Chapter 1
Unang araw ng eskwela. Huling taon ko na sa Senior High School. At pagkatapos nito ay college life naman ang haharapin ko.
Bagong school, bagong classmates.
Sana magkaroon ako ng maraming kaibigan. Pero syempre, si Lianne pa rin ang bestfriend ko. Paano ba dapat ang maging approach ko? Maging friendly ba? Ngitian ko lahat ng makikita ko? Batiin ng magandang umaga? Kinakabahan ako! Sana mababait ang mga tao rito.
"Misha!" Nagulat pa ako ng halos sigawan na ako ni Lianne.
"Lumilipad na naman ang utak mo no?"
"Kinakabahan kasi ako. Bago lang ako dito. Iniisip ko kung mababait ang mga estudyante dito? Kapag naalala ko kasi---" pinutol niya ang sasabihin ko pamamagitan ng marahang pagtapik sa balikat ko.
"Chill. Tara na, tignan na natin kung saang section tayo." tumango na lang ako bilang tugon.
Lumapit kami sa announcement board na nasa ibaba ng stage sa covered court.
"Aww...hindi tayo magkaklase. Malas naman. Section B ako nasa C ka." napa buntong hininga naman ako.
"Ano ka ba! Okay lang 'yan! Nasa kabilang room lang ako." natatawa niyang sabi. Ako naman ay sinalakay ng kaba. May pagka-introvert kasi ako. Hindi ako friendly, ayoko ng maraming atensiyon. Hindi ako mahilig makipag-usap sa tao, kung hindi ako kakausapin, hindi ako sasagot. Hindi ako approachable na tulad ni Lianne.
Natigil ang pag-iisip ko ng tapikin niya ang likod ko.
"Dito na ko Misha. Kita tayo mamayang break. Text or chat mo ako ah!" ngumiti at tumango na lang ako sa kaniya. Magkasunod lang naman ang kwarto namin. Ilang hakbang lang ang pagitan.
Nasa harapan na ako ng kwartong magiging pangalawa kong tahanan. Sana maging okay ang lahat. Sana magkaroon ako ng maraming kaibigan. Isang malalim na buntong hininga muna ang pinakawalan ko habang nagtatalo ang isip kung bubuksan ko na ba o hindi pa ang pinto.
"Ang tagal naman." napitlag pa ako ng marinig ang tila inis na tono ng kung sinomang nasa likuran ko.
Huwag mo na lang siya pansinin Misha, hawakan mo na ang doorknob at buksan mo na ang pinto ng pareho na kayong makapasok.
"Huh!" *dubdubdubdub*
Ano ba 'to? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?
Sabay naming nahawakan ang seradura ng pinto. Hawak ko ang doorknob, siya naman ay ang kamay ko, ngunit siya ang nagpasyang pumihit ng seradura.
Pagbukas na pagbukas ng pinto ay napalingon sa aming dalawa ang mga tao sa loob. Iba-iba ang ekspresyon ng mga muka nila. Gulat, taas ang isang kulay at naka simangot? Bakit?
"Tsss.." napitlag pa ako ng marinig ko ang tila inis na angil niya.
"B-bakit m-magkasama sila?"
"Sino ba yang babae na yan?"
"At ang mga kamay nila maglahawak pa!"
"Kapal ng mukha!"
Ako ba?
Napansin ko naman ang kamay namin na nasa door knob pa, agad ko namanng hinila ang kamay ko.
"Papasok ka ba? Nakaharang ka kasi sa daraanan ko?" daig ko pa ang binuhusan ng tubig na malamig at tila nanigas na sa kinatatayuan. Damang dama ko ang hininga niya sa batok ko. Pabulong niyang tinanong sa akin iyon. Nakatalikod kasi ako sa kaniya, at oo nga, nakaharang ako sa daan.
"P-pasensiya na hehe." bahagya ko lang iginalaw ang leeg ko dahil daig ko pa na-stiff neck at hindi siya magawang lingunin.
"Ang bagal."
"H-hoy! T-teka naman!" hinawakan niya ang magkabila kong balikat at saka patulak akong pinalakad papunta sa bakanteng upuan.
"O my gosh!"
"Hinawakan siya!"
"Magkakilala ba sila?"
"Nakakairita!"
Samu't saring bulungan ang naririnig ko. Halatang hindi natutuwa sa nakita nila.
"Diyan ka maupo." alanganin naman akong tumango ngunit hindi pa naupo. Gusto kong makita ang mukha niya.
