Chereads / Seirin High: Misha / Chapter 3 - Chapter 03

Chapter 3 - Chapter 03

"Kamusta naman ang araw mo na wala ako?" tanong ni Lianne sa'kin.

Nandito siya sa bahay ngayon at ako naman ay naghahanda na para pumasok sa trabaho.

"Ayos naman, ganon pa rin, malamig ang pakikitungo ng halos lahat. Pero nakakatuwa lang na may nadagdag na sa friendlist ko, sina Jane at Dave."

"Mabuti naman kung ganoon. Papasok ka na ba niyan," nginitian ko siya tapos ay marahang tumango.

"Hanggang kailan mo kaya kakayanin ang ganiyan Misha? Baka naman katawan mo na ang sumuko niyan." ngumiti ako sa kaniya. Bakas naman ang pag-aalala sa kaniyang mukha.

"Sanay na ko, matagal ko na 'tong ginagawa Lianne, ngayon pa ba ko susuko?"

"Vitamins mo nainom mo na ba?"

"Yes Mam!" natatawa kong sagot na sumaludo pa.

"Mag-ingat ka ah. Chat o text ka kay mommy o kaya sa akin kapag nasa trabaho ka na."

"Copy madam! Paki lock na lang ng pinto at gate kapag lumabas ka na. See yah!" matapos non ay lumabas na ako pumara ng tricycle papasok sa trabaho.

Ganito na ang buhay ko. Aral bahay trabaho. Nasanay na ako. Sanay na sanay na ako. Kailangan kong mabuhay, wala akong ibang aasahan kung hindi ang sarili ko lang. Hindi naman pwedeng umasa ako sa pamilya ni Lianne habang buhay. Nasa tamang edad na rin naman ako para tumayo sa sarili kong mga paa at maghanap buhay.

Limang minuto rin ang tinagal bago ako nakarating sa trabaho. Alas siyete hanggang alas dose lang naman ang trabaho ko dito. May sapat na oras pa para makatulog bago pumasok sa eskwelahan.

Mula Lunes hanggang Biyernes ay sa Dark Hub ako nagtatrabaho bilang waitress. Kapag Sabado at Linggo naman ay nagtitinda ako ng mga palamig at meryenda sa labas ng bahay. Mag-isa na lang akong nabubuhay kaya kailangan kong magtrabaho at kumayod para sa sarili ko. Pareho ng patay ang mga magulang ko at bukod sa bahay ay kaunting pera sa bangko ang iniwan nila sa akin. Ayoko namang galawin dahil wala pa naman akong paggagamitan na importante.

"Hi Misha!" bati ni Tonette sa akin, katulad kong waitress sa Dark Hub.

"Hello!"

"Payday na! Sa payday na lang talaga ko kinikilig!" natawa naman ako sa sinabi niya. Si Tonette naman ay tulad ko rin na nag-aaral pa, kaibahan lang ay may pamilya pa siya, yun nga lang ay ginawa na siyang palabigasan.

"Kaya nga, sakto, makakapagdagdag na ko sa ipon ko para sa college." nakita ko ang lungkot sa mga mata niya ng marinig ang sinabi ko.

"Buti ka pa makakapag kolehiyo, samantalang ako, baka hanggang senior high na lang." nakaramdam ako ng awa sa kaniya.

"Mag-apply ka ng scholarship, o kaya mag vocational ka, like TESDA." sabi ko sa kaniya.

"Pag-iisipan ko pa." malungkot ang mukhang iniwan niya ako sa staff room.

Inayos ko na ang sarili ko at nagsimula na sa trabaho.

"Misha sa table 6!" agad naman akong lumapit sa kitchen at kinuha ang order ng table number 6.

Tatlong oras na pala ang matuling lumipas na hindi ko manlang namalayan. Maraming tao ngayon sa Hub dahil nasaktong may nagcelebrate ng birthday at nakakailang set na sila ng alak ay tila wala pang balak tumigil. Maiingay sila at parang mga lasing na.

"Misha sa table 31!" mabilis naman akong kumilos upang kunin ang nasabing order.

"Nice." daig ko pa ang binuhusan ng tubig na malamig ng makilala ang may-ari ng boses na iyon.

"C-Clad!" ang mga tingin niya ay walang emosyon, tipikal na tingin ng isang Clad. Malamig at hindi mo mababasa ang ibig sabihin.

"Pare kilala mo?" sa dami-daming pagkakataon naman at lugar na pwede kaming magkita ay dito pa talaga? Sa itsura kong ito? Maigsing skirt na hapit na hapit na halos singit na lang matapakpan. Ang pang itaas ko ay labas ang pusod na ang tanging tinatakpan na lang ay ang boobs ko na naghuhumiyaw sa sikip at hapit sa katawan.

"Here's your order sir!" dinedma ko siya at nag-focus sa trabaho. Nang maibaba ang tray at orders nila ay agad akong tumalikod at bumalik sa staff room.

Napasandal ako sa pinto at daig pa ang nakipagkarera sa paghahabol ko ng hininga.

