Kabanata 1
@}~;—-
Kaya pala cold treatment kay Harvey Castillo... "Lenne Madrigal, spotted na may kayakap sa nasabing museo!"
Tinupi at inihagis ko sa side table ang newspaper. Kasalukuyan akong nasa veranda; nag-uubos ng oras.
Boring!
Three articles digging about my private life and public events of the awards nights. So far, puro positive naman. I just need to explain kung sino daw kuno ang kayakap ko. Paano ko ba sasabihin na contractual boyfriend ko 'yun?
Oh Macchi, my stress reliever! No pets allowed, pero dahil celebrity; Pagbigyan. Hinuli ko siya at kinandong sa akin.
At my peripheral vision, I noticed my mobile screen. Another random numbers registered. It reads;" Hi Lenne! I'm Benedic Vargas and I'm applying for Contractual Relationship. Please reply asap. I want to call and talk to you... chuchu. Nope."
Nagbasa ako ng panibago; "Next! Good morning Lenne! Are you open to contractual relationship? 'Cause I'm open to you. Only to you." Macchi barks sa aking pagtawa.
Another; "Gud am, sw8hart. I heard n tpos n kyo ni Jason. I am w8ng 4 ur reply ;) "
I stopped when I got tired of reading boring pick-up lines, deleted.
For now, I'm just waiting kay Aunticle dahil ngayon niya bibigay sa 'kin 'yung mga fake documents ko.
"Mmm..mhhm. A disguise.. or a spy.. oh so excited! I love playing a role what is it, what is it?" chanting repeatedly.
"Arf!"
"Hymm...hymmm" while checking my private mobile.
None.
Walang nakakaalala sa akin. Hmp.
Speaking of... bigla kong na-miss ang pinsan ko, Aunticle's daughter, Serenity. She's with my mom and new husband living at Florida.
And about Pau-pau who's not here—hindi kasi nakapagtapos ng high school kaya ngayon niya tatapusin.
It was a funny story of our first meeting. I was in a evacuation center, giving some relief goods sa mga nasalanta. Nang bigla siyang lumuhod sa harap ko at pinunasan ang suot kong white sneakers. Hindi ako agad nakapag-react. Like hello? Nasa public place ako!
So I applied thinking fast but slow to speak.
She's saying 'shoe cleaner' repeatedly, she needs money kasi binagyo sila.
Saka naawa rin ako sa sneakers ko, ayun nabahiran ng kiwi. Imbecile! Natawa nalang ako sa inis. Hayy, life is so colorful!
Oh? Finally! Aunticle's here na! "Aunticle? What happened? Para kang sumabak sa g'yera."
May kapit siyang cellphone. What is it now? Binaba ko ang maligalig na si Macchi. "Update?" I stood up. I saw some clothes na inihiga niya sa sofa still looking at his cellphone.
"May tv guesting ka." aniya.
"Live? When?"
"Mamayang alas-onse."
"Huh? Promotional Advertisement? Wala naman akong upcoming movie or teleserye ah?" Don't tell me nag-accept siya ng new project!
"Alam na nila ang pag alis mo, bruha." He led me to my dressing room. Still giving me instructions and brief summary about my interview later.
"Pinagkalat mo?" He ignored my question at pinasuot niya sa akin ang off-shoulder bow-knot blouse and high-waisted printed asymmetrical skirt matching yellow stiletto heels.
"Totoo bang pansamantala mong lilisanin ang showbiz?" Hindi, pansamantagal.
I gave her my sweetest smile, then tuck my hair to my ears. "Haha, yes. Hiatus muna sa showbiz and spend quality time with my family. Matagal na kami hindi nakakapag-bonding..."
"Sabagay, we just celebrated your over 10 years in showbiz. You need a break! Ohh, Ma-mimiss ka namin."
Dumaing ang audience.
I smiled, "Aw, mami-miss ko din kayo. Hahaha." I clapped one time, at hinanap ang camera. "I just want to take this opportunity to thank everyone, my fans who always there to support me. Especially to my family who's always there for me. Lastly to my haters, bashers, typing warriors babalik din agad ako! Hahaha. I love you with all my heart! Thank you everyone!" Then a tear fell to my eyes. This will be a very dramatic scripted farewell.
We talked about my past movie projects, snippet of my private life, my inspirations at hindi mawawala ang love life chismis! All of that shall fit for a 1-hour tv program.
A Staff of a tv-show lead me to my designated dressing room with bouquet in my arms. Nilapag ko 'yon sa table and look at my cellphone to read tweets.
Knock, knock.
Agad akong kumuha ng tissue. They saw me drying my tears as I open the door.
My fans. Akala mo namatayan lang. Hilarious.
"Ma-mimiss ka namin Ms. Lenne." with snots and wavering eyes at me. "Pa-picture po."
"Kelan ka babalik?" She hugged me, three to four. Hindi rin nagtagal nang may umawat na sa kanila.
Well, sorry nalang sila because, I don't feel the same way. I'm sorry! They're just random so paano ko sila mami-miss?
