Panaka-nakang sinusulyapan ni Zachary si Samarra na walang imik na nakaupo sa passenger seat, buhat kanina nang umalis sila sa bahay ng magulang niya. Napakunot pa ang kaniyang noo nang marinig niya itong napabuntong-hininga. Kaya hindi na siya nakatiis kung anong iniisip o may problema ba ito.
"What's the matter? Are you all, right? Why don't you speak up? Is there something that bothers you?"
Kita niya ang bored na tingin ni Samarra sa kaniya, kaya lalong napakunot ang kaniyang noo. Ano na naman kaya problema ng babaing ito? Kung makatingin para siya naman ang dahilan?
"What?"
"Are you serious, Cadden? Are you wondering why I'm so upset?" Napamaang si Zachary sa tinuran ni Samarra, sabi na nga ba niya. Siya na naman ang idadahilan nito kung bakit wala ito sa mood.
"That's why I'm asking you?"
"I don't like the dress you pick for me; I don't like the design; I don't like the style it's kinda weird. How come it to comes to your mind that pick that kind of dress?"
Nababaghan na napatingin si Zachary sa frustrated na mukha ni Samarra. Anong mali sa pinili niyang dress para rito. Maganda naman 'yon. Turtleneck long sleeve evening gown na nude color 'yon. Akma at hukab sa katawan nito kahit na balot na balot ito, sure naman siyang babagay 'yon.
"Maganda at sure akong bagay 'yon sa'yo."
Naniningkit ang mata ni Samarra sa isinagot ni Zachary sa kaniya. Pinag-tri-trip-an ba siya nito? How come na babagay sa kaniya ang dress na halos balot sa kaniya? Sa tingin pa nga lang niya sa damit parang hindi na siya makakahinga.
"Ayoko nun, basta ayoko period. Hindi ko susuotin 'yon," nanggagalaiti sa inis si Samarra habang nakatingin sa mukha ni Zachary, kita niya ang pagpipigil ng ngiti nito tila bang hindi naaapektuhan sa pinagsasabi niya.
"All right, we're not going." Naiinis na hinampas ni Samarra ang braso ni Zachary. Bakit sila hindi pupunta? Ano na lang sasabihin ng pamilya nito sa kanila.
"Samarra Miel," may pagbabantang wika ni Zachary nang akmang hahampasin uli siya sa braso ni Samarra.
"I'm driving, kung ayaw mong maaksidente tayo." Inis na hinawakan ni Zachary nang mahigpit ang pulsuhan ni Samarra. Nang maramdaman na niyang hindi na kumibo si Samarra agad niyang tinanggal ang kamay sa pulsuhan nito bago niya pinagsiklop ang mga kamay.
"I told you, maganda ang damit na 'yon, kung ipipilit mo pa rin na iba ang susuotin mo. Hindi na tayo pupunta sa event na 'yon. Ara, ano ba ang hindi mo nagugustuhan sa damit na pinili ko? Mas gusto mo bang magpakita ng katawan mo? Mas gusto mo bang ipagkalandakan ang katawan mo? Maganda ka, maganda ang katawan mo. Kung gusto mong ipakita 'yang katawan mo, sa akin. Kahit hindi ka pa magsuot ng damit."
Huminga nang malalim si Samarra at ibinaling ang tingin sa bintana, hindi niya aakalain na iisipin ni Zachary na gusto niyang magpakita ng katawan sa iba. Ang gusto lang naman niyang sabihin ayaw niya ng ganoong style na damit at ayaw niyang magmukhang mongha sa isusuot na tila bang papasok siya sa kumbento. Hindi siya sanay na magsuot ng ganoong uri ng damit, kahit naman lumaki siya sa Australia hindi naman siya liberated.
Hanggang sa maiparada na ni Zachary ang sasakyan ay hindi umiimik si Samarra, bumaba ito at dire-diretsong pumasok sa loob ng bahay. Napabuga na lamang ng hangin si Zachary habang sinusundan niya ng tingin si Samarra.
Nang maayos na ni Zachary mai-park ang kotse ay agad siyang pumasok sa loob ng bahay, hinanap na muna niya ibaba si Samarra nang hindi niya ito makita ay agad niyang hinayon ang kanilang kuwarto. Hindi niya nakita sa loob kaya hinayon na niya ang CR dahil alam naman niya na rito lang pupunta si Samarra.
Ilang minuto rin naghintay si Zachary sa labas ng CR hanggang ang ilang minuto niya ay umabot ng mahigpit isang oras. Nang hindi makatiis ay kinatok na niya si Samarra sa loob.
"Ara, open the fucking door." Sinabayan na ni Zachary nang sunod-sunod na katok ang pinto halos gibain na niya ang pintuan ngunit hindi pa rin nito binubuksan ang pinto. Hanggang magsawa na lang si Zachary at umalis sa tapat ng pinto. Inis na napahiga si Zachary sa kama habang naghihintay sa paglabas ni Samarra.