Sinundan ko naman siya ng tingin, pumunta siya sa bakanteng pwesto sa likuran ko. Nakatalikod pa rin siya kaya hindi ko makita ang muka niya. Ngunit base sa reaksiyon ng mga babae dito sa room, mukang kilala siya.
Matangkad, hindi naman payat, hindi rin malaki ang katawan, sakto lang. Maputi at makinis ang braso niya.
"Ano pang tinatayo-tayo mo diyan? Maupo ka na!" muli ay napitlag na naman ako ng magsalita siya, at noon ko lang napagtanto na nakaupo na siya at nakatingin sa akin-inis na nakatingin sa akin.
Mga ilang ulit pa akong napapikit ng mapagmasdan ang muka niya.
May pagkasingkit ang mga mata niya. Matangos na ilong, kulay rosas na nga labi. In short..gwapo. Hindi na ako nagtataka kung bakit ganoon na lamang ang reaksiyon ng mga babaeng ito.
"Ah!" aray!
"Tapos ka na bang pagnasaan ako?" hindi ko namalayang nakatayo na pala siya sa harapan ko. Pero bakit niya ako pinitik sa noo? Ang sakit! Teka ano yung sinabi niya?
"No! Mukang naunahan na tayo!"
"Oo nga! "
"Ayoko na! Hindi ko na kaya!"
Muli ay hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at sapilitang iniupo.
Problema nito?
At dahil nga sapilitan niya akong iniupo ay wala na akong nagawa kung hindi ang maupo. Bumalik na rin siya sa pwesto niya, sa likuran ko. Hindi ko alam kung anong trip niya, pero may pakiramdam akong hindi 'yon maganda.
Hindi ko magawang itaas ang ulo ko dahil damang dama ko ang mga maiinit nilang tingin sa akin.
"Excuse me students, pinapatawag lahat sa gymnasium, alam niyo na, the usual."
Dinig kong sabi ng babae, ngunit hindi ko naman makita ang mukha dahil hindi ko maiangat ang ulo ko,gawa ng mga matang feeling ko ay gusto na akong tunawin.
"Susunod na Pres!"
Pres?
"Tara na." muli ay nagitla ako ng marinig ko ang baritonong boses ng lalakeng nasa likuran ko.
"I can't take this anymore! Let's go girls! Bago pa tuluyang masira ang araw natin!" ano na namang ginawa ko?
Naririnig ko ang mga yabag nila ngunit nanatili lang akong nakaupo at nakatungo. Unang araw pa lang ng klase, wala na ako agad kaibigan. Tsk! Kasalanan 'to ng lalakeng ito!
"Tara na." sabay hila niya sa colar ng blouse ko ,dahilan para mapilitan akong tumayo.
"H-Hoy! Sandali! S-sino ka ba?" putol-putol kong tanong habang hawak niya pa rin ang colar ng blouse ko.
"Clad." simple niyang tugon.
"Bitawan mo na nga yung damit ko! Kaya ko naman maglakad ng hindi mo kinakaladkad!" inis kong sabi sa kaniya. Agad naman niyang binitawan ang colar ko.
"At sino na naman 'yang kasama mo Clad?" natigil kami sa paglalakad at nilingon ang nagsalita.
Isa kaya ito sa kagaya ng mga babaeng kaklase ko kanina? O baka girlfriend niya ang isang ito?
"Eto ba? Kaklase ko." simple niyang sagot. Kita ko naman ang pag-angat ng isang kilay ng babae, ang itsura ay nanatiling seryoso. Tila nanghihingi pa ito ng iba pang paliwanag.
Mga ilang segundo din ang itinagal ng ganoong itsura niya tapos ay bumuntong hininga.
"Well, good luck sa'yo Miss." matapos sabihin ay naglakad na siya patungo sa gymnasium kung saan nandoon ang mga estudyante.
Good luck? Para saan?
Ayoko ng intindihin.
Ako naman ay naglakad na lang din patungo sa gymnasium.
Unang araw pa lang pero gusto ko na agad matapos ang school year. Hindi talaga maganda ang pakiramdam ko sa mga nangyayaring ito. Hindi pa nagsisimula ang klase, pakiramdam ko ay pagod na 'ko.
"Kung hindi ka sana humarang harang sa daraanan ko kanina, wala ka sa sitwasyong 'to." dinig kong sabi niya. Mahina lang iyon, sapat lang para marinig ko.
