Chereads / Seirin High: Misha / Chapter 2 - Chapter 02

Chapter 2 - Chapter 02

Chapter 2

Mahigit isang linggo na ang matuling lumipas at ganoon pa rin, walang ibang kumakausap sa akin bukod kay Lianne, kay Clad at paminsan ay si Chise at ang mga kaibigan niya.

Malamig pa rin ang pakikisama sa akin ng mga kaklase ko. Hindi ko na nagugustuhan ang nangyayari. Araw-araw may natatanggap akong letter, parang death threat.

Ngayong araw ay mag-isa akong papasok, sinumpong kasi ng hika si Lianne. Hindi siya makakapasok. Ang lungkot tuloy maglakad mag-isa. Naalala ko ng ikwento ko kay Lianne ang mga nangyari nung unang araw ko sa school. Hindi siya makapaniwala, una ay tumawa siya, pero pagkatapos non ay naging seryoso ang usapan at binalaan niya ako na mag-iingat lalo na kay Candice.

Hindi naman ganoon kalayo ang school. Kayang kaya naman lakarin. Sayang din kasi ang pamasahe, pwede ko ng ipangbili ng ibang kakailanganin sa school at sa bahay.

Mas maaga akong pumasok kaysa sa karaniwan kapag kasabay ko si Lianne. Kahit puyat at pagod ay mas pinili kong pumasok ng maaga. Mahirap kasi kung marami ng estudyante, pagtitinginan na naman nila ako.

Nakarating ako sa school, at tulad ng inaasahan hindi pa ganoon kasarami ang estudyante. Bahagya akong napangiti. Buti na lang!

Pumunta muna ako sa locker area upang kunin ang mga librong kakailanganin sa subject ngayong umaga.

"Tignan mo nga naman. Ang babaeng haliparot."

"Candice..."

Ngumisi siya sakin.

"Tignan natin kung hanggang saan ang kakayanin mo." matapos niyang sabihin iyon ay siniringan niya ako at iniwang mag-isa.

Ngayon naman may pagbabanta na. Dalawang araw na tahimik ang buhay ko kahit pa may mga masasamang tingin ang pumupukol sa akin. Haaayyyy...

"Hey."

"C-Clad." hindi ko siya magawang tignan ng diretso sa mga mata niya. Bumibilis kasi ang tibok ng puso kapag nagagawi ako sa muka niya, o basta malapit siya. Tulad ngayon.

"Clad!"

"Keichi." walang kasigla sigla sa tono na binati ni Clad si Keichiro. Ito yung katabi niya nung nag assembly.

Kumpara kay Clad, mas masigla si Keichiro. Palabati, friendly mapababae o lalake. Napaka approachable niya, hindi ka mahihiya o maiilang sa kaniya.

"Hi Misha! Kamusta ka?" bati rin niya sakin.

"Ahh..o-okay lang hehe." bigla siyang nawala sa paningin ko dahil humarang si Clad sa pagitan naming dalawa. Batok na niya ngayon ang nasa harapan ko.

"Ooohh possessive." dinig ko sa natatawang tono ni Keichiro.

"May kailangan ka?" seryosong tanong ni Clad sa kaniya.

"Wala naman, binati lang kita kasi nakita kita. May meeting daw ang mga class representatives mamaya sabi ni Pres." kami kasi ni Clad ang napiling class representative sa section namin. May paparating kasing event next month at kailangan may punong abala sa bawat section. Wala kasing nagpiprisinta kaya ako na lang, tapos nagprisinta din siya.

"Hmm." simpleng sagot ni Clad tapos ay humarap na siya sakin.

"Let's go." ipinihit niya ako at iginiya palakad patungo sa room namin.

"Stay away from him." eehh?

Nakahawak pa din ang isang kamay niya sa balikat ko, nagmuka tuloy siyang nakaakbay sa akin.

"Bakit naman? M-mabait naman si Keichi." sagot ko naman sa kaniya.

"Just do what I say." may halong inis sa tono niya. Hindi ko maintindihan kung bakit niya 'to ginagawa.

Hindi na lang ako kumibo.

Nakarating kami sa room at tulad pa rin sa mga nakalipas na araw ay ganoon pa rin ang tingin sa akin ng mga naabutan ko sa room.

Naupo na lang ako sa pwesto ko siya naman ay yumuko.