Lumabas si Samarra nang maubos ang kaniyang mga luha sa kakaiyak sa loob ng CR, kanina pa sana siya lalabas kung hindi dahil sa pagkatok ni Zachary sa kaniya. Kaya naman nagbabad pa siya sa bathtub nang matagal. Naiinis pa rin siya sa sinabi ni Zachary sa kaniya. Akala nito ay gusto niya lang magpakita nang katawan sa iba kaya ayaw niya nang napili nito. Hindi ba puwedeng gusto niya lang na mas maging maganda siya nang araw na 'yon? Buntong-hininga siyang naglakad patungo sa walk-in closet. Nang makatapos magbihis sadya siyang lumabas ng kuwarto para sana lumipat ng ibang silid ngunit lahat ng 'yon ay nakasara. Kaya no choice siyang bumalik muli sa silid nilang mag-asawa.
Dahan-dahan na tumabi si Samarra sa kama nang hindi nagigising si Zachary, agad niyang nilagyan ng unan ang kanilang pagitan. Ipinikit niya nang mariin ang kaniyang mata ng maramdaman niyang gumalaw si Zachary sa tabi niya. Hindi siya umiimik at kumikilos alam niya at na nakatingin ito sa kaniya.
Naalimpungatan si Zachary nang may maamoy na mabango kahit hindi niya imulat ang mga mata alam niyang si Samarra lang ang may ganoon na amoy. Agad niya kinapa ito sa tabi niya, ganoon na lang ang pagkunot ng kaniyang noo nang may makapa siyang unan na malaki sa gilid niya.
Agad na nagmulat ng mata si Zachary para makita niya kung bakit may unan sa pagitan nila. Nakita niya si Samarra na nasa pinakakanto ng kama, nakatalikod ito sa gawi niya. Napabuntong-hininga siya at tinanggal ang unan na iniharang ni Samarra sa pagitan nila.
"Hey, are you mad?" masuyong tanong ni Zachary sa babaing nakatalikod sa kaniya.
"Ara." Umisod siya palapit sa hinihigaan nito, tiningnan niya ang mukha nito pero mas lalong ibinaon ni Samarra ang mukha sa unan.
Nawawalan na nang pasensiya si Zachary habang nakatingin kay Samarra, hindi na niya alam paano ito kakausapin. Ayaw siyang tingnan, ayaw siya katabi, hindi ito umiimik sa mga tanong niya.
Nagpakawala ng isang buntong-hininga si Zachary bago napilitan na tumayo at pumasok sa CR, maliligo muna siya baka mawala rin ang inis niya kay Samarra, paano niya ito maiintindihan kung hindi siya kakausapin. Kung kinakagalit ni Samarra ang damit na pinili niya, tama lang na ganoon ang isuot nito kaysa makitaan siya ng ibang tao. Naiiling na hinubad ni Zachary ang mga sout bago tumapat sa ilalim ng shower.
Nang matapos si Zachary maligo. Nakaramdam siya ng kaginhawaan kaya napagpasyahan na niyang lumabas ng CR at dumiretso sa walk-in closet nila para kumuha ng damit. Habang nagbibihis panaka-naka niyang sinusulyapan si Samarra na nakahiga, tulog na ito at nakatihaya. Kaya minadali na niyang magbihis at hinayon muli ang kama. Ganoon na lang ang pagkunot ng noo niya nang makita ang mukha ni Samarra, bakas sa magandang mukha nito ang mga luha. Umiyak ba siya? Aniya sa isip niya. Fuck! Zachary, what did you do? Napahilamos ng mukha si Zachary habang nakatingin sa mukha ni Samarra.
"I'm sorry, love," masuyong bulong ni Zachary habang inaalis ang mga hibla na buhok na napunta sa mukha ni Samarra.
Tumabi si Zachary at ipinaunan niya ang braso sa ulo ni Samarra. Hinagkan niya ito sa noo, magkabilang mata, ilong at sa bibig. Padampi-dampi lang hanggang sa nararamdaman na niyang gumalaw na rin ang labi ni Samarra. Napangiti siya dahil alam niyang nagising ito.
"I'm sorry," ani ni Zachary sa pagitan ng halik niya kay Samarra.
Nakaramdam ng galit si Zachary sa sarili nang makita niyang namamaga ang mata ni Samarra habang nakatingin sa kaniya.
"I'm sorry," ulit niya.
Mataman na tiningnan ni Samarra ang asawa na walang sawang humihingi ng tawad sa kaniya. Tumango lang siya at sumiksik sa dibdib ni Zachary, ayaw na niyang magsalita ng kahit na ano, ang importante humingi na ito ng tawad sa kaniya.
"I'm sorry, Ara; I didn't mean it." Agad na tumango si Samarra at mas ibinaon ang mukha sa dibdib ni Zachary, totoong masama pa loob niya pero hindi rin naman maganda kung makikipagmatigasan siya.
"Ara, look at me, please." Hinawakan ni Zachary ang kaniyang baba para magpantay ang kanilang tingin. Kaya walang nagawa si Samarra kundi ang tingnan si Zachary.
Napapikit siyang muli nang hinagkan nito ang magkabila niyang mata, tila bang tinutunaw ng halik nito ang inis at tampo na nararamdaman niya kanina.
"Ara, again, I'm sorry."
Tiningnan ni Samarra ang sinserong mata ni Zachary na nakatingin sa kaniya. Tumango siya at siya na nagkusang humalik sa labi nito, kita niya kung papaano natigilan si Zachary tila bang hindi makapaniwala sa ginawa niya. Napangiti ito at mabilis na tinugon ang kaniyang halik.