"Malay ko bang nandoon ka? Sana nag-excuse ka di ba? At saka bakit ba? Nadikit lang naman ako sa'yo. Sino ka ba para ganoon sila magreact sa nakita nila?!" inis kong sunod-sunod na tanong sa kaniya. Pakiwari ko ay namumula na ang mukha at tainga ko sa sobrang inis.
Narinig ko ang mahinang tawa niya.
"Clad Del Valle."
Eh ano naman kung Clad ang pangalan mo? Peste siya!
Hindi ko na lang siya pinansin at kunot noo na diretsong naglakad patungo sa gymnasium.
Nang makarating doon ay marami ng estudyante. Pakiramdam ko ay nalula ako sa dami ng tao na nandoon. Parang ayoko ng lumapit.
Ngunit habang papalapit ako doon ay napapansin ko ang mga mata at tinging unti-unti ay nababaling sa akin. Mga tingin na unti-unting sumasama at nagiging matalim, lalong lalo na sa mga babae.
Heto na naman!
"Bakit ba ganiyan sila tumingin? Nakakainis!"
Bubulong-bulong kong sabi habang papasok sa gymnasium.
"Baliw." nahinto naman ako at nilingon ang Clad na nasa likuran ko.
"Tsss." sabay irap ko sa kaniya.
"Girlfriend ba ni Clad 'yan?"
"My gosh! Mas maganda pa ang pedicure ko kaysa sa kaniya!"
Kalma Misha...kalma.
"That's rude. Tsk tsk tsk." bulong na naman ni Clad.
Nakakaimbyerna ang lalakeng ito!
Saan ba may bakante? Gusto kong maupo. Pakiramdam ko ay pagod na ko sa mga nangyayaring ito.
Abala ako sa pagsilip silip ng mapupwestuhan ng bigla na lamang may kamay na kumaladkad na naman sa akin patungo sa kung saan.
"Come."
*dubdubdubdubdubdub*
Feeling ko ay nag-slow motion ang lahat ng nasa paligid ko habang ang mga mata ko ay napako sa kamay niyang nakahawak sa akin.
Nakarating kami sa bandang unahan. Nanatili naman akong nakayuko at tinatanggap ang lahat ng masasamang tingin na ipinupukol nila sa akin.
"There. Sit down." nang makita ang tinuturo niyang upuan ay agad naman akong naupo.
Bakit ba ako sumusunod sa sinasabi ng lalakeng ito? At bakit ako pumapayag na kaladkarin ng lintik na 'to?
Naramdaman ko ang okupa niya sa bakanteng upuan sa tabi ko.
"Clad, bago mo?" dinig kong tanong ng isang lalake kay Clad.
"Nah." simple lang ang naging sagot niya.
"Good Morning Seirin High!" agad na tumaas ang aking paningin sa entablado.
Teka, ito yung babae kanina. Yung sa hallway.
"Ngayong araw ang opisyal na pagsisimula ng ating klase. Isang taon na magkakasama-sama at magkikita-kita. Tulad sa mga nakalipas na taon..."
Maganda siya.
Muka pang matalino. Ang astig din niyang tignan. Siguro may posisyon siya dito sa school. Gaano na kaya sila magkakilala ni Clad? At ano niya si Clad?
Teka nga..ano bang pakealam ko kung anomang relasyon meron sila?
Isa lang ang sigurado ko, hindi sila magkasintahan ni Clad, base sa pagsasabi nito ng good luck sa akin kanina. Baka mag-ex?
Oo nga pala, bakit niya ko sinabihan pala ng good luck? Para saan? May mas malala pa kaya sa mga nangyayari ngayon?
Wala na akong naintindihan sa mga sinabi niya. Ang naririnig ko ay ang mga bulungan sa likod ko, tinatanong kung sino ako, kung bakit kasama ko si Clad.
Una sa lahat,hindi ko ginusto kung nasaan ako ngayon. Hindi ko rin maintindihan, kung bakit sa simpleng pagkakalapit lang namin na 'yon ay parang lumalaki ang issue. Bakit parami ng parami ang tila nagagalit dahil sa nangyayari? Nagkataon lang naman na nagkasunod kami sa pintuan kanina. Hindi ko 'yon ginusto!
Ayoko ng ganito! Masyadong maraming mata ang nakasunod sa akin.
Akmang tatayo na sana ako ng bigla na lamang may humawak ng kamay ko, dahilan para mapahinto ako at mapatingin sa gawi ni Clad.
