Chereads / May we bye / Chapter 4 - Three

Chapter 4 - Three

After nung nangyari between samin ni sir Kris hindi kami nag usap masyado, nag uutos lang sya at yun na yun, nakikipag kwentuhan sya sa iba except sakin na medyo ikinataka ni Clarra

"hoy Andrei! galit ba sayo si sir Kris" pag uusisa ni Clarra

"hindi ko alam" tipid kong sagot sa kanya

"ay naku ka! umamin ka na! kilala ko yan si sir Kris! hindi yan mag kakaganyan kung wala syang kagalit sa paligid! look hindi na halos lumabas ng office" sinundan ko yung tinitignan ni Clarra, si sir Kris sa office nya at mukang busy

"teka bakit ba ako ang suspect mo kung bakit sya ganyan? pwede namang iba?" katwiran ko

"tsk tsk tsk walang duda na ikaw ang bago dito sa company na to, si sir Kris palabiro yan sa lahat, close ng lahat yan kaya mahahalata mo kung sino yung kinaiinisan nya or kung kanino sya galit" biglang sulpot ni Yuri sa gilid ko, mga chismosa pala tao dito

"hindi mo ba napapansin nakikipag biruan sya pa din sya samin except sayo, pag nag utos sya sayo formal sya pero pag samin akala mo tropa lang so eto lang meaning nyan galit sya sayo o naiinis sya sayo" nilingon ko si Jackson na nakatayo na pala sa likuran ko

"kaya kung ako sayo, makipag usap ka na sa kanya at ayusin mo na yung problema nyo kasi ikaw lang ang mahihirapan" sabi naman ni Clarra, napaisip ako at napatingin ulit kay sir Kris na ngayon ay nakatingin na samin na nag kukumpulan, bigla syang tumayo at lumabas ng office nya

"anong ginagawa nyo Clarra? oras pa ng trabaho diba?" mahinahahon syang nag salita pero dama mong may halo yong galit

"may sinabi lang po kami kay Andrei sir, by the way kakausapin daw nya po kayo in private" nilingon ko si Clarra sa gulat ko sa sinabi nya pero wala na silang tatlo sa paligid ko, walangya! ang bibilis bumalik sa mga table nila!

"pumasok ka sa office" sabi ni sir Kris at nauna na syang pumasok kaya sumunod na ko

"take your seat" turo nya sa upuang nasa harap ng table nya "so anong sasabihin mo sakin" bigla akong nakaramdam ng kaba

"ano po ahmmm kasi ano po gusto ko lang i-clarify yung nangyari last time sir, kasi ano sorry sa naging asal ko, sorry sa pagiging rude ko" tuloy tuloy na sabi ko sa kanya, oo sya yung mali pero baka tangalin nya ko dahil doon, and that's a big NO dahil i really need this job!, nagulat ako nung bigla syang tumawa

" I'm not mad Andrei, it's just ahmm di ko alam kumg pano kita pakikitunguhan dahil ayoko na mangyari yung mistake na yun, and I'm sorry, ako yung mali " nakaramdam ako mg relief sa sinabi ni sir Kris, may sasabihin pa sana ako nang may biglang kumatok at binukasan agad ang pinto

"ooppss did I disturb you guys? I'm sorry" nagulat ako sa kung sino yung bagong dating "SHONE?!" sigaw nya kaya napatayo ako, dahil na rin siguro sa gulat "my friend! watcha doin here?" tanong nya sakin sabay akbay

"teka nga Drake magka kilala kayo? tanong ni sir Kris kay sir Drake

"ofcourse! sya yung barista sa Bright Cafe! yung magaling at masarap gumawa ng order mong Americano and latte" explain ni sir Drake, regular customer sya sa Bright Cafe at naging magkaibigan kami dahil once sya nagpaturo sakin kung pano gumawa ng latte

"bakit hindi ko sya nakikita dun? yung babae lang?"

"paano eh ako lang naman ang palaging nag oorder dahil sa upuan ka didiretso, hindi mo nga din alam ang pangalan ni Alliah" kahit ako hindi ko sya nakikita, regular customer ko lang sya before tapos boss ko na sya ngayon.