Grabe ang kaba ko.

Bakit ba kasi dito pa sa trabaho kong ito? Bakit hindi na lang sa sabado o linggo para mas desente ang itsura ko?! Bakit kailangang sa ganitong sitwasyon pa?!

"Huy Misha! Nangyari sa'yo?" nandito pala si Lorraine.

"H-ha? W-wala."

"Wala?! Eh sa itsura mo na 'yan para kang may tinataguang di maintindihan. Natatae ka ba?"

"H-hindi! Lalabas na ko." ano ba kasing ginagawa ng lalakeng iyon dito? Mga taga-school ba namin yung kasama niya? Baka mamaya makilala nila ako tapos ichismis sa buong school.

Haayyyssstt! Hayaan na nga. Dedmahin na lang tutal kulang dalawang oras na lang naman ako dito. Huwag na sana sila mag-order at umuwi na sila.

Ginugol ko ang natitira kong oras sa hub at pilit na iwinaksi sa isipan ang presensiya ni Clad. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ba sobrang big deal sa akin na nandito siya. Malamang na nasa legal age naman na siya dahil nakapasok siya dito kaya wala dapat ipag-alala. Mukang sanay na rin naman siyang uminom at umuwing lasing, at isa pa may mga kasama naman siya. Pero bakit ko ba kasi siya iniisip na naman?

"Misha, pasuyo naman ng basura, pakilagay mo na diyan sa likod." nandoon kasi ang garbage area namin.

Kinuha ko naman ang pinapakisuyo ni Tonette. Hindi naman iyon ganoon kabigat at sanay na rin naman ako dito.

"Hayan, diyan nababagay ang basurang tulad mo. I-segregate mo na lang ang sarili mo dahil pagod na kami at gusto ko na ring umuwi." pagkatapon ng basura ay nagpaalam na ako sa nga kasama ko. Sa back door na lang ako dumaan kung saan din ako nagtapon ng basura kanina. Ngunit halos mahulog ang puso ko ng mabungaran ko si Clad na nakasandal sa pader na animo ay may hinihintay.

"C-Clad..a-anong ginagawa mo diyan?" kandautal na tanong ko sa kaniya.

"Wala."

"E-eh bakit nandiyan ka? Di ba may mga kasama ka kanina? Baka hinahanap ka na nila." tapos ay tinalikuran ko na siya at nagsimula ng maglakad.

"Maglalakad ka lang?" natigilan naman ako. Akala ko ay bumalik na siya sa loob.

"Ah..oo. Alas dose na rin kasi, wala ng masasakyan ng ganitong oras." sagot ko sa kaniya.

"Gabi na." madaling araw na Clad.

"Ihahatid na kita." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Hindi na. Kaya ko na, sanay na ko rito." tanggi ko sa kaniya ngunit wala na akong nagawa ng hilahin niya ako sa kamay at nagsimulang lumakad. Hindi naman masakit ang pagkahila niya. Marahan naman iyon at may alalay.

"Clad kaya ko na talaga."

"Hmm.."

Mukang hindi ko siya mapapatigil. Hayaan mo na lang.

"Kailan ka pa nagtatrabaho sa Dark Hub?" wow! Ang haba non!

"Medyo matagal na din."

"Gaano katagal?"

"About two years or going three?"

"Hmmm.."

Muli ay namayani ang katahimikan sa aming dalawa. Tanging mga kuliglig lang ang maririnig mo. Ang kamay ko ay nanatiling hawak niya. Sinubukan ko namang hilahin ngunit hinigpitan niya lang ang pagkakawak doon. Ano kayang trip ng isang ito?

Ang tangkad niya talaga. Siguro ay nasa 5'9 na ang height niya? Kasi 5'5 na ang height ko ay mas mataas pa siya sa akin.

"Bakit hindi mo sinabi yung ginawa ni Candice sa'yo?"

"H-huh? A-ano, wala lang naman iyon. Hindi naman masakit." sinabihan ko kasi sila Jane at Dave na wag ng pag-usapan para hindi na malaman ni Clad. Nakalimutan kong may pakpak nga pala ang balita.

"Binuhusan ka niya ng mainit na tubig tapos ay wala lang? Bakit hindi ka lumaban?" hindi pa rin siya humaharap sa akin ngunit ang tono niya ay pagalit na.

"Last niya na 'yon pinagbigyan ko lang siya." natatawa ko pang sabi. Pero kung ako lang ay ayoko ng gulo. Ayoko na.

"Sana sinabi mo sakin." mahinahon na ang tono niya.

Hindi na lang ako sumagot.

12:20 na din pala. Konting kembot na lang nandoon na ko sa bahay. Paano kaya ito uuwi gayong wala naman ng nadaan na sasakyan?

"Ahhh Clad, diyan na yung bahay ko." tinuro ko pa sa kaniya.

"Hmmm."

"Y-yung kamay ko. Kukunin ko yung susi ng bahay. Nasa bag ko hehe." binitawan naman niya agad ang kamay ko kaya agad ko namang hinagilap ang susi. Nang makuha ay dali-dali kong binuksan ang gate at pinto ng bahay.

