Tinitignan ko ang isang mataas na building sa harap ko
Today is the new beginning of my life
Today, i'm gonna start again
i'm starting a new job
i hope everthing will be okay, Fighting!!
pumasok na ko sa building at sumakay na sa isang elevator hangang sa makarating sa 7th floor, lumapit ako sa isang receptionist
"Good Morning Miss i'm Shone Andrei Mendoza" ngumiti sya ng malawak at base sa reaction nya mukang expected na nyang dadating ako
"Oww Mr. Mendoza ang aga mo naman, 7am palang 8 pa ang schedule ng pasok mo diba" sabi nya sakin
"first day kasi kaya ayokong ma-late" pumalakpak sya bigla "bonga! ganyan ang gusto ni Mr. Reyes" tumayo sya sa table nya at parang may kinuha
"heto ang I.D. mo then sumunod ka sakin para madala kita sa table mo and by the way im Clarra Angeles" sumunod lang ako sa kanya at tinignan tignan ang paligid
"alam mo mabait si Mr. Reyes, actually buong family nila kaya ang swerte mo at napunta ka sa company na to pero..." tumigil sya at humarap sakin "pero wag kang magkakamali kay sir Kris" ang kanyang hintuturo ay nakadikit sa ilong ko
"bakit anong meron kay sir Kris?" inalis na nya ang daliri nya at nagpatuloy sa pag lalakad
"mabait si sir Kris close nya ang lahat dito since sya ang mas batang boss pero lahat takot sa kanya, ako hindi" nakalapit kami sa isang bakanteng lamesa pero nanatili kaming nakatayo
"bakit sila takot? bakit hindi ka takot" tumawa sya bigla
"kasi kilala ko si sir Kris, kababata ko sya kaya alam ko na bawat pasikot sikot ng ugali nya kaya hindi ako takot" nag kwento sya ng nag kwento tungkol sa company and sa mga makakasama ko dito, bumalik lang sya sa table nya nung malapit na mag 8:30
"ahm Shone last reminder, parang kabute si sir Kris susulpot yan bigla bigla pero today wala sya naka vacation sya".