Medyo tumagal pa ang kwentuhan namin ni sir Drake to the point na nalimutan nya na yung best friend nya ang ipinunta nya dito kaya naisipan ko na mag paalam na sa kanila at ituloy na ang trabaho ko.

******

Dumaretso na ako ng uwi at hindi na dumaan sa Bright Cafe kahit sinasabi nila Georgina na puntahan ko sila, feel ko kasi ngayon ay sobrang pagod na pagod ako dahil na din sa nagkaroon kami ng ilang oras ng over time dahil sa biglaang order ng isang sinu-suplyan namin ng bags, pero dumaan nalang din ako sa 711 for my dinner dahil wala na talaga ako sa mood mag luto, gusto ko nalang matulog.

Mga past 10:00 na ko nakarating ng apartment pero kung akala ko makakapag pahinga ako hindi pala dahil andito si Alliah at James, easy lang naman sila makapasok dito dahil may susi dito si Goergina, malamang pinahiram nya tong mga to ng susi

"bakit kayo nandito?" agad kong tanong sa kanila, bukas naman na kasi ang pintuan at naka upo sila sa sahig at nanonood ng TV, yung apartment ko pala is studio type lang at naka swerte lang na medyo malaki at kasya ang apat na tao, may double deck since kasama ko si Georgina before at pag trip nila mag sleep over dito may space pa sila at nasa 2nd floor ang location

"wala naman, yayaain ka sana naming mag inom kaso late ka na umuwi, kanina pa kami dito dalawang oras na" sagot ni James

"maaga kasi ng close ang cafe dahil may biglaang event daw na pupuntahan si Mr. Espanto" dagdag pa ni Alliah, si Mr. Espanto ang may ari ng Cafe, umupo ako sa tabi ni Alliah pero hindi mag tagal napahiga na din ako

"bakit wala si Georgina?" pag tataka kong tanong

"ano ba Andrei malimig ang sahig wag kang humhiga, dun ka na sa higaan mo kung pagod ka" concern ma sabi ni Alliah

"naku! may date sila ng boyfriend nya kaya hindi sumama, monthsary daw nila" sagot ni James sa tanong ko, bumangon ako at bumalik sa pag kaka-indian seat

"ay wow sana all may jowa" patawa kog sagot

"jumowa ka na kasi tol! kayo nalang ni Alliah ang single o bakit kaya hindi nalang kayo?" pabirong sabi ni James na ikinapula ni Alliah

"tigilan mo nga kami James!!" tumatawang sagot ni Alliah sabay hampas kay James

"ano ka ba! hindi kami talo nyan ni Alliah no! mas lalake pa nga ata sakin yan eh" pang aasar ko kay Alliah kaya ako naman ang hinampas hampas, napuno ng tawanan naming tatlo ang apartment dahil sa pag aasaran namin hangang sa napagod kami

"kumain ka na dyan! nag luto na ako at nag saing, nakakain na din kami, tara na James! pag pahingahin mo na yan alas dose na" sabi ni Alliah habang nililigpit ang mga kalat

"sige na mag silayas na kayo maaga pa ako bukas! o James ihatid mo si Alliah ha! ingat sa drive" labas na sila pero hindi ko na sila inihatid pababa, tinamaw ko nalang sila mula dito sa second floor, nang mawala na sa paningin ko ang motor ni James saka ako pumasok at nag ligpit na din ako ng mga iba pang kalat at kumain,

Masaya talaga yung paminsan minsan may kasama sa bahay, nakaka miss din. Yung magulang ko kasi ay nasa Batangas kasama ang isa kong kapatid na nag aaral pa ng kolehiyo, naisipan ko lang talaga lumuwas ng Manila dahil mas marami ang opportunity dito. Ang pamilya namin ay hindi mayaman, tama lang para sa pang araw araw na buhay. May pwesto sa palengke sila inay at itay at nag titinda sila ng mga gulay at frozen goods, si Angela naman na bunso kong kapatid ay madiskarte na mag benta benta ng kung ano ano kaya in total wala kaming problema sa pinansyal at sarili ko lang ang iniintindi ko dito, ayoko lang talagang umuwi sa Batangas na walang trabaho kaya napilitan akong kausapin si sir Kris para makipag ayos.