindi ko alam kung bakit pa sya sumama sa akin magtrabaho at magtiis sa bahay na hindi naman kalakihan tulad ng bahay nila na magara.Gusto ko din magkaroon ng cellphone na katulad ng sa kanya na touch screen kaso kailangan kong unahin ang pangangailangan ng pamilya ko.
"Ano naman ang pumasok sa isip mo at naisipan mong pumunta ng Mall?" Tanong ka agad pagkalapit ko sa kanya na ikinatigil nya sa ginagawa nya kanina."Baka nakakalimutan mo na may trabaho pa tayo."Pagpapaalala ko sa kanya.
She rolled her eyes"Alam ko naman.Hindi ba pwedeng may gusto lang akong hilhin don sa Mall."Sarkastikong sagot nya.
Malayo ang Mall dito sa amin mga 5 minutes pa ang byahe kapag sumakay.Nagbabike lang naman kami seguro ay mabilis kami makakarating doon dahil may prepared lane naman para sa mga bikers.
"Phie pwedeng nagtanong?"Seryosong sabi nya.
Tinaasan ko sya ng kilay."Ano Yun?"
"Wala ka bang balak ayusin ang pananamit mo! Lagi ka nalang naka long sleeves at pantalon paglalabas tayo,pagsabahay naman at ganon din pajama at t-shirt.Parang di ka babae kung manamit."Bulyaw nya sakit.Napatawa nalang ako dahil don.Akala ko kung anong itatanong nya yun lang naman pala.
"Pwede ba huwag kang tumawa, seryoso kaya ako."Naiinis na saad habang habang hinahampas ako sa braso.
"Eh,sa ayaw ko e.Bilin sa akin ni mama bago ako magpunta dito sa Manila na h'wag na h'wag akong magsusuot ng maikli dahil marami dahil adik dito at baka mapagdiskitahan ako.Naintindihan mo ba?"Paliwanag ko.
"Tsk,bahala ka nga sa buhay mo, mukha kang tomboy sa pustura mong yan at baka mas lalo ka pang pagtripan.Consern lang naman ako sayo."Boritong sagot nya.
Nginitian ko sya."H'wag kang mag-alala balang araw makikita mo rin akong mag dress.Baka pagnangyari yun makalimutan mo pangalan mo dahil masmaganda na ako sayo."Sabi ko sabay tawa kaya tumawa nalang din sya.
"Talaga lang huh!.Sege tingnan nalang natin."Natatawa pang sabi nya.
Kumain muna kami bago umalis para naman kahit paano ay may laman laman ang sekmura namin.Tulad nga ng sabi ni Amara ay dumaan muna kami ng Mall.Mabuti nalang at kunti pa lang ang mga tao kaya hindi siksikan.
"Ano ba kasi ang bibilhin mo."tanong ko sa kanya ng makapasok na kami sa loob.
"Basta sumunod ka nalang."Hindi na ako nagtanong pa at sumunod nalang sa kanya kahit saan sya magpunta.
Nainip na ko kakasunod sa kanya kaya nagpaalam muna ako para lumabas at bumili ng maiinom dahil nauuhaw na ako kakasunod sa kanya kanina pa.
Pagkalabas ko ng maynatanaw ako na nagbibinta ng palamig sa di kalayuan kaya naman dumiresto ako agad doon para bumili.
"Pabili ngapo."Sabi ko sa Mamang nagtitinda ng palamig.Seguro nasa mga 60 pataas na ang edad nya.
"Sampung peso ang isang baso ija."Paliwanag ni manong.Tinanguan ko nalang sya sabay ngiti.
"Oh,ito na palamig mo ija."Abot ni manong ng baso na may palamig kaya kinuha ko naman sabay bigay ng bayad."Salamat."Sabi ni manong ng makuha ang bayad ko.
"Walang anuman po."Sabi ko at tumalikod na sa kanya.Mabuti nalang at meron parin matyagang naglalako ng palamig dito kahit marami na ang mga store at shop na pwede mong mabilhan ng kahit anong malamig na inomin at tambayan,dahil ang karamihan ng bilihan dito ay may aircon kagaya nalang nong Mall na pinasukan namin kaya masarap tambayan dahil malamig sa loob.
Bumalik na ako sa loob ng Mall.Dahil hindi ko alam kung saan hahanapin ang kasama ko ay naupo nalang ako sa isang tabi kung saan makikita mo talaga lahat ng dadaan palabas ng Mall.Printe akong nakaupo ng biglang nahagip ng mata ko ang malaking relo dito sa Mall na nakasabit sa pader kaya nanlaki ang mata ko ng makita ko kung anong oras na.
8:05 am na,late na kami sa trabaho.
Dapat ay 8:00 ng umaga ay nasa trabaho na kami dahil yun ang oras na talagang dapat kami magsimula ng trabaho.
Malilintikan na naman kami nito kay Boss.
Kasalanan lahat to ng babaeng yon ehh.Nagpuntapunta pa kasi ng Mall.
Tumingin ako sa paligid bago sumakay sa escalator papuntang second floor ng Mall kung saan ko sya huling nakita kanina.Pinuntahan ko sya sa pinag ewanan ko sa kanya kanina pero bigo ako dahil wala sya.Kaya patagbo naman akong bumalik sa baba,dala ko parin ang palamig na binili ko kanina mabuti nalang at hindi na tapon kakatakbo ko,kunti pa lang kaya ang nabawas ko dito sayang naman kung matatapon.Hingal akong nakarating sa baba,nakatayo ako palinga linga sa paligid.Napatingin ulit ako sa relo ng Mall at 8:25 na.