"Arrggghh! Hindi ko talaga maintindihan ang isang ito!" napalingon ako sa katabi ko sa gawing kanan. Sa pagkakatanda ko ay Dave ang pangalan niya. Gwapo sana kaya lang pusong babae.

"Excuse me," nilingon naman niya ako.

"Need help?" tanong ko sa kaniya. Ngumiti naman siya.

"Yes please! Naloloka na ko sa isang ito!" sabay abot niya sa akin ng notebook niya sa math.

Inexplain ko sa kaniya kung paano ang gagawin at anong formula ang gagawin.

"Haayyyy!! Bongga! Bakit mas naintindihan ko nung ikaw na ang nag-explain? Thank you Misha!" napangiti naman ako. Nakakatuwa naman na natatandaan niya ang pangalan ko kahit di kami nag-uusap.

"Anytime." sagot ko naman sa kaniya.

"Sabay tayo mag-break mamaya, I'll treat you at bawal huminde!" napakamot na lang ako ng ulo.

"Baaakkklllaaaaa! May sagot ka na?" si Jane na kaibigan ni Dave.

"Oo bakla! Magpaturo ka kay Misha!" napalingon naman si Jane sa akin. Medyo alanganin pa siya. Binaba niya muna ang gamit niya sa upuan, sa unahan ni Dave, tapos ay kinuha ang notebook niya sa math.

"Misha! Pa-help din!" ehhh???

Ngumiti naman ako at kinuha ang notebook niya. Humila naman siya ng upuan para tumabi sa akin. Magkakalayo kasi ang upuan namin, kasya ang isang tao sa bawat pagitan.

"Lintek! Ganon lang pala 'yon! Wala kasi ako maintindihan sa paliwanag ni Ma'am Domingo. Salamat Misha!" tila kinikilig pang sabi niya sakin. Ngumiti na lang ako.

"Sasabay siya sa'tin mag-break mamaya. Hihiramin muna natin siya kay Clad. Treat ko kayo." si Dave. Sana all may pang libre.

"Ay bet ko yan Baks! Sabay ka mamaya ah! Minsan lang manlibre 'yan eh. Araw-araw mo nga turuan para araw-araw tayo ilibre!" natatawang sabi naman ni Jane na ikinatawa ko.

Nakakatuwa na may kumakausap na sa akin bukod kay Clad. Minsan kasi mapapanisan ako ng laway sa sobrang dalang magsalita ng lalakeng 'to.

Natapos ang unang dalawang subject sa umaga tapos ay breaktime na.

"Clad. Hihiramin muna namin si Misha ah!" si Dave na nakaharap sa gawi ni Clad.

"Hmm." iyon lang ang sinabi niya tapos ay tumayo na siya at naglakad palabas.

"Tara na?" baling sakin ni Dave. Tumango naman ako at sabay-sabay kaming lumabas nila Jane.

"Alam mo hindi ko talaga maintindihan kung ano ang nagustuhan ng mga babae diyan kay Clad. Jusme, napakatahimik, napaka seryoso, mukang walang kalambing lambing sa katawan, hindi tulad ni Keichiro." si Dave ng makaupo na kami sa napili nilang table.

"I agree! Eh ikaw ba Misha, ano ba ang nagustuhan mo sa kaniya at sinagot mo ang Clad na 'yon?" tanong ni Jane sakin.

Okay lang naman siguro na ikwento sa kanila para hindi lang kami nila Lianne, Keichiro at Chise ang nakakaalam.

"Ahh..hindi naman niya talaga ako girlfriend. Wala namang kami."

"WHAT!?" sabay na sigaw ng dalawa na nakaagaw ng atensiyon sa mga malalapit sa amin.

"Ano..misunderstanding lang lahat. Nakaharang kasi ako sa pinto noon, hindi ko naman alam na may pagkamainipin si Clad, tapos sabay naming nahawakan ang doorknob, tapos binuksan ang pinto. Transferee ako dito, bukod kay Lianne na nasa kabilang section, wala na akong kilalang iba." kwento ko sa kanila.

"Kung ganon, wala talaga kayong relationship na dalawa? Pero bakit lagi kayong magkasama?" si Dave.

"Oo wala talaga. Kaya lang kasi, sabi ni Pres, mas makakabuti na magkasama kami o sila ang kasama ko para daw iwas gulo. Medyo wild daw kasi mga fan ni Clad, lalo na ang Candice na 'yon."