They gave me bunch of flowers, letters, and fan arts. Mabuti pa't ma-donate nalang 'to sa mga gumagamit ng panggatong?
Inaayos ni Pau-pau ang mga gamit at inaantay nalang namin si Aunticle, he said kasi na sabay na kaming bumaba eh. Pero wala pa siya! So we waited and entertained the fans.
Nakabalik na sa dressing room si Aunticle pero maraming kumakausap sa kanya bago pa kami tuluyang nakaalis.
Sa loob ng sasakyan...
"Lenne, remember the producer? He wants you to co-star with hollywood actor, sure ka ba na ayaw mo? Interesting ang role mo."
"Not interested." while playing a game app.
May mas exciting pa ba sa gagawin ko? Imagine a cool character with adventurous undercover!
Lenne Madrigal is signing off!
"Jackie Cuevas, nineteen, BS of Science in Architecture... What BS? As in Bed Scenes!?" Literal talagang nanlaki ang mata ko while I'm reading this-so-called my fake documents.
Aunticle throws me a pillow. and he missed! "Gaga! Talaga ngang dapat ka ng mag aral!"
I pouted, I know it's impossible na may bed scenes sa architecture! Why kasali naman ang bedroom sa interior? Haha
Anyway, what might this be naman? "House and Lot... What!? Sa province talaga!? Saan 'to?" Kaya nga maraming probinsyano ang pumupunta ng City A para mag aral tapos ako pupunta ng probinsya? Province C? I thought dito-dito lang ako.
"Oo, papatapon kita sa Province C. Wag ka ng mag alala sa requirements, makakapag aral ka na sa blissful, wonderful Monday mo!" Who art thou ang connection niya doon? At nakapasok ako agad? Well nevermind.
Agad ko siyang niyakap! "Thank you... Auncticle!"
Binuhat ko si Macchi at niyakap. "Kung pwede lang sana kitang isama." Ngumuso ako. Ang cute cute talaga niya!
"Tarika, at pumikit ka. Magsusuot ka ng prosthetic at make-up."
"Oh! Is it about my disguise!" Sunday morning na pala ngayon! Oh migas, bigas! Mamaya na ang punta ko sa kabilang buhay ko! My new life!
Habang nag me-make up siya sa akin at panay ang daldal niya. "Remember, you're not Lenne Madrigal na sikat na artista, na pinapantasya, sinasamba ng lahat. Ikaw na ngayon si Jackie Cuevas, isang simple at ordinaryong estudyante. Tadah!"
Dahan dahan kong inimulat ang mata ko. I blinked twice, jaw dropped. Oh migas!! Huhuhu~! "What did you do to me!!! This..." Kinapa ko ang impostor fake face ko. "This is NOT ME!!! THIS IS NIGHTMARE!" Hysterical ko.
"Ayan! Poof! 'Di ba sabi mo gusto mo maging simple lang—"
"But this is not SIMPLE!" Still can't believe! "L-look! Mukha bang simple 'to!? This is a construction face!! ARGH!! Baka mabalitaan mo nalang ako sa news na sinusunog na ko ng mga taga-baryo dahil sa itsura ko! Daig ko pa si kampanerang kuba!"
"Tumpak pamangkin! Kampanerang kuba. Hidden beauty 'di ba!? Anne Curtis ang peg?" Humagalpak siya ng tawa. NOOO!!! Sira ang image ko! I'm having a nightmare!
"I-I need to call Jenny. " My bestfriend.
Nanginginig kong hinawakan ang phone. Aunticle stopped me, "Nuh-uh! Sige kung makikita niya na ganyan ang itsura mo." Kinagat niya ang ibabang labi niya! Oh migas! Lalong ayoko! Tiyak na ipopost niya agad 'to sa instagram with caption Lenne Madrigal... No one will know who's behind this UGLY CREATURE!!! I can't believe this! Ni hindi nga nila ako ino-ffer na maging ugly sa TV!
But still—tinawagan ko pa rin siya. "Good morning, Menendez residence. Hello?"
"Can I speak to Jenny? Kaibigan niya, si Lenne..." Narinig ko muna ang mahinang tili niya bago ko narinig ang boses ni Jen.
"Oh?" Her usual tone. There she is!!!
I scream, "Jen! YOU-YOU... CAN'T BELIEVE—"
"A-ano!?" Sigaw niya rin pabalik. Nailayo ko 'yung phone sa ears ko. "Buntis ka?" dagdag niya. What the F-G-H-I-J-K!!!
Sira tuktok."Kasi 'di ba nga... aalis ako!" Gusto ko na namang maluha habang tinitignan ako ng witch sa mirror. Like the witch is cursing me.
"Oh?" Parang bored niyang sinabi.
"They surely won't recognize me..." Hinaluan ko ng tampo ang boses ko.
"Oh, shit that crap. Stop the drama. " She's said in a calm tone.