"Pasok ka." niluwagan ko ang pagkakabukas ng pinto upang bigyang espasyo ang pagpasok niya.

Nilibot niya ng paningin ang kabuuan ng bahay. Simple lang naman ang modelo ng bahay na ito. May itaas at ibaba. Dalawang kwarto sa itaas, salas, kusina, dining area, banyo at laundry area naman dito sa ibaba. Minimalist style lang, kung ano lang ang kailangan kaya parang walang masyadong laman ang bahay.

"Mag-isa ka lang?" tanong niya. Binaba ko naman ang gamit ko sa sofa kung saan siya nakaupo ngayon.

"Hmm. Mag-isa na lang talaga ko mula ng iwan ako ng mga magulang ko." bahagyang lumaki ang may pagka singkit niyang mga mata. Marahil ay nagulat sa narinig.

"Gusto mo bang kumain?" pag-iiba ko sa usapan. Pero hindi niya ako sinagot.

Inilapat naman niya ang pagkakasandal sa sofa at isinanfal ang ulo, tapos ay ipinikit ang mga mata.

Tatanungin ko ba siya kung uuwi na siya? Baka naman isipin niya na pinapaalis ko na siya? Saka paano pala siya uuwi eh wala ngang masasakyan tapos gabing-gabi na, nakainom pa.

"Hmm Clad. Dito ka na kaya matulog? Dalawa naman ang kwarto dito. Anong oras na rin kasi, wala kang masasakyan na, nakainom ka pa. Pagliwanag ka na lang saka umuwi."

"Hmmm.." yun lang ang naging tugon niya. Umakyat na ko sa taas para ayusin ang isang kwarto. Ang isang kwarto ay ang master's bedroom na ngayon ay kwarto ko na, ang isa naman ay dati kong kwarto na ginawa ko ng guest room kapag nag-oovernight sila Tonette dito sa bahay.

Matapos kong ayusin at palitan ng kobre kama ay bumaba muli ako para paakyatin na si Clad. Ngunit mukang tulog na siya.

Pinagmasdan ko ang nakapikit na Clad, ang gwapo pa rin kahit tulog. Ang tangos ng ilong. Ang labi ay mapula at mukang ang sarap halikan.

Sheda ka Misha ano bang iniisip mo!

"Clad. Clad.." bahagya siyang umungol. Sheda! Pati pag-ungol ang gwapo.

"Clad, akyat ka na sa taas, doon ka na para makahiga ka ng maayos."

Dahan-dahan naman niyang dinilat ang mata niya.

Ang gwapo talaga!

Nagtama ang mga mata namin. Malamig pa rin ang mga mata niya, walang ekspresyon. Ganito kaya talaga siya?

"Tara na?"

Tumayo naman siya at sumunod sa akin paakyat.

"Pasensiya ka na, puro pang babaeng disenyo at kulay lang kasi ang meron ako. Pagtyagaan mo na, bagong laba naman ang mga 'yan." kulay pink na bulaklakin kasi ang sapin at kumot maging ang mga punda.

Pumasok naman siya at naupo sa gilid ng kama tapos ay mataman niya akong pinakatitigan na ipinagtaka ko na lang.

"Pinatuloy mo ako dito at patutulugin, hindi ka ba natatakot na may mangyari sa'yo? Lalake ako at babae ka, nakainom pa ko." sa mga narinig ay daig ko pa ang binuhusan ng malamig na tubig at nanigas na lamang sa kinatatayuan.

Napalunok ako. Ang mga mata niya ay mas lalong lumamig.

"H-Hindi ka naman siguro ganon." utal kong sagot sa kaniya, grabe na ang kabang nararamdaman ko.

"I heard something about you...from your past." lalo akong nanigas sa pagkakatayo ko. Hindi magawang magtanong kung ano ang sinasabi niya. Gusto kong makumpirma ngunit hindi ako makahagilap ng sasabihin. Daig ko pa ang nalunok ang sariling dila.

Ang mga ala-ala ay bigla na lamang nagflashback sa isipan ko, na sinundan ng panginginig ng katawan at matinding takot.

"Hey, calm down..." akma siyang lalapit ngunit sinenyasan ko siya ng isang kamay na huwag siyang lalapit.

Huminto naman siya.

"I'm sorry... Hindi ko naman--"

"M-matulog ka na Clad. Kapag nauna kang magising bukas at umalis ka, paki-lock na lang ang pinto at gate. Matutulog na ko." nagmamadali kong nilisan ang kwarto at lumipat sa kwarto ko, hindi ako mangandatuto sa paglo-lock ng pinto ko sa sobrang panginginig. Nang matagumpay na maisara ay napasandal na lamang ako sa pinto at dahan-dahang napaupo.

Bumabalik na naman lahat.

Ang takot, ang sakit, nararamdaman ko na naman lahat. Bumabalik lahat. Ang dahilan kung bakit nawala si Mommy sa'kin, bumabalik lahat.