Taka ko naman siyang tinignan.
Nakatingin din siya sakin, tapos ay marahang umiling. Bakit? Ayaw niya akong paalisin?
"Aalis ka?" nabaling naman ang tingin ko sa babaeng umupo sa kaliwang gawi ko.
Yung babae kanina sa hallway.
Marahan akong tumango. Pagak naman siyang natawa.
"Hindi ka na pwedeng umalis at maglakad sa eskwelahang ito ng hindi mo kasama ang unggoy na 'yan. Ayoko ng problema, kaya utang na loob lang, huwag kang kakalat kalat na mag-isa." natatawa niyang sabi, tapos ay biglang sumeryoso.
Hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin.
"Bago ka lang ba rito?" tanong niya ulit. Tango lang ang naging sagot ko.
Napabuntong hininga siya.
"Haaayyy... Mamaya na natin 'yan pag-usapan. Sundin mo na lang muna ang payo ko. Tsk. Kahit kailan, sakit talaga sa ulo ko ang dalawang 'yan." dalawang 'yan?
Napalingon naman ako sa tinitignan niyang gawi.
Si Clad at yung katabi ni Clad.
Ang gwapo naman ng dalawang 'to. Hindi na ako magtataka kung bakit ganoon na lang kung magreact ang mga babae kay Clad.
"Tapos ka na bang pagnasaan ako?"
"O my!!!!! Hindi ko na talaga kinakaya!"
"Gusto ko ng hilahin ang buhok ng babaeng 'yan!"
Malapit. Masyadong malapit.
"Ano? Hindi p kayo tapos sa titigan niyong dalawa diyan?"
sa narinig ay makailang ulit pa akong napapikit bago inilayo ang mukha ko.
Damang-dama ko ang pag-iinit ng aking mukha.
Bakit ba kasi bigla-bigla na lang siyang humaharap ng ganon?!
"Hay nako, good luck talaga sa'yo girl." muli na naman niyang sinabi.
Bakit ba kailangang may good luck?
Natapos ang assembly na wala akong naintindihan na kahit ano, bukod sa nalamang Student council president pala ang babae sa hallway na, at ang pangalan niya ay Chise.
Lunch break na. Hindi ko nagawang mag-break kanina, dahil bukod sa hindi sabay ang breaktime namin ni Lianne, ay wala akong pwedeng makasabay, walang gustong kumausap sa akin. Tangig pagyuko lang sa lamesa ang nagawa ko.
"Kamusta ang first day mo dito?" nakangiting tanong ni Lianne. Mukang hindi pa niya alam.
"Okay naman. Wala pa nga lang akong nakakausap bukod sa iyo. Ayaw nila sa akin. Galit yata sila." nangunot naman ang noo niya sa narinig.
"Paano m naman nasabi?" taka niyang tanong.
Humugot muna ako ng malalim na paghinga bago simulan ang pagkukwento ko sa kaniya. Alam ko na kapag nagsimula akong mag-kwento ay marami siyang follow up question.
"Look who's here." eehh?
Magkapanabay kaming napatingin ni Lianne sa babaeng nagsalita.
"Yes?" tanong ko pa sa kaniya. Ngumisi siya tapos...
"Hala!"
"Misha!"
"Candice, bakit mo naman siya binuhusan ng tubig na malamig? Hindi ba dapat bagong kulo para tanggal ang kati sa katawan?!" maarteng sabi nung kasama ng babae.
Eto na ba yung goodluck?
"Anong problema mo Candice?!" sigaw ni Lianne sa ng-ngangalang Candice.
"Bakit Lianne? Kakasa ka na? Hindi mo ba alam na 'yang kaibigan mo ay inaahas lang naman ang boyfriend kong si Clad?" sa narinig ay ntigilan ako at natulala.
"Inahas? Nababaliw ka na ba? Transferee si Misha dito, ni hindi niya pa nga kabisado ang kabuuan ng school eh. Nababaliw ka na!" asik ni Lianne sa kaniya.
"Ah talaga? Eh ano naman kung transferee siya? Dapat alam niya kung saan siya lulugar, hindi pati si ang boyfriend kong si Clad eh aagawin niya. Ilusyonada!"
"Misha. Here,help yourself."
*dubdubdubdubdubdubdubdub*
"C-Clad!" halos utal na bigkas ni Candice sa pangalan ng boyfriend niya.
