Chereads / May we bye / Chapter 2 - Chapter 1

Chapter 2 - Chapter 1

Dahil 1st day ko palang at wala ang magiging boss ko, wala akong masyadong ginagawa kaya nainip na ko, nasanay kasi ako sa mga previous works ko na unang araw palang madami na agad ginagawa kaya naisipan kong lapitan si Clarra, pag dating ko sa table nya nag si-cellphone lang sya

"ahm excuse me? Clarra?" medyo nagulat sya sa pag sulpot ko

"yes Andrei? any concern?" inilapag nya ang cellphone nya at umupo ng ayos

"ano kasi, ah naiinip ako baka may pwede akong gawin?" alanganin akong ngumiti sa kanya

"hmmm wait teka iisipin ko lang ah" bigla syang napa palakpak "yes meron, may nga reports akong hindi natapos eh, pwede mong i-review para pag dating si sir Kris ok na" may mga kinuha syang documents sa drawer nya at inabot sakin

"by the way, if you don't mind, sino nga pala yung dating secretary ni Mr. Reyes?" nailagay nya ang mga palad nya sa kanyang mga pisngi, parang nag daydreaming

"alam mo yung dati nyang secretary ang ganda, as in sobrang ganda a total package! sexy, smart" is she a lesbian?

"lesbian ka?" marahas nya akong nilingon at tinignan ng masama

"ofcourse not!!"

"eh bakit kung i-discribe mo yung dating secretary parang inlove ka?" tumayo sya at humawak sa bewang nya at kinaway kaway ang isang kamay na parang kasali sa isang beauty contest " cause i am the previous secretary! and i thank you!" natawa nalang ako sa kanya

"iba ka din pala Clarra, hindi lang ata bangko ang binuhat mo pati sofa! at hindi lang ata hangin ang dumaan pati bagyo" natatawa kong sabi sa kanya at hinampas nya ko sa braso

"grabe ka Andrei ha! bakit?  may mali ba sa sinabi ko?" natawa nalang ako

"wala naman, so bakit naging receptionist ka?" dahil mukang mahabang usapan to umupo ako sa bakanteng upuan sa harap nya

"well kasi yung dating receptionist dito is hindi kilala yung mga boss and friend nila sir so dahil kilala ko naman lahat kaya ako ang inilagay dito"

so the case is ang buong 7th floor of this building is for our company and meron kaming warehouse sa lower ground floor ng building, walang nag tatagal na receptionist dahil kung hindi palpak pinapalayas yung mga bisita ni sir Kris dahil tuloy tuloy lang ang pag pasok ng mga ito, dahil si Clarra naman ang dating secretary nag paturo na ko ng mga dapat gawin at mga dapat matutunan so pag balik ni sir Kris ok na ang lahat.

---

After work dumaan na muna ako sa favorite cafe ko at nag order ng Matcha milk tea na sabi ng mga friends ko it's kind of weird dahil milk tea na nga then matcha flavor pa, well i can't help it.

Dahil wala pa ko sa mood umuwi nag stay pa muna ako sa cafe, actually dito ako nag work before, umalis lang ako since i want something new, 4yrs na kasi akong working dito kaya naisipan kong mag hanap ng iba

"hey Shone! kamusta?" bati sakin ng dati kong manager, Shone ang tawag nila sakin dito, actually sa new job ko lang ako nag patawag ng Andrei"oh my gosh! it's been 5 days since the last time we met i missed you!" umarte pa sya na parang umiiyak

"tigilan mo nga ko Horhe?" Gay kasi sya and isa sya sa mga close ko dito

"my gosh Shone! stop calling me Horhe it's Georgina" gigil na sabi nya sakin, natatawa namang lumapit samin ang isa sa mga barista na kasama ko dati si Alliah

"naku Shone wag mo na nga asarin yang si sir Horhe stress mo sya" sabay upo sa lamesang nasa tapat ko

"isa ka pa Alliah! stress nyo kong dalawa!" sabay pakikot ng mga mata nya "pasalamat ka Shone mahal kita, bakit di mo pa ko kasi ako ligawan" sabay lingkis nya sa braso ko pero inalis ko agad

"mandiri ka nga sa sinasabi mo Horhe, liligawan kita? eh mas matcho ka pa nga sakin" medyo may mga muscle kasi sya since nag pupunta sya palagi sa gym, hindi ako homophobic sadyang ganyan lang kami mag usap

"hay naku bahala ka na nga dyan sa buhay mo babalik na ako sa office, see you soon" tumayo na sya at umalis, sign na yun talo na naman sya sa asaran

"kamusta naman ang firstday as a secretary" tanong ni Alliah

"ok naman kaso di ko pa nami-meet yung boss ko since nasa vacation ata" tumayo na din sya para bumalik sa trabaho nya

"well goodluck sa new life and new environment"

"thank you"

tumayo na din ako para umalis na since inabot na ko ng isang oras dito, dahil malapit nalang naman dito yung bahay ko nag lakad lakad nalang ako.