Nakatalikod ako sa may pinto ng Mall.Nawalan na ako ng pag-asang mahanap sya kaya napag desisyonan ko nalang na umalis.Kayatumalikod na ako,kaya lang may biglang nakabungo sa akin.Kamalas malasan ay nawalan ako ng balanse kaya muntikan na akong mahiga sa floor ng Mall mabuti nalang at nahawakan nya ako agad sa bewang.
Hindi ako makatingin ng deretso sa kanya nong magtama ang paningin namin.Agad naman akong kumalas sa pagkakahawak nya.Sa sobrang pagkahiya at kaba na naramdaman ko ay kung saan saan nalang ako tumitingin.
"Salam...."Nahihiyang sabi ko na hindi ko naman natuloy sabihin dahil tinalikuran nya agad ako.
Dahil sa ginawa nya pakiramdam ko lahat ng hiya at kaba ko kanina ay nawala,napalitan ng inis,galit syempre may kunting hiya din naman kasi napahiya ako eh.Magpapasalamat pa naman ako sana kaso bigla nalang akong tinalikuran,walang modo.
Deretso lang syang naglakad na parang walang nangyari.Hindi manlang marunong magtanong kung okay lang ba ako o may masakit ba sa akin.Hindi naman sa nag-eemote ako pero ganon naman talaga diba ang kadalasang nangyayari kapag may nakabangga sayo.
Hayyss,sabagay hindi lahat ng mangyayari ay aayun sa inaasahan mo.Sadyang wala lang talagang respeto ang nakabangga sayo self.
Kinalma ko nalang ang sarili ko.Muli kong tinig yung lalaking walang modo.Hindi ko natandaan ang mukha nya dahil sa sobrang kaba ko kanina akala ko sa hospital na ako gigising.Ang lapad ng likod nya wala segurong ginagawa to' sa kanila.Sa amin kasi may sabi-sabi na basta malapad daw yung likod ay tamad o walang ginagawa sa bahay nila.Hindi naman ako na niniwala sa mga sabi-sabi kasi wala naman ako sa lugar nila para mangsusga.
Nahagip ng mata ko ang jacket nya na may nakasulat na Kim at #1.Varsity jacket pala ang suot nya hindi ko manlang napansin.Hindi ko nalang yun pinansin at lumabas na.
"Hoyy Phie!" Napatalon ako sa gulat ng biglang lumitaw sa harapan ko si Amara."Saan ka ba nagsusuot at hindi kita mahanap kung saan.Ang galing mong magtago ah."Natatawang sabi nya habang ako nakahawak sa dibdib ko dahil sa panggugulat nya.
"Tsk,pwede ba sasusunod h'wag kang nanggugulat baka bigla nalang ako atakihin sa puso dahil sayo."Singhal ko habang pinapakalma ang sarili.
"Eh saan ka ba kasi nagpunta?"Mahinahong tanong nya.
"Bumili ng maiinom,nauuhaw ako kakasunod sayo kanina."
"Bumili ka lang ng inomin ang tagal-tagal pa.Saan kaba bumili sa Egypt."Natatawang sabi nya.
"Bumalik kaya agad ako sa Mall,napatingin ako don sa clock nila na nakasabit sa pader at na alala kong may trabaho pa tayo.Kaya hinanap kita agad kaso hindi naman kita nahanap."Paliwanag ko.
"Tamangtama naman kasi kanina paglabas mo natapos ko agad ang pamimili.Kaya lumabas narin agad ako para hanapin ka kaso wala ehh."Sabi nya na parang nanghihinayang.
"Pano yan ngayon,papasok pa ba tayo sa trabaho?" Tanong ko sa kanya.
"Sus hindi na,natawagan ko na si Boss."Sagot nya.Napatingin naman ako sa kanya ng may pagtatanong."Sinabi ko sa kanya na may sakit ka at kailangan kitang alagaan."Nakangising dagdag nya.Nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi nyang yun.
"Ano? Bakit mo sinabi yun?"Tanong ko sa kanya.
"Hehehe, sorry naman.Yun lang naisip kong palusot eh."
"Engot ka talaga."Singhal ko sa kana na ikinatawa nya,sinamaan ko naman sya ng tingin kaya tumigal sya.
"Ano nga pala yang mga pinamili mo?"Tanong ko sa kanya nong mapansin ko ang dalawang supot ng plastic na hawak nya.
"Secret, mamaya malalaman mo pag-uwi ng bahay."Bahagya nya pang inilayo sa akin yung supot nong subukan kong silipin.Tsk,engot talaga.
"Pero kong gusto mo talagang makita, eh di sege."Inabot nya sakin yong isang supot ng plastic kaya kinuha ko naman.Tinigna ko agad ang laman.
"Akala ko kung ano tinapay lang pala."Ibabalik ko pa sana sa kanya kaso wala na sya sa harapan ko,nandon na pala sa bike nya nakasakay.
"Ikaw magdala nyan tutal nakita mo naman na ang laman."Natatawang sigaw nga dahil medyo may kalayuan sya sa pwesto ko.
Tsk,kainis.Naisahan na naman ako ng bruha.
Padabog akong naglakad at sumakay ng bike ko.Binilisan ko ang pagpadyak dahil inwan nya na ako.