Hindi ko kinuha ang panyo na inaabot niya, sa isiping lalong magalit ang girlfriend niya. Ngunit hindi ko inasahan na siya mismo ang magtutyo sa buhok ko.
Clad.
Lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng madako ang pagpupunas niya sa mukha ko. Masyadong malapit ang mukha niya.
"May extra ka bang damit?" malumanay ang tanong niya, ang mga mata niya ay tila nag-aalala. O baka ako lang nag-iisip non?
Umiling ako bilang sagot sa kaniya.
"Okay." matapos sabihin ay tumayo na siya ng tuwid at humarap kila Candice.
"Don't be a fool, Candice. You're not my type." nakita ko naman ang gulat sa mga mata ni Candice, maging ang ibang nandoon ay halatang nagulat rin sa sinabi ni Clad.
"Tara. Magpalit ka na." bigla ay hinawakan niya ako at hinila, hindi naman iyon masakit dahil nagawang kong isunod agad ang katawan ko. Ni hindi ko manlang nagawang magpaalam kay Lianne.
Ite-itext ko na lang siya mamaya.
Halos lahat ng paningin ay nasa amin. Lahat ng madaanan namin at malagpasan ay tila nagbubulungan.
Nakarating kami sa locker area ng Senior high.
Magkatabi lang pala ang locker namin.
"Here. Magpalit ka, hihintayin kita dito sa labas." walang emosyong sabi niya.
"H-ha? A-ano..okay lang. Huwag na. Baka lalong magalit si Candice," tinulak ko pa ang kamay niya na may hawak na damit. T-shirt yun ng P.E uniform namin.
"Hindi ko siya girlfriend, hayaan mo siyang magalit." pinigil niya ang kamay ko at inilagay sa palad ko ang damit.
"Change. Now." mariin ang tono niya, wala na akong nagawa kaya sinunod ko na lang ang gusto niya.
Napatitig ako sa T-shirt na hawak ko. Naalala ko yung sinabi niya.
Hindi ko siya girlfriend, hayaan mo siyang magalit.
Kung hindi niya girlfriend si Candice, bakit naman sasabihin ni Candice na boyfriend niya si Clad? Ano yun trip lang?
Sumasakit na ang ulo ko sa mga nangyayari. Kalahating araw pa lang pero nanlalata na ko. Haaayyy.
Sinuot ko na lang ang damit niya. Hindi naman sobrang laki sa akin. Hindi naman kami nagkakalayo ng height.
Naghihintay nga pala siya sa labas. Haayyy..
Lumabas na ako at pumunta sa locker area kung saan siya naghihintay.
Nakita ko naman siya agad. Nakasandal siya sa locker at nakayukong naghihintay.
Naglakad ako palapit sa kaniya. Sa halip na tawagin ang pangalan niya ay hinawakan ko na lang ang dulo ng polo niya, dahilan para lingunin niya ko.
"Thank you." sabi ko sa kaniya.
"A-Ah! Aray naman!" pinitik na naman niya ang noo ko! Ang sakit!
"Bilisan mo na diyan. Bumalik na tayo sa room."
"Bakit ba lagi mo kong pinipitik? Masakit na ah." angal ko sa kaniha habang hinihilot ang parteng pinitik niya.
"Sorry." simple niyang sagot.
Matutuyuan ako ng laway kapag ito ang kasama. Napakaigsi na nga ng sinasabi, ang dalang pa magsalita.
"Ito na ba yung sinasabi ni Chise na good luck?"
"Maybe." ehh? Pabulong lang yun ah, narinig niya pa 'yon? O malakas lang talaga yung pagkakabulong ko?
"Ganito ba sa school na 'to? Nakakatakot sila."
"Hmm."
"Kung hindi mo siya girlfriend, bakit sabi niya boyfriend ka niya?"
"She's dreaming." ehh?
"Clad! Here!" napalingon naman ako sa tumawag sa kaniya, apat na babae kasama si Chise.
Naglakad naman si Clad palapit sa apat na 'yon. Ako naman ay didiretso na sana sa direksiyon papunta sa room, kaya lang ay bigla niya akong hinila na naman.
"Saan ka pupunta?" tanong niya na wala manlang kaemo-emosyon.
"Sa room?"
"Hindi ka pa babalik diyan, sakin ka muna."
*dubdubdubdubdubdub*
Nag-e-echo sa tainga ko ang huli niyang linya.
Sakin ka muna...