"Sabagay nga. May pagka baliw baliw kasi ang isang iyon. Masyadong mapilit. Akala mo mauubusan ng lalake." natatawang sabi ni Jane.

"Pero wait ah, bukod kasi kay Pres sa kapatid ni Pres at mga kaibigan ni Pres, ikaw pa lang ang babaeng nakakasama niya sa school. Kamusta naman siya? I mean, tahimik pa din? Paano siya kapag kasama. Curious ako kasi hindi talaga siya clingy nor friendly lalo na sa girls unlike Keichiro." dagdag pa ni Jane na sinang-ayunan naman ni Dave.

"Hmmm.. Ganoon pa din, tahimik, seryoso, hindi palakibo, pero tingin ko naman mabait siya?" medyo alanganin ako sa huling sinabi dahil hindi ko pa naman siya ganoon lubusang kakilala.

Nagtaka naman ako sa naging reaksiyon ng dalawa. Nagkatinginan sila tapos ay bumunting hininga.

"If I were you sis, kung kaya mo pang lumayo sa kaniya, much better na lumayo ka na. Hindi mo pa siya lubusang kilala. You know, sila ni Keichiro ay parehong sakit sa ulo ng school although si Keichi ay dahil lang naman sa pagiging lapitin ng babae, pero itong si Clad, hindi sa sinisiraan namin siya sa'yo, pero lagi siyang napapasok sa gulo at basag ulo. May pagka barumbado." mahabang saad ni Jane.

"Ganon ba?" maigsi kong tugon. Ayokong magkomento sa mga bagay na hindi ko naman napapatunayan pa.

Kung lagi man siyang napapasok sa gulo, malamang na may dahilan.

"Pero Misha, wala ka pa bang nararamdaman sa kaniya? Masyado siyang protective sa iyo, parang boyfriend talaga." si Dave.

Bahagya naman akong natawa.

"Grabe naman. Mahigit isang linggo pa lang mula ng makilala ko siya. Bukod sa pangalan at pagiging tahimik niya ay wala pa akong gaanong alam tungkol sa kaniya. Imposible pa 'yon sa ngayon."

"Imposible sa ngayon, ibig sabihin may tiyansa?" namimilog ang mga mata ni Dave na tanong sa akin.

"Hmmm siguro? Tulad ng karamihan dito, na-a- attract din ako sa gwapo, at ganon si Clad. Hindi 'yon imposible." nakangiti kong sagot.

"Haaayyyy sana all na lang." si Jane.

"Sana all may ka-fling manlang ano? Matatapos na ako sa senior high pero ni isa wala akong naging jowa manlang, o kahit manliligaw." nagkatinginan naman kami ni Dave pero nasundan ng gulat ng biglang hawakan ni Jane ang mga kamay ni Dave. Tapos ay mukang iiyak na nakatitig kay Dave.

"Tell me Dave, pangit ba ko? Kapalit-palit ba ko?" parang napanood ko na 'to.

"H-ha? A-ano bang pinagsasasabi mo? Gaga ka ba?! Malamang pangit ka sa paningin ko! Kasi dapat ako lang maganda! Siraulo!" sabay bawi ni Dave ng mga kamay niya at nag-iwas ng tingin. Napangiti naman ako.

"Bakla ka ba talaga Dave?" pareho naman silang natigilan at gulat na napatingin sa'kin.

Maya-maya ay tumawa ng malakas si Jane. Pero si Dave ay nanatili lang na nakatitig sa akin.

Nginitian ko siya.

"Baliw ka na Misha! Jusko malandi pa sakin 'yan sa dami ng crush niya dito! Mas kabisado pa niya ang lyrics sa kanta ng mga kpop girl group kaysa sa'kin!" kanda utal na sabi ni Jane sa pagitan ng mga pagtawa niya.

"Mabulunan ka sanang siraulo ka!" si Dave na halatang naiinis na kay Jane.

Hindi man niya sinagot ang tanong ko ay mukang alam ko na ang sagot.

"Tara na nga, ipamental na natin 'tong gaga na 'to!" aya ni Dave sa akin.

Natapos ang breaktime at napagpasyahan naming bumalik na ng room.

Wala pa si Clad. Kasama niya siguro si Keichiro.