***

1 week na since nag start ako pero hindi ko pa nakikilala yung magiging boss ko, na meet ko na yung family nya at mga kaibigan nya pero sya hindi ko pa nakikita, kung ano ano na din nai-utos sakin ng ate at kuya nya pero sya wala pa din akong idea sa kung anong itsura nya. Ngayon bumaba ako sa lower ground para mag tour sa warehouse, nag paalam naman ako kay Clarra para in case na hanapin nila ako

"hi Andrei, what brings you here?" bati sakin ni ma'am Jehan, ate ni sir Kris

"gusto ko lang po sana mag tour at makita yung warehouse natin, pati yung mga item natin"

"wow ngayon lang ako naka encounter ng staff na ganito" napakamot naman ako sa batok ko dahil sa hiya

"curious po kasi ako sa mga itsura ng mga item natin"

"well go ahead mag ikot ikot ka na dyan at may kukunin lang ako sa office natin sa taas" umalis na sya at sinimulan ko ng libutin itong malawak na warehouse.

Ang business nila is like department store pero wala sa mall, kaya may mga section dito na puro bags, ladies shoes and hats ang mga naka lagay, dito nakalagay ang lahat ng mga stock namin para sa store. Tinitignan ko ang bawat rows ng  shelves and i'm trying to check the quality just to familiarize, medyo nasa dulong part na ko ng warehouse kaya naisipan ko ng bumalik ng biglang

"BOOOOO!!"

"AAAAHHHHH" sigaw ko sa sobrang gulat

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" tawang tawa yung nilalang na gumulat sakin

"that was fun! you should see your face! come on look na record ko" hindi ko alam kung anong dapat kong maging reaction sa ginawa nya kasi hindi ko naman sya kilala pero base sa description ni Clarra na matangkad, maputi, eye smile at pilyo masasabi kong si sir Kris itong nilalang na to

"hey come here!!" tawag nya sakin pero hindi pa din ako lumapit

"okay i'm sorry hindi mo pa nga pala ako kilala i'm Kris Reyes and you are Anrdrei, right?"

"yes sir! Shone Andrei Mendoza" inabot ko sa kanya ang kamay ko para makipag shake hands

"nice to finally meet you Andrei" inabot naman nya ang kamay ko at nag shake hands kami "by the way pasensya na sa ginawa kong pang gugulat sayo nasabi kasi sakin ni ate Jehan na andito ka nung makasalubong ko sya kaya naisipan kong gulatin ka" explain nya

"ok lang yun sir, no harm done"

"well i guess sa 1 week na andito ka may alam ka na about sa company since nasabi sakin ni Clarra na matanong ka daw at madami kang inaalam" nag simula na syang mag lakad kaya sumunod ako sa kanya

"yes sir, gusto ko po kasing malaman yung mga back ground about sa business and since wala pa naman pong masyadong ginagawa kaya nag papaturo po ako kay Clarra"

"that's good! anything you want to know just ask Clarra or me, mas gusto ko yung ganon hindi yung nag mamagaling lang, by the way sumama ka sakin" sumunod ako sa kanya at napunta kami sa parking ng building, pinasakay nya ko sa kotse nya at umalis kami

"saan po tayo pupunta?" tanong ko

"nag crave ako sa milktea so, bibili tayo" tama nga ang sinabi ni Clarra na kung anong maisipan ni sir Kris gawin, gagawin nya talaga

"pero hindi po ako nakapag paalam kay Clarra" baka kasi bigla akong hanapin nun

"hayaan mo sya"

maya maya tumigil sya sa isang lugar na pamilyar sakin, bumaba sya sa kotse nya kaya sumunod ako

"kaylangan alam mo tong lugar na to para pag inutusan kita alam mo kung saan pupunta" pumasok sya sa loob ng Bright Cafe kaya sumunod ako

"SSSSHHHHOOOOONNNNEEEEE" bungad sakin ni Alliah at Georgina

"miss mo naman agad kami, andito ka lang kahapon tapos ngayon hindi pa tapos yung office hours mo diba?" sabi sakin ni Georgina, hindi ko na sya tinatawag na Ma'am or Sir  since wala na ko sa cafe and 3 years lang naman age gap namin kaya drop the formality na daw and wag na wag ko daw syang tatawaging kuya

"actually hindi ako pumunta dito para dalawin kayo, kasama ko yung boss ko" tinuro ko si sir Kris na nasa harap ng counter at tinitiganan ako na parang gusto nya ng explanation.