"Hindi ako umaarte!!" Sigaw ko over the phone. I want to show this to her, but—wag na nga lang! "Okay! Bye na nga!" Ako na ang unang nagbaba.
Ugh. There's kulugo... butas-butas na skin... ugh! Nakaka-gigil! I want it tusok-tusok! Dark skin, makapal na kilay, at wig na parang walis tambo sa tigas. Oh migas! Hindi niya pinalagpas pati black heads at pimples! 'Di ba masyadong oa!? Parang kelan lang endorser pa ko ng beauty products ah?
Ngumiti ako, ngipin ko nalang ang nagpapaganda sa akin huhu.
"Hep hep, Lenne!" Inikot niya ang inuupuan ko. "Pati pala yang teeth mo—"
"NOOOO!! Leave them alone!"
Humagalpak siya ng tawa. "Hindi naman natin bubunutin! Gagawin lang nating bugs bunny! 'Di ba favorite mo 'yun nung bata ka pa!?
"Y-yeah... but—" Hindi na ko naka angal kasi kinabitan na niya ko ng braces! Front teeth!!!
I don't know, kung matatawa o maaawa sa sarili ko. Why am I doing this anyway? Is this the only reason para magkaroon ng privacy!? Kung ganito ang looks ko surely definitely ma-bu-bully ako nito.
"Aunticle... baka pwede namang kahit nerd nalang. Ang OA masyado?" naiiyak kong sabi.
"Hay nako. Parang limot mo na ang martial arts. I-apply mo nung isang naging role mo sa Naked Hearts." Oh yeah, I played the role as a gangster leader who's seeking for revenge. For killing her parents and letting her blind. Interesting story indeed. Okay, for self-defense purposes lang naman eh. Hangga't maaari umiwas sa gulo. Sa itsura kong mukhang witch!
"Goodluck to me."
"Kung babawasan kasi nating 'yang prosthetic mo baka makilala ka nila. Wala akong choice."
"Hindi ba prank to?" huli kong pahabol.
May naganap na pictorial sa unit ko para sa I.D, 1x1 and 2x2 bahala na sila, basta wag nilang i-uupload! Mabuti ng napigilan ko ang sarili kong magpakita kay Jen. She seem busy, oh—yeah, pinayagan na pala siyang mag work sa company nila. Err, company. Same as Serenity, kaya she's with my parents. She doesn't like showbiz.
And we're ready to go! Pinasok ko sa bagpack ang brown envelop na naglalaman ng mga requirements ko.
For the last time, hinarap ako ni Aunticle. Giving me some advises. "Remember, si Jackie Cuevas ay: Mapagpasensya, Mabait, Mapagkumbaba, 'wag mayabang! And always be positive!"
"Why's that! Masyado siyang optimistic! I'm not her! I'm—"
"Oo nga! Pero ikaw na si Jackie Cuevas! Tandaan mo! 'Wag kang magmaganda dahil hindi ka maganda!" Humalakhak siya.
Sinamaan ko siya ng tingin, inaasar na niya ko kasi gan'to ang itsura ko ganun!?
"At wag na wag kang magtataray don! Talagang mabu-bully ka!" he added.
Napangiwi ako. "I doubt it." May gawin man ako o wala may mangbu-bully sa akin dahil sa itsura ko. Huhu.
"And lastly—" Seryoso niyang sabi. Ang dami naman niyang habilin! "Makipag kaibigan ka."
I heave a sigh. "Aunticle, ayaw kong makipag-plastikan—"
"Ang ibig kong sabihin makipag kaibigan, hindi makipag plastikan!" Inirapan niya ko.
"Ganoon na rin 'yon! And are you sure na may makikipagkaibigan sa itsura kong 'to?" Ipinalandakan ko talaga sa kanya ang pangbababoy niya sa akin!
Nagpaalam na ko kay Macchi, na tinakbuhan lang ako huhu. Isa pa 'tong si Pau-pau pinipigilan pang tumawa. "Sige! Tawa lang!" I hissed.
"Bye ateng! Ingat!" ani Pau-pau sa pagitan ng tawang wagas.
Nakasimangot ako all the way.
Maingat kaming lumabas sa condo. Humaharang sa mukha ko ang muffler habang naglalakad kami. Kinakabahan ako kasi baka may um-ambush sa amin. Huhu.
Finally, laking ginhawa nang makapasok na kami sa car. Suddenly, Aunticle handed me something...
My eyes widen, "3310?!" I can't help but raised my voice. Magbibigay lang ng phone 3310 pa? "Bakit pa natin pinapahirapan ang isa't isa. Endoser ako 'di ba?"
Nilabas ko ang ios phone(the private one) at pinakita sa kanya. "I don't need that crap. I have this."
"Naka save na dito ang number namin." Tukoy niya sa 3310. "Ito ang magiging phone mo, Sa akin na muna 'yang cellphone mo." He snatch away my cellphone! "And no tablets! Pagkamalan ka pang magnanakaw! Oh eto biogesic." Ouch ha.
> > >