Napapaisip tuloy ako. Totoo kaya? Barumbado siya? Basagulero? Maangas ang dating niya pero mukhang hindi naman siya ganoon.

"Hmmm." cloud-9?

Tiningala ko ang naglagay non sa lamesa ko. Walang iba kundi si Clad.

Para saan?

Kinuha ko ang cloud9 at humarap sa gawi niya. Tinignan naman niya ako. Ganon pa rin ang mga tingin niya, walang emosyon at parating malamig.

"Bakit? Para saan?" tanong ko sa kaniya.

"Pinabibigay ni Sugar." si Sugar ay isa sa kaibigan ni Chise.

"Ahhh...bakit daw? Anong meron?"

Nagkibit balikat lang siya tapos ay yumuko na sa lamesa niya.

Psh. Wala talagang kabuhay buhay ang isang ito.

Natapos ang pang-umagang klase at lunch na. Kasalukuyan kaming kumakain sa cafeteria ng school nila Dave at Jane ng bigla na lamang may mainit na tubig na tumapon sa akin. Hindi naman na sobrang init niyon pero medyo masakit sa balat lalo na at sa ulo ko pa unang binuhos. Sa gulat ay napatayo ako at agad na nagbuhos ng tubig na malamig na dapat ay iinumin ko.

"What the heck!?" gulantang na sigaw ni Jane. Maging ang ibang kumakain doon ay nagulat.

"Ano na naman 'to Candice!?" sigaw ni Dave.

"Shut up! Huwag kang makisali rito!"

Pinupunasan ko sarili ko gamit ang tissue na nasa table ng bigla niya akong kaladkarin sa buhok at ibalya sa pader.

Gumuguhit ang sakit sa buo kong katawan lalo na sa likod dahil tumama pa ako sa isang lamesa.

"Misha!" dinig ko ang pag-aalala nila Jane at Dave.

"Tumayo kang malandi ka! Mang-aagaw!"

Iinot inot akong tumayo dahil masakit talaga ang parteng iyon na tumama sa lamesa.

"Wala akong inaagaw sa'yo Candice!"

"Wow! Wala daw! Nagmamaang-maangan ka pa? Nakalimutan mo na yata si Clad?"

"Wala akong inagaw sa'yo dahil umpisa pa lang, hindi naman siya sa'yo!"

"Huh! Bakit? Dahil sinabi ng mga kaibigan mo? Dahil sinabi ni Clad? Naniwala ka naman?!"

Hindi ako sumagot. Nag-iwas ako ng tingin at ipinagpatuloy ang pagpunas sa sarili.

"Alam mo ba na pinaglalaruan ka lang ni Clad? Katulad ng ibang babae niya na pagnakuha na niya ang gusto niya ay iiwan na at itatapon na parang basura?"

Natigilan ako at nag-angat ng tingin sa kaniya.

"Kaya ba nagkakaganiyan ka? Dahil ginawa na niya sa'yo ang sinasabi mo? Kaya ka ba galit na galit dahil natulad ka na sa mga babaeng pagkatapos makuha ang gusto ay iniwan na lang at ibinasura? Kaya ka ba nagagalit dahil sawa na siya sa'yo at wala ka nang pakinabang sa kaniya?! Kaya ba ganiyan ka Candice?!"

Kita ko ang gulat sa mukha niya at ang tila pagkapahiya sa mga narinig niya. Ganon din sila Dave at Jane na halatang nagulat sa ginawa kong pagsagot.

"Itigil mo ang kabaliwan mo Candice. Kung ganito man ang ginawa mo sa ibang babae na napapalapit kay Clad, ibahin mo ko. Huwag ka na ulit lalapit sa'kin. Hindi mo magugustuhan kapag lumaban ako." sabay labas ko ng cafeteria at naglakad patungo sa locker area para makapag palit.

Buti na lang at may baon na akong pamalit. Ni-ready ko na ang sarili ko sa mga ganitong eksena. Tsk.

"Misha?" nilingon ko ang tumawag sa akin. Si Keichiro.

"Anong nangyari sa'yo?"

"Ang init kasi masyado. Sumasakit ulo ko. Excuse me." sabay talikod ko sa kaniya patungo sa banyo.

Tsk.

Nangako na ako na iiwas at lalayo na ko sa gulo, pero talagang kakambal ko na yata ang magulong buhay. Haaayyyy.